You are on page 1of 3

Kabihasnan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Gitnang bahagi ng Lungsod ng New York, Estados Unidos. Isang katangian ng kabihasnan ang
pagkakaroon ng mga lungsod.
Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.[1] Naiisip
nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at
mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lmang ng isang tribo. Lampas
dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining,
arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan maipagtanggol
ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang
kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan
sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o
kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa
malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa
hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga
pangunahing mga elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang
bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang maunlad na sistema ng transportasyon, pagsusulat,
pamantayan ng pagsusukat, pati na pananalapi, pormal na sistema ng batas, magiting na estilo ng sining,
mabantayog na arkitektura, matematika, sopistikadong metalurhiya, at astronomiya.

Mga nilalaman [itago]


1

Etimolohiya

Mga kahulugan

Paglalarawan

Tingnan din

Mga sanggunian

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagmula ang salitang civilization sa Latin na civis na may ibig sabihing "isang taong naninirahan sa isang
bayan". Sa Tagalog, nagmula ang salitang kabihasnan sa salitang-ugat na "bihas" (skilled sa Ingles) na
kasingkahulugan ng "sanay" at "batak".

Mga kahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang unang ibig sabihin nito ay paninirahan sa isang lugar.Kadalasang ginagamit ang kabihasnan bilang
kasingkahulugan ng mas malawak na salitang "kultura" o "kalinangan", kapwa sa mga samahang tanyag

at pang-akademya.[2] Lumalahok ang bawat isang tao sa isang kalinangan, na may ibig sabihing "ang
mga sining, mga gawi, mga nakasanayan... mga paniniwala, mga pagpapahalaga, ugali, at nakagawiang
mga materyal na binubuo ng paraan ng pamumuhay ng mga tao".[3] Subalit, sa pinakamalawak nitong
kahulugan, isang mapaglarawang salita ang sibilisasyon para sa nakahinlog na masalimuot na kulturang
agrikultural at urbano. Maipagkakaiba ang kabihasnan mula sa iba pang mga kalinangan sa
pamamagitan ng kanilang mataas na kasalimuotang panglipunan at organisasyon, at sa pamamagitan ng
kanilang samu't saring mga gawaing pangkabuhayan at pangkalinangan.

Sa mas matanda ngunit palagi pa ring ginagamit na diwa, maaaring gamitin ang "kabihasnan" sa
pagtatakda rin ng pamayanan: sa mga kontekstong panglipunan, kung saan inaakalang mas nakaaangat
ang isang masalimuot at urbanong mga kultura mula sa iba pang mga "barbaro" o "primitibong" mga
kalinangan, ginagamit ang konsepto ng "sibilisasyon" bilang kasingkahulugan ng "kultural (at madalas na
etikal) na kaangatan ng ilang partikular na mga pangkat." Sa katulad na diwa, nangangahulugan ang
sibilisasyon bilang "kapinuhan ng kaisipan, mga gawi, o panlasa".[4] Malalim na nakaugat ang ganitong
masalig sa pamantayang diwa ng kabihasnan sa kaisipang nagbibigay ang urbanisadong mga kapaligiran
ng mas mataas na pamantayang pampamumuhay, na binubuo kapwa ng benepisyong pangnutrisyon at
taglay na kakayahan sa pagpapaunlad ng pag-iisip.

Sa kanyang aklat na The Philosophy of Civilization o "Ang Pilosopiya ng Kabihasnan", ibinalangkas ni


Albert Schweitzer, isang pangunahing pilosopo hinggil sa diwa ng kabihasnan, ang ideya na may
dalawang mga opinyon sa loob ng lipunan: isang tungkol sa sibilisasyon bilang isang purong materyal at
ang isa pa na ang sibilisasyon ay kapwa etikal at materyal. Sinabi niya ang pangkasalukuyang krisis ng
daigdig, noong 1923, ay dahil sa pagkawala ng pagsilang ng kabihasnan ng sangkatauhan. Sa akda ring
ito, binigyang kahulugan niya ang kabihasnan, na sinasabing:

Ito ang kabuoang bilang ng lahat ng pagsulong na gawa ng tao sa lahat ng saklaw ng galaw at mula sa
bawat pananaw habang ang nakatutulong ang progreso papunta sa maka-espiritung pagpeperpekto ng
mga indibiduwal bilang pagsulong sa lahat ng pagsulong.
Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]
Bagaman nagkakapatong-patong sa panahon at pook ang mga kabihasnan, karaniwan silang binibigyang
kahulugan kung saan natipon ang kanilang populasyon sa pinakamalaking bilang, o kung saan nakahimpil
ang kanilang pamahalaan noong nasa pinakakalakasan ang kanilang kapangyarihan. Halimbawa,
pinamahalaan ang Imperyong Romano mula sa Roma. Dating kumalat ang kanilang imperyo mula sa
mga hangganang Eskoses hanggang sa Hilagang Aprika at Silangang Mediteraneo. Nagkaroon sila ng
sariling wika, ang Latin, na naging mas ninanais na paraan ng pakikipag-ugnayan ng edukadong mga tao
hanggang sa matagal nang naglaho ang kanilang sibilisasyon. Sa ngayon, ginagamit pa rin ng mga
manananggol at mga politiko, mga manggagamot at mga siyentipiko, mga dalubhasa at iba pa ang Latin
sa kurso ng kanilang pang-araw-araw na mga gawain, bagaman namatay na ang sibilisasyon ng
sinaunang mga Romano mahigit na 1,500 mga taon na ang nakararaan. Sinasabing mahusay sa Latin si
William Shakespeare. Itinuturo pa rin ang Latin sa ilang mga paaralan. Hinahangaan pa rin natin at

ginagaya ang arkitekturang Romano, gumagamit tayo ng mga bilang na Romano upang bilangin ang ilang
mga bagay, gumagamit tayo ng mga pangalan ng mga Romanong diyos upang tandaan ang mga araw at
mga buwan ng ating mga kalendaryo, pinapangalanan natin ang mga konstelasyon sa kalangitan na ang
ginagamit ay ang mga pangalan ginamit ng mga Romano para sa mga ito, at naging huwaran ng ating
mga konstitusyon at mga istrukturang pampolitika ang kaparaan ng mga Romano, katulad ng Senado,
halalan, tribunal, katarungan, pagboto, senso, pati na ang salitang Konstitusyon, na mga salitang Latin,
na hindi nagbabago ang kahulugan sa loob ng libu-libong mga taon.

You might also like