You are on page 1of 1

Mga kahulugan

Ang unang ibig sabihin nito ay paninirahan sa isang lugar.Kadalasang ginagamit ang
kabihasnan bilang kasingkahulugan ng mas malawak na salitang "kultura" o "kalinangan",
kapwa sa mga samahang tanyag at pang-akademya.[2] Lumalahok ang bawat isang tao sa
isang kalinangan, na may ibig sabihing "ang mga sining, mga gawi, mga nakasanayan... mga
paniniwala, mga pagpapahalaga, ugali, at nakagawiang mga materyal na binubuo ng paraan
ng pamumuhay ng mga tao".[3] Subalit, sa pinakamalawak nitong kahulugan, isang
mapaglarawang salita ang sibilisasyon para sa nakahinlog na masalimuot na kulturang
agrikultural at urbano. Maipagkakaiba ang kabihasnan mula sa iba pang mga kalinangan sa
pamamagitan ng kanilang mataas na kasalimuotang panglipunan at organisasyon, at sa
pamamagitan ng kanilang samu't saring mga gawaing pangkabuhayan at pangkalinangan.

Sa mas matanda ngunit palagi pa ring ginagamit na diwa, maaaring gamitin ang "kabihasnan"
sa pagtatakda rin ng pamayanan: sa mga kontekstong panglipunan, kung saan inaakalang mas
nakaaangat ang isang masalimuot at urbanong mga kultura mula sa iba pang mga "barbaro" o
"primitibong" mga kalinangan, ginagamit ang konsepto ng "sibilisasyon" bilang
kasingkahulugan ng "kultural (at madalas na etikal) na kaangatan ng ilang partikular na mga
pangkat." Sa katulad na diwa, nangangahulugan ang sibilisasyon bilang "kapinuhan ng
kaisipan, mga gawi, o panlasa".[4] Malalim na nakaugat ang ganitong masalig sa pamantayang
diwa ng kabihasnan sa kaisipang nagbibigay ang urbanisadong mga kapaligiran ng mas
mataas na pamantayang pampamumuhay, na binubuo kapwa ng benepisyong pangnutrisyon
at taglay na kakayahan sa pagpapaunlad ng pag-iisip.

Sa kanyang aklat na The Philosophy of Civilization o "Ang Pilosopiya ng Kabihasnan",


ibinalangkas ni Albert Schweitzer, isang pangunahing pilosopo hinggil sa diwa ng
kabihasnan, ang ideya na may dalawang mga opinyon sa loob ng lipunan: isang tungkol sa
sibilisasyon bilang isang purong materyal at ang isa pa na ang sibilisasyon ay kapwa etikal at
materyal. Sinabi niya ang pangkasalukuyang krisis ng daigdig, noong 1923, ay dahil sa
pagkawala ng pagsilang ng kabihasnan ng sangkatauhan. Sa akda ring ito, binigyang
kahulugan niya ang kabihasnan, na sinasabing:

Ito ang kabuoang bilang ng lahat ng pagsulong na gawa ng tao sa lahat ng saklaw ng galaw at
mula sa bawat pananaw habang ang nakatutulong ang progreso papunta sa maka-espiritung
pagpeperpekto ng mga indibiduwal bilang pagsulong sa lahat ng pagsulong.

You might also like