You are on page 1of 21

GNED 14:

PANITIKANG
PANLIPUNAN
KABANATA 2: MGA PANANAW AT
TEORYANG PAMPANITIKAN

GNG. JENNIFER L. ERCE, LPT


Instruktor
Cavite State University
MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN
Kung paanong napapahusay ang pagtalakay at
pagpapalalim ang pagsusuri ng isang akdang
pampanitikan ay masasabing nakasalalay sa mga
pananaw at teoryang pampanitikan.
Ang pananaw ay tumutukoy sa paniniwala o
persepsyon ng isang indibidwal o isang pangkat.
Samantalang ang teorya ay tumutukoy sa simulain o
prinsipyo ng mga tiyak na kaisipang kailangan sa
paglikha ng malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay.
I Support this Opportunity for a better CvSU
MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

HUMANISMO
Maaaring ilapat ang humanismo sa maraming paniniwala,
pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-tugon sa kalagayan at karanasan ng
tao. Sa lawak ng mapaglalapatan ng humanismo, mapapangkat ito sa tatlo :
humanismo bilang klasismo, modernong humanismo at humanismong
umiinog sa tao.
Nagmula sa Latin ang salitang humanismo na nagpapahiwatig ng mga
“di siyentipikong” larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika,
pilosopiya, sining at iba pa. ayon sa ibang historyador, ang humanismo.
Malawak ngang masasabi ang tema ng humanismo. Sa katunayan ay
mayroon itong iba’t-ibang uri tulad ng literal humanism, secular humanism,
religious humanism at iba pa.
I Support this Opportunity for a better CvSU
MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

IMAHISMO
Sa mga unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumaganap
ang imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos
at Inglatera. Nagbibigay pansin sa hanay ng mga salita at
simbolismo ang nasabing kilusan.
Binibigyang diin ng imahismo ang pagpili ng tiyak na salita,
kalayaan sa pagpili ng mga paksa at mga paggamit ng mga
salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Karamihan sa mga
imahismo ng manunulat ay nagsusulat sa malayang berso kaysa
sa pormal na may sukat na paraan para magkaroon ng
istraktura ang tula.
I Support this Opportunity for a better CvSU
MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

ROMANTISISMO
Sumibol ang romantisismo noong huling bahagi ng siglo 1800 at
pagpasok ng siglo 1900. Ibinabandila ng Romantisismo ang
indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa
konserbatismo, ang inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa
katwiran at likas kaysa pagpipigil.
Ilan pang katangian ng romantisismo ay ang malalim na
pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan; ng pagpapalutang ng
damdamin kaysa isipan; ng pagkaabala sa mga henyo, bayani at
pambihirang katauhan; ng pagkahirati sa internal ng tunggalian; at ng
mahiwaga at kababalaghan.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

ROMANTISISMO
Ang terminong romantiko (“maromantiko”) ay unang lumitaw
noong ika-18 siglo na ang ibig sabihin ay nahahawig sa malapantasyang
katangian ng midyebal na romansa.
Ang panitikang ito ay nagbibigay-diin sa pleksibilidad ng
nilalaman, nanghihikayat sa pagbubo ng kumplikado at mabilis na
pangyayari sa mga kwento at pinapayagan ang [agsasanib ng iba’t-ibang
uri ng paksa (hal: trahedya at komedya, kapangitan at inspirasyunal) at
malayang istilo.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

ROMANTISISMO
Masasabing may dalawang uri ang romantisismo: ang tradisyunal
at ang rebolusyunaryo. Ang tradisyunal na romantisismo ay humihilig
sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at
tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at
pagkakristyano.
Ang rebolusyunaryong romantisismo naman ay bumabaling sa
pagtatatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan at
pagkamakasarili.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

EKSISTENSYALISMO
Ang terminong ito ay nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang
kongkretong buhay at pakikihamok ng indibidwal gayundin, ang usapin
ng indibidwal na kalayaan at pagpili.
Ang eksistensyalismo bilang isang pilosopikal na kilusan o
tendensiya ay nakaimpluwensya sa maraming mga manunulat noon ika-
19 at ika-20 siglo.
Ang kalayaang pumili at kasama ng komitment at responsibilidad.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

EKSISTENSYALISMO
Nakatuon ang eksistensyalismo sa interpretasyon ng buhay ng tao sa
mundo kasama ang mga problemang hatid nito. Sa pananaw na ito,
pinaniniwalaang:
1. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal. Ang tao ay
nabibigyang kahuluhgan dahil sila ay nabubuhay.

2. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema ng esksistens


mismo o ng isang pagiging nilalang. Ang tao ay hindi maiikahon at
hindi mahihimay ang pagkatao upang maunawaan.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

EKSISTENSYALISMO
3.Nagpapatuloy ang pagsusuring mayroong iba’t-ibang posibilidad.
Maaaring ito ay hindi nakatali sa pangangailangan lamang sapagkat
maraming maaaring posibilidad o mapagpipilian ang tao kung paano
siya mabubuhay.

4.Dahil sa mga posibilidad na ito, ang buhay ng tao ay itinatakda ng


kanyang mga desisyon. Ang mga desisyong ito ay nakaapekto sa
relasyon ng tao sa ibang nilalang.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

DEKONSTRUKSYON
Si Derrida Jacques (1930), isang pilosopong Pranses, ang siyang
pinagmulan ng pag-aaral ng dekonstruksyon. Ang pamamaraang ito ng
pagbabasa ay isang paghamon sa Kanluraning idea na ang teksto ay
hindi mababago at may nag-iisang kahulugan.
Ang dekonstruksyon ay nagpapakita ng maraming layer ng
kahulugan. Sa pagdedekonstrak ng gawwa ng isang iskolar, ipinakikita
na ang lenggwahe ay madalas na pabagu-bago. Ito’y isang paraan ng
pag aanalisa ng teksto base sa ideya na ang mambabasa at hindi ang
manunulat, ang sentral sa pagbibigay rito ng kahulugan.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

PEMINISMO
Ito ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa punto de vista o
pananaw ng isang peminista. Naniniwala ang mga peminista na ang
panitikan ay hindi nyutral o walang pagkiling kundi ito’y isang produkto
ng panlipunanat pangkulturang kalagayan.

Ang peminismong literaryong pag-aaral ay nakatuon kapwa sa


mga kababaihan bilang mambabasa at sa mga kababaihan bilang
manunulat.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

NATURALISMO
Ito ang teoryang nag uugnay ng syentipikong pamamaraan sa
pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng nilalang at
pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay
maaaring dumaan sa masusing pagsusuri. Hindi naniniwala ang mga
naturalismo sa mga bagay na supernatural.
Naging popular ang naturalismo noong dekada 1930 at 1940 sa
Estados Unidos dahil kina F.J.E. Woodbridge, Morris R. Cohen, John
Dewey, Ernest Nagel at Sidney Hook.
Sa larangan naman ng panitikan, layon ng naturalismo na ipakita
nang walang paghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
I Support this Opportunity for a better CvSU
MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

REALISMO
Ang realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan
ng sining noong siglo ng 1900. Layon nitong ipakita ang karanasan ng
tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan.

Unang ginamit ang terminong realismo noong 1826 sa Pransya


bilang paglalarawan ng doktrinang nakabatay sa makatotohanan at
wastong paglalarawan ng lipunan at buhay.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

REALISMO
May iba’t-ibang pangkat ng pagsusuring realismo sa panitikan.
- May pagtitimping inilalahad ng Pinong (gentle) Realismo ang
kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi nito ang anumang
pagmamalabis at kahindik-hindik.
- Ang Sentimental na Realismo ay mas optimistiko at inilagay ang pag-
asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang araw-araw na
suliranin.
- Inilalarawan ng Sikolohikal na Realismo ang internal na buhay o
motibo ng tao sa pagkilos.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

REALISMO
- Inilalarawan naman ng Kritikal na Realismo ang mga gawain ng isang
lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspetong may kapangitan
at palulupig nito.
- Ginagabayan ang Sosyalistang Realismo ng teoryang Marxismo sa
paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa
pagtatayo ng lipunang pinamumunuan ng mga uring anak-pawis.
- Pinagsasanib naman ng Mahiwagang (magic) Realismo ang pantasya
at katotohanan ng may kamalayan. Pinagsasama ang karunungan ng
mito at karunungang-bayan sa takbo ng kwento upang masalamin
ang mga katotohanang nagaganap sa lipunan.
I Support this Opportunity for a better CvSU
MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

MARXISMO
Isang lipon ng mmga doktinang pinaunlad nina Karl Marx at
Fredrich Engels noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Nagtataglay ito ng
tatlong batayang ideya: pilosopiya ng pagtingin sa tao, teroya ng
kasasysayan at pampulitika’t pang ekonomiyang programa.
Nagagamit ang Marxistang pananaw sa pagsusuri ng kalagayang
panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kwento. Bukod
dito, binibigyang pansin ng pananaw na ito ang mga umiiral na
tunggalian ng tauhan sa sarili nya, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa
kalikasan.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

PANANAW SOSYOLOHIKAL
Ang lapit sosyolohikal ay naangkop sa tradisyon at prestihiyo ng
dulaan sa Pilipinas. Sa sosyolohikal na pananaw mas malawak ang
perspektib na pagsusuri ng isang akda. Hindi lamang ang kasiningan at
angking katangian ng akda ang binubusisi kundi pati narin ang bahagi
ng lipunan kinabibilangan ng may akda na siyang nagluwal ng akdang
yaon.
Sa isang pagsusuring sosyolohikal, tinitignan ang kalagayan at
ugnayan ng mga panlipunang institusyon tulad ng pamahalaan,
simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa sitwasyon at oportunidad para
sa mga mamamayan nito.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

KLASISMO
Ang klasismo ay ang paggamit ng istilo o estetikong prinsipyo ng
mga griyego o Romanong klasikong arte at panitikan. Sa makabagong
panahon, tumutukoy rin ito sa paggamit sa mga prinsipyo sa musika.
Nagsimulang makilala at lumaganap sa Gresya bago pa man
isinilang si Kristo ang teoryang ito. Higit na nakilala dahil sa nakasentro
ito sa mga dulang itinanghal. Sa panahon ding ito umusbong ang iba’t-
ibang disiplina gaya ng kasaysayan, pilosopiya, tula at retorika.
Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista. Sila’y maingat sa
pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

KLASISMO
Ang mga akdang klasisko ay nagtataglay ng sumusunod na mga
katangian: pagakamalinaw, pagkamarangal, pagkapayak, pagkamatimpi,
pagkaobhetibo, pagkakasunod-sunod at pagkakaroon ng hangganan.
PORMALISMO
Nagbibigay pansin sa nayo ng panitikan ang mga pormalista.
Matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda ang tanging layunin ng
pagsusuring pormalistiko. Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang
nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.

I Support this Opportunity for a better CvSU


MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN

PORMALISMO
Ang teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang
pormalismo. Ang mga kailangang masuri ay ang tema ng akda,
sensibilidad ng mga ito at pag-uugnay ng mga salita, istrakturang wika,
metapora, imahen at iba pang elemento ng akda.

I Support this Opportunity for a better CvSU

You might also like