You are on page 1of 11

DAVAO CENTRAL COLLEGE,

INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

Pangalan: _________________________________ Oras: __________

Week 2

Yunit 1: Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan


Paksa: Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

Kahusayang Natatanaw:
1. Natutukoy ang mga dulog na ginagamit sa pag-aaral ng
panitikan
2. Nagagamit sa pagsusuri ang mga pangunahing katangian ng
bawat dulog
3. Nakapagsasaliksik ng mga pilosopo na nasa likod ng
bawat dulog na ginagamit sa pagsusuri ng pampanitikan

Paunang Pagtataya

Bumuo ng mga salitang maglalarawan o magpapaliwanag sa


salita PANITIKAN. Angkupan ang bawat titik ng pangungusap na
tutugon sa hinihingi ng gawain.

P Pagtanggal sa
A Ating
N Nasasakupan
I Ipaliwanag ng husto kung ano ang
T Tama sa mali at
I Isipin ang
K Karamihan kaysa sa ating sariling interest at
A Ayusin at mag intindihan lalo na sa
N Nakakaraming tao tungo sa kapayapaan

Pagpupuntos sa gawain:
Pamantayan Puntos Iskor
Kaangkupan ng pangungusap sa bawat titik 1 puntos sa bawat
titik
(9)
Kaisahan ng diwa ng mga pangungusap 3 puntos sa bawat
sa pagpapahayag pangungusap
(18)
Karagdagang puntos (bunos) 3
Kabuuang puntos 30

Daloy-Kaalaman

Bayograpikal

Kung may unang dapat mabatid ang isang mambabasa ng


panitikan, ito ang buhay ng may-akda. Hindi sapat na mabatid
ng mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat

1
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

ng may-akda, manapa’y higit na mahahalagang matuklasan at


maunawaan ang katauhan o personalidad nito. Napakahalaga ng
pagbabahagi ng kamalayan ng manunulat sa mga mambabasa upang
lalong matugunan ang maraming katanungang taglay ng isang
akda, na tanging ang may-akda lamang ang makasasagot.

Ang sabi nga nina Ramos at Mendiola (1994):

“Sa paggamit ng pantalambuhay na kritisismo,


matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensiyang
makatutulong sa sining ng manunulat – ang mga pilosopiyang
kaakbay sa kanyang panahon, ang mga aklat o mga akda na
kanyang binasa, ang iba pang tao na nagsilbing gabay o
nagmulat sa kanyang magsulat.”

Sa paggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang


bigyang-pansin ng mag-aaral o mananaliksik ang ilang
kondisyong nito:

Una, ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi


dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o
manunulat.

Ikalawa, ang pagpapasiya sa binasang akda ay hindi


kapintasan o kahinaan ng may akda.

Historikal

Ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspektong


magpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang
sitwasyong political na nakapaloob sa akda, at ang tradisyon
at kombensyong nagpapalutang sa akda. Napakahalagang
matuklasan sa dulog na ito ang pwersang pangkapaligiran at
panlipunan na may malaking impluwensiya sa buhay ng
manunulat.

Klasisismo

Naiiba, natatangi at may sariling pananaw sa daigdig at


sa sining ang dulog na klasismo. Umusbong at lumaganap sa
Grecia bago pa man isinilang si Kristo, higit na nakilala
ang dulog na ito dahil sa mga uri ng dulang itinatanghal sa
panahong iyon: trahedya at komedya. Nagsimula ring sumigla
ang kasaysayan, pilosopiya, tula at retorika. Nang sumapit
naman ang Gintong Panahon noong taong 80 B.C., nabigyan ng
mataas na pagpapahalaga ang panulaan na kinabibilangan ng
epiko, satiriko at mga tulang liriko at pastoral.

2
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

Pinaniniwalaan dulog na ito na dahil walang katapusan ang


diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig nitong makalaya sa
kinabibilangang daigdig. Ipinahahayag ng ato na kahit hindi
siya maihihiwalay sa daigdig nang walang pagbabagong
magaganap sa kanyang kalikasan.

Pinaniniwalaan ng dulog na klasismo na kahit ang diwa ng


tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu
ay dapat isabuhay at dakilain.

Sa paggamit ng wika, matipid sa salita ang klasismo.


Bukod sa maingat sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin,
hindi angkop sa mga klasista ang paggamit ng mga salitang
balbal o iyong mga nagpapahayag ng labis na emosyon.

Ang ilang sa mga katangian ng mga akdang klasiko ay ang


sumusunod: (1) pagkamalinaw, (2) pagkamarangal, (3)
pagkapayak, (4) pagkamatimpi, (5) pagkaobhetibo, (6)
pagkakasunod-dunod at (7) pagkakaroon ng hangganan.

Humanismo

Hanggang ngayon ay nagtataka ang ilan sa mga kritiko sa


pagkakasilang ng Renacimiento (Renaissance) o Muling
Pagsilang sa Italya dahil wala naman daw malaking
pagbabagong naganap kung ang pag-uusapan ay ang kabihasnan.
Ang tanging naganap ay ang pagsulpot ng bourgeois o ang
panggitnang uri ng sining.

Ang humanismo ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsilang.


Ang pokus sa dulog na ito ay ang tao, at ang taong
nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay
maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa
tao ay tinatawag naming humanism.

Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng


lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang maipagkaloob sa kanya
ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa
pagpapasya. Gaya ng ipinahayag ni Protagoras (Villafuerte,
1988):

“Ang panitikan ng mga humanista ay nakasulat sa wikang


angkiop sa akdang susulatin… Ito’y nagtataglay ng
magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaispan,
nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan.”

Romantisismo

3
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

Umusbong sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabing-walo


dantaon, na ipinalalagay ng maraming kritiko na kabaligtaran
ng klasismo. Ito’y itinuring ng isang kilusang sumabay sa
paglaganap ng agham at pilosopiya sa daigdig.

Dalawa ang uri ng romantisismo: romantisismong


tradisyunal at romantisismong rebolusyonaryo. Ang una’y di
dumadakila sa halagang pantao samantalang ang huli’y
lumulutang ang pagkamasariling karakter ng isang tauhan.

Romantiko ang itinawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga


akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo dahil ang mga
sanaysay, tula at maikling kuwento na naisulat nang panahon
iyon ay may pagka-romantiko ang paksa, tema at istilo.
Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na makatao,
demokratiko at patuloy sa pag-unlad.

Realismo

Katotohanan kaysa kagandahan. Ito ang ipinaglaban ng


dulog na realismo. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan
ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad.

Sa mga realista, higit nilang kinikilingan ang uri ng


paksa ng isang akda kaysa paraan ng paglalahad nito. Dahil
ditto, hindi katakataka kung ang maging paksa ng mga akdang
makatotohanan ay nakapokus sa paksang sosyo-politikal,
kalayaan at katarungan para sa mga naaapi. Hindi rin
katakata kung ang paksang malaganap sa mga akdang
nagpapakita ng realism ay nauukol sa kahirapan,
kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan
ng katarungan, prostitusyon atbp.

May mga simulain o prinsipyong nais ipahatid sa tao ng


mga realista.

1. Walang hangganan ang pagbabago.


2. Katotohanan ang una’t huling hantungan ninuman.
3. Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao sa realidad ng
lipunan.
4. Pagtatala ng iba’t ibang mukha ang buhay.

Formalismo

Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang


tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi
binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda,
hindi nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang mababanaag

4
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

na implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal at


ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda
ang pinakaubod ng pagdulog na ito.

Ang tunguhin ng dulog na ito ay matukoy ang (1)


nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian at (3) paraan ng
pagkakasulat ng akda.

Siko-Analitiko

May malaking impluwensiya ang pahayag ni Freud na


“tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan” sa
dulog siko-analitiko. Ang pahayag na ito ay may kinalaman sa
paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin ang
sarap ng buhay at nagkaroon lamang ng kaganapan ang
pagiging isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa mga
nagaganap sa kanyang buhay.

Eksistensyalismo

Sa huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon


sumilang ang dulog na eksistensyalismo. Ang ilang kritiko ay
nagpapalagay na isa lamang paniniwala ang dulog na ito.

Kalayaan at awtentiko ang tanging kinikilala ng dulog na


eksistensyalismo. Sa pananaw na ito, kitang kita ng tao ang
proseso ng pagiging tao upang mabuhay.

Walang tiyak na simulain ang eksistensyalismo.


Maihahambing ang dulog na ito sa romantisismo dahil sa
mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o
ekspresyon. Maihahambing din ito sa modernism dahil
nagpipilit itong magwasak o magpawalang-halaga sa
kasaysayan.

Feminismo

Ang paniniwala ng karamihan na ang panitikan ay nasa


kamay lamang ng mga lalaking manunulat. Bukod ditto, ang mga
babae sa panitikan ay inilalarawan ng ilang manunulat na
lalaki bilang mahina; marupok, tatanga-tanga, sunud-sunuran,
maramdamin, emosyonal, pantahanan, at masama. Kitang-kita sa
mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng
operasyon sa kababaihan.

Imahismo

Ito ang dulog na lumaganap sa mga panulaan sa Great


Britain at North America sa pagitan ng mga taong 1909 at

5
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

1918. Ayon kay T.E Hulme, ang tula ay kailangang magbawas ng


mga di kailangang mga salita at sa halip ay ilarawan ang
paksa o diwa ng tula sa pamamagitan ng mga imahen.
Layunin ng dulog imahismo na mailarawan nang ganap ang
isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang
makapamili ng mga larawang maikikintal sa isip ng nagbabasa.
Ang mga natural na bagay sa paligid ay siyang pinakamabisang
gamiting simbolo para sa dulog na ito.

Naturalismo

Halos nakakatulad din ito ng dulog realism sapagkat ang


dulog naturalism ay nakatuon sa mga bagay na may kaugnayan
sa likas na kapaligiran. Sa pamamagitan ng dulog na ito,
inilalahad ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa doktrina
o pilosopiya tungkol sa biyolohikal at sosyal na katangian
ng kapaligiran upan makapamili ng paraan ng pamumuhay ang
tao at magkaroon ng malayang pagpapasya.

Arketipal

Ibinatay ang dulog arketipal sa sikolohiya ni Carl jung


na nanniniwala na mayroong dalawang anta sang ating
kamalayan: ang personal na nagtatago ng mga alaala ng
nakaraang pangyayari sa buhay at ang arketipal na nag-iingat
naman ng mga pinagsama-samang alaala na nakapaloob sa mga
imahe at iba pang mga simbolismo. Kumukuha karaniwan ng mga
simbolismo o imahe sa mga kwentong hango sa mitolohiya,
epiko, o maging sa Bibliya.

Sa dulog na ito, sinusuri ang paggamit ng mga simbolismo


upang maipahayag ang mga kaisipan na may kaugnayan sa naging
karanasan ng mga tauhan sa isang akda. Karaniwan ng nababasa
natin ang mga kinakatawan ng mga simbolong tulad ng
kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo at iba pa.

Sosyolohikal

Binibigyang tuon sa pagsusuri ng dulog sosyolohikal ang


kalagayan ng mga panlipunang institusyon gaya ng pamahalaan,
pamilya, paaralan at iba pang mga nasasangkot sa lipunan.
Sinasaklaw ang internal at external na pagsusuri ng akdang
binabasa na may particular na katangiang humubog sa
pagkatao.

6
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

Aktibidad
Pamagat: Gawain 1
Mga Dapat Gawin:
Pag-aralan ang sinasabi ng mga grapiko sa ibaba. Bigyan
ng sarili mong konsepto at pagpapakahulugan ang
pagkakaugnayan ng mga elementong makikita rito.

Pansariling konsepto:ang panitikan ay binubuo ng relihiyon, pilosopiya,


kasaysayan, agham sikolohiya at sikolohiya. Ang bawat parte nito ay may kanya kanyang
ginagamoanan sa lipunan. Ang bawat isa ay mahalaga na mapag aaralan ng mga tao at
tukuyin ang mga posisyon nito sa bawat buhay ng tao

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

7
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
__________________________________________________

Pagkakaugnayan
Ang bawat isa nito ay may pagkakaugnayan sa bawat buhay ng tao. Lahat ng tao ay may
kanya kanyang taglay na nabibilang sa relihiyon pilosopiya kasaysayan agham at
sikolohiya.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
__________________________________________________

Pagpupuntos sa gawain:

Pamantayan Puntos Iskor


Kaisipan 15
Kaisahan o pagkakaugnay ng mga pahayag 10
Kabuuang anyo 10
Kabuuang puntos 35

Aktibidad
Pamagat: Gawain 2
Mga Dapat Gawin:
Itala sa isang talahanayan ang mga dulog na tinalakay sa
araling ito. Pagkatapos, sa tulong ng masusing pananaliksik,
sikaping makakuha ng tala hinggil sa mga philosophers na
naguna upang lalong mapaigting ang pagpapahalaga sa mga ito.

Dulog Philosophers Impormasyon


Klasismo pagkiling o pagtatangi na
batay sa kauriang
panlipunan
Biograpikal Villafuerte 1988 pormulasyon
ngpalilinawing mga
simulainng mga tiyak na
kaisipanupang makalikha
ngmalinaw at
sistematikongparaan ng
paglalarawan
opagpapaliwanag ukol
dito.

Formalismo pagbibigay pansin sa anyo


ng panitikan. Ang pisikal na
katangian ng akda ang
pinakaubod ng pagdulog
8
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

na ito.
Arketipal Carl jung Ang arketipo ay ang mga
simbolong imahen o motif
na paulit-ulit na makikitasa
mga akdang panitikan
(tauhan, uri ng kwento,
pangyayari, at iba pa.

Pagpupuntos sa gawain:
Pamantayan Puntos Iskor
Impormasyon 2 puntos sa bawat
isa (10)
Wastong pagpapahayag ng pangungusap 2 puntos sa bawat
isa (10)
Kabuuan 20%

Assessment (Summative)
Mga Dapat Gawin:
Matapos mong mapag-aralan at masagutan ang mga gawain sa
araling ito, marahil, handa ka nang magsuri ng isang
pelikula gamit ang angkop na dulog at nasasalamin ang isa sa
mga core values ng paaralan. Isulat ito sa loob ng kahon ang
inyong awtput.

Mula sa mga gawain sa ibaba, pumili ng isa sa kaya mong


isagawa.
1. Panoorin ang isang napapanahong pelikulang Filipino at
isang pelikulang English na may pagkakatulad ang paksa
subalit may pagkakaiba ang konteksto gamit ang dulog
arketipal.
2. Panoorin ang pelikulang Dekada 70. Suriin ito ayon sa
gamit ang dulog sosyolohikal.

Balangkas na dapat sundin sa pagsusuri ng papanooring


pelikula;

I. Pamagat ng Pelikula
II. Mga Tauhan
III. Paksa
IV. Buod ng Pelikula
V. Dulog: Pagpapaliwanag sa pagkakagamit ng dulog batay
sa mga katangian nito. Magbigay ng mga patunay
VI. Pansariling paninindigan sa kabuuan ng pelikula
VII. Mensahe

9
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

10
DAVAO CENTRAL COLLEGE,
INC.
Juan dela Cruz Street, Toril, Davao City
Accredited by Landline No. (082) 291 1882
ACSCU-ACI

Pamantayan Puntos Iskor


Kaisipan 15%
Kawastuhan ng pagpapahayag sa pagbubuod 15%
Kaangkupan ng ginamit na dulo 15%
Kabuuan ng pagsusuri 15%
Kabuuan 60%

Sanggunian:

S1: Ang Panitikang Pilipino

11

You might also like