Professional Documents
Culture Documents
MODYUL SA PANITIKAN
By:
PANITIKANG PANGREHIYON
Linang Kasanayan
1. Nakilala ang panitikan ng ibat-ibang rehiyon.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng mga panitikang likhang mga manunulat sa ibat ibang
rehiyon ng bansa.
3. Nababatid ang mga sangkap na taglay ng mga panitikang pangrehiyon.
4. Nakasusulat ng repleksyon hinggil sa isa sa mga piling panitikang pangrehiyon.
5. Nakapananaliksik ng iba pang mga akdang pampanitikan mula sa iba pang rehiyon sa
bansa.
Pukaw Kamalayan
Maramingpatunay na ang Panitikang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila ay
mayaman na bagamat ang mga ibat-ibang anoyo nito’y nasa ibat ibang wika. Karamihan nito’y
salimbibig o mga akdang tradisyunal. Salitang nagmula sa salitang trader sa Latin, na ang ibig
sabihi’y paglilipat o pagsasalin mula sa matanda patungo sa bago.
Sa mga panitikang salindila , ilan dito’y nasa anyong pasalaysay kabilang ditto ang epiko,
alamat, kwentong bayan. Sa mga akdang di pasalaysay ang tulang bayan ay itinuturing na
pinakamahalagang at sinabing pianag-ugatan ng mga sawikain at bugtong.
Minarapat na ang mga ibat-ibang halimbawang mga akda mula sa ibat-ibang rehiyon ay
bigyang halaga hindi upang pawalang halaga ang wikang rehiyunal kundi maging tulay sa pag
unawa at pagpapahalaga sa masining na akda ng rehiyonal na nalikha na noon pa man.
Inaasahan din na sa pag aaral nito’y magkakaroon ng malawak na saklaw ang pagsusuri sa
Panitikang Pilipino.
Halina’t ating basahin at pagkatapos ay suriin ang mga tungkulin ng ibat ibang anyo ng
panitikan sa nagbabagong lipunan at bigyang linaw ang posisyon ng manunulat sa kani-kanilang
rehiyon .
1. REHIYON I- Mga Lalawigang bumubuo
1. Ilocos Norte 2. Ilocos Sur
3. La Union 4. Pangasinan
Iba ang tatak ng mga Ilokano kung ambag sa literatura ng Pilipinas ang pag
uusapan.Tulad ng anyo ng mga literatura sa bansa ang mga ilokano ay mga sariling bersyon ng
epiko, kantahing bayan, bugtong, kasabihan na pasulat o pasalita ang anyo. Sumalungat sa
maraming pagbabago ang literaturang Ilokano kung kaya hindi katakataka na ito’y umunlad sa
ibat-ibang paraan. Nabahiran din ito ng mga temang pangrelihiyon sa pananakop ng Kastila.
Itinaghal noong ika 19 na siglo ang komedya o moro-moro sa Ilocos. Nakalikha rin sila ng
maikling kwento na itinurig na imitasyon sa mga kwentong Amerikano. Karaniwang paksang
tinalakay sa mga kwento ay giyera, mga aktibidad ng gerilya, karahasan at kamatayan.
Mga Kilalang Manunulat :
1. Leona Florentino 6. Severino Montano
2. Leon Pitchay 7. Andres `Cristobal Cruz
3. Jose Bragado 8. Isabelo delos Reyes
4. Pedro Bucaneg
5. Carlos Bulosan
Kasabihan (Pangasinan)
Agnabirbir so tuo Hindi nakikilala ang tao
Ed dakep na kawes to Sa kapal ng kanyang suot
6. REHIYON – V (Bicol )
Mga Lalawigang Bumubuo:
1. Albay 4. Sorsogon
2. Camarines Sur 5. Masbate
3. Camarines Norte 6. Catanduanes
Mga Kilalang Manunulat
1. Merlinda Bobis 4. Ricardo Demetillo
2. Graciano Lopez Jaena 5. Agustin Misola
3. Angela Manalang Gloria 6. Abdon Balde
Ang Bugtong
Ang bugtong ay tinatawag na patotodon sa Bikol. Sinasabing binubuo ang patotodon
(bugtong) ng isang tiyak na paglalarawang metaporikal na siyang makikita sa unang taludturan
habang sa iklawang taludturan makikita ang bahaging sumasalungat.
Mga Halimbawa:
An magurang dai naghihiro Gumagalaw ang ina
An aki nagkakamag Gumagapang ang anak
Simbag: Kalabasa Sagot: Kalabasa
Bugtong (Pangasinan)
Hindi Tao, hindi hayop
Kumakain nang marami (hndi)
Walang panlasa
Sagot: Lagari
Ang Kawikaan
Ang kawikaan sa Bikol ay tinatawag na kasabihan, arawiga o sasabihan. Ang kasabihan
ng mga bikolano ay karaniwang kakikitaan ng himig- pagpapahalaga sa dangal at
pagpapakumbaba. Malimit na nakatuon ang kawikaan ng arawiga sasabihan o kasabihabn sa
bikol ukol sa kalagayan ng tao, paggamit ng mga imahen sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
nilalaman mula sa kalikasan gaya ng hayop, halaman at bahagi ng katawan ng tao.
Mga Halimbawa
Kona no an mawot Anuman ang piliin mo
Iyo an inabot makukuha mo
Kawikaan (Iloko)
Ti nakersang a dakulap Ang magaspang na kamay
Isu’t dalan ti pirak ay daan ng pilak
Kwentong Bayan
Nangunguna ang Kwento ni Juan Osong sa Bikol kapag kwentong bayan ang pinag-
uusapan. Ang “ Kwentong ni Juan Osong” ang katapat ng kwentong bayan na “ Juan Tamad” Sa
katagalugan , sinasabing naisalasay sa limampung iba’t ibang bersyon ang kwentong ito. Basahin
ang isa sa mga bersyon ito.
PAGSUSULIT
Pangalan:___________________________ Petsa:___________________
Kurso at Seksyon:___________________ Guro:___________________
Sagutin ang mga tanong
3. Sino ang sinasagisag ni Inang Bayan? Taga ilog, BagongSibol? Kalayaan? Mula
sa sarswelang Kahapon, Ngayon at Bukas
12. Ano ang iyong nalaman batay sa mga rehiyon na kinabibilangan ng magigiting
na manunulat? Pumili ng limang manunulat.
13. Anu-anong nagging katangian ng mga may akda sa ibat-ibang rehiyon upang
sila ay makilala sa taglay nilang katangian sa larangan ng paglikha ng ibat-ibang
uri ng panitikan?
14. Kung ikaw ay isang manunulat anong uri ng panitikan sa iyong palagay na
magbibigay sa iyo upang ikaw ay makilala.