You are on page 1of 3

1.

Iguhit ang bahaging ito:


“Inimbita ng daga ang iba’t-ibang hayop kagaya ng putyukan, tamaing,
langgam, lapinig, linta, alupihan at ahas at sinabi niyang magtipun-tipon sila
sa bahay ng matanda sa gabi. Pagdating ng mga insekto, nilusob nila ang
matanda. Nagtago siya sa kulambo ngunit kinagat siya ng mga linta,
langgam at alupihan. Tumakbo siya sa hagdanan at dito, kinagat siya ng ahas.
Sa wakas, namatay ang matanda.”

2. Bakit hindi dapat na magtiwala sa kung kani-kanino lamang?

 Hindi dapat na magtiwala sa kung kani-kanino lamang dahil maaari tayong


malinlang at masaktan kung magtitiwala tayo kaagad ng hindi natin lubusang
kilala ang isang tao. Mas mabuting kilalanin muna ang taong hihingan ng tulong.

3. Ano ang sinasagisag ng daga at palaka sa mitong ito?

 Ang sinasagisag ng daga at palaka sa mitong ito ay ang pagiging matalik na


kaibigan para sa isa’t-isa.

4. Paano napatunayan ng daga na siya’y isang tunay na kaibigan?

 Napatunayan ng daga na siya’y isang tunay na kaibigan ng palaka ay sa


pamamagitan ng pagkarga nito sa palaka upang maidala niya ito sa isang
manggagamot at ang pagbalik niya kinaumagahan upang alamin ang kalagayan
ng kanyang mahal na kaibigan.

5. Nararapat ba ang naging wakas ng matandang babae bilang parusa sa


ginawa nito sa palaka?

 Sa tingin ko naman ay nararapat lamang ang naging wakas ng matandang babae


bilang parusa sa ginawa nito sa palaka dahil buhay ang kanyang kinuha kaya
nararapat lamang na buhay rin ang maging kapalit.

1. Anong ugali ng lobo at bayawak ang dapat tularan at itakwil? Bakit?

 Ang ugali ng lobo at bayawak na dapat tularan ay ang pagiging mapamaraan


upang may makain at ang ugali nilang dapat itakwil ay ang pagiging
mapagmalamang, ang pagiging mapagmalamang ay masama dahil nakakasakit
ka sa iyong kapwa.

2. May iba pa kayang plano ang lobo bukod sa simpleng paligsahan na


kanyang sinabi sa bayawak? Pagtalunan.

 Sa tingin ko ay wala ng iba pang plano ang lobo bukod sa simpleng paligsahan na
kanyang sinabi sa bayawak kundi ang plano lamang niya na angkinin ng buo ang
pagkain ng bahay pukyutan.
3. Anong kultura ng Pilipino ang masisinag sa bahaging ito:
“Umakyat ang bayawak ngunit napakatagal bago niya inihulog ang sobrang
pukyutang kinain niya.”

 Ang kultura ng Pilipino na masisinag sa bahaging iyan ay ang hindi pagkapantay-


pantay sa pagbabahagi ng parte sa kabuuan ng isang bagay tulad na lamang sa
nangyari sa pabulang nabanggit.

4. Ano ang pinatunayan ng bayawak sa bahaging ito’


“Ngunit bago niya ginawa ito, pinalaki muna niya ang kanyang buntot at
ipinasok sa puwet ng lobo. Sumigaw ang lobo at tumakbo. Kaya nagwagi ang
bayawak at kinain niya nag bahay-pukyutan.”

 Pinatunayan ng bayawak sa bahaging iyan, ay ang pagiging tuso niya sa kanyang


katunggali upang maangkin ng buo ang pagkain ng bahay-pukyutan.

1. Anong kultura ng Rehiyon 10 ang masasalamin sa dalawang halimbawa ng


alamat?
 Ang kultura ng Rehiyon 10 na masasalamin sa dalawang halimbawa ng alamat ay
ang pagpapahalaga at pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya at ang dapat
na pagsunod sa anumang sinasabi ng mas nakakaalam.

2. Maituturing bang sawimpalad si Magdalamu? Bakit?


 Sa tingin ko ay hindi naman maituturing na sawimpalad si Magdalamu sapagkat
sa kalaunan ay kinagiliwan siya ng mga tao dahil sa tabakong kanyang hatid.

3. Natupad ba ng sinabi ni Magbabaya na si Magdalamu’y iibigin at kagigiliwan


ng mga lalaki? Paano?

 Oo, natupad ang sinabi ni Magbabaya na si Magdalamu’y iibigin at kagigiliwan ng


mga lalaki sa pamamagitan ng mga tumubong halaman sa kanyang puntod at
ito’y iniuwi ni Magdalamu at ito’y kinagiliwan ng mga kalalakihan maging bata
man o matanda.

4. Sino ang sinasagisag ng aso sa “Alamat ng Panimaloy”?

 Ang sinasagisag ng aso sa “Alamat ng Panimaloy” ay ang ating mga magulang 0


ang mga taong mas nakakaalam kaysa sa atin na siyang nagbibigay paalala upang
hindi tayo mapahamak.

1. Bakit naparusahan si Ango?

 Naparusahan si Ango dahil sinigawan niya ang mga palakang nagiingay sa tabi
ng ilog at marahil ay nabulabog ang mga engkantadong naninirahan roon.

2. Nararapat bang madamay ang kanyang pamilya sa parusang iginawad sa


kanya? Bakit?

 Sa tingin ko ay hindi nararapat na madamay ang kanyang pamilya sa parusang


iginawad sa kanya dahil si Ango lamang ang nagkasala sa engkanto.

3. Paglapastangan ba sa pinaniniwalaang nilalang sa paligid ang ginawa ni


Ango? Ano ang mas malalim na implikasyon sa naging wakas nina Ango sa
buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan?

 Oo, paglalapastangan sa paniniwalang nilalang sa paligid ang ginawa ni Ango at


ang mas malalim na implikasyon sa naging wakas nina Ango sa buhay ng mga
Pilipino sa kasalukuyan ay ang hindi pagrespeto sa ibang nilalang na naninirahan
sa mga ibang lugar tulad ng mga kabundukan, ilog at iba pa.
1. Ano ang sinasagisag ni Pilandok at ni Somusum sa Alongan?

 Ang sinasagisag ni Pilandok at ni Somusum sa Alongan ay ang mga pulitiko na


pagiging tuso sa isa’t-isa ng dahil lamang sa nais nilang matamo ang kanilang
ninanais.

2. Anu-ano ang bentahe o disbentahe ng pagkakaroon ng katangiang gaya ng


kay Pilandok at ni Somusum? Patunayan.

 Ang bentahe ng pagkakaroon ng katangiang gaya ng kay Pilandok at ni Somusum


ay ang pagiging mapamaraan upang makuha ang ninanais ngunit ang disbentahe
nito ay nakakasakit ito sa kapwa.

3. Tuso bang matatawag si Pilandok dahil sa nangyari? Bakit?

 Sa tingin ko ay matatawag na tuso si Pilandok dahil sa nangyari kay Somusum sa


Alongan dahil sa kanyang ginawa ay naglabasan ang mga pukyutan at
pinagkakagat si Somusum sa Alongan hanggang ito’y mawalan ng malay.

You might also like