You are on page 1of 2

KAY SELYA -ROMANTISISMO

Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?


ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

PUNO NG SALITA

Ang mga hayop pang dito’y gumagala,


karamiha’y s’yerpe’t basilisko’y madla
h’yena’t tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa

ANG PANIBUGHO

“O konde Adolfo’y inilipat mo man


sa akin ang hirap ng sansinukuban,
ang kabangisan mo’y pasasalamatan,
ang puso ni Laura’y kung hindi inagaw!”

ANG PAGDATING NI ALADIN SA GUBAT

Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,


sa puno ng isang kahoy ay umupo,
nagwikang “O palad” sabay ang pagtulo
sa mata ng luhang anaki’y palaso.

DUKE BRESEO: AMANG MAPAGMAHAL

“Walang ikalawang am aka sa lupa,


sa anak na kandong ng pag-aaruga;
sa munting hapis kong sumungaw sa mukha
sa habag mo’y agad nanalong ang luha.
O, LAURA

You might also like