You are on page 1of 11

N

i Amado Vera
Hernandez
Isang
Dipang
Langit
ni Amado V. Hernandez
Ako’y ipiniit ng
linsil na puno
Hangad
palibhasang diwa
ko’y piitin,
Katawang
marupok, aniya;y
pagsuko,
Damdami’y supil
na’t mithiin ay
supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
Bato,bakal,punlo,balasik ng bantay
Lubos na tiwalag sa buomg daigdig
At inaring kahit buhay man ay patay

Sa munting dungawan, tanging abot malas


Ay sandipang langit na puno ng luha
Maramot na birang na puso may sugat,
Watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod


Sa pintong may susi’y walang makalapit
Sigaw ng bilanggo sa katabing moog
Anaki;y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


Na kala kaladkad ng paang madugo
Ang buong magdamag ay kulambong luksa
Ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag
Kawil ng kadena ang kumakalanding
Sa maputlang araw saglit ibilad
Sanlibong aninong inil’wa ng dilim

Kung minsan ang gabi biglang magulantang


Sa hudyat may takas ! At asod ng punlo
Kung minsa’y tumatangis ang lumang
batingaw
Sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon


Bilangguang mandi’y libingan ng buhay
Sampu, dalawampu at lahat ng taon
Ng buong buhay ko’y dito mapipigtal
Ngunit yaring diwa’y walang takot – hirap
At batitis parin itong aking puso
Piitay bahagi ng pakikilamas
Mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t bathala ay di natutulog


At di habang araw ang api – ay api
Tanang paniniil ay may pagtutuos
Habang may may bastilya;y may bayang
gaganti.

At bukas , diyan din, aking matatanaw


Sa sandipang langit na wala ng luha
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay
Layang sasalubong ako sa paglaya.
Pagsusuring pang nilalaman

1. Sa inyong palagay bakit kaya napiit ang


nagsasalita sa tula?
2. Ilarawan ang bilanguan batay sa saknong 2– 8,
Ganito parin kaya ang mga bilangguan natin
ngayon?
3. Ano ang damdamin ng persona sa saknong 9 – 11 ?

4.May buhay pa nga kayang haharapinang mga


katulad niya paglabas ng bilangguan? Patunayan.
Tayutay / Talinhaga
-Ay ang sadyang paglihis sa pangkaraniwang pagpapakahulugan ng mga salita
upang magbigay kulay at mabisang kahulugan.

Uri ng tayutay / talinhaga

1. Pagtutulad (simile)

Ito ang tayutay na naghahambing sa dalawang tao, bagay, o


pangyayari satulong ng mga salitang nagtutulad, gaya ng
kapara/para, gaya, kawangis/wangis,paris,animo, tila ,
mistula at iba pa.

HALIMBAWA:
Parang bato sa tigas ng kanyang puso.
Sakong na wari’y kinuyom na rosas.
2. Pagwawangis (metapora) – Ito ay ang diretso o
tiyakang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
nang hindi na ginagamitan pa ng mga salitang
nagtutulad.

HALIMBAWA:
Ang buhay ay gulong: minsan nasa ibaba minsang nasa itaas.
3. Pagbibigay– katauhan (personipikasyon) – Ito;y
pagsasalin ng talino gawa o kilos ng tao sa karaniwang
bagay.

HALIMBAWA:
Kung minsay tumatangis ang lumang batingaw.
4. Pagmamalabis (hyperbole) - Dito’y lubhang
pinalalabis o sinusobrahan ang paglalarawan ng
kalagayan ng tao bagay , pangyayari at iba pa.

Halimbawa:
Sa maputlang araw saglit ibibilad.

5. Panawagan ( Apostropi) – Ito’y pakikipag-usap sa


karaniwang bagay o isang kaisiupan na parang
buhay na tao, o sa isang taong wala sa harapan
subalit parang kaharap at kinakausap.

HALIMBAWA:
O pag – ibig na makapangyarihan
Pag ikaw ang nasok sa puso nino man\
Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
WAKAS….
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG

Ihinanda ni :
Gng. Katrina D. Aquino -Alapre

You might also like