You are on page 1of 1

MYLO S. REDERA DR. TERESITS C.

ELAYBA
MAED/ FILIPINO PEBRERO 10, 2021

GAWAIN 4 FILIPINO 6

MGA TANONG:

1. Ano ang istilo o istratehiyang ginagamit mo sa pagtuturo ng Panitikan o Akdang


Pampanitikan?
Sabi nga bilang isang guro, mainam na gumamit ng iba’t ibang estratehiya upang mas
mawili ang mga mag-aaral sa asignatura at mas mahalin nila ang mga panitikang
mayroon tayo. Ilan sa mga estratehiya na ginagamit ko ay ang paglalagay ng mga laro
na may kinalaman sa aralin na tunay na makukuha mo ang interes nila. Mentimeter,
Kahoot, 4 pics one word, jumble words at marami pang iba. Nariyan din ang
paggamit ng mga dalumat, pagsusuri ng tula o mga akdang pampanitikan, paglikha
ng sarili nilang mga akdang pampanitikan.

2. Anu -ano ang iyong istilo upang ang iyong mag-aaral ay mahikayat sa paksa mula
sa mga makabago at makalumang panitikan?
MAKABAGO, tinitiyak ko na makakasabay sa uso ang mga mag-aaral kaya tinitiyak ko
na ang mga motibasyon na gagamitin ay napapanahon gaya ng minute to win it, put
your finger down at iba pa. Lahat ng ito ay may kaugnayan sa aralin bagama’t
napapanahon.

MAKALUMA, sinisiguro ko rin na bilang guro ang pagpapaunlad sa makrong


kasanayan ay di nawawala sa pagtalakay ng akdang pampanitikan, may pakikinig,
panood, pagbasa at pagsulat. Ito ay upang matiyak na ang mag-aaral ay natututo sa
iba’t ibang pamamaraan at kasanayan.

-Jonell John O. Espalto, MaEd

You might also like