You are on page 1of 35

TEORYANG REALISMO

CRUZADA, DAEP, GLOR, MABALE. URGELLES


Ang teoryang realismo ay
tumatalakay sa katotohanan sa
lipunan. Karaniwan nitong paksa
ang kalagayan na nangyayari sa
lipunan tulad ng kurapsyon,
katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon.
ang layunin ng panitikan ay ipakita 
ang mga karanasan at nasaksihan ng
may-akda sa kanyang lipunan sa
makatotohanang pamamaraan.
 ipinaglalaban ng teoryang realismo 
ang katotohanan kaysa kagandahan.
Ang realismong pampanitikan
ay kabilang sa realistang
pagkilos ng sining na
nagsimula noong kalagitnaan
ng ika-19 siglo ng panitikang
REALISMONG
Pranses, at panitikang Ruso PAMPANITIKAN
at umabot hanggang sa
hulihan ng ika-18 siglo
at simula ng ika-20 siglo.
Marie-Henri Beyle
Mas kilala bilang 'stendhal'

manunulat noong ika-19 siglo - kilala sa


kanyang mga nobela na "le rogue et le noir"
(ang pula at itim) at "la chartreuse de
parme" (the charterhouse of parma)
Gustave Flaubert
Sumulat ng Madame Bovary

maimpluwensyang nobelista ng kanyang


panahon - tinaguriang simbolo ng
realismong panitikan sa kanyang bansa
IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING
REALISMO SA PANITIKAN
PINONG (GENTLE) REALISMO
May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng 
bagay-bagay at iwinawaksi ang anumang 
pagmamalabis at kahindik– hindik

SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa
damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng
pang araw-araw na suliranin.
SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay 
o motibo ng tao sa pagkilos

KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang 
burgis upang maipamalas ang mga 
aspektong may kapangitan at panlulupig nito
SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad
ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago 
tungo sa pagtatayo ng mga lipunang 
pinamumunuan ng mga anak pawis

MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO


Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang
may kamalayan. Higit na mahalaga ang 
katotohanan kaysa kagandahan.
We Create Quality
Professional PPT

GABAY NA
Presentation

KATANUNGAN
1.Anong pangyayari sa akda/tula/kanta
ang nagpapakita ng layunin ng
teoryang realismo?

2.Saang parte ng akda/tula/kanta


matatagpuan ang pagpapahalaga sa
katotohanan kaysa sa kagandahan ng
buhay?
3. Sa makatotohanang pamamaraan,
ano ang karanasan at nasaksihan ng
may-akda sa kanyang lipunan?

4. Sa anong pangkat ng pagsusuring


realismo naaangkop ang nasabing
akda/tula/kanta, at bakit?

5. Paano masasabi na parte ng teoryang


realismo ang nasabing akda/tula/kanta?
MAIKLING KWENTO
AMBO
Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio.

Ito ay tumatalakay sa katiwalian 
na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming 
mamamayan. 
1. Anong pangyayari sa akda/tula/kanta ang
nagpapakita ng layunin ng teoryang realismo?
- Ang kawalang  pakialam ng mga opisyales na walang 
ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping 
nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais 
lamangay maibigay ang pangunahing pangangailangan
ng kanilang pamilya.

2. Saang parte ng akda/tula/kanta matatagpuan


ang pagpapahalaga sa katotohanan kaysa sa
kagandahan ng buhay?
- Noong nalaman ni ambo na milyon ang nagastos para
lamang sa handaan samantala limang buwan na
siyang nagtitiis ngunit hindi pa rin binibigay ang
kanyang sweldo
3. Sa makatotohanang pamamaraan, ano ang
karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang
lipunan?
- Mas pinahahalagahan ng mga matataas na tao ang
Kanilang pang sarili luho kaysa sa responsabilidad nila
sa mga tao.
4. Sa anong pangkat ng pagsusuring realismo
naaangkop ang nasabing akda/tula/kanta, at bakit?
- Ang maikling kwentong ambo ay kabilang sa
Sikolohikal na realismo dahil inilarawan ang buhay
Ng bida at nalaman ang motibo ng sa likod ng kanyang
Pamamaril na kanya ring ikinasawi.
5. Paano masasabi na parte ng teoryang realismo ang
nasabing akda/tula/kanta?
- Dahil makikita mo sa akdang ito ang masalimuot
Na nangyayari sa lipunan tulad ng kahirapan
TULA
ANG MGA CAZADORES
Ni ANDRES BONIFACIO
Sa mga babae na matatagpuan
Mga kasadores dito ay padala Mga unang bati’y ang gawang mahalay;
Sanhi raw ng gulo’y lilipulin nila Kamuntik man lamang di nagpipitagan
Ngunit hindi laban yaong kinikita Sa puring malinis na iniingatan.
Kundi ang mang-umit ng manok at
baka. At ang mga lakong kamatis at pakwan,
Milon, at iba pang pinamuhunanan
Yaong mga bayang sa tahimik kanlong Walang nalalabi sa pag-aagawan
Sa mga Kastila’y siyang hinahayon, Ng mga Kastila kung matatagpuan.
Ang bawat makita nilang malalamon
Pinag-aagawan dahilan sa gutom. Lahat ng makita nilang maggagatas
Agad haharangan, dada’nin sa bulas,
Buong kabahayan ay sinasaliksik, Tuloy lalaklakin ng mga dulingas
Pilak na makita sa bulsa ang silid; Anupa nga’t wala nang pinalalampas.
Gayon ang alahas at piniling damit
Katulad ay sisiw sa limbas dinagit. Ngalang “cazadores” hindi nararapat
Kundi “sacadores” ang ukol itawag;
Bakit sa tagaa’y malayo ang agwat
Mandi’y halataing matakaw at duwag.
KANTAHIN
Ayon sa Philippine Music Registry, ang
awit ay orihinal na isinulat ni Rom
Dongeto noong 1989 at kasama sa
TATSULOK album na Karapantang Pantao, isang
antolohiya ng mga kanta ng iba’t ibang
mga artista. Noong 1991,ang “Tatsulok”
ay naging carrier song ng pangalawang
album ni Buklod. Kalaunan, kinuha ito
muli ni Noel Cabangon nang lumipat
siya sa isag solo career, at pagkatapos
ay kinuha ng Bamboo, binigyan ito ng
isang bagong pag-upa sa buhay noong
2007, bilang bahagi ng album na We
Stand Alone Together.
Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka't humandusay dyan sa tabi
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Di matatapos itong gulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Di matatapos itong gulo
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
Di matatapos itong gulo
At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Di matatapos itong gulo
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
1. Anong pangyayari sa akda/tula/kanta ang
nagpapakita ng layunin ng teoryang realismo?
- Sa mga katagang "Hangga't marami ang lugmok sa
kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman"
Makikita natin ang nakapanlulumong katotohanan ng
mundo na kung saan mas pinapanigan ang mga
mayayaman kaysa sa mga mahihirap.

2. Saang parte ng akda/tula/kanta matatagpuan ang


pagpapahalaga sa katotohanan kaysa sa kagandahan ng
buhay?
- "Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di
matatapos itong gulo" Ito ang isa sa mga masaklap na
katotohanan sa ating lipunan. Ang mga mayayaman
lamang ang syang pinapanigan ng batas at ang mga
mahihirap ay pawang mga bilanggo sa kanilang sariling
bayan.
3. Sa makatotohanang pamamaraan, ano ang karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan?
- Nasaksihan ng may akda ang katotohanan ng ating
lipunan, na kung saan tila ang mga mayayaman ang
naghahari.

4. Sa anong pangkat ng pagsusuring realismo naaangkop


ang nasabing akda/tula/kanta, at bakit?
-Ang kantang 'Tatsulok' ay kabilang sa Sosyalistang
Realismo, dahil bukod sa pagpapakita ng pangit na
katotohanan ng lipunan, makikita din sa kanta na maaarong
magbago ang pamamalakad kung babaliktadin ang tatsulok
(ilalagay ang mga dukha sa itaas).

5. Paano masasabi na parte ng teoryang realismo ang


nasabing akda/tula/kanta?
- Dahil nagpapakita ito ng mga makatotohanan na
pangyayari sa lipunan at ang masalimuot na realidad nito.
Reference:
• https://www.coursehero.com/file/40686790/TEORYANG-
REALISMO-docx/

• donamaylimbo.wordpress.com/2015/03/10/ang-teoryang-realismo/

• http://sirbausblogroom.blogspot.com/2011/07/ambo-isang-
maikling-kuwento.html

• https:/www/bulatlat.com/2012/11/30/ang-mga-cazadores/

• https://www.onemusic.ph/news/sometimes-the-root-of-the-
problem-is-at-the-very-top-2252
Thank You
SECRET
DETECTIV
E
Ang teoryang realismo ay
tumatalakay sa
katotohanan sa lipunan
SIKOLOHIKAL NA
REALISMO
Inilalarawan ang interna
l na buhay o 
motibo ng tao sa pagkil
os
may anim na iba't
ibang pangkat ng
pagsusuring realismo
sa panitikan
si Marie-Henri Beyle ay
manunulat noong ika-19
siglo at kilala bilang
Stendhal
Ang tula na 'ang mga
cazadores' ay isinulat
ni Andres Bonifacio
Ang 'Ambo' ay isang
maikling kwento na
isinulat ni Wilfredo
Virtusio

You might also like