You are on page 1of 6

Integrated School

TOPIC GUIDE
FILIPINO 8
Academic Year 2013- 2014

Unang Traymestre

Salamin ng Kahapon…Bakasin Natin Ngayon

Aralin I – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo


Aralin 1.1. : a. Panitikan: Karunungang - bayan
Salawikain, Sawikain at Kasabihan)
b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing

Aralin 1..2 : a. Panitikan: Alamat


“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio

b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at


Panlunan

Aralin 1..3 : a. Panitikan: Epiko


“Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo
b. Wika: Pang-abay na Pamaraan

Aralin II - Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaῆol


Aralin .2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo
b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag

Aralin .2.2 : a. Panitikan: Tula


”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” UP 5
ni Andres Bonifacio

b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag


ng Emosyon o Damdamin

Aralin .2.3: a. Panitikan:Sanaysay


”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni
Dr. Jose P. Rizal
b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na
Kaisipan
Aralin III – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones
Aralin .3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku
b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa

Aralin .3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento


“Uhaw ang Tigang na Lupa”
ni Liwayway Arceo
b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

IKALAWANG TRAYMESTRE
Modyul 2: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin
Aralin I : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Aralin.2.1 a. Panitikan: Balagtasan
“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
ni Jose Corazon de Jesus

b. Wika: Opinyon o Katotohanan

Aralin .2.2: a. Panitikan: Sarsuwela


“Walang Sugat” ni Severino Reyes

b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri

Aralin II: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt


Aralin 2.2.1 a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati)
“Wikang Pambansa” ni Manuel L.
Quezon

b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag


Aralin 2..2.3 a. Panitikan: Maikling Kuwento
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes

b. Wika: Kayarian ng Pang-uri

Aralin III: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan

Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento


“Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”
ni Genoveva Edroza Matute

b. Wika: Aspekto ng Pandiwa


Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula
Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar

b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat

IKATLONG TRAYMESTRE
Modyul 3 : Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan/
Florante at Laura

Aralin I : A. Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular


a. Panitikan: Popular na Babasahin
Pahayagan (Tabloid)
Komiks
Magasin
b. Wika: Antas ng Wika
Pormal/ Di-pormal/ Balbal

Aralin 3.3.1: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago


at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

. a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo


b. Wika: Konsepto ng Pananaw

a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon


b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

Aralin 3.3.2: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong


Panlipunan
a.Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni
Brillante Mendoza
b.Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

Aralin II. Florante at Laura

Aralin 3.4.1 Si francisco Balagtas - Buhay at Pag-ibig


( Unang Yugto ng Florante at Laura – Kabanata 2- 14 )
( Ikalawang Yugto ng Florante at Laura – Kabanata 15 – 24 )
MODYUL 1 : SALAMIN NG KAHAPON
BAKASIN NATIN NGAYON

I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG


Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na
kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang
akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng
kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga
Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang
akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin
kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa
panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa
bawat panahon.

II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO


Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang
sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito.

Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo


Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan
(Salawikain, Sawikain at Kasabihan)

b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing

Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat


“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio

b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at


Panlunan

Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko


“Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo

b. Wika: Pang-abay na Pamaraan


Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaῆol
Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo
b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag
Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula
”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio

b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag


ng Emosyon o Damdamin

Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay


”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal

b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan


Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon
Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku
b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa
Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo

b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Aralin 1.1 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang
bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga
Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan
noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura
ng lahing ating pinagmulan;

Aralin 1.2 – Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan,


duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga
Espaᾔol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong
maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang
panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito;

Aralin 1.3 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at


maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon
upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang
ito sa ating bansa.

You might also like