You are on page 1of 27

K to 12 - Filipino Learners Module

1. i PAUNANG SALITA “Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan, sa lahat
ng aspeto ng buhay” Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at
pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa
makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay maipabatid sa karamihan, lalo’t higit
sa mga kabataan ang kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino. Alinsunod sa
pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay
sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at
makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa
modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na
edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang
henerasyon.

2. ii PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga manunulat ng mga akdang
ginamit sa modyul na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan
upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na
maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakailalan ng mag- aaral sa kaniyang
identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat. Abdon
M. Balde Jr. Hahamakin ang Lahat Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Brillantes Mendoza
“Manoro” ( Ang Guro ) Carlo J. Caparas Mga Klase ng Komiks Dionisio Salazar Sinag sa Karimlan Eros
Atalia Skyfakes Genoveva Edroza Matute Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata Gregorio G. Cruz Mga
Ginto sa Putikan Jess Torres Positibong Kasabihan Jose Corazon De Jesus Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan
Jose Rizal Ang Katamaran ng mga Pilipino Liwayway Arceo Uhaw ang Tigang na Lupa Manuel L. Quezon
Wikang Pambansa Mil Adonis Sa Gitna ng Dilim Narciso G. Reyes Lupang Tinubuan Severino Reyes
Walang Sugat mga may-akda

3. iii TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN


Modyul 1: Salamin ng Kahapon…Bakasin Natin Ngayon Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga
Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika:
Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b.
Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko “Tuwaang” – Epiko ng mga
Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espa ol Aralin
1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Aralin 1.2.2 : a.
Panitikan: Tula ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang
Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay ”Ang Katamaran ng mga
Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

4. iv Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b.
Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang
Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Modyul 2: Sandigan ng
Lahi…Ikarangal Natin Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan:
Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan
Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati)
“Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.2.2: a.
Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin
3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento “Ang Paglalayag
sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa

5. v Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at
Pagsalungat Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan Aralin 3.1:
Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na Babasahin •
Pahayagan (Tabloid) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal •
Di-pormal • Balbal Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang
Pilipino . a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo b. Wika: Konsepto ng Pananaw a. Panitikan:
Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3:
Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa
Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

6. 1 MODYMODYMODYMODYUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 :


SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPON BAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN
NGAYONBAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN NGAYON I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG
Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang
nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na
umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga
Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano
ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung
masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga
ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. II. ANG MGA ARALIN AT ANG
SAKLAW NITO Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na
aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin
1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng
Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay
na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo b. Wika:
Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espa ol Aralin 1.2.1 : a. Panitikan:
Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag

7. 2 Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga
Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay ”Ang Katamaran
ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 – Ang
Panitikan sa Panahon ng mga Hapon Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga
Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa”
ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay
inaasahang: Aralin 1.1 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at
epiko na lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan
noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan; Aralin 1.2 –
Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa
Panahon ng mga Espa ol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong maunawaan at mapahalagahan
ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 1.3 –
Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at maikling kuwento na umusbong sa
Panahon ng mga Hapon upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang ito sa ating
bansa.

8. 3 III. INAASAHANG MGA KASANAYAN Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa
pagtalakay mo sa modyul na ito. MODYUL 1 : Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon Mga
Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang
salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ diskursong pinakinggan Nakapaglalahad ng
sariling pananaw sa pagiging maka totohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong
bibigyang- diin o halaga sa napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin
ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari • masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari • mapatunayan ang kawastuan ng mga
impormasyon batay sa sariling karanasan Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang
panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • dalawang Uri ng
paghahambing • mga Pang-abay pamanahon panlunan pamaraan mga eupemistikong pahayag
matatalinghagang pahayag Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa
tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay • naglalarawan
Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin na may kaugnayan sa paksa
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na nagbibigay-pahiwatig

9. 4 Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito: •
karunungang-bayan • alamat • epiko • karagatan • duplo • tula • sanaysay • tula • maikling kuwento
Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag- uugali/katangian ng mga tauhan sa akda Napauunlad ang
kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga
ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran
ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang
maipahatid ang layunin na may akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga
akdang pampanitikan Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/teksto sa pamamagitan
ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa
mapanuring pagbasa ng akda/teksto • nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • nailalarawan sa
imaheng biswal ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akda/teksto

10. 5 Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng: • pagpili ng lohikal na wakas
• paggawa ng sariling wakas • pagbabago ng wakas Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na
masasalamin sa mga akdang pampanitikan Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye,
kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-
isip lamang Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/tekstong binasa at ng: • pamantayang
pansarili o sariling karanasan • pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang
iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • paghahawig o pagtutulad • depinisyon • pagsusuri
Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag •
anekdota • serye ng tanong Nakasusulat ng talata na : • binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan • nagpapakita ng bahagi
nito: simula gitna wakas Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresiyon sa
pamamagitan ng : • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon • pangunahing kaisipan

11. 6 • pantulong na kaisipan Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba’t ibang
pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa tulad ng : • depinisyon • paghahalimbawa •
pagsusuri • paghahawig o Pagtutulad • sanhi at bunga Tatas Naipapamalas ang mga natamong
kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunakatibo Nasusuri ang
mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan, o nabasang impormasyon (media literacy) Nagagamit
ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan, at
pagkakataon Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad
Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo At pagsagot ng
mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood, nabasa, o napakinggan Nagpapamalas ng
kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga gramatika /retorika at iba’t ibang uri ng pambansang
panitikang saklaw ng pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa
pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin Nagagamit ang angkop na estratehiya sa
pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng
kahirapan ng akda Pananaliksik Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang :

12. 7 • tuwiran • di-tuwiran Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang
pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na impormasyon sa
pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet
Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na impormasyon IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang
konseptuwal na balangkas ng mga aralin na iyong pag- aaralan. Salamin ng Kahapon… Bakasin natin
Ngayon Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo 1.1.1 Panitikan: Karunungang - bayan
(salawikain, sawikain at kasabihan) Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing 1.1.2 Panitikan: Alamat: “Mina
ng Ginto” - Alamat ng Baguio Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan 1.1.3 Panitikan: Epiko:
“Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon
ng mga Espa ol 1.2.1 Panitikan: Ang Karagatan at Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 1.2 .2
Panitikan: Tula: ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin 1.2. 3 Panitikan: Sanaysay: “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal
Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon
1.3.1 Panitikan: Tanaga at Haiku Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 1.3.2 Panitikan: Maikling
Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

13. 8 Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang mga kasanayang dapat na malinang sa iyo sa pag-aaral ng
modyul na ito. Gagabayan ka ng ilang paalaala sa mga dapat mong gawin. 1. Hanapin ang kahulugan ang
mga salitang hindi mo nauunawaan. 2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 3. Magsaliksik at itala ng
mahahalagang impormasyong kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 4. Alamin ang iba’t ibang
paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 5. Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na
angkop sa sitwasyon. V. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong
kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang. ____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko. Ano
ang epiko bilang akdang pampanitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao
sa araw- araw na pamumuhay b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na pumapaksa kung
paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa
pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang. d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala
tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa. ____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa
kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna sa pangyayari? a. makatotohanan c. posibleng maganap b.
kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala

14. 9 Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7. ____ 3. Ano ang
ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”?
a. pakikisama c. pagkakaisa b. pagtitiis d. pakikipagkapwa ____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime
kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay
mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-
aaral. Ano ang iyong gagawin? a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa
klase. b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral. c. Tutulungan
ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas. d. Magpapatala muna ng
attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban!
Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na
nagtawanan ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat
ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay- sabay na nagtawanan ang mga
kabataan.“ Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula
ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus
lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at
tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak
habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz. Halaw sa Alamat ng Bubuyog

15. 10 ____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong henerasyon
na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong
ibabahagi . Ano ang dapat mong gawin? a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga
karunungang-bayan ng ating panitikan. b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper . c. Magpagawa ng
fliptop sa mahusay bumuo nito . d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video . _____6. Namatay
siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang
mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya c.
namatay b. malayo d. pag-asam _____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman
pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan c.
pawisan b. nagsipagdalo d. nag-umpisa Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8-
10. 1809 Herrera st. Poblacion Lungsod ng Makati Ika- 7 ng Disyembre, 2012 Mahal kong Kaibigan,
Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang
pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking
pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba
ang pagdiriwang, mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo,
ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang akong mga mahal sa buhay.
Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon. Hanggang sa muli. Ang iyong kaibigan,
Noreen

16. 11 _____8. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang
ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking
pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng
dahlia c. nagpapakita ng paghahambing b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
_____9. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham? a. lugar c. paraan b. panahon d.
pagsang-ayon ____10.” Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong
tawagan ang aking mga mahal sa buhay .” Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan? a. Pasko c.
sa bahay b. b. mahal sa buhay d. tawagan -------11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa
singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat? a. duplo c. pamanhikan b. karagatan d. Huego de Prenda --
-----12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa
palad ng sinomang nahatulang parusahan? a. Balagtasan c. karagatan b. Batutian d. duplo ____13. Alin
sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag? a. sumakabilang buhay para sa
namatay b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa c. buto’t balat para sa payat d. papatay-patay
para sa hipong tulog

17. 12 _____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa
mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang
mahalagang paksa o isyu. a. tula c. dula b. sanaysay d. maikling kuwento ____ 15. Bakit mahalagang
maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay – suporta sa pangunahing ideya? a. nagbibigay ng tulong sa
pag-unawa sa mga halimbawa b. madalas na itinatanong sa pagsusulit c. nagbibigay- daan upang
matandaan ang mga detalye d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
____16. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula? a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig
na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5 b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon
na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-
2 o 2-8-2 d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
____17. Ano ang ikinaiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong
pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong _____18. Kailan masasabing ang isang pamilya
ay huwaran? a. may ina, ama, at mga anak b. may masaganang pamumuhay c. nakatira sa maayos na
bahay d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.

18. 13 _____19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya? a.
may kapanagutan sa anumang gawain b. magiging sikat na mamamayan. c. hindi masasangkot sa
anumang gulo sa pamayanan d. magkakaroon ng disiplinang pansarili _____20. “Ilang gabi nang ako ang
kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya,sa kanyang malungkot na
pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag? a. may problemang
hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. nararamdaman niya ang
suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa
pagwawasto upang iyong malaman kung alin sa mga aytem ang iyong nasagutan nang wasto at mali.
Huwag kang mabahala kung may mga naging sagot kang mali sapagkat gagabayan ka ng modyul na ito
upang maiwasto ang mga ito. VI. YUGTO NG PAGKATUTO ALAMINALAMINALAMINALAMIN Nais mo bang
mabatid ang pinagmulan at pinagdaanan ng panitikan ng ating lahi? Marahil ay nagtatanong ka kung
paano napanatili at napaunlad ang ating panitikan sa kabila ng pananakop ng iba’t ibang dayuhan sa
ating bayan. Sa modyul na ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na
umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga
Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano
ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung
masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga
ito at kung bakit naiiba ang

19. 14 paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Bago natin talakayin ang mga ito, alamin muna natin
kung ano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Simulan na natin. GAWAIN 1: LARAWAN NG
NAKALIPAS Suriin mo ang larawan upang iyong matukoy ang tatlong panahon na pinagdaanan ng ating
panitikan. Sa iyong palagay, ano ang naging papel ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa bawat
panahong nagdaan? Itala ang iyong sagot sa loob ng banner. Sagot: I. Panahon ng mga Katutubo
_______________________________________________
_________________________________________________ II. Panahon ng mga Español
_______________________________________________
_______________________________________________ III. Panahon ng mga Hapones
_________________________________________________
_________________________________________________

20. 15 Marahil ay nabuo na sa iyong isipan ang saklaw na mga aralin sa modyul na ito. Bago ka pumunta
sa susunod na gawain, nais ko munang malaman ang iyong pananaw tungkol sa panitikan. GAWAIN 2:
IPABATID SA BAWAT LETRA May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino?
Paano mo ito pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng
akrostik mula sa salitang panitikan. PPPP ---- AAAA ---- NNNN ---- IIII ---- TTTT ---- IIII ---- KKKK ---- A -
NNNN - Ang sagot mo sa mga naunang gawain ay makatutulong upang mapaunlad natin ang iyong
kaalaman sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahong sakop ng modyul na ito.
Iminumungkahi ko na sa sa pagtatapos ng pag-aaral mo ay balikan mong muli ang iyongsagot, nang sa
gayo’y maiwasto natin kung mayroon ka mang mga maling konsepto tungkol sa mga paksang
tatalakayin. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral. PAUNLARINPAUNLARINPAUNLARINPAUNLARIN Sa
bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na
lumaganap sa tatlong panahon na binanggit ko na sa panimula pa lamang. Sa pamamagitan ng mga
gawain na nakahanay sa bawat aralin, mauunawaan natin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na
lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang
pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang
paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Pag-aaralan din natin ang ilang araling panggramatika tulad
ng Mga Uri ng Paghahambing, Pang-

21. 16 abay na Pamanahon, Panlunan at Pamaraan, Eupemistikong Pahayag, Pandiwang Nagpapahayag


ng Emosyon o Damdamin, at Pagtukoy ng Pangunahin at Pantulong na Kaisipan sa Isang Sanaysay. At
bilang patunay na naunawaan mo ang modyul na ito, makapagpapakita ka ng awtentikong pagkatuto na
iyong magagamit bilang isang responsableng mamamayan sa iyong bayang sinilangan. Simulan natin ang
pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 1.1 ng modyul
na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. ARALIN 1.1: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG
KATUTUBO I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay
magkaugnay? Sa iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong
sa panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating mga
ninuno ng kasalukuyang panahon? Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang niyang ganap ang
kaniyang sarili dahil sa kaniyang lumipas. Kung gayon, masasabi nating makatutulong para sa atin na
makilala ang ating lahing pinagmulan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na
malinaw na salamin ng ating kultura at kabihasnan . Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag- asa, hinaing, buhay, at hangarin ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan
ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan, gayundin upang maipagpatuloy ng
kasalukuyan ang pagpapanatili at pag- unlad ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa
susunod na henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay mauunawaan mo sa
pag-aaral ng araling ito. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa ilang
akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga
gawain na iyong maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura, tradisyon at
kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito.

22. 17 II. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas
kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. ARALIN 1.1 : PANAHON
NG KATUTUBO Aralin 1.1.1 a.Panitikan : Karunungang – bayan ( Salawikain , Sawikain, at Kasabihan )
b.Wika : Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 a. Panitikan : Alamat “ Mina ng Ginto” - Alamat ng
Baguio b. Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 a. Panitikan : Epiko “Tuwaang” -
Epiko ng mga Bagobo b.Wika : Pang-abay na Pamaraan III. Mga Inaasahang Kasanayan Narito ang mga
kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito. Aralin 1 Panahon ng
Katutubo Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang –kahulugan ang mga
makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto /diskursong pinakinggan
Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di- makatotohanan ng mga punto/
argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad
ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na
makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • dalawang uri ng paghahambing •
mga pang-abay na:

23. 18 pamanahon panlunan pamaraan Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran,
interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay •
naglalarawan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang karunungang-bayan, alamat at epiko batay sa mga
katangian nito Pagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/katangian mga tauhan sa akda Napauunlad
ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga
ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran
ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang
maipahatid ang layunin ng may akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga
akdang pampanitikan Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong
nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang Nakabubuo
ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/ tekstong binasa at ng:

24. 19 • pamantayang pansarili o sariling karanasan • pamantayang galling sa ibang tao o sa ibang
babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • paghahawig o pagtutulad •
depinisyon • pagsusuri Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang: •
kaakit-akit na pahayag • anekdota • serye ng tanong Nakasusulat ng talata na : • binubuo ng
magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o
kaisipan • nagpapakita ng bahagi nito: simula gitna wakas Nawawakasan ang talata nang may
pangkalahatang impresyon Sa pamamagitan ng : • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon Tatas
Naipapamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang
pangkomunikatibo Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang
impormasyon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at
pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood,nabasa, o napakinggan
Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga aralin sa gramatika /retorika at iba’t ibang
uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral Nababasa nang masinsinan
ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin

25. 20 IV.Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito upang maiplano
mo ang iyong mga gawain. Nananabik ka na ba sa gagawin mong pag-aaral? Marahil ay iniisip mo na ang
mga gawain na iyong isasakatuparan sa modyul na ito. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa
pamamagitan ng panimulang pagtataya na susubok sa iyong kaalaman sa mga araling pampanitikan at
panggramatika na saklaw ng kabuuan ng araling ito. Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral
Pananaliksik Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang : • tuwiran • di-tuwiran
Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t ibang pagkukunang sanggunian Nailalahad
nang maayos at mabisa ang nalikom na mga impormasyon sa pananaliksik Alamat EpikoKarunungang -
bayan ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO A. Panitikan -Salawikain -Sawikain -Kasabihan B.
Wika Dalawang Uri ng Paghahambing Paghambing A. Panitikan -Mina ng Ginto Alamat ng Baguio B. Wika
-Pang-abay ( Pamanahon at Panlunan ) A. Panitikan -Tuwaang Epiko ng mga Bagobo B. Wika -Pang-abay
na Pamaraan

26. 21 V. Panimulang Pagtataya A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: “Karunungang-


bayan… Salamin ng Pagka-Pilipino”. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo ng talata. Isulat sa
sagutang-papel. (10 puntos) RUBRIK PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1) Kaisahan
Tiyak ang pag- talakay sa paksa Hindi masyadong tiyak ang pag- talakay sa paksa Hindi natalakay nang
wasto ang paksa Kaugnayan Angkop ang pag- uugnay-ugnay ng mga pangungusap Hindi masyadong
angkop ang pag-uugnay- ugnay sa mga pangungusap Walang pag- uugnay-ugnay sa mga pangungusap
Kalinawan May pokus/ tuon sa ideyang nais ipa- batid Hindi masyadong nakapokus sa ideyang nais
ipabatid Walang pokus/tuon sa ideyang nais ipabatid B.Bumuo ng sariling wakas ng akdang “Ang Alamat
ng Kasoy”. Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan sa pagbuo. (10 puntos) MGA
PAMANTAYAN: Kaangkupan- Angkop ang wakas sa daloy ng naunang mga pangyayari. Kalinawan -
Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan ng mga pangyayari. Mensahe - Nakapagpabatid ng aral
na dapat matutuhan ng mambabasa.

27. 22 Ang Alamat ng Kasoy Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito.
Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang
malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada
ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang
kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot. "Mabuti pa sila, nakikita ang
masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang
katuwaan."Naulinigan ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto. "Gusto kong maging maligaya ka.
May kahilingan ka ba?" "Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa
ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa
pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada.
Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito." Naantig
ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang
iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy
ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Hatinggabi na nang iwasiwas na
muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na
ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot
at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga
kuweba.

28. 23 C. Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong.Isaalang-alang sa pagbubuod ang paggamit
ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan.Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang
papel. (10 puntos) HANDIONG Epiko ng Bicol Salin sa Tagalog ni (J. Arrogante) VIII Ang Kabikolan ay isang
lupain Patagang mayaman sa mga baybayin Sa buong daigdig pinakamarikit Sagana sa butil, aming
nakakamit. IX Si Baltog ang lalaking kauna-unahang Naninirahan sa dakilang patagan Nagmulang
Botavara, Lahing di- nakikita. X Nang ito’y kaniyang masukol, Sa sibat ito’y nasapol At sa brasong
Herkules sa lakas Ang panga ng hayop ay nangagkapilas. XI Bawat panga’y sukat Sa habang sandipa
Dalawang katlo ang mga pangil Nang tanganan ng kaniyang sibat. XII At siya’y umuwi sa kanilang lupain
Ang dalawang panga’y kaniyang binitin Sa puno ng isang talisay Sa Tondo, malapit sa bahay. Ang ginawa
mong pagsagot sa panimulang pagtataya ay makatutulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang
mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at panggramatika na nakapaloob sa kabuuan ng
Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo.

29. 24 VI.Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin


ang iyong kaalaman at kakayahan sa panitikan sa Panahon ng Katutubo. Batid ko na may ideya ka na sa
araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng
aralin. Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman. GAWAIN
1.1.1.a : TUGON SA PAGKATUTO Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer
pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong
kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di- sumasang-ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung
kailan mo sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA. ANTICIPATION-REACTION GUIDE Bago
Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang damdamin,
saloobin, kaugalian o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Sumasang-ayon Di-
sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Kailanman, hindi maaaring magka-ugnay ang
panitikan at kasaysayan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di -sumasang-ayon Ang
Pilipinas, bago pa man dumating ang mga Espa ol ay mayaman na sa panitikan. Sumasang-ayon Di-
sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating
pagkalahi. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Bago pa man
dumating ang mga Espa ol ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno. Sumasang-ayon Di-
sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang epiko, alamat, at mga karunungang-bayan ay
nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Espa ol. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon

30. 25 Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Napatunayan ng mga Espa ol na ang ating mga ninuno ay
hindi mahilig sa tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon
Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi sumasalamin sa panahon kung kailan isinulat.
Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Matapos mong masagutan ang ARG, nakatulong ba ito upang
malaman mo ang mga konsepto na saklaw ng araling iyong pag-aaralan ? GAWAIN 1.1.1.b : LIKAS-
KATUTUBO Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati mong kaalaman tungkol sa saligang
kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga ninunong nag-ambag sa ating panitikan. Isulat sa
loob ng kahon ang mga nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang Espa ol . Gawin
sa sagutang papel. Negrito Ma Malay Espa ol Arabe Amerikan o Indones Nakatutuwang isipin na nagawa
mong sagutin ang gawain. Ngayon, iyo namang alamin ang mga akdang pampanitikan na kanilang
inambag na

31. 26 naging tulay upang masilayan natin ang tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng lahi na ating
pinagmulan. GAWAIN 1.1.1.c : I-Q NEK Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga
akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng
mga ito hanggang marating niya ang aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart. Gawin sa papel.
Gayahin ang pormat. Matapos kong mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang ating pag-
aralan ang ilan sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. nobela maikling
kuwento Karagatan Pasyon awiting- bayan alamat Moro-moro korido Haiku tanaga mito epiko dula
Timpalak Palanca komiks magasin salawikain dulang panradyo blog duplo palaisipan kasabihan sawikain
Bugtong tulang dula pelikula dulang pantelebisyon Sarsuwela

32. 27 PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Sa bahaging ito ng aralin ay makikilala natin nang ganap


ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo tulad ng mga karunungang-bayan
( salawikain, sawikain/kawikaan , at kasabihan ), alamat at epiko. Nakikita at nasasalamin sa panitikan
ang kalinangan ng isang lahi. Nakikita sa mga nakasulat maging sa pasalitang panitikan ang kultura,
tradisyon, at mithiin ng isang bansa. Sa pamamagitan ng inilaang mga gawain sa bawat bahagi ay
masasagot mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa
Panahon ng Katutubo. Mapauunlad mo rin ang iyong mga kaalamang panggramatika. Mauunawaan mo
kung bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na gramatika/retorika sa mga araling pampanitikan.
Simulan natin ang iyong pag-aaral sa bahaging ito. Una nating tatalakayin ang tungkol sa mga
karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan gayundin, ang dalawang uri ng
paghahambing. Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang maisabuhay muli ang mga
karunungang-bayan na minana pa natin sa matandang panitikan at mailapat sa sariling pang-araw-araw
na pamumuhay. Ang ating mga karunungang-bayan bagamat payak ay mabuting hanguan ng
mahahalagang impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. Samakatuwid, hindi natin dapat
ipagwalang-bahala at ibaon sa limot ang mga karunungang-bayan ng ating panitikan. Tuklasin natin kung
bakit mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan
bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon. Subukin mo munang gawin ang gawain na nasa
loob ng kahon sa susunod na pahina sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa
sumusunod na pahayag. 1. Makikita sa mga karunungang-bayan ang kultura, tradisyon at kalagayang
panlipunan ng mga Pilipino sa panahong naisulat ito sapagkat
____________________________________________________
____________________________________________________ 2. Upang maging malinaw ang pag-
unawa sa salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan kailangang
____________________________________________________
____________________________________________________

33. 28 Bigyan mo ng pansin ang larawan. Napansin mo ba ang pagiging simple ng pamumuhay noon? Sa
iyong palagay, ano ang naging gabay at patnubay ng mga Pilipino noon sa ganitong klaseng
pamumuhay? Nakatulong kaya ang mga karunungang bayan? Kinuha sa : Tama! Payak ang pamumuhay
noon ng mga sinaunang Pilipino. Sa kabila ng pagiging payak ay nabuhay sila nang maligaya at payapa.
Pinaniniwalaang naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang mga karunungang-bayan. Sa bahaging
ito, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon ng Espa ol
ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating mga
ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng karunungang-bayan ay may
malaking impluwensiya sa mga Pilipino sa iba’t ibang panahon. Sa Aking Mga Kabata ni Jose P. Rizal
Kapagka ang baya'y sadyángumiibig Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring
masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga
kaharián, At ang isáng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaán. Ang hindi magmahal sa
kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa
ináng tunay na nagpalà. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,Sa Inglés, Kastilà at salitang
anghel,Sapagka't ang Poong maalam tumingín Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

34. 29 Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalá'y dinatnan ng
sigwâ Ang lunday sa lawà noóng dakong una GAWAIN 1.1.1.d : PAGLINANG SA TALASALITAAN Ibigay ang
kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa tula.Isulat sa
sagutang papel ang mga sagot. 1. 2. 2. 4. 5. Palawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin ang kakailanganing pag-unawa sa tulong ng mga
angkop na gawain na ibibigay ng modyul na ito. GAWAIN 1.1.1.e : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA
1.Suriin ang tula . Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal . Ilahad ang tiyak na kaisipan na nais
nitong ipabatid. Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat. naggawad kahulugan: _________
kabagay kahulugan: ____________ ____________________ maalam kahulugan:_______ __ sigwa
kahulugan:_______ __ lunday kahulugan:_____________ __________________ Sa Aking Mga Kabata
KASABIHAN _______________ _______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________ ________________ ________________
________________ ________________ ________________ ________________ ________________
________________ ________________ KAISIPAN

35. 30 3. Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang- bayan sa kaniyang tula ikaw bilang kabataan,
paano mo magagamit ang mga karunungang- bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno? Ang mga
gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay na ang kasabihan bilang karunungang- bayan ay
kinapapalooban ng mensahe na magagamit sa buhay. Gayundin naman ang iba pang karunungang-
bayan tulad ng salawikain at sawikain/ kawikaan. Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa
paksa, basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng kahon. ALAM MO BA
NA... KARUNUNGANG-BAYAN Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago
dumating ang mga Espa ol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan. Salawikain- Karaniwang
patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng
may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. Mga Halimbawa: ‘Pag ang tubig ay
magalaw Ang sakit ng kalingkingan Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan “A wattu langan a
kuruga mariga “Ing taung mapibabata’ Tattolay nga minagimamma .” Dasan na ing sablang buring na”
(Ibanag) (Pampango) “Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga sa taong matiyaga.” natutupad
ang ninanasa. _______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________

36. 31 Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit
ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid ,
ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda
ang paraan ng pagpapahayag. Mga Halimbawa: parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato-
pakatandaan malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw Kasabihan- Ang
kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang
kahulugan. Ang kilos , ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Mga Halimbawa:
Tulak ng bibig Kasama sa gayak Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad. Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya
Utos pa sa daga Bukas nakatunganga Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa
aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at kasabihan. Upang
mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong
gawin ang ilan pang gawain. 3. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan.Isulat sa
papel ang sagot. Gayahin ang pormat. 1. Ang magtanim ng hangin, 4. Maitim ang gilagid. bagyo ang
aanihin. 2. Itaga mo sa bato. 5. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo. 3. Kasama sa gayak, 6. Ubos-
ubos biyaya, di kasama sa lakad. bukas nakatunganga.
37. 32 Salawikain Sawikain Kasabihan 1. 2. 1. 2. 1. 2. Madali mo bang nakilala ang salawikain, sawikain at
kasabihan? Nakilala mo ba ang mga ito dahil sa taglay nilang mga katangian? Kung sa iyong palagay ay
hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa mga ito, makatutulong ang kasunod na gawain upang madagdagan
pa ang iyong kaalaman tungkol dito. 4. Basahin at unawain ang mga nakahanay na salawikain,
sawikain/kawikaan at kasabihan. Isulat ang kahulugan ng bawat isa. Gayahin ang pormat. 5. Batay sa
iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng salawikain, sawikain at kasabihan. Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa papel.
Gayahin ang pormat. karunungang bayan salawikain sawikain kasabihan Taong nanunuyo, Dala-dala’y
bukayo Kahulugan: ________________ ________________ Itaga mo sa bato Kahulugan:
_______________ _______________ Malakas ang loob, Mahina ang tuhod Kahulugan:
_______________ _______________ A, B, C Katangian ng bawat isa D- Pagkakatulad ng tatlo

38. 33 Sa tulong ng mga gawain na inilaan ng araling ito ay maaari mo nang maisantabi ang maling pag-
unawa sa salawikain, sawikain, at kasabihan.Ngayon ay nagawa mong paghambingin ang salawikain,
sawikain at kasabihan. Alam mo ba na upang maging mabisa ang pagsusuri mo sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga tao, bagay , pangyayari, ideya at iba pa, kailangan ang isang maayos na
paghahambing ? Ang araling ito ay naglaan ng mga gawain upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa
paghahambing. 6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na
nagpapakita ng paghahambing. Isulat sa papel ang sagot. Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan.
Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig
na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man
ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na
pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na
kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon. Akala ko iyon na ang una at huling
araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang
hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa
panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala
ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang
pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito
upang manirahan.

39. 34 Pagkatapos mong sagutan ang gawain, nadagdagan ba ang iyong kaalaman sa ating araling
panggramatika . Sa araling ito , malalaman mo kung paano susuriin ang antas o lebel na katangian ng
dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na makatutulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito. Mabuting
basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika. ALAM
MO BA NA … MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING 1. Paghahambing na magkatulad Ginagamit ito
kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping
kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho. 2.
Paghahambing na di-magkatulad Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang
katangian. May dalawang uri ito: 2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong
mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di- lubha, o di-gasino 2.2 Palamang- Kung ang
hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit,
labis, at di-hamak. Mayroon ka nang sapat na kaalaman sa araling panggramatika, subukin mong
maipakita ang iyong natutuhan sa bahaging ito.

40. 35 7. Itala mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa tulong ng


mga salita/ pahayag na ginagamit sa paghahambing. Ang pagkakatulad ng salawikain, sawikain at
kasabihan ___________________________ ___________________________
___________________________ Ang pagkakaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan
__________________________ __________________________ __________________________
__________________________ Bago tayo magpatuloy, balikan mo muna ang iyong mga sagot sa
naunang mga gawain at ihambing mo ang iyong mga naging sagot sa daloy ng talakayan sa bahaging ito.
Ano sa mga ideya mo ang tama? Ano naman ang hindi tama at dapat na iwasto? GAWAIN 1.1.1.f : Pag -
Sa – Sa – Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa Salawikain, Sawikain, at Kasabihan ) Habang lumalalim ang
iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang
pampanitikan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa kasalukuyang panahon. Mapagtitibay mo
ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na inilaan sa bahaging ito. A. Salawikain Bigyan mo ng pansin
ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain ng may-akda upang bigyang diin ang mensaheng nais
niyang iparating. Nakikita ang butas ng karayom, Hindi ang butas ng palakol Mayroon pang taong
Sobrang palapuna at palapintasin, Sa mukha ng kapwa’y Nakikikita agad ang dumi o dusing; Munting
kapintasan Ng kapwa niya taong laging pinapansin Ang kamalian niya’t Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna Bago ka mamintas ng mukha ng iba. Halaw sa tulang Mga Ginto
sa Putikan ni Gregorio G. Cruz

41. 36 Panuto: Bumuo ka ng maikling talata na magpapalawak ng iyong sagot sa tanong blg. 1. 1. Bilang
kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula? Isulat ang mga sagot sa papel. B.
Kasabihan Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang nakilala. Bigyan mo ng pansin
ang nilalaman ng bahagi ng isang awit na nagpakilala ng mga kasabihang Pilipino na hindi dapat
kalimutan. Sa pagdamay ay no.1 Matalas makiramdam Ang sakit sa kalingkingan Ay sakit ng buong
katawan Kung di kaya ng nag-iisa Pagtulungan nating dalawa Ang bayanihan spirit ay taglay ng bawat isa
Marunong lumingon Sa pinanggalingan Ang utang na loob Hindi nalimutan Walang puwang sa isip mo
Ang crab mentalidad Hindi naiinggit Kapwa Pinoy man Ay umunlad Bahagi ng awit na Positibong
Kasabihan ni Ser Jess Torres 2. Magsaliksik ka ng mga pangyayari sa iyong kapaligiran (halimbawa: batay
sa obserbasyon o pansariling karanasan) na nagpapakita ng diwang isinasaad ng napiling kasabihan sa
hinalaw na awit . Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Kasabihan mula sa awit
_______________________________ _______________________________ Nasaliksik na pangyayari:
_______________________________ _______________________________ Kasabihan mula sa awit
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________ Nasaliksik na
pangyayari: ______________________ ______________________ ______________________

42. 37 C. Sawikain/Kawikaan Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan,


naghahatid ito ng hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng
damdamin. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong
sitwasyon? Bigyan mo ng pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin ang
kasunod na gawain sa p. 41. Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita
makilala para kang hinipang lobo. Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa
kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may
gintong kutsara sa bibig. Ang lakas ng dating mo. Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong
balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High
School tayo di ba? Malamang kayang-kaya mo ang kursong pinangarap mo. Joan: Heto nga’t patuloy
akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y hinangad ko na. Lef: Masaya akong
malaman ’yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong pangarap kailangan mo
talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan. Joan: Ganyan talaga
ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.

43. 38 3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang maging magaan ang mga
pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong
pamagat para sa talata. 4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang
kahalagahan ng salawikain, sawikain at kasabihan. Karunungang-bayan Kahalagahan Salawikain Sawikain
Kasabihan Matapos mong sagutin ang mga gawain, nakaramdam ka ba ng pagmamalaki bilang isang
Pilipino? Masasabi mo bang may kalinangan na ang ating lahi bago pa man tayo sakupin ng mga Espa ol?
Paano mo pahahalagahan ang matatandang panitikan tulad ng karunungang-bayan na minana mo pa sa
ating mga ninuno? Pagkakataon mo na upang ilahad ang iyong pananaw sa kahalagahang hatid ng
karunungang-bayan sa mga kabataan sa kasalukuyan. Naniniwala ako na mapaninindigan mo ang bisang
pangkaisipan at bisang pandamdamin na iyong natutuhan sa aralin.

44. 39 GAWAIN 1.1.1. g : PAGTALUNAN NATIN, PUNTO SA PUNTO . Ilahad ang iyong panig sa paksa.
Subuking gamitin ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Isulat ang
sagot sa papel. Naipakita mo sa gawaing ito ang kahalagahan ng mga karunungang- bayan sa kabataang
Pilipino. Malaki ang maiaambag mo sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating matandang panitikan
kung ang mga ito ay magagamit mo sa iyong buhay. GAWAIN 1.1.1.h : SALAMIN NG KATOTOHANAN
Suriin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa ipinahayag na panig na ginawa sa GAWAIN
1.1.1.g. Sumulat ng repleksiyon tungkol dito. KARUNUNGANG- BAYAN: MABISA PA RING GAMITIN
BILANG PATNUBAY O GABAY NG KAGANDAHANG-ASAL SA KASALUKUYANG PANAHON REPLEKSIYON
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
____________________________________

45. 40 GAWAIN 1.1.1.i : DUGTUNGAN TAYO… Pagtibayin mo ang iyong natutuhang mahahalagang
konsepto sa aralin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya na nakapaloob sa kahon. Ang layunin mo sa
bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain
mo ang sitwasyon pagkatapos, gawin mo ang Inaasahang Produkto para sa araling ito Dadalaw ngayong
buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin
nila sa pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng
kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong barangay na
magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling
kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na
naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing pangkabataan sa
inyong barangay. Ayon sa inyong punong barangay ang brochure na dapat mong maipakita ay matataya
sa sumusunod na pamantayan: 1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga karunungang -
bayan sapagkat ________________________________________________
________________________________________________ 2. Ang mga karunungang-bayan bagaman
bahagi ng ating matandang panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay sa
kasalukuyan dahil ________________________________________________
________________________________________________ 3. Sa tulong ng mga karunungang-bayan,
naging malinaw sa akin ang ________________________________________________ Kaya
ipinagmamalaki ko ___________________________

46. 41 RUBRIK PAMANTAYAN LUBOS NA KATANGGGAP- TANGGAP (5) KATANGGAP- TANGGAP (3)
MAHINA (1) Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan May ilang teksto at
larawan na wala sa lugar Nakalilito ang pagkakaayos ng teksto at mga larawan Kalidad ng mga Larawan
Klaro at tama ang perspektibo May ilang larawan na di klaro o tama ang perspektibo Karamihan sa mga
larawan ay di klaro o Malabo ang perspektibo Dibuho Kaakit-akit ang brochure dahil tama ang
kombinasyon ng kulay, estilo, laki ng font at pagkakaayos ng teksto at larawan Medyo kaakit-akit ang
brochure kahit ay ilang maling kombinasyon na makikita sa brochure Di- gaanong kaakit-akit ang
brochure dahil kitang-kita ang maling kombinasyon ng larawan, estilo, font at teksto Gamit ng
Karunungang- bayan Mabisa ang pagkakagamit ng karunungang - bayan sapagkat Nakatulong ito upang
maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino Di masyadong mabisa ang pagkakagamit ng mga
karunungang- bayan dahil di gaanong naipakita ang kultura at tradisyong Pilipino Di mabisa ang
pagkakagamit ng mga karunungang - bayan sapagkat halatang pilit ang pagpapakita ng kultura at
tradisyong Pilipino Nakatulong ba nang malaki ang mga kaalamang natutuhan mo sa kabuuan ng aralin
sa pagbuo ng Inaasahang Produkto? Higit pa sa mga kaalaman, konsepto at ideyang natutuhan mo sa
bahaging ito ng modyul, inaasahan ko na maisasabuhay mo ang mga aral na nakapaloob sa ating mga
karunungang-bayan. Samantala, naniniwala ka ba na mahalagang malaman ang pinagmulan ng mga
bagay sa ating paligid? Naisip mo rin ba na ang mga bagay na iyong napakikinabangan sa kasalukuyan ay
nagtataglay ng mga kuwento ng kanilang pinagmulan? Ang susunod na aralin na iyong pag-aaralan ay
isang akdang pampanitikan na makatutulong sa iyo upang higit mong makilala ang pinagmulan at
kahalagahan ng pagsulpot ng mga bagay sa iyong kapaligiran,

47. 42 ang alamat. Batid ko ang iyong pananabik sa aking tinutukoy kaya maaari ka nang humakbang sa
susunod na aralin para pag-aralan ito. ARALIN 1.1.2 : ALAMAT Sinasabing ang ilang kaalaman natin
ngayon ay kinuha ng mga mananaliksik sa saling-dila ng matatanda. Sa pag-usad ng panahon, maaaring
nagbabago ang mga alamat gayunpaman hindi nawawala ang katangian nitong maglahad ng pinagmulan
ng tao, bagay, lunan , o pangyayari. Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo upang mauunawaan mo kung
paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang
Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi. Matapos mong pag- aralan
ang mahahalagang konsepto sa aralin, ikaw ay inaasahang makabubuo ng informercial na nagtatampok
sa kultura at tradisyong Pilipino.Gayundin, mapagtitibay mo kung paano kasasalaminan ng kultura,
tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Bago
mo alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, nais ko munang mataya ang iyong kabatiran sa
ating paksa. Simulan mo sa pagsagot sa sumusunod na gawain. GAWAIN 1.1.2.a : LARAWAN NG
PINAGMULAN Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Alamin
natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag- aaralan sa tulong ng mga larawan.Subukin mong
sagutin ang kasunod na mga tanong. a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat? b. Nakatutulong
ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? c. Makikita ba sa bawat paksa ng
alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan. Ang mga larawan ay hinango sa
http://www.google.com.ph/search

48. 43 Nakatulong ba sa iyo ang ginawa mong pagsagot sa mga tanong upang makilala ang alamat bilang
isang akdang pampanitikan? Huwag kang mag-alala, ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang
pagyamanin ang iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan. GAWAIN 1.1.2.b : WAKAS NG
PINAGMULAN Sa isang kuwento , pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging resolusyon o
kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung ano ang maaaring mangyari sa
pangunahin at iba pang sangkot na tauhan. Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi
nito? Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Narito ang
ilang halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga tauhan. Isulat ang sagot
sa papel. Puna: _______________________________________________________ Puna:
___________________________________________________________________ Nanangis ang binata
at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil sa
ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang
parusa sa anak na walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan. Halaw sa Alamat ng Butiki
Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa, doon mismo sa pinagtubuan ng
puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging", wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging saging. Halaw sa
Alamat ng Saging

49. 44 Puna ______________________________________________________ Mga Gabay na Tanong: 1.


Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas? 2. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas?
Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o
pagkamatay ng pangunahing tauhan? GAWAIN 1.1.2.c : KILALANIN ANG PINAGMULAN Batay sa mga
impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, paano mo mailalarawan ang alamat bilang akdang
pampanitikan? Isulat ang sagot sa papel gamit ang fan fact analyzer. Gayahin ang pormat. Nataya na
natin ang iyong dating kaalaman sa paksa at alam ko na handa ka nang dagdagan pa ito sa pamamagitan
ng mga gawain na batid kong makatutulong sa iyo upang malinang mo ang kinakailangang pag- unawa
.Simulan natin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong na magiging gabay sa iyong pag-aaral
mula simula hanggang huling bahagi ng araling ito. Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos
niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga
himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at
perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon. Halaw sa
Alamat ng Bulkang Mayon ALAMAT

50. 45 Mga Gabay na Tanong: 1. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga
bagay sa kasalukuyan? 2. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan sa
kasalukuyan? Patunayan. 3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang
maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan. GAWAIN
1.1.2.d : TUGON MO…MAHALAGANG ALAMIN Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong
pag-unawa sa aralin na ating pag-aaralan. Subukin mong sagutin ang mga nakatala sa mga gabay na
tanong upang magabayan ka sa pagpapalawak ng paksa na nasa loob ng kahon. Huwag kang mag-alala
kung sa tingin mo ay hindi mo nasagot nang wasto ang mga katanungan.Naglaan pa ng mga gawain ang
modyul na ito upang matulungan ka sa pagkilala ng mga tamang konsepto ng aralin . Ang bahaging ito
ng aralin ay makatutulong upang maunawaan mo ang mga konsepto at kasanayang dapat mong
malinang sa paksa. Kailangang mapalawak at mapaunlad mo pa ang iyong dating kaalaman nang sa
gayon ay mabatid mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng
kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating
lahi. Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________

51. 46 Basahin at unawain. Mina ng Ginto Alamat ng Baguio Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin
ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang
pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang
pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may
takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng ca ao bilang parangal sa kanilang mga
anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kung nagdaraos sila ng
ca ao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala.
Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi
pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang
tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si
Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa
na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango
nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya
ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
Anang isang matanda, “
52. 47 Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong
magdaos ng ca ao.” Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng ca ao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang ca ao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito
sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang
iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang
baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok- bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita
nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa
katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata
sa kanilang nakita. Sila’y natakot. Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga
anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala,
gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. “Kumuha
kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang
malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong ca ao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa
pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo
nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang
katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”

53. 48 Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista.
Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at
gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng
araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng
galak. Si Kunto ang kauna- unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa
dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng
dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na
pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas
hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao. Isang araw, anang isang
mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa
ay pagputul- putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati- hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang
tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang
punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at
langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno.
Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-
ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan ,
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking

54. 49 ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong
iyan.” At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang
kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa
pamamagitan ng paghukay sa lupa. Masasalamin ba sa alamat ang kultura at tradisyon ng isang pangkat
ng mamamayan sa ating bansa? Maituturing mo bang yaman ng lahi ang mga alamat sa ating panitikan?
Bago mo sagutin ang mga tanong, bigyan mo ng pansin ang kasunod na mga gawain upang higit mong
maunawaan ang nilalaman ng binasa mong alamat. GAWAIN 1.1.2.e : PAGLINANG NG TALASALITAAN
Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa
akda. Isulat sa papel ang mga sagot. 1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng ca ao bilang parangal sa kanilang
mga anito. Kahulugan - _______________________________________ 2. Noong panahong iyon, ang
mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kahulugan -
______________________________________ 3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang
bathala. Kahulugan - ______________________________________ 4. Siya’y bumalik sa nayon at
nakipagkita sa matatandang pantas. Kahulugan - _______________________________________
5.Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Kahulugan -
______________________________________ Batid ko na nakatulong ang mga salitang binigyan mo ng
kahulugan upang iyong maunawaan ang kultura at tradisyon na mayroon ang mga Igorot. Subukin natin
ang lalim ng iyong pag-unawa sa ilang mahahalagang konsepto ng akdang binasa.

55. 50 Simula Wakas GAWAIN 1.1.2.f : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Ang gawaing ito ay nakatulong
sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa alamat. 1. Pagsunud-sunurin mo
ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 2. Sa
iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda ? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Gawin sa papel.
3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang
makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. BAHAGI
MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN SIMULA GITNA WAKAS Sa bahaging ito, iyong napagtibay na
nangingibabaw sa alamat ang mga di- makatotohanang pangyayari na nagpapaigting upang maging
kapana-panabik ang kuwento na nakapaloob dito. Gayundin, sa tulong ng mga di-makatotohanang
pangyayari nabubuo ang pinagmulan ng mga bagay. Gitna

56. 51 4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa tulong ng dayagram.
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng
mga Igorot. Sa iyong palagay , nananatili pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa
tsart. ( Maaring magsaliksik ang mag-aaral sa bahaging ito ). Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
KULTURA NG IGOROT Ano- ano ang mga kulturang binanggit sa akda? Sa kasalukuyan, nananatili pa rin
ba ito? Oo o Hindi Patunay Napatunayan mo sa bahaging ito na ang alamat bilang akdang pampanitikan
ay sumasalamin sa kultura, tradisyon, at kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito. Binabati
kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain. Layon ng araling ito na mapalawak pa ang iyong
kaalaman sa paksang tinatalakay . Makatutulong kung iyong babasahin at uunawain ang mahahalagang
konsepto na nakatala sa loob ng kahon. Mina ng Ginto Igorot Kultura At Tradisyon ___________
__________ __________ ___________ __ ___________ ___________ ____ ___________ ___________
___________ ___________ __________ __________ __________ ______ __________

57. 52 ALAM MO BA NA… Ang Alamat Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino
bago pa dumating ang mga Español. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na
pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba
pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-
paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa. Mababakas sa alamat
ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang
alamat. Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa.
Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng
mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng
suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Gitna: Binubuo ang gitna ng
saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na
minsan sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi
kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang
ipinaglalaban. Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang
mga pangyayari na sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang
Pilipino.

58. 53 Pagkatapos mong malaman kung ano ang alamat at mga bahagi nito, bigyan mo naman ng pansin
ang mahalagang gamit ng panahon at pook . Sa iyong palagay nakatutulong ba ang paggamit ng mga
lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng
alamat? Gawin mo ang mga susunod na gawain upang masagot mo nang wasto ang mahalagang tanong
hinggil sa paksang ito .Isulat sa sagutang papel. Sa bahaging ito masusukat ang iyong kasanayang
panggramatika. Malalaman natin ang antas ng iyong kaalaman sa araling pangramatika na iyong pag-
aaralan. Basahin mo ang bahagi ng kuwento na nasa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na
mga tanong . a. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay- turing ba ito sa mga salitang
nakihilig o naglalarawan? b. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang
maipabatid ang mahalagang pangyayari sa alamat? Patunayan. c. Anong bahagi ng panalita ang mga
salitang may salungguhit? Pagkatapos mong sagutin ang mga tanong, may ideya ka na ba kung ano ang
mahalagang papel na ginagampanan ng pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan upang
malinaw na maipabatid ang mga pangyayari sa isang kuwento? Makatutulong sa iyo nang malaki ang
mga impormasyon na nakatala sa kasunod na kahon upang ganap mong maunawaan ang araling
panggramatika. Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namumutawi kundi isang
impit na “ Diyos Ko!!!” Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at
tinapunan iyon ng isang “ hayaan-mo-na ang Nanay” na tingin. Kasabay ng isang malalim na buntung-
hininga, si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na. Umagang-umaga
kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis,
umiiyak na nag-iisa. Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap, at saka ngayon
pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong itinusok sa kanya ng manggagamot, ay saka…. Halaw
sa Impong Sela ni Epifanio G. Matute
59. 54 ALAM MO BA NA… PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN Ang pang-abay
na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) yaong may pananda at (2) yaong walang pananda.
Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda
ang pang-abay na pamanahon Mga halimbawa: 1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw? 2.
Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw. 3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.
4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag- ayuno. 5. Tuwing Pasko ay
nagtitipon-tipon silang mag-anak. May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng
kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa. Mga Halimbawa: 1. Pitong pangunahing
alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng “National Artist Award” buhat sa Pangulo. 2. Manonood
kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino

60. 55 MINA NG GINTO Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan Sa tulong ng mga nabasa
mong impormasyon sa ating araling pang- gramatika, batid ko na nananabik ka nang sumagot muli sa
mga gawain upang masubok ang iyong mga kakayahan. Naglaan ng iba pang mga gawain ang modyul na
ito upang ganap na mataya ang bisa ng mga konseptong iyong natutuhan . GAWAIN 1.1.2.h :
PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN 1. Balikan mong muli ang alamat na “ Mina ng Ginto. “ Sumipi ka ng mga
pangungusap na nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan. Gawin sa
papel. Gayahin ang pormat. 3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay sa
mahihirap. 4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang.
5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM. Ang
pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng
kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sa ang
ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Kay o ang maramihan nitong
kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang
pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa. Narito ang Ilang Halimbawa: 1. sa +
pangngalang pambalana Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.

61. 56 2. Mula pa rin sa alamat na “ Mina ng Ginto,” pumili ka ng nagustuhan mong bahagi at ibuod ito.
Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan na nakapaloob dito. Gawin sa papel. 3.
Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang alamat? Isulat ang iyong sagot
sa papel. Malinaw na sa iyo ang gamit ng pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay tulad
ng alamat, inaasahan ko na ang mga mali mong ideya ay naiwasto na.Higit sa lahat, dapat nabatid mo rin
kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at
kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi. Bukod sa
alamat ang isa pang matandang panitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo ay ang mga
kuwentong- bayan. Tulad ng alamat, sa iyong palagay, tumutulong din ito sa pagpapanatili at
pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri
ng panitikan ng ating lahi? Sa bahaging ito , muli mong suriin kung paano nakatulong ang pang-abay na
pamanahon at panlunan sa isang salaysay upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa
akda. Basahin at unawain. Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw -
si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si
Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang
baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak." Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang
tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok.
"Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon,"
ang wika ng Sultan."Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno
sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang
magnanais na NAGING SULTAN SI PILANDOK kuwentong -bayan ng Maranaw

62. 57 mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay
nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa
ilalim ng dagat. "Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa
gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni
Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong
sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga
kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at
nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-
anak."Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang
dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang sultan saloob ng isang
hawla. "Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng
Sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok."Kapag
nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang
magtungo rin doon. Sandaling nag- isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang
pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang
pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat
mlaman ng inyong mga ministro.""Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po
natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita
ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan.
Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay
inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula
noon si Pilandok na ang naging Sultan.

63. 58 Ang paggamit ng kaugnay na teksto ay makatutulong upang higit na mapagyaman ang kaalaman
at kasanayan sa mga araling pampanitikan at panggramatika. Subukin mong sagutin ang mga susunod na
gawain upang mapalalim mo pa ang iyong kakayahang sumuri at umunawa. GAWAIN 1.1.2.i : PALALIMIN
ANG KAALAMAN 1. Mula sa binasang akda, patunayan mo na masasalamin sa kuwentong- bayan ang
kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan ng isang pangkat ng mamamayan sa Pilipinas.
Mahusay! Madali mong natukoy ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan sa akdang
iyong binasa. Marahil ay iyo nang naba- batid na sa tulong ng panitikan ay maaari mong masilip ang
ating nakaraan. 2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok? Bakit? Isulat sa papel
ang iyong sagot. 3. Paghambingin mo ang alamat at kuwentong- bayan batay sa mga katangiang taglay
ng mga ito bilang akdang pampanitikan. Kultura at Tradisyon Kaugalian Kalagayang Panlipunan Naging
Sultan si Pilandok ALAMAT KUWENTONG BAYAN PagkakatuladKatangian Katangian

64. 59 Mabisa mo bang napaghambing ang dalawang akdang pampanitikan ? Natitiyak kong nakatulong
ang ginawa mong paghahambing upang higit mong ma-pahalagahan ang mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng Katutubo. 4. Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura,
tradisyon, kaugalian o kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Alam
kong ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng sinagutan mong mga gawain. Higit sa lahat,
batid kong nakatulong ang araling ito upang tumibay ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo . Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga
gawain.Ngayon, alam kong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang maisakatuparan ang
inaasahang produkto para sa araling ito. Pag-aralan mo ang sitwasyon. Sitwasyon: Ang araw ng
pagkakatatag ng inyong pamahalaang lungsod ay nalalapit na. Kaya naman bilang paghahanda, ang lahat
ng punong barangay ay ipinatawag ng inyong mayor upang ibahagi ang mahalagang impormasyon
hinggil sa gaganaping pagdiriwang. Ayon kay mayor, ang lahat ay kailangang lumahok sa paligsahan sa
pagbuo ng infomercial para sa paksang “ Bayan ko… Ipinagmamalaki ko”. Kaya, ikaw bilang punong
barangay sa inyong lugar ay inatasang maghanda sa nabanggit na paligsahan. Ang pagtatanghal ng
infomercial ang pinakatampok na gawain sa pagdiriwang. Inaasahan na sa araw na iyon ay darating ang
mga piling panauhin tulad ng DILG secretary, congressman at mayor mula sa iba’t ibang lungsod.Ang
infomercial ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan. a. Nilalaman b. May
kaugnayan sa paksa c. Pagiging masining d. May orihinalidad e. Batay sa pananaliksik f. Tapat

65. 60 Natutuwa ako at nagawa mong maisakatuparan ang Inaasahang Produkto para sa araling ito.
Batid ko na lahat ng konsepto sa araling pampanitikan at panggramatika na iyong natutuhan ay
mananatili at mapauunlad mo pa. Ngayon, alam ko na handa ka na sa pagkilala sa bagong aralin. Subalit
bago mo ito pag-aralan , subukin mo munang sagutin ang sumusunod na tanong. May paborito ka bang
superhero? Anong katangian niya ang iyong nagustuhan? Maituturing mo ba siyang bayani ng iyong
buhay? Marahil ay nagtataka ka kung ano ang kaugnayan ng aking mga tanong sa susunod na araling
iyong pag-aaralan. Kaya, simulan mo nang silipin ang mundo ng epiko nang sa gayo’y higit mong
maunawaan ang mga kaisipan/ konseptong nakapaloob dito. Huwag mong hayaang mawala ang iyong
sigla sa pag-aaral dahil alam kong ang susunod na aralin ay tulad ng alamat, maipagmamalaki mo ito
bilang bahagi ng panitikan ng iyong lahing pinagmulan. Aralin 1.1.3: EPIKO Matapos mong maunawaan
ang katangian at kahalagahan sa buhay ng mga Pilipino ng ilang sinaunang panitikan, sa bahaging ito ay
iyong makilala ang isa pang itinuturing na maipagmamalaking matandang panitikan – ang epiko. Kung
nais nating mabakas ang kasaysayang may kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating
matagpuan muli ang ating mga sarili ay napapanahon na upang balikan at pagtuunan ng pansin ang
ating mga epiko. Bagama’t ito ay nalikha batay sa kababalaghan at nagtataglay ng mga di- kapani-
paniwalang pangyayari, kasasalaminan ang epiko ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na tunay na
maipagmamalaki. Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo kung bakit napabilang ang
epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Sa kabuuan ng iyong pag-
aaral sa araling ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng biopoem na nagtatanghal ng karaniwan o
simpleng mamamayan na nakagawa ng kabayanihan sa kaniyang kapwa.
66. 61 GAWAIN 1.1.3.a: LARAWAN NG KABAYANIHAN Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating
tatalakayin, nais kong subukin muna ang dati mo nang alam sa paksang pag-aaralan natin . Kilalala mo
ba ang mga nasa larawan? Kung gayon sagutin mo ang mga tanong tungkol sa kanila. a. Ano ang iyong
pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan? b. Ano ang mga katangian nila na ‘di makikita sa karaniwang
tao? c. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit? Alam mo ba na noon pa man ay may kinikilala na ang
ating mga ninuno na tulad ng mga Pinoy Superhero sa kasalukuyan? Matatagpuan sila sa ating mga
epiko. Itinuturing sila bilang mga bayani ng kani-kanilang rehiyon. Tatalakayin sa araling ito ang mga
katangian ng epiko upang iyong maunawaan ang kabisaan nito bilang akdang pampanitikan. Gayundin
ang kahalagahan ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan upang maging tiyak at malinaw ang
isinasaad ng kilos ng mga tauhan sa bawat pangyayari ng epiko. Mga Gabay na Tanong: 1. Paano
lumaganap ang epiko sa Pilipinas mula noong Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? 2. Paano
naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo? 3. Paano
nakatutulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa kilos ng tauhan sa mga pangyayari sa
isang epiko? Patunayan. Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.com.ph/search

67. 62 GAWAIN 1.1.3.b : MAIKLI LANG…SUBUKIN MO Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral, sagutin
mo muna ang mga tanong na nakatala sa itaas sa pamamagitan ng pagsulat ng Five - Minute Essay.
Huwag kang matakot na ibahagi ang iyong kaalaman sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga sagot ay
malalaman ng modyul na ito ang antas ng iyong kaalaman sa paksa. Batay sa iyong naging sagot,
naniniwala ako na hindi ka mahihirapan sa mga gawaing inihanda ko para sa araling ito. Ang layunin mo
sa bahaging ito ay malinang at mapaunlad ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan, katangian, at
kahalagahan ng epiko bilang akdang pampanitikan. Tuklasin mo rin kung bakit napabilang ang epiko sa
matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Ngunit bago natin talakayin ang
mahahalagang konsepto ng aralin, alamin muna natin kung paano umusbong ang epiko bilang akdang
pampanitikan sa ating bansa. Basahin at unawain. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Ang epiko ay
isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang
kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Ang salitang epiko ay
mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay
na anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga
pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan.
May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga
Español sa kanilang kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat ng
kaniyang isinulat

68. 63 ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga Español na epiko na ang ibig sabihin
ay “ dakilang likha”. Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang
patula. Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng
mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang
bayan. Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng
katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang iba’t ibang
pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang pambayan, o
mga tulang epiko, bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga. Kilala sa mga Iloko ang epikong
Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam- ang). Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-
aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na
sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong
Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Español
at hindi sa bibig ng mga katutubo. Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao
ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga epikong
Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera
Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim. Sa
nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang marami pang
epikong- bayan mula sa iba’t

69. 64 ibang dako ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na
kinatagpuan nito. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong, samantala,
nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang Sabil at
Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud
at Alim ng Ifugao, Labaw Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan,
Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami pang iba. Mahalaga sa mga
sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing
pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang
maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala,
gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Pagkatapos mong basahin ang
kaligirang pangkasaysayan ng epiko, paano mo pahahalagahan ang epiko bilang bahagi ng panitikan ng
ating lahi? Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, makababasa ka ng isang halimbawa ng epiko. Suriin
mo kung ano ang mahahalagang katangian nito nang sa gayo’y maunawaan mo kung bakit nananatili pa
rin ito bilang isa sa matandang panitikan ng ating bansa. Pansinin mo rin kung paano nakatulong ang
paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa malinaw na paglalarawan ng kilos ng bawat tauhan na
nakatulong upang maging malinaw ang daloy ng mga pangyayari sa epiko. Basahin at unawain.

You might also like