You are on page 1of 4

mga alamat ay kawili-wiling basahin lalo’t mahusay ang pagkakasulat.

Isa sa mga paksang malimit


pagbatayan ng mga alamat ay ang paglalang sa daigdig at ang pinagmulan ng mga unang tao sa ibabaw
ng lupa. Ang lahat ng bansa halos ay may mga alamat ukol diyan. Iba’t ibang paraan ang hinahabi sa
guniguni ng mga nagsisisulat at nagsisikatha ng mga alamat upang maging kawili-wili ang kanilang
pagsasalasay.

Karamihan sa mga alamat ay hindi nasusulat o kung nasusulat ma’y nito na lamang mga huling panahon
napatitik. Mga salaysay na nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga magulang at mga anak, ng mga nuno at
mga apo, ang marami sa mga alamat na ating pinananabikang basahin ngayon. Sa bawat pagkasalin, sa
bawat bibig na pagdaanan, ang isang alamat ay karaniwan nang nagdaragdag ng kariktan, palibhasa ang
bawat isa’y nagpapasok ng inaakala niyang lalo pang pampaganda sa kanyang kuwento.

Mga Alamat

Ang mga alamat ay isang uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tunay na mga
tao o pook. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin mula pa sa ating mga ninuno na
magpasahanggang ngayon ay napag-uusapan.

Ilan sa mga kilalang alamat sa Pilipinas ay ang “Alamat ng Pinya“, “Alamat ng Butiki“, “Alamat ni Maria
Makiling” at marami pang iba.

Ano ang Alamat?

Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.

Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan


din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.
Mga Elemento ng Alamat

Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:

1. Tauhan

Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan

Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung
kailan ito nangyari.

3. Saglit na kasiglahan

Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

4. Tunggalian

Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.

5. Kasukdulan

Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan

Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.

7. Katapusan

Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.

Mga Bahagi ng Alamat


Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.

1. Simula

Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang
papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng
insidente ay inilalarawan din sa simula.

2. Gitna

Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan
ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng
pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging
nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.

3. Wakas

Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.

Mga Halimbawa ng Alamat

Ang mga sumusunod na halimbawa na inyong mababasa ay pinangkat namin sa limang bahagi. Ito ay
ang alamat ng mga bulaklak, gulay, hayop, lugar at prutas.

Mga Bulaklak

Bulaklak

Makahiya

Rosas

Sampaguita

Waling-Waling

Gulay

Ampalaya
Mga Hayop

Ahas

Aso

Butiki

Gagamba

Paru-Paro

Mga Lugar

Baguio: Mina ng Ginto

Bulkang Mayon

Pilipinas

Maria Makiling

Mga Prutas

Bayabas

Durian

Kasoy

Lansones

Mangga

Pakwan

Pinya

Saging

Sampalok

Iba pang halimbawa

Bahaghari

You might also like