You are on page 1of 4

MERA JANE OMPAD

BSED-FILIPINO1

KONKLUSYON
“MAIKLING KWENTO”

Ang bawat kwento ay mayroong aral na puwedeng makukuha. Kahit ang mga kwentong
maikli, ay posibleng maglaman ng mga aral na maaari nating dalhin sa buong buhay
natin at isang kwento na gawa ng kathang-isip na mababasa sa isang upuan. . Bukod
rito, nakakatulong rin ito sa kaalaman natin. Ang mga kwento ay parte na ng ating
kultura. Kaya naman, kung ating pag-aaralan ang mga maikling kwento, makakakuha
rin tayo ng bagong kaalaman tungkol sa ating tradisyon at kaugalian hindi lamang sa
atin kundi pati sa iba’t-ibang bansa. Kung titignan natin, ang maikling kwento ay hindi
ganun kahirap isulat. Pero, ito ay kabaliktaran. Minsan, mas mahirap isulat ang maikling
kwento kasi naman mas mahirap ipasaluoob ang mga mahahalagang aral sa isang
maikling paksa. Dahi dito napapaikli ang pagsasalita o pagkukwento o yung tinatawag
nilang “bood” o pagpapaikli ng kwento lahat ng importante at mahalagang bagay at
detalye ay nandoon. Sa pag-aaral natin sa maikling kwento, natutunan rin natin kung
paano palawakin ang mga matatalinghagang mensahe ng kwento o tinatawag sa Ingles
na ellaboration. Ito ay mahalagang kasanayan na kailangan nating matutunan dahil ito
ang nagpapakita ng ating pag-uunawa sa kwentong nabasa.

Ang mga maikling kwento at nobela ay naiiba sa maraming paraan. Ang mga maikling
kwento ay umaasa sa isang pangyayari o pangyayari upang makabuo ng salungatan.
Ang mga kwento ay ang pinakamakapangyarihang paraan ng komunikasyon. Sila ang
tela na nagbubuklod sa mga kaisipan at damdamin. Maaari silang magamit upang
magturo ng mga aralin, magpakilala ng mga bagong ideya, at magbahagi ng kultura.
Ang isang kuwento ay binubuo ng anim na pangunahing elemento: Isang tauhan, isang
tagpuan, isang layunin, isang balakid, salungatan o mga pusta, at paglutas o
denouement.

Tauhan: Ang pangunahing tauhan ay ang pangunahing tauhan sa kuwento na nakamit


ang kanilang layunin sa pamamagitan ng pagtagumpayan ng mga hadlang. Ang
antagonist ay ang taong nagsisikap na pigilan sila sa pagkamit nito.

Setting: Ang setting ay kung saan nagaganap ang kuwento – maaaring kahit saan mula
sa laboratoryo ng imbentor hanggang sa mundo ng pantasiya kung saan malayang
gumagala ang mga dragon.

Layunin: Ang layunin ay kung ano ang nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kuwento –
gusto nila ang isang bagay na labis na gusto nila.

Mahalaga ang mga maikling kwento dahil binibigyan nila ng pagkakataon ang
manunulat na tuklasin ang kanilang pagkamalikhain at tuklasin ang isang bagong genre
ALLIAH MARIE MANLA
BSED-FILIPINO1

KONLUSYON
“TULA”
Sa bahaging ito natatalakay ang panitikan ng tula at ang wastong gamit ng
simbolismo at matatalinghagang pananalita. Panitikan, ang panitikan ay nagsasabi o
nagpapayahag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin,
ideya at diwa ng mga tao. ito rin ang pinakapayak ang paglalarawan sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan o patula. Ito ay sumasalamin sa mga magagandang kaugalian, kultura
at tradisyon ng kaiba sa ibang lahi nang dahil sa panitikan, naipapabatid ang sariling
kahusayan ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti
at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao. Isa itong paraan sa pagtuklas ng sariling
talino at kasanayan. Ano nga ba ang tula? Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
binubuo ng saknonng o taludtod. Bawat saknong ay binubuo ng taludtod at ang bawat
taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang paraan ng pagbuo ng mga pahayag ay piling-
pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo, at
masining na damdamin at maindayog kung bigkasin. Nakadaragdag sa kagandahan at
kabisaan ng mga katha ang hindi karaniwang paggamit ng salita. Ang tula ay mayaman
sa tayutay nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita. Mayroong apat na elemento ang tula; ang sukat, tugma,
kariktan, at ang talinghaga. Sa araling ito nasusuri ang kasiningan at nabibigyang
kahulugan ang iba`t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula,. Natalakay
rin sa araling ito ang tulang mula sa Uganda na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.
Tabora mula sa salita sa Ingles ni Jack H. Driberg ng A Song of a Mother to her
Firstborn "Hele ng Inay sa kanyang Panganay". Mababatid sa tulang ito ang
magkakaibang damdamin ng isang ina, kasabay ang walang kapantay na kaligayahan,
sa pagsilang ng kaniyang unang anak. Ayon sa ina, nais niyang makita ang anak sa
kaniyang paglaki na maging isang mandirigma upang matuwa ang ama nito.
Nagpapakita ito ng mga pangarap ng isang ina para sa kanyang anak at panghuhula
nito sa magandang kinabukasan at ang maaaring positibong dulot nito sa kanyang mga
magulang. Ang araling panitikan ng tula ay nagtapos sa aplikasyon sa kung papaano
magsulat ng sariling tula at sa paglalapat ng himig sa isinulat na tula.
RHEA MAE D. TEVES
BSED-FILIPINO1

KONKLUSYON
“MITO”

Ang alamat ng paglikha, mito ng paglikha, o kuwento ng paglikha ay isang masagisag


na pagsasalaysay ng kung paanong nagsimula ang mundo at kung paanong ang tao ay
unang dumating upang manirahan sa daigdig. Umunlad sila sa mga tradisyong
pasambit, kung kaya't pangkaraniwang may maramihang mga bersiyon; at sila ang
pinaka pangkaraniwang anyo ng mito, na natatagpuan sa lahat ng kultura ng tao. Sa
isang lipunan kung saan nilalahad ito, ang isang alamat ng paglikha ay pangkaraniwang
itinuturing na nagpapabatid ng ganap na mga katotohanan, patalinghaga o metaporikal,
masagisag at kung minsan ay pati na sa diwang makasaysayan o literal. Ang mga ito ay
pangkaraniwang, bagaman hindi palagi, isinaalang-alang bilang mga mitong
kosmohonikal.

Natalakay rin sa araling ito ang “Masha at Mashayana: Mito ng Pagkakalikha (Mito mula sa
Africa) Ang mga mahahalagang kaisipan o mga aral na taglay ng akda ay dapat alam
natin na may mga bagay na biglang nawawala at bigla ring dumadating sa ating buhay.
Kagaya ng pagmamahalan nina Rustam at Prinsesa Tahmina at ang biglaang pagkikita
ni Sohrab at Rustam. Dapat binibigyan natin ng importansya kahit gaano kaliit ang
bagay na iyon dahil hindi natin alam kung kalian ito mawawala sa ating piling. Dapat
mapagmahal tayo sa pamilya, sa ating mga kaibigan, at sa kapwa. Gayahin natin ang si
Rustam na masyadong mapagmahal at maaalalahanin kahit sa kanyang kabayong si
Rakhsh.

Para sa pangwakas na kaisipan, ang buhay ni Rustam ay naging makabuluhan ngunit


mapait. Naging isa siyang magiting na mandirigma, may matapang siyang kaibigang
kabayo na si Rakhsh at nakilala niya ang kanyang kasintahan. Isa siya sa mga
magagaling na mandirigma o tagapagtanggol ng Persiya ngunit hindi niya nagawang
ipagtanggol ang kanyang pag-ibig para kay Prinsesa Tahmina. Hindi niya alam na may
anak pala silang lalaki, isang magiting na mandirigma tulad niya, sapagkat hindi niya
binalikan ang prinsesa. Kakaiba man ang kanyang lakas at katapangan pero hindi niya
naiwasto nang maayos ang kanyang buhay dahil hindi niya nakilala nang mabuti si
Prinsesa Tahmina at ang kanilang anak na si Sohrab. Nakapiling lamang niya si Sohrab
sa una at huli nilang pagkikita.
‘’PANGKALAHATANG KONKLUSYON”

Ang aming lesson na napili sa aking kasamahan ay tungkol sa tula, maikling kwento at
mito. Marami kaming natutuhan kagaya ng tula, mula sa Uganda na isinalin sa Filipino
ni Mary Grace A. Tabora mula sa salita sa Ingles ni Jack H. Driberg ng A Song of a
Mother to her Firstborn "Hele ng Inay sa kanyang Panganay". Mababatid sa tulang ito
ang magkakaibang damdamin ng isang ina, kasabay ang walang kapantay na
kaligayahan, sa pagsilang ng kaniyang unang anak. Ayon sa ina, nais niyang makita
ang anak sa kaniyang paglaki na maging isang mandirigma upang matuwa ang ama
nito. Nagpapakita ito ng mga pangarap ng isang ina para sa kanyang anak at
panghuhula nito sa magandang kinabukasan at ang maaaring positibong dulot nito sa
kanyang mga magulang. Ang araling panitikan ng tula ay nagtapos sa aplikasyon sa
kung papaano magsulat ng sariling tula at sa paglalapat ng himig sa isinulat na tula, at
sa maikling kwento naman Ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang
masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari. Katangian: iisang kakintalan, may isang pangunahing tauhang may
mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon, tumatalakay sa isang madulang
bahagi ng buhay, may mahalagang tagpuan, may kawilihan hanggang sa kasukdulan
na agad susundan ng wakas at ang maikling kwento na mababasa sa lesson plan ay
“Ang Alaga” (Maikling Kuwento mula sa East Africa) ni Barbara Kimenye Isinalin sa
Filipino ni Magdalena O. Jocson. Dumapo naman tayo sa Mito, Ang mito ay Ito ay isang
uri ng kwento o salaysay na hingil sa pinagmulan ng sansinukuban, kwento ng tao, ang
mahiwagang linikha at ang kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa.
Natalakay rin sa araling ang “Masha at Mashayana: Mito ng Pagkakalikha (Mito mula sa
Africa) Ang mga mahahalagang kaisipan o mga aral na taglay ng akda ay dapat alam
natin na may mga bagay na biglang nawawala at bigla ring dumadating sa ating buhay.
Kagaya ng pagmamahalan nina Rustam at Prinsesa Tahmina at ang biglaang pagkikita
ni Sohrab at Rustam. Dapat binibigyan natin ng importansya kahit gaano kaliit ang
bagay na iyon dahil hindi natin alam kung kalian ito mawawala sa ating piling. Dapat
mapagmahal tayo sa pamilya, sa ating mga kaibigan, at sa kapwa. Gayahin natin ang si
Rustam na masyadong mapagmahal at maaalalahanin kahit sa kanyang kabayong si
Rakhsh.

Para sa pangwakas na kaisipan, ang buhay ni Rustam ay naging makabuluhan ngunit


mapait. Naging isa siyang magiting na mandirigma, may matapang siyang kaibigang
kabayo na si Rakhsh at nakilala niya ang kanyang kasintahan. Isa siya sa mga
magagaling na mandirigma o tagapagtanggol ng Persiya ngunit hindi niya nagawang
ipagtanggol ang kanyang pag-ibig para kay Prinsesa Tahmina. Hindi niya alam na may
anak pala silang lalaki, isang magiting na mandirigma tulad niya, sapagkat hindi niya
binalikan ang prinsesa. Kakaiba man ang kanyang lakas at katapangan pero hindi niya
naiwasto nang maayos ang kanyang buhay dahil hindi niya nakilala nang mabuti si
Prinsesa Tahmina at ang kanilang anak na si Sohrab. Nakapiling lamang niya si Sohrab
sa una at huli nilang pagkikita.

You might also like