You are on page 1of 3

Therese Karla M.

Pangan 7-Solomon

Ang Karagatan

1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.


2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring
pagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan
ng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan
ng tabong may tandang puti.
11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang
sagutin ang talinghaga.
Ang panitikan ay kalipunan ng mga sulatin at mga akdang maituturing ding mga likhang sining.
Ito ay nagpapahayag ng mga diwa, karanasan, kaisipan, damdamin at karanasang ng mga tao
o manunulat. Ang salitang panitikan ay mula sa salitang “titik” kung saan dinagdagan lamang ng
unlaping pang- at hulaping -an na naging pangtitikan at ‘di kalaunan ay naging panitikan. Sa
Ingles ito ay literature mula sa salitang Latin na littera na ang ibig sabihin ay letters o letra. Ang
bawat literatura o panitikan ay sumasalamin sa panahon at kultura kung kailan ito naisulat.
Nasasalaysay din dito ang lipunan, pamumuhay, pananampalataya at maging ang mga
emosyon ng mga tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak, pangamba at iba pa.

Uri ng Panitikan ayon sa Nilalaman

Piksyon

1. Ito ay mga akdang mula sa masining at malikhaing pag-iisip ng manunulat. Karamihan


sa mga pangyayari sa akdang ito ay hango si hindi makatotohanang pangyayari.
2. Halimbawa: alamat, pabula, mitolohiya

Di-Piksyon

 Ito ay mga akdang batay lamang sa mga makatotohanang impormasyon o pangyayari.


 Halimbawa: kasaysayan, pananaliksik, talambuhay

Uri ng Panitikan ayon sa Anyo

Patula

1. Mga akdang nasa anyong tula may tugma at nakasulat ng pasaknong.


2. Halimbawa: awit, korido, epiko, soneto, elehiya, awiting bayan, dalit, pastoral, oda,
senakulo, moro-moro, sarswela, tibag, panuluyan, salubong, karagatan, duplo,
balagtasan.

Tuluyan o Prosa

 Mga akdang nasa anyong patalata na binubuo ng mga pangungsap na nagpapahayag.


 Halimbawa: alamat, anekdota, maikling kwento, sanaysay,

Paraan ng Paglaganap

1. Pasalingdila

Ito ay mga panitikang lumaganap sa pamamagitang ng oral tradition o pasalingdila na paraan


ng pagkukwento. Ipinamana ng ating mga ninuno patungo sa susunod na henerasyon.

 Pasulat

Nang matuto na ang mga tao na sumulat naitala na nang mga manunulat ang kanilang mga
akdang pampanitikan na kalaunan ay nailimbag sa mga publikasyon. Hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy pa rin itong lumalaganap.
 Pasalintroniko

Dahil ang panahon ay umuunlad ganoon din ang panitikan. Ito ay umaayon sa mga
pagbabagong nagaganap sa lipunan kaya naman sa kasalukuyan marami nang mga artikulo o
mga akdang na nakalimbag sa mga website at iba pang mga social media platforms.

You might also like