You are on page 1of 51

Aralin 3:

Pagsipat sa mga
Problema at Solusyon ng
Panitikang Pilipino

CRISTAL LYCA T. AYSON, LPT


Instructor
Salamin ng buhay
ang panitikan at ito ay
isang instrumento sa
pagtataguyod ng bansa.
Winika ni F.R. Leavis, sa
kanyang aklat na Selected Library
Criticism: Henry James: “Ang
kahalagahan ng ating hinahanap sa
malikhaing panitikan ay isang
sangkap na kaugnay ng pandama ng
buhay, ang sangkap ng
potensyalidad ng pantaong
karanasan na ipinababatid nito.”
Ilapit ang sarili sa
lipunan
vs
Ilayo ang sarili sa
lipunan
Bilang indibidwal,
mismong IKAW ang
napapabago ng
sosyedad o lipunan.
Ang sining ay hindi
lamang nagpapasupling ng
buhay kundi siya rin ang
huhubog sa buhay na siyang
maaaring huwaran ng mga
tao ang mga disenyo ng mga
piksyonal na mga bayani.
Mga Suliranin ng
Panitikang Pilipino Ngayon
1.Hindi tinatangkilik ang sarili nating
panitikan bagkus ay sa mga panitikang
banyaga.

2.May mga paaralang hindi ibinibilang ito


sa mga asignatura dahil alam na raw ng
mga mag-aaral ito.

3.Wala ng gaanong sumusulat para


basahin ng kapwa Pilipino.
9

4. Umaasa na lamang ang mga


kabataan ngayon sa mga pamumuna
o pagsusuri ng ibang kritiko na
nalalathala na sa magasin at
internet.

5. Malayo na sa pulso ng mga


bagong henerasyon ngayon.
6. May gusot na namamayani sa mga
wikang tinatangkilik.

7. Hindi na lubos na pinag-aaralan


ang sariling gawa at mas bumababa
ang antas ng kaalaman sa sariling
panitikan.

8. Kawalang halaga sa mga isinulat ng


mga dakilang manunulat.
11

9. Kulang na sa pagmamalasakit at
papaunlad ng sariling wika at
panitikan.

10. Kawalang malay sa mga


kaganapang namamayani ang mga
namumuno para sa pagpapaunlad ng
panitikang Pilipino.
GAWAIN

1. Buhat sa tinalakay na aralin, paano


maisusulong ang panitikan bilang isang
buhay na lunsaran ng lipunan at bayan?
Ipaliwanag.

2. Bilang mag-aaral, anong hakbang ang


pwede mong maiambag sa pagsulong ng
sarili nating panitikan?
MGA ANYO NG
PANITIKAN
Dalawang uri ng Panitikan

Piksyon (Kathang-Isip)
Ginagamit ng mga manunulat ang
kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng
mga akdang bungang-isip lamang.
Umiimbento sila ng mga kathang-isip na
mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook
na pinangyarihan ng kuwento para sa
kanilang mga akda.
Di-Piksyon (Di Kathang-Isip)
Ang isang paglalahad,
pagsasalaysay, o kinatawan ng
isang paksa na inihaharap ng isang
may-akda bilang katotohanan ay
bumabatay ang may-akda sa mga
tunay na balita at iba pang
kaganapan, ayon sa kanyang mga
kaalaman hinggil sa paksa.
Tatlong
Kaparaanan Uri
ng Paghahalin
Pasalin-Dila

Ang paraan ng paglilipat ng


panitikan mula sa dila at bibig ng tao
ay bahagi ng pakikipagtalamitam at
pakikisalamuha nila. Noong hindi pa
marunong magsulat ang mga ninuno ng
mga makabagong Pilipino, binibigkas
lamang ang mga panitikan.
Pasalinsulat

Ang dokumentasyon ay namayani


nang isinatitik, isinulat, inukit, o
iginuhit ng mga Pilipino ang kanilang
panitikan. Naganap at nagsimula ito
noong matutunan nila ang sinaunang
abakada o alpabeto, kabilang na ang
mas naunang baybayin at mga katulad
nito.
Pasalintroniko

Ang pagsasalin ng
panitikan sa pamamagitan ng
mga kagamitang elektroniko
na dulot ng teknolohiyang
elektronika ay naging ganap
ang dokumentasyon.
20

Ayon sa Anyo
at Genre
Tuluyan (Prosa)

Naging maluwang na pagsasama-


sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag. Tulad ng anekdota,
nobela, maiksing kwento, sanaysay,
talambuhay, balita at talumpati.
Anekdota

Isang uri ng akdang tuluyan na


tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala,
sikat o tanyag na tao. Maikling salaysay ng
isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang
tao.
Ang pangunahing layon ng isang anekdota
ay ang makapaghatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.
Mga Karagdagang Panulat

1.Nobela
- Isang mahabang salaysayin ng mga
kawing-kawing na pangyayari na
naganap sa mahabang saklaw ng
panahon. Ito ay kinasasangkutan ng
maraming tauhan at nahahati sa mga
kabanata.
24

2. Maikling kwento
- Isang salaysay ng isang
mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may isang
kakintalan o impresyon.
3. Alamat
- Ito ay nauukol sa
pinagmulan ng isang bagay at
hubad sa katotohanan dahil
ito ay likhang isip lamang.
26

4. Pabula
- Kinasasangkutan ang salaysaying
ito ng mga hayop, halaman at
maging ng mga bagay na walang
buhay na kumikilos o nagsasalita
na para bang tunay na mga tao.
5. Sanaysay
- Nagpapahayag ng kuro-kuro
ng isang may-akda hinggil sa
suliranin o akda. Ito ay
maaaring pormal o impormal.
28

6. Talambuhay
- Ito ay kasaysayan ng
buhay ng isang tao na
maaaring pansarili o paiba.
29

7. Balita
- Paglalahad ng mga
pang-araw-araw na
pangyayari sa lipunan.
30

8. Talumpati
- Pagpapahayag na
binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig at ito ay nauuri
batay sa iba't ibang
layunin.
Panulaan (Tula)

Pagbuo ng pangungusap sa
pamamagitan ng salitang binibilang na
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
Ang bawat taludtod ay maaaring may sukat
at tugmaang pantig sa hulihan o sadyang
malaya na ang ibig sabihin ay di alintana
ang sukat at tugma. Ang mga ito ay nauuwi
sa tulang pasalaysay, liriko, tulang padula
at tulang patnigan.
Patanghal (Dula)

Kapag ito ay nakikita o


itinatanghal sa entablado o
inilalabas sa tanghalan.
Tulang Pasalaysay

Ito ay naglalahad ng isang


kasaysayan o mga tagpo o
mga pangyayari.
1. Epiko
Ito ay tulang salaysay
tungkol sa kagitingan ng isang
tao, mga tagumpay niya sa
digmaan o pakitutunggali sa
mga kaaway.
2. Awit (Song) at Korido
Ito ay mga tulang pamana sa
atin ng mga kastila. Ang mga
paksa nito ay hinango sa
pangyayari na tungkol sa
pagkamaginoo o
pakikipagsapalaran
3. Balad

Ito ay tulang
pasalaysay na karaniwang
inaawit.
Tulang Liriko

Nagpapahayag ito ng
damdaming pansarili ng
kumatha o ng kaya ay ng
ibang tao.
1. Soneto
Ito ay tulang may 14 na
taludtod. Naglalaman ito ng
damdamin at kaisipan at may
malinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao at naghahatid ng aral
sa mambabasa sa kabuuan.
2. Oda
Nagpapahayag ito ng isang
papuri, ng isang panaghoy o iba
pang masiglang damdamin. Wala
itong tiyak na bilang ng pantig o
tiyak na bilang ng taludtod sa
isang saknong.
3. Elehiya
Nagpapahayag ito ng
damdamin o guni-guni tungkol
sa kamatayan o kaya ay tula
ng pananangis lalo na sa
paggunita ng isang yumao.
4. Pastoral
Naglalarawan ito ng tunay
na buhay sa bukid.

5. Dalit
Ito ay awit na pumupuri
sa diyos o sa mahal na
birhen.
Tulang Padula

Ito ay isang tula na


isinasagawa ng padula na
itinatanghal sa isang
entablado o dulaan ang usapan
dito ng mga tauhan at sa
paraang patula.
1. Moro-Moro
Pumapaksa sa
paglalaban ng mga Muslim
at Kristiyano na laging
nagwawakas sa tagumpay
ng mga Kristiyano
2. Komedya
Gumagamit ng
nakaugaliang martsa para
sa pagpasok at pag-alis ng
entablado.
3. Tibag
Pagsasadula ng
paghahanap ng krus na
pinagpakuan kay Kristo nina
Reyna Elena at Prinsipe
Constantino
4. Panunuluyan
Isang prusisyong ginaganap
kung bisperas ng pasko. Isinasadula
rito ang paghahanap nina Maria at
Jose ng bahay na matutuluyan sa
nalalapit na pagsilang ni Hesus. Ang
mga gumaganap na tauhan at
nagtataglay ng magandang tinig.
5. Sarswela
Isang dulang ‘musical’ o isang
melodramang may tatlong yugto na
ang mga paksa ay tungkol sa pag-
ibig

6. Senakulo
Pagsasalarawan sa pagkabuhay
at pagkamatay ni Hesus
Tulang Patnigan

Isang uri ng pagtatalong


patula na ginagamitan ng
pangangatwiran at matalas
na pag-iisip.
1. Karagatan
Tulang kadalasang
sumusubok sa
manliligaw ng babae
2. Duplo
Nauso sa panahon
ng Kastila, debate na
patula na kalimitang
ginagawa sa pa-siyam
3. Balagtasan
Pagtatalo ng
dalawang panig sa
paraang patula

You might also like