You are on page 1of 5

Mara Erna L.

Tagupa
BSCE 2C_C3
Panitikan
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang-
at hulaping –an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literature ang isa pang katawagan
para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literature sa salitang Latin – littera 0 na
nangangahulugang “titik”.
Ito ay talaan ng buhay.
Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bansa na nasusulat na makahulugan,
maganda at masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya, damdamin at isipan ng tao tulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, galit, pagka-awa, paghihiganti at iba pa.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga
karansang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-
asa, pahkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasaysayan ng isang bagay lahi o bansa.
Ang mga layunin nito ay para maipakita ang realidad at katotohanan; at makalikha ng isa pang
daigdig na taliwas sa katotohanan.

Uri ng Panitikan
 Pasulat- ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng
pagsulat.
 Pasalin-dila- ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao. Hal. Epiko, awiting- bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong
at maging palaisipan
Anyo ng Panitikan

 Patula- nakasulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at
tugmaan o malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
 Tuluyan/ Prosa- nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
Mga Akdang Tuluyan/Prosa
 Nobela- mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na naganap sa mahabang
saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Uri ng Nobela
o Nobela ng Pangyayari- binibigyang- diin ang mga pangyayari
Hal. Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco
o Nobela ng Tauhan- binibigyang- diin ang katauhan o personalidad ng pangunahing
tauhan.
Hal. Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña
o Nobela ng Romansa- nakatuon sa pag- iibigan.
Hal. Salawahang Pag- ibig ni Lope K. Santos
o Nobela ng Pagbabago- kung ang diin ng may- akda ay naghahangad ng pagbabago sa
lipunan at pamahalaan.
Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
o Nobela ng Kasaysayan- nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng
isang bayan.
Hal. Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo
 Maikling Kwento- salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Uri ng Maikling Kwento
o Pangkatauhan- ang binibigyang- diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing
tauhan
Hal. Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza- Matute
o Makabanghay- ang binibigyang diin ay ang pagkakakawing- kawing ng mga pangyayari
sa katha
Hal. Bahay na Bato ni B.L. Rosales
o Pangkapaligiran- kung ang kwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda.
Hal. Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza- Matute
o Pangkatutubong- kulay- kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas at
kakayahang pampook ng isang lugar o kumonidad.
Hal. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
o Pangkaisipan- kung ang binibigyang- diin sa paksa ay ang kaisipan o ang makabuluhang
diwang taglay nito.
Hal. Ang Pag- uwi ni Genoveva Edroza- Matute
o Sikolohikal- kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag- iisip ng pangunahing tauhan.
Hal. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes
 Dula- isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Karaniwang
nahahati ang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat marami rin ang mga dulang iisahing
yugto.
Uri ng Dula
o Komedya- kung ang paksa ay katawa- tawa
Hal. Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda
o Trahedya- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at
karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan.
Hal. Lakambini ni Patricio Maraiano
o Melodrama- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng mga
tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay.
Hal. Minda Mora ni Severino Reyes
 Alamat- salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay- bagay. Karaniwang hubad sa
katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito’y mga likhang- isip lamang ng ating mga ninuno sa
pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay- bagay sa paligid at bunga ng
kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at
bibliya.
Hal. Alamat ng Pinya
 Pabula- mga salaysaying kinasasangkutan ng hayop, halaman at maging ng mga bagay na
walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na tao. Hubad din sa katotohanan
ang mga kwentong ito ngunit may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mag aral na
makahuhubog sa kanilang kilos at pag- uugali.
Hal. Ang Pagong at ang Matsing
 Parabula- kwentong hinango sa banal na kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin din itong
mag- iwan ng mga aral na kapaki- pakinabang sa buhay.
Hal. Parabula ng Alibughang Anak.
 Anekdota- maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay- aral sa mga mambabasa.
Hal. Ang Gamu- gamo at ang Munting Ilawan
 Sanaysay- isang pagpapahayg ng kuro- kuro o opinyon ng isang may- akda hinggil sa isang
suliranin o paksa
Uri ng Sanaysay
o Pormal- kung ang paksa ay hindi karaniwan at kung gayo’y nangangailangan ng
matiyagang pag- aaral o pananaliksik.
o Impormal- ang paksa ay karaniwan lamang at di na nagangailangan ng pag- aaral o
pananaliksik. Karaniwang hugot sa sariling karanasan lamang ng isang may- akda ang
paksa ng isang impormal na sanaysay o di kaya’y pagpapahayag lamang ng kanyang
pansariling obserbasyon o pananaw.
 Talambuhay- kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Uri ng Talambuhay
o Pansarili- ang may- akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay.
Hal. Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon
o Talambuhay na Paiba- talambuhay na isinulat ng ibang may- akda
Hal. Itinadhana sa Kadakilaan ni Anacleto I. Dizon

 Balita- paglalahad ng mga pang- araw- araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga
lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa insutriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at
pinilakang- tabing.
 Talumpati- pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nababatay sa
iba’t ibang layunin. Maaaring ito ay may layuning humikayat, magbigay- impormasyon,
magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon, o paniniwala o lumibang.
Mga Akdang Patula
 Tulang Pasalaysay- kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma.
Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at
korido.
o Epiko- tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran
ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala.
Hal. Biag ni Lam- Ang ng Ilocos at Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim
o Awit at Kurido- Patulang salaysay na paawit kung basahin. Pawang sa ibang bansa ang
tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay na ito. Kinapapalooban ito ng romansa o
pag- iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga pantakas sa
karahasan ng katotohanan.Kung gayon, karaniwang kinapapalooban ito ng mga
pangyayaring hindi kapani- paniwala tulad ng mahika, kababalaghan, at mga
kapangyarihang super- natural.

Awit- may taludtod na lalabindalawahing pantig


Hal. Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Kurido- wawaluhing pantig ang bawat taludtod
Hal. Ibong Adarna ni Jose De La Cruz
 Tulang Pandamdamin o Liriko- tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng
may akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategorya nito ang mga tulang awiting- bayan, soneto,
elehiya, dalit, pastoral at oda.
o Awiting- Bayan- maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong
nagpasalin- salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga
nito’y hindi na matukoy kung sino ang may akda ng maraming kathaing bayan.
Karaniwang pinapaksa ng awiting bayan ang pag- ibig, kawalang pag- asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan at kalungkutan.
Hal. Chit Chirit Chit, Leron- Leron Sinta at Bahay Kubo
o Soneto- tulang may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at
karaniwang naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Hal. Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon
o Elehiya- tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
Hal. Ellegy ni Thomas Gray at Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos
o Dalit- isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
Hal. Dalit Kay Maria
o Oda- tulang paghanga o papuri sa isang bagay. Hal. Ode to NightingalePastoral- tulang
naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Hal. Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez
 Tulang padula o Dramatiko- tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Hal.
Senakulo
 Tulang Patnigan- laro o mga paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran
ng namatayan.
Hal. Balagtasan
Ang Impluwensiya ng Panitikan
Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may
matutukoy na isa o ilang tanging akdab na naghatid ng malaking impluwensya sa kultura, tradisyon,
paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa buong
daigdig.
 Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga Muslim
 Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya.
 Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinalalagay itong
pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
 Centerbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali ng mga Ingles
noong unang panahon.
 Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe- nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa kaapihan
ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.
 Divine Comedia ni Dante- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag- uugali ng mga
Italyano noong unang panahon.
 El Cid Compeador- naglalarawan sa katangiang panlipi ng ng mga Kastila at kasaysayan ng
Espanya.
 Isang Libo at Isang Gabi- akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglarawan ito ng pamahalaan,
kabuhyan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
 Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya ng mga Intsik.
 Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at
teolohiya ng Ehipto.
 Awit ni Rolando- kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay
dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan


Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag- aaral nito
sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag- aaral. Ilan sa mga kapakinabangang natatamo sa pag- aaral ng
ating sariling panitikan ay ang mga sumusunod:
a. Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating yaman at
talinong taglay ng ating lahing pinagmulan.
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon at kultura, maging ng
mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa
natin sa kasalukuyan.
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang pagpapakasakit ng
ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at kapayapaang pinakikinabangan natin sa
kasalukuyang panahon.
d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba ng katangian ng mga panitikan ng iba’t ibang
rehiyon at matututunan nating ipagmalaki ang ating pagka- Pilipino,
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag- ibayo pa ang
mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at
maiwasto ang ating mga pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad,
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa pinakamahalagang yamang panlipi

You might also like