Professional Documents
Culture Documents
Characters:
Correa- Jose Rizal
Cruz- Dr Hans Meyer, Felix Resurrecion Hidalgo, Father, Hans Virchow, Don Juan
Francisco
Dela Torre- German Chief, Child in Boat, Patient
Devilles- Mrs. Ullmer, Patient Tindera
Francisco- Prof.Friedrich ratzel, Police, Paciano, Manuel Yriarte
Ibarreta- Narrator, Governor General Emilio Terrero/ Juan Perez Caballero/Etta
Marte- Dr. Feodor Jagur/ Fritz/ kabataan 1, Tenyente 1, Pilipino 1
Macaraig – Dr. Louis de Weckert/Maximo Viola/ Tetcho Suehiro, Balbino Mauricio,
Padre Sanchez
Mistades- Mother in boat/people who laugh at rizal/ Dr. Otto Becker, Pilipino 3,
Tenyente 3
Reyes-people who laugh at rizal/Trinidad, Pardo de Tavera/ Padre 1
Saballo- Narrator/mother/Seiko Usui
Sabaysabay- curtain, Padre 2
Samson- Dr. Rudolf Virchow/Juan Luna/Jose Maria Busa/Gardener/Taviel de Andrade/
Prof. Bluemintritt/ Dr. Karl Ullmer
Sodsod- Committees/Dr. Wilhelm Kuehne/
Villar- Police, Dr. Wilkolm, Dr. W. Joest, Maria, Kabataan 2, Tenyente 2, Pilipino 2
Script
Narrator: May isang lalaking nagsusulat sa gitna ng dilim at ang nagsisilbing ilaw
lamang niya ay ang kanyang lampara.
Voice over by narrator: Ina’y alam kong palala na ng palala ang inyong sakit sa mata
pero huwag kayong magalala malapit na po akong maging isang ganap na doctor at
ako po mismo ang manggamot sa iyo.
Rizal: Nakakapagod talaga magaral pero kakayanin ko para sa pamilya ko. Oo nga pala
may trabaho pa ako.
Narrator: Naabutan ni Rizal na nagbubukas ng pinto si Dr. Weckert.
Dr.weckert: Oh rizal kamusta, mukhang napuyat ka nanaman sa kakaaral mo ng
Mabuti pero halika na at ng makapagumpisa na tayo.
Narrator: Nagpaturo si Rizal kay Dr.Weckert magopera sa mata at ng mga dapat
isaalang alang sa pagoopera. Nang silay matapos………
Rizal: Doktor Mauna napo ako at ako’y magaaral pa ho at pupuntahan ko rin po ang
aking mga kaibigan.
Dr.weckert: Sige Jose ngunit diba ito na ang huli mong pagtatrabaho sa akin?
Rizal: Opo Doktor dahil lilipat na ho ako ng tirahan at magaaral nadin po ako sa
unibersidad ng Heidelberg.
Dr.weckert: Ganun ba, Ito tanggapin mo ang aking munting regalo Mamimiss kita aking
magaling na katulong.
Rizal: Maraming Salamat po Doktor. (Sabay yakap)
Narrator: Umalis na si rizal sa clinic ni Dr.wekcert at pumunta na sa kanyang mga
kaibigan na si juan luna,Felix Resurrecion Hidalgo, at Trinidad pardo de Tavera. Sa
isang banda Habang nagkakasiyahan ang tatlo..
(knock Knock)
Fritz & Ella: (naguunahan na mabuksan ang pinto) Papa!
Fritz: Papa Mukha pong may kasama kayo?
Etta: Oo nga po, akin napo at tutulungan ko na ho kayo dyan sa inyong bitbit.
Dr.Ullmer: Oo mga anak siya nga pala si kuya jose ninyo kaibigan siya ni papa. Asan
pala ang inyon mama?
Etta: Nasa kusina po papa naghahanda po ng makakain
Dr.Ullmer: Sakto at nagugutom na ako halika jose pumasok ka. Mahal!
Mrs.Ullmer: Mahal (Nagbeso) Naghanda nako ng makakain dahil alam kong gutom
kana, mukhang may kasama ka ata?
Rizal: Ako nga po pala si Rizal, Mula po ako sa unibersidad ng Heidelberg
nagbabakasyon po ako ditto ngayon sa inyong siyudad
Dr.Ullmer: Wala siyang matitirhan kaya ditto ko nalang siya pinatuloy,napakabait nitong
bata na ito. Siya ang tumulong sa aking mga pinamili.
Mrs. Ullmer: Ganun ba, Maraming Salamat sa iyo hijo at malugod kang tinatanggap sa
aming tahanan.
Fritz: Ayan may kalaro nako. Kuya Jose laro po tayo Mamaya ah
Rizal: Oo naman walang problema.
Etta: Mama maari napo ba tayong kumain naguguto napo kasi ako eh (Sabay hawak sa
tiyan)
Dr.Ullmer: Sige anak kumain na tayo.
Narrator: Umabot ng tatlong buwang ang pananatili ni Rizal sa bahay ni Dr.Ullmer at sa
pamilya nito. At pagkatapos nito ay bumalik nadin siya sa Heidelberg upang ipagpatuloy
ang pagaaral at pagtatrabaho niya sa unibersidad ng Heidelberg. Makaraan din ang
ilang araw habang nagninilay nilay si Rizal ay nakabasa siya ng isang artikuo tungkol sa
isang propesor na nahihilig sa lenggwaheng tagalog.
Sabi sa Sulat ni Rizal kay Prof.Blumentritt:
Magandang umaga propesor, Naririnig ko ang balita na inaaral mo ang aming
lenggwaheng tagalog at nakagawa narin ng mga libro patungkol ditto.Lubos akong
humanga at nagpapasalamat sa iyong mga ginawa.Hayaan mon a bigyan kita ng aklat
na naglalaman ng Espanyol at tagalog na siyang isang Pilipino ang sumulat.
Nagmamahal Rizal
Dahil sa ginawa ni Rizal nagging matalik na magkaibigan sila ng propesor.
Pagkatapos ng ilang buwan na pananatili ni Rizal sa Heidelberg ay umalis na ito at
nagtungo sa Leipzig isang siyudad sa Germany.Dito niya nakilala ang ilang Propesor at
Doktor na sina Prof.Friedrich Ratzel at Dr. Hans Meyes. Dahil sa pananatili niya sa
Germany dito niya nakita na iba pala ang pamumuhay ng mga tao ditto kayat..
Narrator: O mahal kong kaibigan papunta ako ngayon sa berlin, kung sakaling mabasa
mo ito siguro’y nasa berlin na ako gusto kitang bisitahin aking kaibigan. Nagmamahal
Maximo
Narrator: Nang si Maximo ay nakarating sa tirahan ni Rizal ay nasaksihan niya ang
kalagayan ng kanyang kaibigan.
Maximo: Rizal anong nangyari sa iyo kaibigan ko?
Rizal: Mahal kong kaibigan (Umubo)
Maximo: Anong nangyari?
Rizal: (Umubo) Ito mukhang di ko na kakayanin na mabuhay (Umubo) Naubos ang
aking pera at aking nobela muntikan ko ng sunugin dahil wala na akong pang gawa ng
kopya nito.(Tinapon ang Nobela)
Maximo: Ano? (Kinuha ang Nobela) Ang likha ng isang Jose Rizal ay hindi dapat
sinasayang. Pinaghirapan mo ito Rizal. Kung iyon lamang ang iyong problema ako na
ang tutulong at magbibigay ng pondo sa iyo para makagawa ka ng iba pang kopya nito.
Rizal: Maraming Salamat Maximo.
Narrator: Gumaling na nga si Rizal sa kanyang sakit at Sila’y nagdiwang ng pasko
pagkatapos gumaling ni Rizal. Pagkatapos nilang magdiwang ilang araw ang lumipas
naghanap sila ng taga gawa ng kopya ng kanyang nobela at nakahanap nga sila sa
halagang tatlong daan para sa dalawang libong kopya. Binigyan agad ni Rizal ang mga
taong malalapit sa kanya isa na rito ay ang kanyang kaibigan na si Prof.Blumentritt.
Maximo: Napadala mo na ba ang mga kopya?
Rizal: Oo tapos na Maximo pero may ibibigay ako sa iyo
Maximo: Ano yun?
Rizal: Natanggap ko na kasi ang padala ng aking kapatid ito na ang tatlong daan na
hiniram ko sayo at ito ang unang kopya ng aking nobela at gusto ko ikaw ang
makatanggap nito.
Maximo: Salamat kaibigan ko
Rizal: Hindi Maximo, ako ang dapat na magpasalamat
Narrator: Makalipas ang umaga sa tahanan ni rizal ay may dumating na dalawang
pulis.
(Knock Knock)
Police 1: Guten Morgen
Rizal: Magandang Umaga rin po, Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mga ginoo?
Police 2: Kami po ay mga pulis mula sa opisina ng gobernador, Nais lang po namin
makita ang inyong pasaporte maari po ba namin makita?
Rizal: Paumanhin po pero wala po akong pasaporte na maipapakita.
Police 1: Kung wala po kayong maipapakita sa loob ng apat na araw maari po naming
kayong pabalikin sa inyong bansa.
Narrator: Lubos na nabahala si Rizal dahil sa balitang kanyang natanggang kaya
kaagad siyang tumulong sa kaibigan niyang si maximo.
Rizal: Bakit nila ako papaalisin gayung wala naman akong ginawang krimen? Paano na
ito wala akong pasaporte.
Maximo: Wag ka magalala sasamahan kita sa embahada ng espanya baka
matulungan nila tayo.
Narrator: Nagtungo kaagad si Rizal at Maximo sa Embahada ng espanya sa berlin
ngunit hindi natulungan nito dahil wala siyang kakayahan na makagawa ng pasaporte.
Makalipas ang ilang araw ay nagtungo si Rizal sa hepe ng kapulisan ng berlin na may
halong kaba sa kanyang dibdib.
Rizal: Guten Morgen Hepe
Hepe: Magandang umaga din sa iyo kung hindi ako nagkakamali ikaw si Rizal.
Rizal: Opo ako nga po, Ipagpaumanhin nyo po na hindi ko po nagawa ang inyong
pasaporte at maari po bang itanong kung ano po ang dahilan kung bakit ako papaalisin
sa inyo bansa ganyong wala naman akong ginagawang krimen?
Hepe: Ginoo May nataggap kasi kaming balita na isa kang espiya ng pransya at alam
mo naman na ang gobyerno ng Germany ay mainit sa mga taga pransya.
Rizal: Ngunit mali ho kayo ng inyong hinala Hepe isa po akong Pilipino marunong
lamang po akong magsalita ng iba’t ibang lenggwahe.
(Nagsalita ng magandang umaga sa iba’t ibang lenggwahe)
Hepe: Nakakabilib ang iyong ginawa, naniniwala na ako na hindi ka nga espiya ng
pransya kaya maari kang manatili sa aming bansa.
Rizal: Danke Dir hepe
Narrator: Matapos maayos ang pangyayaring iyon kasama ang kaibigang si Maximo
Viola, nakatanggap ng mga papuri si rizal mula sa mga kaibigan niyang binigyan niya
ng kanyang nobela at pagkaraan ng ilang araw,naglakbay si Rizal sa iba’t ibang panig
ng Europa. Taong 1887 sa ika-11 ng Mayo lulan ng isang tren sina Rizal at Viola
patungo sa Dresden.
( sa loob ng tren)……
Viola: Aking kaibigan ako’y nagagalak dahil kasama kita sa paglalakbay na ito.
Rizal: Ako’y nagagalak rin at ikaw ay aking napapayag na sumama dahil mas masaya
kung sabay natin matutuklasan ang mga makasaysayang lugar sa Europa.
Viola: Gayun rin kung sabay tayong makakakilala ng mga taong bantog sa buong
mundo
(Nag kangitian)……..
Narrator: Habang papalapit na sa Dresden sina Rizal at Viola tila may nakapukaw ng
paningin ni Rizal
Rizal: Ka’y ganda naman ng mga tanawin rito tila parang nasa isang larawan lamang
kung pagmamasdan.
(Napasilip sa bintana ng tren si Viola)…..
Viola: Aba’y! ang swerte pala natin aking kaibigan (nakangiti niya itong sinabe)
Rizal: Bakit naman Maximo?
Viola: Dahil nagkataon pa na may eksposisyon ngayon sa Dresden at dahil dyan alam
kong lalo kang mag kakainteres sa lugar na ito.
Rizal: Kilala mo talaga ako Maximo (napangiti…)
Viola: Oo naman kaibigan dahil alam kong nag aral at mahilig ka sa botanika.
Narrator: Pagkababa nina Rizal at Viola sa tren ay nakita niya doon ang dalawang
dalubhasang tao na sina Dr. Adolf B. Meyer at Dr. Jagor.
Dr. Jagor: Kamusta ang byahe Viola? Tila parang napagod kayo ah?
Viola: Opo Dr. Jagor medyo nakakapagod nga ho
Dr. Jagor: Oo nga pala Rizal baka nais mo na tumelegrama kay Fredinand Blumentritt
upang kayo’y magkita sa Leitmeritz
Rizal: Nakapag padala na ho ako ng telegrama kay Ginoong, Blumentritt
Dr. Jagor: Mabuti naman kung ganon
Dr. Adolf Meyer: Osiya! Tama na yang paguusap dito sa estasyon mabuti pa tayo’y
mamasyal na!
Viola: Oo nga ho magandang ideya yan! Saan ho ba pwede niyo kaming dalhin?
Dr. Adolf Meyer: Marami akong alam na maaari nating puntahan ngunit sa Museo ng
mga Sining muna tayo pumunta.
Narrator: Nakarating ang mag kaibigan sa Museo ng Sining kung saan mababakas sa
mga mukha nina Rizal at Viola ang pagkamangha sa mga larawan na narito.
Rizal: Napaka ganda naman ng mga sining na narito bigla tuloy akong may naalala sa
mga larawan na ito.
Viola: Tila parang may pagkahalintulad ito sa “Pronetheus Bound” sa art gallery sa
Paris hindi ba?
Rizal: Oo nga Maximo may pagkakahalintulad ito
Narrator: Habang nalilibang sa katitingin ang magkaibigang Rizal at Viola si Dr. Jagor
ay nagsimula ng mag yaya umuwi.
Dr. Jagor: Rizal at Viola halina’t umuwi na upang makapag pahinga na rin kayo dahil
bukas pupunta naman kayo sa Leitmeritz.
Rizal: Sige ho Dr. Jagor
Narrator: Kinabukasan….. natanggap na ni Blumentritt ang telegrama galing kay Rizal
kaya naman nag tungo na agad ito sa estasyon ng tren sa Leitmeritz, Bohemia. Dala ni
Blumentritt ang larawan niya na iginuhit ni Rizal upang magkakilala sila. Sa sulat
lamang sila nagkakilala at unang pagkakataong magkikita ng personal.
Rizal: (Pagbaba sa tren ) Nasaan na kaya si Ginoong, Blumentritt?
(biglang may lumapit na lalake)……..
Blumentritt: Rizal? Tama ba? Ako nga pala si Ferdinand Blumentritt (pinakita ang
iginuhit ni Rizal na larawan)
Rizal: Oho ako nga po si Rizal (nagkamayan)…….
Viola: Magandang hapon ho ako nga din po pala si Viola (nagkamayan)……
Blumentritt: Tayo na mga iho panigurado ay gutom na kayo dahil sa byahe
Viola: Nako! Oho gutom na nga po ako (nanguna sa paglalakad)
(nagtawanan sina Rizal at Blumentritt)…….
Narrator: Sa bahay nila Blumentritt nag hapunan ang mag kaibigang Rizal at Viola
kung saan nakilala rin nila ang pamilya ng ginoo. At sa hapunang iyon naging paborito
ni Rizal ang mga hinain ng asawa ni Blumentritt na si Rosa.
(Kainan……. Tapos nag uusap)………
Blumentritt: Bukas ipapasyal ko kayo sa Bohemia
Viola: Ano po meron sa bohemia?
Blumentritt: Doon matatagpuan ang masarap na serbesa
Narrator: Pagkadating sa bohemia agad nilang tinikman ang serbesa at sila ay natuwa
dahil tama ang sinabi sa kanila ni Ginoong, Blumentritt.
Narrator: Kinabukasan sa isang lugar sa bohemia nagkaroon ng pagtitipon ang mga
turista ng Leitmeritz.
(Nagpapalak pakan ang mga tao)
Manunuod 1: Napakahusay mo naman napahanga mo kami
Manunuod 2: Oo nga napakagaling mo magtalumpati gamit ang wikang Aleman
Rizal: Maraming salamat po (nakanigiti niya itong sinambit) siya nga pala ito ang aking
kaibigan si Blumentritt siya ang dahilan kung bakit kami nag kakilala ni Dr. Carlos
Czepelak
Narrator: Sumunod na pangyayari nagkita si Rizal at si Dr. Willkom at kasama ni Rizal
si Viola.
Si Dr. Willkom ay isang propesor ng likas na kasaysayan sa Unibersidad ng Prague.
Dr. Willkom: Gusto niyo ba na ipasyal ko kayo sa Prague?
Rizal: Nais ho namin na makita ang lugar na inyong ipinagmamalaki
Viola: Tayo’y umalis na mukhang napakaganda nga doon (natutuwang sambit nito)
Narrator: Masaya silang naglakbay patungo sa Prague sakay ng kalesa. Ipinasyal ang
dalawa sa makasaysayang mga lugar sa Prague gaya ng libingan ni Copernicus
Rizal: Nakakamangha at sadyang nakakaakit sa lugar ito panigurado lahat ng
magagawi dito ay mabibighani sa ganda ng lugar niyo.
Narrator: Pagkatapos nila magtungo sa Prague ang mag kaibigan naman ay nagtungo
sa Vienna na noon ay kabisera ng Austria-Hungary.
Rizal: Ang gaganda ng mga gusali dito sa Vienna (nakangiti)
Viola: Hindi lamang ang gusali ang maganda gayundin ang mga musika (nakikinig sa
mga musika)
Narrator: Matapos nila mamangha sa lugar ng Vienna nakipag kita sila sa bantog na
nobalistang si Norfenfals kung saan tinawag nito si Rizal na “henyo”.
Viola: Iba ka talaga kaibigang Rizal isang bantog na nobalista ang iyong napahanga
(pagbibiro nito)
Rizal: Oo nga eh di ko rin lubos akalain
Narrator: Nilisan nila Rizal at Viola ang Vienna lulan ng Bangka na naglalakbay sa Ilog
Danube. Sila ay nag punta ng Salzburg at Munich kung saan uminim sila ng
pinakamasarap na beer sa buong Alemanya tinatawag ito na Munich beer.
Viola: Ang sarap nito (beer) kasing sarap ng serbesa sa Bohemia
Rizal: Tara na’t maglibot pa dito
Viola: Ito pala ang katedral na pinakamalaki at pinakamataas sa buong Alamnya
(sabay turo sa katedral)
Rizal: Meron pa doon oh akyatin natin ang tore upang Makita nating Rheinfall
Viola: Rheinfall iyon ba ang pinakamagandang talon sa buong Europa?
Rizal: Tama ang iyong tinutukoy
(inakyat nila ito kaya naman sobrang saya nila nung nasilayan nila)
Narrator: Kinabukasan nagtungo sila sa Basel (Bale), Bern at Lausane sakay ng
Bangka. Nang tawarin nila ang lawa ng Leman sa Geneva nakipag usap si Rizal sa
tatlong wika ito ang Pranses, Aleman, at Italyano. Labing limang araw silang nagtagal
sa Geneva.
Viola: Kaibigang Rizal salamat sa pagsama sa akin sa iyong paglalakbay (nalungkot ng
bahagya) ako’y mag papaalam na at ako’y maggagawi na sa Barcelona
Rizal: Maraming salamat din Viola isang napakasayang paglalakbay kasama ka
(nagyakap)
Viola: Magiingat ka pa-Italya Rizal, aking kaibigan.
Narrator: pagkaraan ng limang taon niyang pag-aaral sa Europa, nagasyang magbalik
ng Pilipinas si Rizal ngunit isang sulat ang kanyang natanggap sa kanyang pamilya sa
Pilipinas na naglalaman ng babala dahil ang kanyang nobelang noli me tangere ay
nagdulot ng galit sa mga prayle ng Pilipinas, ngunit tumuloy pa rin si Rizal na magpunta
sa Pilipinas at ng siya ay makarating sa Manila ay siya’y nagtungo kaagad sa
Calamba, labis ang pagkagulat at pangamba ng kanyang pamilya . Para sa kaligtasan
ni Rizal.
(knock knock)
Rizal: Ama, Ina andito na po ako .
Ina: Si Rizal ba iyon?
Ama: Mukha nga, Paciano buksan mo nga ang pinto .
(Binuksan ang pinto)
Paciano: Ama Ina si Rizal nandito na .
Ina: Jose anak ko (sabay yakap at hatak sa anak)
Ama: Dali at pumasok kana anak at yumakap din
Rizal: Ama Ina, masaya ho akong nakita ko na kayong muli .
Ama: Ako din anak , hindi mo ba natanggap ang aking liham?
Rizal: Natanggap ko po Ama ngunit labis po ang aking pananabik na makita kayong
muli at magamoy si Ina .
Ina: Ano anak ? gagaling na ako ?
Rizal: oho ina tama ang inyong nadinig maaari ko na kayong gamutin.
Narrator: Sa sumunod na araw ay ginamot na ni Rizal ang kanyang Ina at kasunod nito
ang pagdagsa ng tao dahil sa nalaman na balita na isang doktor ,ula sa Europa ang
nasa Pilipinas upang manggamot. Kaya’t napagpasyahan ni Rizal na magtayo ng
sariling ospital para sa nais magpagamot.
Paciano: Susunod, Maria Legarda.
Maria: Ako po iyon.
Paciano: Halika binibini at ikaw na ang susunod na gagamutin, donasyonn lamag po
ang aming tinatanggap hindi bayad.
Rizal: Ano ba ang masakit sayo ?
Maria: Ito pong paa ko nadulas ho kasi ako at mukhang napilayan ho ata ako .
Rizal: Ganun ba , sige alam ko ang gagawin dyan ngunit ito’y may konting kirot kaya
tiisin mo at tiyak makakalakad ka na ng maayos.
Maria: Sige po gawin niyo po ang makakabuti
(hinihilot ang paa)
Maria: Aray ! (sabay hinimatay)
Rizal: Ayan tapos na binibini ayos ka lang?
(ginising ang dalaga, at ng ito’y magising)
Maria: Asan ako?
Rizal: Nandito ka sa aking ospital maayos na ang iyong paa halika at subukan mong
tumayo at maglakad .
Maria: (Sinubukang tumayo at maglakad)
Rizal: Ayan nakakalakad ka na .
Maria: Salamat po ginoo.
Rizal: Walang anuman ngunit mag-iingat kana sa susunod ngunit binibini maaari ko
bang malaman ang dahilan kung bakit ka napilayan?
Maria: Tumatakbo po ako pabalik sa sugalanng aking Ina dahil...
Rizal: Tama ang aking dinig sugalan
Maria: Opo sugalan po diyan sa ikatlong kanto halos lahat ay nandoon upang magsugal
o di kaya’y magsabong.
Rizal: Ganunh ba ? ige mag-iingat ka
(umalis na ang dalaga)
Rizal: Kuya, may sugalan pala rito?
Paciano: Oo Jose marami na nga ang nahuhumaling dito.
Rizal: Ganun ba? (nag-isip) may naisip akong paraan para mapunta sila sa mabuting
landas.
Paciano: Ano namann yun?
Rizal: Basta kuya, o yung susunod na
Paciano: Susunod .
Narrator: Dahil sa nais ni Rizal matigil ang sugalan sa kanilang bayan ay nagtayo siya
ng isang gym para sa palakasan at tinuruan niya ang mga kabataan at pagbabaril at
paglalaro ng Chess.
Rizal: Makakain yang reyna mo, dapat lagi mo iyanng poprotektahan maliwanag?
Kabataan 1: Op Ginoo.
Rizal: Tandaan mo kasi ito bilang panutok mo ika’y maging asintado.
Kabataan 2: Salamat po.
Rizal: Sa wakas at nagtigil na ri iyang pasugalan na iyan, dahil diyan nasisira ang
buhay ng isang kabataan, hindi ba nila alam na ang kabataan ay ang pag-asa ng ating
bayan.
Narrator: Naging matagumpay si Rizal sa kanyang adhikain na maiba ang landas ng
mga kabataan at tao sa kanilang bayan ngunit isang liham imbitasyon ang kanyang
natanggap mula sa palasyo, ng malakanyang upang kausapin ng Gobernador heneral
Emilio Terrero, Lumipas ang ilang araw nagtungo si Rizal sa palasyo ng malakanyang
upang paunlakan ang imbitasyon ng gobernador heneral.
(knock knock)
Padre 1: Ang nobelang iyan ay isang patunay na inuusig nito ang simbahan at
nakakasirang puri sa ordeng pangrelihiyon.
Padre 2: Ito rin ay naglalaan ng kawalan ng paggalang sa mga pari at mga layunin ay
makapaminsala sa pamahalaan ng espanya.
Gobernador: Hindi ko nagugustuhan ang inyong mga pagbibintang, upang atapos na
ang gulong ito ipagbibigay ako ng kopya ng nobela sa mga nakakataas .
Narrator:Mas lalong sumikat ang nobela at maramig Pilipino ang nais makabasa nito.
Ngunit ito’y pasikreto lamang .
( may nagbabasa ng pilipino na may dumaas na guwardiya sibil)
Subalit may mga reprmiso tulad nina Gobenador Lopez Jaena , Marcelo H. Del Pilar at
iba pang kasamahan nila ang nagtatanggol sa nobelang Noli Me Tangere.
Left
Prayle 1: Ang nobelang Noli Me Tangere ay isang gawa ng demonyo na siyang
umuusig sa simbahan at layunin ay makapinsala sa pamahalaan ng espanya.
Right
Padre Sanchez: Ang mga prayleng umuusig sa Noli Me Tangere ay isang ignorante at
sinungaling.
Prayle 1: Ito rin ay nagpapakita ng kawalan ng galang sa aming mga prayle at
nakakasirang puri sa ordeng pangrelihiyon.
Padre Sanchez: Ang nobelang ito ay hindi layunin na siraan ang lahat ng prayle kundi
ang mga prayle lamang na mapangalipusta. Ako’y isang prayle din ngunit labis kong
naiintindihan ang layunin nito.
Narrator: Patuloy ang pagpapalitan ng mga komento ng mga prayle at repormesta. Sa
isang banda naimpluwensyahan ang nobela ang gobernador heneral kaya’t nagsimula
itong magpaimbestiga ng mga ari-arian at lupain ng mga prayle. Pinatawag niya ang
kanyang mga tenyenteng magaling sa larangan ng pag iimbestiga.
Gobernador Heneral: Tenyente nais kong maimbistigahan ninyo ang lupain at ari-arian
ng mga prayle sa lalong madaling panahon.
Tenyente1&2&3: Masusunod po Gobernador (sabay saludo)
Narrator: Makaraan ang ilang sandali...
( Knock Knock)
Tenyente 1: Gobernador Magandang umaga ito n po ang akalap naming impormasyon.
Tenyente 2: Ayon sa aming imbestigasyon ang mga prayle kabulukan ng sistema,
sila’y may mga ekta-ektaryang sakahan sa Calamba at malaking tahanan sa San
Pedro.
Tenyente 3: Nakamit nila ito dahil sa pagpataw ng mabigat na buwis at kawalan ng
katarungan sa pagtrato sa Filipino.
Gobernador: Dahil dyan lalo ninyong pag-igihan mang pagbabantay at pagprotek sa
pamilya ni Rizal.
(knock knock)
Tenyente 1: Opo Gobernador.
Tenyente 2: Gobernador may bisita po kayo.
Tenyente 3: Aalis na po kami Gobenador (sabay saludo)
Pryle 1: Goberndor Heneral Magandang umaga
Gobernador: Mgandang umaga din anong mapaglilingkod ko sa inyo?
Prayle 2: Labis kaming nababahal sa Rizal na yan hinihiling namin na paalisin na sa
Pilipinas iyang kampon sa demonyo.
Gobernador: Patawad mga prayle ngunit hindi ko mapagbbigyan ang inyog kahilingan
dahil wala naman akong nakikita na masama sa kanyang ginagawa, walang dahilan
para siya’y paalisin sa Pilipinas.
Narrator: Labis na pagkagalit ang naranasan ng prayle kaya’t mga pagbabansa sa
buhay ng pamilya ni Rizal ang kanilang sahisyon upang ito’y mapaalis sa tahanan nila
Rizal habang nag-uusap sina Rizal at tenyente andrade ay biglang....
(basag na salamin)
Rizal: Ama Ina (may halong takot ang boses)
Ina: Ano iyon anak?
Rizal: Isang banta ina.
Ama: Ayan na nga ba ang sinasabi ko.
Tenyente Andrade: Jose, aalis muna ako at ako’y magtutungo sa malakanyang at ito’y
aking ibabalita.
Makalipas ang ilng sandali...
(knock knock)
Tenyente: Jose kami ito.
Ina: Paciano buksan mo nga ang pinto (maingat na binuksan)
Paciano: Magandang Umaga po Gobernador Heneral
Gobernador heneral: Andyan ba si Jose?
Paciano: Opo tuloy po kayo.
Ama: Teodora maghanda ka nga ng maiinom
Gobernador: Huwag na kayongng mag abala dahil ako’y saglit lamang naparito
lamang ako upang bigyan ng babala si Jose .
(biglang lumbas si Jose ng kwarto)
Rizal: Salamat po sa inyong pagpunta, narinig ko po ang inyong usapan.
Gobernador: Jose mas mabuti na ika’y mag ibang bansa muna upang makaiwas tayo
sa tiyak na kapaamakan sa iyong sarili pati na ang iyong pamilya .
Rizal: Pero.....
Ama: Mas mabuti iyon anak ara sa iyong kaligtasan.
Rizal: Kung iyong ang inyong nais
Ina: Halika anak tutulungan na kitang mag-impake.
Rizal: Muli akong mangungulila sa inyong pagmamahal Ama at Ina .
(nagyakapan ang pamilya)
Narrator: Kahit masama ang pakiramdam ni Rizal nagpasya na siya na lisaning muli
ang Pilipinas upang makaiwas sa kapahamakan ang sariling pamilya at maipagpatuloy
ang pagsusulat na siyang tunay na armas laban sa mga prayleng kaaway. Hindi siya
naka baba dahil sa tatlong dahilan una ay sa mabahong amoy sa lugar na kanilang
pinaghintuan,hindi mabuti ang kanyang pakiramdam at malakas ng ulan noon at baka
lumala pa ang kanyang sakit.
Nakarating na si rizal sa hongkong at naghanap ka siya ng hotel sa hong kong kung
saan nakilala niya ang iba pang mga Pilipino sa hongkong na sina Jose Maria Basa at
Balbino Mauricio ,Manuel Yriarte anak ni Francisco Yriarte Alcalden Mayor ng laguna
Manuel: Ganun ba? halikat magpahinga kana upang makapagpagaling kana din.
Narrator: Sa isang sulok isang espiya mula sa pilipinas na si Jose Sainz De Varanda
ang dating sekretarya ng Governor General Terrero ang nagmamatyag kay Rizal.
Makalipas ang ilang buwan ay nagtungo sa macau si Rizal. Sinamahan ni Basa, sila’y
sumakay sa barkong Kui Kiang sa patungong Macau. Dito nasaksihan ni Rizal na ang
macau ay isang malungkot at tahimik na siyudad. Nang sila’y makadating na sa
kanilang destinasyon. Ipinakilala ni Jose Maria Basa si Rizal kay Don Juan Francisco.
Isang Pilipino na mahilig sa mga halaman at bulaklak na karamihan ay nagmula pa sa
PIlipinas at siya’y nakapangasawa ng isang Portuguese.
Basa: Don Francisco ito nga po pala si Rizal isang Pilipino at isang manunulat at
doctor. Siya’y naparito upang magbakasyon. Ngunit wala pa kaming matutuluyan dito
sa macau maari mo ba kaming tulungan na makahanap ng tirahan?
Don Juan Francisco: Ganun ba? Maligayang pagdating sa Macau Rizal. Nako Basa
wag na kayong maghanap pa ng inyong matitirhan dahil kung nanaisin ninyo ay sa
aking tahanan ay maari kayong manatili.
Rizal: Salamat Don Francisco malugod naming tinatanggap ang inyong paanyaya.