You are on page 1of 5

RADYO EKSPRES BALITA

FILIPINO RADIOBROADCASTING SCRIPT


Type of program: News

Title of program: DZRM

Station ID: 777 kilohertz

Program ID: Radyo Ekspres Balita


News Presenters:

Male Anchor: Ivan Madchawing

Female Anchor: Febee Angagka

Field reporters: Terry Lamangen

Savea Ola

Charles Sawi

Technician: Zachelle Ing-inga

Anchor 1: Walang takot na pagpapahayag,

Anchor 2: Balitang balanse at tapat ang hatid sa inyo.

Both: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

Anchor 1: Syete syete syete kilohertz sumasahimpapawid mula rito sa Cordillera

Anchor 1&2: Radyo Ekspres Balita!

Anchor 1: Bumabanderang mga balita,

Anchor 2: Tapat na pagbabalita,

Anchor 1: Kakampi ng sambayanan, dito lang sa-

All: DZRM! Mata ng bayan, Boses ng katotohanan.

Zachelle: Mula sa bulwagang pambalitaan na maghahatid sa inyo ng mga nag-aapoy at


nagliliyab na balita. Narito ang tambalang Febee A., at Ivan Kurt. Ito ang Radyo Ekspres
Balita.

Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay _______ minuto makalipas ang alas-dos ng hspon.

Anchor 1: Isang magandang-magandang hapon Mountain Province! Ngayon ay Miyerkules,


Ika-walo ng Mayo

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Febee A.

Anchor 1: At inyong kaagapay, Ivan Kurt

ANCHOR 1&2: At kayo’y nakikinig sa Radyo Ekspres Balita!

Zach: At para sa ulo ng mga nagbabagang balita:


Anchor 1: Huli, humingi ng milagro.

Anchor 2: Tandang Selo, nawalan ng boses.

Anchor 1: Pasko sa Pilipinas, sinasabing para lamang sa mga bata

Anchor 2: Hermana Penchang, sinasabing karapat-dapat na parusahan ang pamilya ni


Huli, ang lahat ng iyan sa pagbabalik ng Radyo Ekspres Balita.

All: Tapat sa balita ang aming panata, laging alerto serbisyong totoo, dito na tayo sa Radyo
Ekspres ngayon.

Zach: Nagbabalik ang Radyo Ekspres Balita. Para sa detalye ng mga balita:

Anchor 2: Huli, humingi ng milagro sa Mahal na Birhen at nagpaalipin kay Hermana


Penchang, para sa karagdagang detalye, narito si Darlene Lamangen

Terry: Nang gabing nakaraan noong pasko, si Huli ay nagdasal na sana may milagrong
maganap upang matapos na ang suliranin na kanilang kinakaharap, ngunit sa
kasamaang-palad, sulat lamang ang natanggap niya galing sa kanyang amang humihingi
ng dalawandaan at limampung piso para siya ay makalaya mula sa kamay ng mga tulisan.
Nagtungo siya kinaumagahan sa kinalalagyan na Mahal na Birhen upang alamin kung
may milagrong naganap ngunit siya’y pinanghinaan ng loob dahil hindi natupad ang
kanyang dasal, kaya’t nagpasiya na lamang siyang manilbihan kay Hermana Penchang
upang matugunan ang perang kailangan ng kanyang ama kahit labag man sa kalooban na
iwan ang kanyang Tata Selo na puno ng kalungkutan. Darlene Lamangen, para sa Radyo
Ekspres Balita.

Anchor 1: Samantala, Nag-iisang sumalubong ng Pasko si Tata Selo kaya’t nalungkot at


nawalan ng boses, para sa buong detalye, narito si Zachelle Jane.

Zachelle: Nagpaalipin si Huli kay Hermana Penchang kaya’t lubos na nalungkot si Tata
Selo kahit na pilit pinapagaan ni Huli ang kanyang pakiramdam. Lumiban si Huli ng hindi
man lang niya binabati si Tata Selo ng maligayang Pasko na nag-udyok kay Tata Selo na
isiping baka nakalimutan lang ni Huli o di kaya’y sinadya ito. Dinalaw si Tata Selo ng
kanyang mga kamag - anak na wala man lang syang maibigay sa mga ito na aginaldo
kaya’t lalong nagdamdam siya. Pinilit niyang batiin ang mga ito ngunit kahit isang salita ay
walang lumabas sa kanyang bibig kundi impit na tunog na nagpasindak sa lahat. Zachelle
Jane, nagbabalita.
Anchor 1: Sinasabing ang Pasko ay para lamang sa mga bata dito sa Pilipinas, Charles,
ibalita mo.

Charles: Ayon sa matatanda, ang pasko sa Pilipinas ay para lamang sa mga bata ngunit
ang mga bata naman ay hindi masyasdong natutuwa sapagkat ito ang araw kung saan
sila’y ginigising ng maaga at magahahanda tulad ng pagsuot ng magagarang damit. Sila’y
magsisimba sa misa mayor na tumatagal ng mahigit isang oras. Tinitiis nila ang malabis
na init at halo-halong amoy ng mga taong nagsisiksikan at pawisan. Bulyaw naman mula
sa kanilang pamilya ang kanilang napapala sa tuwing sila ay makulit. Buong pamilya
silang mamamasko, pupunta sa bawat bahay ng kanilang mga kamag-anak upang
mangaroling. Ang mga bata ay binibigyan ng Aguinaldo na kinukuha naman ng kanilang
mga magulang. Charles, nagbabalita.

Anchor 2: Hermana Penchang, sinasabing karapat-dapat na parusahan ang pamilya ni


Huli, narito si Savea Ola para sa karagdagang detalye.

Savea: Ayon kay Hermana Penchang tayo’y pinaparusahan ng Diyos sapagkat tayo ay
makasalanan o may nagkasala tayong kamag-anak na dapat sana ay tinuruan natin ng
kabanalan ngunit hindi natin ginawa. Sinabi niya ito sapagkat si Huli ang kanyang
tinutukoy. Ikinulong niya si Huli at hindi pinayagang bumalik sa nuno dahil kailangan
niyang matubos ang kasalanan ng kanyang ama at matutong magdasal na kailangan ng
lahat ng kababaihang Kristiyano. Si Huli ay tinuruang magdasal at magbasa ng polyetong
ipinamimigay ng mga prayle upang isulit ang dalawandaan at limampung halagang
ibinabayad rito. Savea Ola, umaarangkada.

Terry: Patuloy kayong nakikinig sa-

All: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. Ito ang Radyo Ekspres Balita.

Savea: Oras po natin ngayon ay_____minuto makalipas ang alas-dos ng hapon. At yan po
ang mga balitang itinatampo sa araw na ito.

Anchor 2: Ang Radyo Ekspres Balita na maasahan at walang sino mang kinikilingan. Ito
ang inyong tagapagbantay, Febee A.

Anchor 1: At lagi niyong kaagapay, Ivan Kurt.

Anchor 2: Balitang tapat

Anchor 1: Balitang sapat. Muli ito ang-


All: Radyo Ekspres Balita!

Anchor 1&2: Lahat ilalantad, sa inyo’y nararapat. Ito ang Radyo Ekspres Balita!

All: Maraming salamat at magandang-magandang hapon, Mountain Province!

Anchor 1&2: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

You might also like