You are on page 1of 28

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

“KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL NG IKALABING-ISANG


BAITANG NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG CARRASCAL”

Janae L. Canindo

Mary Mel Fernandez

Mae Cianne Mierl D. Rosa

Mananaliksik

Gng. Rashell Pinky O. Guerta

Tagapayo sa Pananaliksik

Marso 2019
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

DAHONG PAGTITIBAY

Bilang pagtupad sa isa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at


Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto tungkol sa Pananaliksik ang Pamanahonang-Papel na
ito na pinamagatang “Kahalagahan ng Social Media sa Pag-aaral ng Ikalabing-isang
Baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal” ay inihanda at iniharap
mula sa STEM-11 nina:

Janae L. Canindo

Mary Mel Fernandez

Mae Cianne Mierl D. Rosa

Tinanggap bilang isa sa pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri


ng Iba’t Ibang Teksto tungkol sa Pananaliksik .

Gng. Rashell Pinky O. Guerta

Guro
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay aming inihain para sa aming butihing tagapayo sa


pananaliksik na si Gng. Rashell Pinky O. Guerta. Hindi rin makukumpleto ang aming
pag-aaral nang walang anumang tulong mula sa iba. Aming pinasasalamatan ang
mga sumusunod;
 Ang mga mag-aaral at ang kanilang tagapayo mula STEM Makakalikasan,
HUMSS Makadiyos, HUMSS Makatao, TVL Matapat at TVL Masigasig para sa
kanilang pakikipagtulungan sa pagtatapos ng aming pananaliksik.
 Sa aming pamilya, lalo na sa aming mga magulang, na palaging nasa likod
namin upang tulungan kami, maging sa pananalapi o suporta sa moral, sa
pananaliksik na ito.
 At sa aming Makapangyarihang Diyos na patuloy na nagbabantay sa amin at
tumutulong sa amin hanggang sa pagtatapos ng pananaliksik na ito.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay gustong malaman ang kahalagahan ng social media sa


pag-aaral ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal.
Partikular, ito ay sumasagot sa mga sumusunod; kung nakakatulong ang social media
sa pag-aaral; dahilan kung bakit ginagamit ito ng mga mag-aaral, at; kung
nakakaapekto ang paggamit ng social media sap ag-aaral sa positibong paraan.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptiv-analitik na pamamaraan at 50


estudyante mula sa seksyon ng STEM Makakalikasan, HUMSS Makadiyos, HUMSS
Makatao, TVL Matatag at TVL Masigasig ang lumahok. Ang ginamit ng mga
mananaliksik upang kumuha ng impormasyon ay palatanungan, at ginamitan ng
percentage upang makuha ang resulta.

Base sa nakuhang data, naipakita na ang limang kadalasang ginagamit na mga


social media ay Facebook na may bahagdan na 100, na sinundan ng Youtube (64%),
Google (62%), Instagram (36%), at panghuli ang Messenger (34%). At ang mga
nasabing social media ay nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral, kung
pagbabasehan ang naging resulta. 80% ng mga sumagot ay nagsabing nagagamit
nila ito sa kanilang pag-aaral, at marami silang natutunan (84%) na kanilang
nagagamit sa pakikipagtalastas at pagbabahagi ng impormasyon (84%). Sa mga
dahilan naman, 96% ang nagsabing ginagamit ito sa pangangalap ng impormasyon,
58% naman sa pagpapasa ng gawain, 78% sa paggawa ng takdang aralin at proyekto,
at 96% ang kumukuha ng karagdagang kaalaman sa kanilang pag-aaral. At sa
panghuling layunin, malaking bahagdan ang nagsabing positibo ang naitulong ng
social media dahil mas nakakatulong sila sa gawaing panggrupo (98%), marami silang
nagagawa sa tulong nito (66%), at nagaganahan silang mag-aral (52%).
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Ang pag-aaral ay nagpapakita na mahalaga ang social media sa mga pag-aaral


ng mga estudyante at nakakatulong ito sa kanilang pag-aaral. Ang mga mananaliksik
ay nirerekomenda na mas bigyang pansin ang mga implikasyon ng paggamit ng mga
estudyante sa mga social media na kanilang ginagamit, alamin kung may ibang
paraan pa na ginagamit ng mga mag-aaral ang social media at gabayan ang mga
mag-aaral na gamitin ang social media sa responsableng pamamaraan.

TALAAN NG NILALAMAN
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

PAMAGATING PAHINA
DAHONG PAGPAPATIBAY
PASASALAMAT
ABSTRAK
TALAAN NG NILALAMAN
TALAAN NG TALAHANAYAN
KABANATA I: Kaligiran ng Pananaliksik

Introduksyon

Layunin ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Depinisyon ng mga Terminolohiya

KABANATA II: Rebyu Ng Mga Kaugnay Na Literatura At Pag-Aaral

Kaugnay na Literatura

Kaugnay na Pag-aaral

KABANATA III: Disenyo At Paraan Ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliskik

Respondente

Instrumento ng Pananaliksik

Tritment ng mga Datos

KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

KABANATA V: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon


Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon
LISTAHAN NG SANGGUNIAN
APENDIKS
Liham ng Kahilingan
Palatanungan
Curriculum Vitae

TALAAN NG TALAHANAYAN
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Talahanayan 1: Ang porsiyento ng mga social media na ginagamit ng mag-aaral ng


Carrascal NHS.

Talahanayan 2: Nakakatulong ba ang social media sa kanilang pag-aaral?

Talahanayan 3: Ano ang dahilan kung bakit ginagamit ito ng mga estudyante?
Talahanayan 4: Nakaaapekto ba ang paggamit ng Social Media sa positibong paraan
sa pag-aaral?

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Introduksyon

Facebook, Twitter, Instagram- wala na atang kabataan ang hindi makakakilala


ng mga ito. Ngunit ito’y iilan lamang sa mga napapanahong social media na ginagamit
ng mga kabataan upang lumikha, magbahagi at makipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya sa iba gamit lang ang kani-kanilang gadgets at internet.

Ayon sa Brainly, ang Social Media ay ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao
sa buong mundo sa pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng kompyuter,
tablet, cellphone at iba pa na pwedeng ibahagi ang ginagawa, mga larawan, musika,
video at iba pa na pwedeng maisip.

Ayon sa warenation.wordpress.com, ang Pilipinas ang may pinakamaraming


gumagamit ng social media sa buong mundo. Sa Facebook, tayo ang nangunguna,
habang sa Youtube ay panglima, Twiter ay panglima rin, at sa Google+ay pang-apat.
Ayon rin sa parehong site, nakakatulong din ang social media sa pagdugtong sa
nakaraan, sa kasalukuyan at hinaharap dahil sa nakakalap nitong impormasyon na
maaaring makatulong sa ating pang-araw-araw na gawain.

Hindi man natin kadalasan napapansin pero bilang mga estudyante ay halos
araw-araw natin ito nagagamit sa ating pag-aaral. Halimbawa na lang kapag may
gusto tayong malamang mga bagay na hindi tayo pamilyar ay pinupuntahan natin ang
Google o Yahoo, o sa Brainly o Wikipedia para makakuha ng impormasyon. O di kaya
ay manuod ng mga tutorials sa Youtube upang mas maintindihan ang topiko. Kapag
nagtatanong tayo sa iba nating kaklase kung anong mga gawain sa paaralan ay
gumagamit rin ng facebook at Messenger. At naibabahagi rin ito sa pamamagitan ng
Twitter at iba pang mga social media na ating nalalaman.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mas makikita ang kahalagahan ng


social media sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito sa “Kahalagahan Ng Social Media Sa Pag-aaral ng


Ikalabing-Isang Baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal” ay
sumasagot sa mga sumusunod na mga katanungan:
 Nakakatulong ba ang social media sa kanilang pag-aaral?
 Ano ang dahilan kung bakit ginagamit ito ng mga estudyante?
 Nakaaapekto ba ang paggamit ng Social Media sa positibong paraan sa pag-
aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang makita ang kapakinabangan ng Social


Media sa pang-araw-araw na pag-aaral ng mga estudyante sa kanilang paaralan. Ang
mga sumusunod ay magpapakita ng mas deskriptibong pananaw sa kahalagahan ng
pag-aaral na “Kahalagahan Ng Social Media Sa Pag-aaral ng Ikalabing-Isang Baitang
ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal” sa nakatakdang mga kategorya:
 Sa mga estudyante. Ang inimungkahi ng pananaliksik na ito ay maaaring
maging patnubay sa kanila upang mas mabigyang-pahalaga nila ang mga
naimbag ng Social Media sa kanilang pag-aaral at magamit nila ng mas
responsable ito.
 Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay sa kanila kung
paano nila itatrato ang paggamit ng mga estudyante ng Social Media sa
kanilang pag-aaral.
 Sa mga gagawa ng pananaliksik sa hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay
makakatulong sa kanila upang maging gabay sa kanilang pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Ang pinagtutuonan ng pananaliksik na ito ay malaman ang pananaw ng mga


estudyante tungkol sa kahalagahan ng Social Media at paano ito nakakaapekto sa
pag-aaral nila.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga opinyon ng mga estudyante ng


ikalabing-isang baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal. Hanggang
dito lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga nagdaang pag-aaral na naisagawa.


Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga estudyante ng ikalabing-isang baitang
ng taong 2018-2019 lamang.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik ng ikalawang semester


ng S.Y. 2018-2019.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Facebook- isa sa mga sikat ngayon na social media. Ito ay ginagamit para mas
mapadaling makisalamuha sa mga tao kahit na malayo sayo.

Google- isang uri ng ‘Search Engine” na nagpapadali ang pananaliksik ng mga datos
at impormasyon na kinakailangan sap ag-aaral.

Instagram- isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video sharing at social


networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan
at video, at ibahagi sa iba’t ibang social media.

Social Media- pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa pamamagitan ng elektronikong


gamit tulad ng kompyuter, cellphone, tablet atbp. na pedeng bahagi ang inyong mga
ginagawa, mga larawan, video, musika at iba pa na iyong maisip.

Twitter- isang online news at social networking service kung saan ang mga user ay
nagpopost at nag-iinterak gamit ang mensahe.

Youtube- isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay daan


para sa mga manggagamit o user na mag-upload, Makita, at ibahagi ang mga video
clips.

Wikipedia- isang online ensiklopedia na may basehang wiki at may malayang


nilalaman dahil malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man.

Messenger- isang app na dinadownload sa phone upang makabigay ng mensahe sa


kausap nito. Iito rin ay bersyon ng Facebook upang madali a ng pag-uusap ng bawat
isa.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Kaugnay Na Literatura

Ayon sa Wikipedia, ang social media ay isang strakturang sosyal na gawa sa


mga nodes o sa mas madaling sabi ay mga indibidwal na konektado ng isa o
maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at sekswal na relasyon.

Hindi natin maipagkakaila na patuloy na lumalawak ang mundo ng social


media, lahat tayo ay kailangan ito hindi lamang bilang pakikipagkapwa kundi pati narin
sa ating pag aaral. Sa katunayan, patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng
mayroong account sa mga social media sites.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao


nakung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing naisang
pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bukod dito, ang social media
ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay
maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng
gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago
sa komunikasyon sa pagitan ng mgaorganisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

Bilang karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa mas


maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo. Ito ay maaari mo ring limitahan
ang mga tao na mayroong parehong opinyon at paniniwala sa iyo at limitahan ang
mga taong gusto mong makatransaksyon. Ang social media ay isang mainam
na paraan na makatutulong sa iyo namakahanap ng mga customer. Maaari rin itong
makatulong sa iyo na kumonekta saiba pang mga negosyo at negosyante. Sa
makatuwid, malaki ang naitutulong ng social media sa ikauunlad ng iyong negosyo at
sa iba mopang personal na interes.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Ayon kay Rouse (2016), ginagamit ang social media para sa pakikipag-usap,
pagbabahagi ng impormasyon at iba pa. May ibat-ibang uri ng social media, ito ay ang
Twitter, Wikipedia, Facebook, Instagram at ang ilan pang mga uri ng social media.
Ang mga nabanggit ay ilan sa kadalasang ginagamit sa panahon ngayon ng bawat
indibidwal karaniwan na sa mga kabataan. Dahil sa tulong na hatid nito nakakukuha
tayo ng mga impormasyon para sa pang araw-araw na ating pamumuhay,
magkakaroon tayo ng pagkakataon na makausap ang mga kaibigan, kasintahan,
magulang, kamag-anak at iba pa. nakatutulong din ito upang maibahagi ang ating mga
saloobin, ideya, impormasyon at mga kaalaman sa iba upang magamit rin nila ito.

Ayon kay Oro (2013), Ang social media ay isang bahagi ng makabagong
teknolohiya at ito ay may malaking epekto sa mga mag-aaral na kabataan. At dahil
dito maaari nitong mabago ang pananaw ng mga mag-aaral na kabataan. Sa ngayon,
nauso na ang facebook, twitter, blogs, at chatting, na mas nagpabilis ng pagpapakalat
ng mga impormasyon at mas madali na ito makita para sa marami. Nang dahil dito
ang edukasyon ay naging mas madali, at mas epektibo.

Ayon kay Cueva (2014), mas napapabilis na ang proseso ng pakikipag


komunikasyon. Kung dati ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ay ang pagpapadala
ng liham at telegrapo, ngayon ay mayroon nang cellphone, na maaring dalhin kung
saan ka man pupunta. At kung makikipag usap naman sa kamag-anak na nasa ibang
bansa ay maari mo na silang maka-usap sa tulong ng kompyuter at internet. Mayroon
din naman tinatawag na mga applications sa mga smartphones katulad na lamang ng
skype, we chat, at viber. Sa pamamagitan ng mga ito ay matatawagan mo na ang
iyong kamag-anak na nasa ibang bansa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban, PhD (2013), ang


social media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng


oportunidad sa mga guro upang komonekta sa kaniyang mga mag aaral.

Sinasabing hindi lamang sa mga mag aaral mayroong advanteyj ang social
media, kundi maging sa mga guro.

Batay naman sa mga pag-aaral ni Fionamae Abainza (2014), ang social media
katulad ng facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga
kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat
tao para magkaroon ng komunikasyon dahiul sa paggamit nito.Isa ring dulot ng mga
social media ayon sa mga pag aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga
impormasyon .

Ito ay maoobserbahan kahit sa grupo ng aming pangkat sa paaralan, dito


nagpapahatid ng mga mahahalagang impormasyon ang pangulo ng aming klase ukol
sa mga mahahalagang paalala sa aming mga kamag-aral. Ang mga naturang
impormasyon ay naipapahatid ng mas mabilis at sa mas medaling paraan.

Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga mag-aaral ang social


media, huwag lamang itong aabusuhin at ito na ang kumain sa ating mahalagang
panahon. Marami ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media sa ating mga
pamumuhay bilang estudyante.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptiv-


analitik na pananaliksik. Nagtatangkang itala at bigyang pahalaga ng pag-aaral na ito
ang mga opinyon ng mga mag-aaral ng Ikalabing-isang baitang ng Mataas na
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Paaralang Pambansa ng Carrascal ukol sa kahalagahan ng Social Media sa kanilang


pag-aaral.

Mga Respondente

Ang mga respondenteng napili ng mga mananaliksik ay ang mga estudyante


sa limang seksyon ng ikalabing-isang baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng
Carrascal na nasa mga kurso ng STEM, HUMSS (na may 2 seksyon) at ng TVL (na
may dalawang seksyon rin). Ang mga respondenteng napili ng mga mananaliksik ay
kasalukuyang nasa ikalawang semester na ng akademiko ng taong 2018-2019. Hindi
lahat ay mabibigyan ng surbey ng mgamananaliksik, magbibigay lamangsila ng 10
surbey-kuwestyoner sa mga napiling mag-aaral.
Ang mga mananaliksik ay kukuha ng 10 respondente mula sa limang seksyon
ng mga nasabing kurso. Walang basehan ang pagpili ng mga respondent ng
mgamananaliksik.

Instumento ng Pananaliksik

Ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik ay ang surbey-kuwestyoner.


Una, ang mga letter of request ay ibinigay sa mga tagapayo ng mga estudyante ng
STEM Makakalikasan, HUMSS Makadiyos, HUMSS Makatao, TVL Matapat at TVL
Masigasig kung saan naming ibibigay ang mga surbey-kuwestyoner. Pagkatapos, ang
surbey ay isinagawa sa sampung mag-aaral ng mga nasabing mga seksyon.
Panghuli, ang mga naging sagot ay isinuri at ibinigyang-kahuluhugan upang
maintindihan bilang data sa pananaliksik na ito.

Tritment ng mga Datos


Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.
Inilahad sa bahaging ito ang ginamit na pormula sa pagkompyut ng mga nakalap na
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

datos. Sinusukat kung ilang bahagdan sa buong populasyon ang sumagot sa isang
aytem sa palatanungan/surbey-kuwestyoner o mas kilala sa tawag na percentage.
BAHAGDAN (%) – F/N * 100,
Kung saan;
F - ang bilang ng sumagot
N - ang kabuuang bialng ng kalahok.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

MESSENGER 34%

INSTAGRAM 36%

GOOGLE 62%

YOUTUBE 64%

FACEBOOK 100%

Talahanayan 1. Ang porsiyento ng mga social media na ginagamit ng mag-aaral ng


Carrascal NHS.

Makikita sa unang talahanayan ang 5 pinakamadalas na ginagamit na social


media. Ang kadalasang ginagamit na social media ng mga estudyante ay Facebook
na may 100%, sumunod naman ang Youtube na mayroong 64% na manggagamit,
ang pangalawa sa kadalasang ginagamit. Ang Google ay pangatlo na may bahagdan
na 62, pang-apat ang Instagram na may 36% na manggagamit at panghuli ang
Messenger na may 34% na manggagamit.

Mga Katanungan Oo Hindi

80 % 18%
1. Ginagamit ko ang social media sa aking pag-aaral.
2. Marami akong natutunan sa Social Media na 84 % 16%
naibabahagi ko sa pag-aral
3. Mas marami akong natatapos na gawaing 78% 22%
pampaaralan dahil sa social media.
4. Nakakatulong ito sa pakikipagtalastasan at 84% 12%
pagbabahagi ng impormasyon.
Talahanayan 2. Nakakatulong ba ang social media sa kanilang pag-aaral?

Makikita sa ikalawang talahanayan ang mga naging kasugatan para sa unang


layunin ng pananaliksik, “Nakakatulong ba ang social media sa kanilang pag-aaral?”.
80% sa mga sumagot ang nagsabing ginagamit nila ang social media para sa kanilang
pag-aaral. Para naman sa ikalawang hilera, 84% ang nagsasabi na marami silang
natutunan gamit ang social media. 78% naman ang sumagot sa ikatlong hilera na mas
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

marami silang natatapos na gawain sa tulong ng social media, at sa huling


talahanayan, 84% ang nagsasabing nakakatulong ang social media sa
pakikipagtalastasan at pagbabahagi ng impormasyon. Kung napapansin niyong hindi
pantay ang bilang, may iilang mga estudyante ang nakalimutang sagutin ang mga
nasabing mga numero.

Mga Katanungan Oo Hindi

1. Ginagamit ko ito kadalasan sa pagkuha ng 96 % 4%


impormasyon.
2. Social Media ang ginagamit ko sa tuwing 58 % 42%
magpapapasa ng gawain.
3. Gumagamit ako nito tuwing may mga takdang aralin o 78% 22%
mga proyekto.
4. Sa Social media ako kumukuha ng mga karagdagang 96% 2%
kaalaman sa mga paksa sa pag-aaral.
Talahanayan 3. Ano ang dahilan kung bakit ginagamit ito ng mga estudyante?

Ang pangatlong talahanayan ay ang mga naging kasugatan para sa ikalawang


layunin ng pananaliksik, “Ano ang dahilan kung bakit ginagamit ito ng mga
estudyante?”. Base sa datos na aming nalipon, 96% ang nagsasabing kadalasan
nilang ginagamit ang social media sa pagkuha ng impormasyon. Sa ikalawang hilera
naman, mula sa 50 na respondente, tanging 58% lamang ang sumagot na social
media ang ginagamit nila sa tuwing magpapasa ng gawain at 78% naman ang
nagsasabing ginagamit nila ang social media sa tuwing may mga takdang aralin o
mga proyekto. Sa panghuling thilera, 96% ang nagsasabing sa social media sila
kumukuha ng mga karagdagang kaalaman sa mga paksa sa pag-aaral.

Mga Katanungan Oo Hindi


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

1. Naaapektuhan ng social media ang aking mga marka. 44 % 56%

2. Naging mas nagaganahan akong mag-aral dahil sa 52 % 48%


social media.
3. Mas marami akong nagawa nang gumamit ako ng 66% 34%
social media.
4. Nakakatulong ako kapag may group activities dahil sa 98% 2%
social media.
Talahanayan 4. Nakaaapekto ba ang paggamit ng Social Media sa positibong paraan sa
pag-aaral?

Ang panghuling talahanayan ay sumasagot sa katanungang, “Nakaaapekto ba


ang paggamit ng Social Media sa positibong paraan sa pag-aaral?”.Base sa unang
hilera, 56% ang nagsasabing hindi naaapektuhan ng social media ang kanilang mga
marka. At sa pangalawang hilera, 52% naman ang sumagot na mas nagaganahan
silang mag-aral dahil sa social media. 66% naman sa ikatlong hilera ang nagsasabing
mas marami silang nagawa nang gumamit sila ng social media. At panghuling hilera,
98% ang nagsasabing nakakatulong sila kapag may group activities dahil sa social
media.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

1. Ipinapakita ng resulta na nakakatulong ang social media sa kanilang pag-aaral.


Sinasabi nila na kadalasan nilang ginagamit ang social media para sa kanilang
pag-aaral. Marami silang natutunan na nagagamit nila sa kanilang pag-aaral.
Mas marami silang natatapos na gawain sa tulong nito, at nakakatulong sa
kanilang pagkakalap at pagbabahagi ng mga impormasyon na kanilang
nagagamit sa pag-aaral.
2. Ang nakalap na resulta ay nagpapakita na nagagamit ng mga estudayante ang
social media sa maraming paraan. Dito kumukuha ng mga impormasyon at
karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral para sa kanilang mga takdang
aralin at mga proyekto. Nagagamit din nila ito sa tuwing magpapasa sila ng
mga gawain.
3. Sinasabi ng resulta na nakakaapekto ang social media sa pag–aaral ng mga
estudyante, lalo na sa kanilang mga marka. Ipinapakito nito na mas
nagaganahan ang mga mag-aaral na mag-aral at nasasab nila na nakakatulong
sila sa mga gawaing panggrupo nang dahil sa social media.
Konklusyon
1. Naipakita ng resulta na may naibabahagi ang social media sa pag-aaral ng mga
mag-aaral dahil mas naging maalam at aktibo ang mga mag-aaral nang dahil
nito.
2. Kadalasang ginagamit ng mga estudyante ang social media sa paggawa ng
mga gawaing pampaaralan kagaya ng takdang aralin at proyekto pati na rin sa
pagpasa nito.
3. Ang social media ay may positibong naiambag sa pag-aaral ng mga
estudyante, lalo na sa kanilang mga marka at partisipasyon sa mga gawaing
pampaaralan.
Rekomendasyon
Kung isasaalang-alang ang mga napag-alaman at naging konklusyon ng pananaliksik,
ang mga sumusunod na rekomendasyon ay inimumungkahi para sa susunod na
pananaliksik at sanggunian;
1. Mas bigyang pansin ang mga implikasyon ng paggamit ng mga estudyante sa
mga social media na kanilang ginagamit.
2. Alamin kung sa anong paraan pa ginagamit ng mga mag-aaral ang social
media.
3. Gabayan ang mga mag-aaral na gamitin ang social media sa responsableng
pamamaraan sa pamamagitan ng mga seminar at symposium.

LISTAHAN NG SANGGUNIAN
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Cueva (2014), THESIS, wordpress


Nakuha Mula sa:
https://dadadareelll.wordpress.com/2016/01/27/thesis/
Fionamae Abainza (2014), EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY NG
MGA MAG-AARAL, Academia
Nakuha Mula sa:
https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUM
UHAY_NG_MGA_MAG-AARAL
Ma. Fe Gannaban,PhD (2013), EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY
NG MGA MAG-AARAL, Academia
Nakuha Mula sa:
https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUM
UHAY_NG_MGA_MAG-AARAL
Oro (2013), THESIS, wordpress
Nakuha Mula sa:
https://dadadareelll.wordpress.com/2016/01/27/thesis/
Pascual, Lyra (2017), Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at Edukasyon, Scribd
Nakuha Mula sa:

https://atienzaquierharoldstem5df.wordpress.com/2017/11/02/mga-epekto-ng-social-
media-sa-mga-mag-aaral-at-edukasyon-
2/?fbclid=IwAR1wS4zBKLtf92sDtfuHcxnKBigd1P4Gs0KlLcs_BEgsWk88t5AiBNyDJ
Q0

Rouse (2016), Ginagamit ang Social Media


Nakuha Mula sa:

https://brainly.ph/question/1029204

Social Media (2016), Tulong ng Social Media , wordpress


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

Nakuha Mula sa:


https://warenation.wordpress.com/

socialmedia807 (2016), SOCIAL MEDIA, Wordpress


Nakuha Mula sa:

https://mysocialmedia886.wordpress.com/2016/11/22/social-
media/?fbclid=IwAR3qo1rVB3LJiuQy_J0gOMF3Biu9-X2J4yPJ3-
LP2wHvtomloQsXD7j-JrE
Wekipedia ,Social Networking Service, encyclopedia
Nakuha Mula sa:
https://en.wikipedia.org/wiki/Social_networking_service
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

APPENDIKS

CURRICULUM VITAE
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

PERSONAL DATA

Name: Janae L. Canindo

Age: 16

Date of Birth: July 17, 2002

Place of Birth: General Santos City

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

Name of Father: Jando P. Canindo

Name of Mother: Jemerose L. Canindo

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Carrascal Central Elementary School

Brgy. Baybay, Carrascal, Surigao del Sur

Secondary: Junior High: Carrascal National High School

Brgy. Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

Senior High: Carrascal National High School

Brgy. Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

Strand: Science, Technology, and Engineering Mathematics

CURRICULUM VITAE
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

PERSONAL DATA

Name: Mary Mel Fernandez

Age: 17

Date of Birth: September 28, 2001

Place of Birth: Makati City

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

Name of Father: Melchor I. Grumo

Name of Mother: Alma F. Grumo

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Tabon-Tabon Elementary School

Brgy. Tabon-Tabon, Carrascal, Surigao del Sur

Secondary: Junior High: Carrascal National High School

Brgy. Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

Senior High: Carrascal National High School

Brgy. Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

Strand: Science, Technology, and Engineering Mathematics

CURRICULUM VITAE
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng CARAGA
Dibisyon ng Surigao del Sur
Mataas na Paaralang Pambansa ng Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur

PERSONAL DATA

Name: Mae Cianne Mierl D. Rosa

Age: 16

Date of Birth: September 1, 2002

Place of Birth: Lower Dawan, Mati City, Davao Oriental

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

Name of Father: Elmer G. Rosa

Name of Mother: Alma B. Dua

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Adlay Community Elementary School

Brgy. Adlay, Carrascal, Surigao del Sur

Secondary: Junior High: Adlay National High School

Brgy. Adlay, Carrascal, Surigao del Sur

Senior High: Carrascal National High School

Brgy. Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

Strand: Science, Technology, and Engineering Mathematics

You might also like