You are on page 1of 5

Takdang Aralin 3

Ano ang kabuluhan ng pagsasalin sa kontekstong Filipino?


Pagsasalin sa Filipino: Pagbuo ng Disiplinang Makabansa

Ang pagsasalin ay kumakatawan sa paglilipat ng diwa, kaisipan at kaalaman


mula sa pinagmulang wika tungo sa wikang pagsasalinan. Katulad ng
pagpapakahulugan ng mga dalubhasa, ito’y may pagsasaalang-alang sa konteksto ng
pinagmulang wika at hindi ng konteksto ng patutunguhang wika. Mailalarawan ko ang
kasanayang ito bilang karagatan, sapagkat katulad ng karagatan, ito ay malawak at
bukas sa lahat ng bansa, lahi at kultura na siyang tinutuntungan nito. At nagsisilbi itong
tagapag-ugnay ng mga kaisipan, kaalaman at kahulugan na nananatili pa rin ang
orihinal na diwa nito kahit magkaiba ng kasangkapan.

Ang pagsasalin ayon kay C. Rabin (1958) “Ang pagsasaling-wika ay isang


proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang
wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na
pahayag sa ibang wika.” Sa kabilang banda binigyang kahulugan naman ni E.
Nida(1959) ang pagsasalin bilang “Muling
paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang
mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan, at ikalawa‟y batay sa istilo.” Ayon
naman kay Dizon, ang pagsasalin ay isang pagsusuri sa pilosopiya ng wika,
pinaliwanag nya ito sa tatlong susing salita: wika, ideolohiya at pagsasalin. Sinasabi
nyang ang pagsasalin ay kadalasang nakasalig sa intensyon ng tagasalin batay sa
kanyang ideolohiyang taglay kung kaya’t malaki ang kinalaman ng tagasalin sa perspektiba
ng mga akdang isasalin. (Zafra, 2009). Samantalang sinasabi nina Liban- Iringan na ang
pagsasalin ay kagamitan sa muling paglikha-pagbabagong anyo na naaayon sa
pangangailangang diwa ng kaalaman sa patutunguhang wika (Batnag et. al. 2009). Sa
madaling salita o sa kabuuan, ang pagsasalin o pagsasaling wika ay paglilipat sa
pinakamalapit na katumbas ng mga sulatin, akda, teksto o ideya sa particular na wika o
diyalektong patutunguhan o pagsasalinan. Ang pagsasalin naman sa kontekstong
Filipino ay ang paglilipat ng particular na simulain lenguwahe (SL) sa pinakamalapit na
katumbas ng mga sulatin, akda, teksto o ideya sa tunguhing lenguwahe (TL) partikular
na sa wikang Filipino.

Mahalaga ang pagsasalin sa mga disiplina dahil sa pamamagitan nito’y maaari


nating mapakinabangan ang mga disiplinang tumutugon sa ating pangangailangan.
Kagaya ng pagtuklas ng mga kaalaman at araling nakaugat sa ating bayan at upang
mapalalim at masuri pa ito ng husto kinakailangan ng paggamit ng banyagang ideya o
kaisipan. Sa tulong ng pagsasalin mas naisasaintelektuwal natin ang ating mga disiplina
at nagiging pang-akademiya ang tunguhin ng wikang Filipino sapagkat sa institusyong
ito magmumula ang mga mahahalagang kaalaman. Nagiging gabay ang mga isinaling
kaisipan sa pagpapaunlad ng ating karunungan na makikinabang ang mga Pilipino.
Panahon na rin upang payabungin natin ang karunungan upang sa mga susunod na
henerasyon, makabubuo tayo ng nagsasariling bansa na hindi nakadepende sa
pamantayan ng ibang bansa.

Mahalagang balikan din ang konsepto ng Filipinolohiya sa usapin ng kabuluhan


ng pagsasalin sa kontekstong Filipino. Kabalikat ng pagsasalin ng diwang makamasa
ang wikang sinasalita ng madla, ayon sa ideya ni Abadilla hinggil sa konsepto ng
Filipinolohiya, ang kabuluhan ng karunungan ay laging nasa kapakinabangan at
kabutihan ng lipunan. Kung kaya’t ang pagsasalin sa kontekstong Filipino ay
mahalagang maugat sa sistemang panlipunan na umiiral sa bansa na siyang
pagsasandigan sa larangan ng edukasyon. Ito ay nararapat masipat sa pamamagitan
ng pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang daluyan ng masa at tanging naglilingkod sa
pangangailangan ng sektor na ito (Dino, 2017). Isa ring paliwanag ay ang pagiging
daluyan ng wikang Filipino sa siyentipikong edukasyon na siyang nakabatay sa
obhetibong katotohanan. Sa kabuuan, sa pinagsanib na konsepto ng makamasa at
siyentipikong edukasyon ay makabubuo ito ng makabayang edukasyon na mahalagang
salalayan sa pagsasalin sa mga disiplina sa kontekstong Filipino.

Ang daan patungo sa intelektuwalisasyon ng wika ay ang puspusang paggamit


nito sa mga pananaliksik, kasulatan at pagpapahayag.. Mahalagang paunlarin ang ating
wikang Filipino upang mabuksan ang kamalayan at pang-unawa hinggil sa usapin ng
mga konseptong makabansa na naglalandas lubusang pagpapaunlad ng sistemang
panlipunan. Ito ang magiging tungkulin ng pagsasalin sa kontekstong Filipino, sa
pamamagitan nito mas makabubuo, makadadalumat at makapaghahain ng
mapakikinabangang mga materyal sa pagsusulong ng iba’t ibang disiplinang
kinakailangan sa balangkas ng sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Ang mga materyal na pang-akademiya, mga kasulatang pang-institusyon at iba


pang dokumento ay kinakailangang isalin sa pagtugon sa pangangailangan ng
makabayang edukasyon. Hindi lamang ito basta pagsasalin kundi nararapat lamang
ito’y dumaan sa masusing pag-aaral at pagsisiyasat sa mga mahahalagang dalumat ng
bansang Pilipinas. Ang mga kultural na element ng bansang Pilipinas lalo pa’t
sumasaklaw sa kalinangan ng mga Pilipino ay mahalagang isaalang-alang sa mga pag-
aaral at pagsisiyasat sa kontekstong Filipino. Balikan natin ang paliwanag ni Simplicio
P. Bisa hinggil sa pagsasalin, kinakailangang maisaalang-alang ang mga kontekstong
kultural sa pagpapakahulugan ng mga salitang isinasalin na ibinatay niya sa mga
nailahad nang paliwanag ng mga dalubhasa gaya nina Quito at Sapir. Sa ganitong
pananaw, ang mga kontekstong kultural ay matapat na maisasalin at mailalahad diwang
Filipino na may makabuluhang pagtugon sa pangangailangan ng pagtatatag ng
makabayang Edukasyon.

Higit na patunay sa pagsusulong ng makabayang edukasyon na siyang magiging


resulta ng gawain ng pagsasalin ay ang pagpapahalaga sa pagsasaling-wika ng mga
wikain sa Pilipinas. Sa kadahilanang pulo-pulo ang heograpiya nito. Ang mga
katangiang naglalarawan sa heograpiya ng bansang Pilipinas ang may malaking
dahilan kung bakit nagkaroon ng barayti ng wika sa ating bansa. Bakit nga ba iba iba
ang wika na mayroon tayo sa Pilipinas? Inilalahad sa mga sumusunod na konsepto ang
mga katibayan ng pagkakaroon ng mga wikain sa bansa:
Una, dahil sa usapin ng kasaysayan. Humigit kumulang limang libong taon na
ang nakalilipas nan gang mga ninuno nating Austronesyano ay magsimalang
maglakbay mula sa katumugan ng Tsina hanggang sa marating nito ang Batanes. Sa
pagdating ng mga Autronesyano sa bansang Pilipinas pinalaganap nila ang kanilang
mga wika kabilang na rito ang ating mga wikang Ilocano, Hiligaynon, Cebuano, Tagalog
at iba pang wika.

Ikalawa, hindi lamang iisa ang wikang ating sinasalita sa ating bansa sa
katunayan mayroon tayong higit sa isandaang mga wika liban pa rito ang mga
diyalektong mayroon ang bawat lugar sa bansa. Sa kadahilanang pulo-pulo ang ating
bansa katotohanan rin ang pagiging hiwa-hiwalay ng mga lugar. Sa pagiging
magkakahiwalay ng ating tirahan iba‟t ibang wika rin ang nag -usbungan, iba’t ibang
pangkat etniko ang sumibol at iba;t ibang wika ang nabuo.naging pambansang wika
naman ng Pilipinas ang wikang Filipino.

Wikang Filipino ang naitatag na pambansang wika sa ating bansa ito ang
pambansang lingua franca at de facto ng pambansang lingua franca sa ating bansa na
nagbibigay sa atin ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Ang wikang Filipino rin ay
nagkaroon ng barayti ng pagsasalita. Halimbawa, ang wikang tagalog ay mayroong
barayti kung paano ito sinasalita ay magkaiba sa Tagalog mula sa probinsya ng
Quezon at Tagalog mula sa Maynila. Tunay na mayaman ang wikang Filipino kayat
hindi maitatangging noong Pebrero 2, 1987 pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga sumusunod: Seksiyon 6 Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Kung kaya’t hindi mapasusubaliang
mahalaga ang pagsasalin sa kontekstong Filipino dahil sa mayamang kasaysayan at
kahalagahang kultural nito sa sambayanan.
Higit ano pa man, lubhang mahalaga ang pagsasalin sa kontekstong Filipino
dahil sa sumusunod na paliwanag: Una, mahalaga ang pagsasalin sa kontekstong
Filipino sa aspekto ng pananaliksik. Tunay na ito ay paraan din upang maibahagi at
makapagbahagi ng karunungan sa lahat ng tao sa buong bansa. Ang pagsasalin rin sa
kontekstong Filipino ay pagtitiyak na aksisibol ang mga kaalaman at katuruan mula sa
iba‟t ibang disiplina ng siyensya at pananaliksik sa kontemporaryong panahon.
Maihahalintulad ito sa sa artikulo ni Jesus Ramos na Pagsasalin Tungo sa
Pagpapayaman ng Wikang Pambansa, binibigyang halaga ni to ang pagsasalin bilang
agham disiplinang lumilitaw at makatotohanan sa mga disiplinang gaya ng medisina,
batas, matematiks, kasaysayan at iba pang disiplina sa humanidades, natural na
sayans, sosyal sayans at marami pang mga disiplina sa pagpapatuloy sa binaggit
nyang motibong unibersalismo at pagsasakatutubo ng sa gayon ayon sa kaniya ay
maging ganap na kasalin-salin ang wikang Filipno tungo sa istandardisasyon,
popularisasyon at paggamit nito sa kapakinabangan ng sambayanan(2003).
Ikalawa, mahalaga ang pagsasalin sa aspketo ng pantikan sa ating bansa. Ang
pagsasalin sa kontekstong Filipino ay mahalaga sa panitikan ng bansa upang
maunawaan ng bawat isang Pilipino ang mga akdang pampanitikan na hindi naisasalin
sa mga wika na kanilang sinasalita. Mahalagang malaman natin ang mga panitikang ito
sapagkat ito ay mga totoong daluyan ng damdamin, nagbibigay-aral sa mgakaturuang
moral at iba pa. Sa pamamagitan lamang ng pagsasalin ng mga panitikang ito sa
wikang Filipino. Tunay nitong mapagbibigkis ang pagkakaisa sa bawat isa, hindi
magiging limitado sa isang wika o lugar ang mga akdang pampanitikan ang mga turo
nito ay mas yayabong at mas magbibigay ng aral kung maisasalin sa kontekstong
Filipino na higit na maiintindihan ng mas nakararami sa ating bansa.
Sa pamamagitan ng pagsasalin maaari rin tayong maging mulat at malay sa mga
kaganapang lumilok sa ating pagkatao lalo na sa kasaysayang pumanday sa ating
pagka Pilipino. Ang pagsasalin ay nakatutulong sa pagbibigay ng bagong kaalaman sa
isang lugar. Ang daan-daang uri ng kultura na sa kasalukuyan ay masasabing hindi
ganoon kadaling maunawaan lalo na reyalidad na magkakaiba ang ating wika,
magkakaiba rin ang paraan natin ng pang-unawa. Sa pamamagitan ng pagsasalin ng
mga ideya tungkol sa ating kasaysayan.
Filipino ang wikang maituturing na isa sa mga mabisang paraan ng pagkakaisa.
Sa mas malawak na imahe, ang wika ay tunay na salamin ng pagkakabigkis ng isang
lugar o bansa. Ang Filipino ay siyang gamit natin upang magkaisa. Sa kabila ng
pagkakaroon natin ng pagkakaiba-iba dahil na rin sa barayti ng wika, kultura at
paniniwala na mayroon sa ating bansa hindi malayong magkaroon rin ng agwat ang
ating mga mamamayan. Ngunit sa tulong ng wikang Filipino at mga gawaing pagsasalin
sa konteksto nito, binibigkis nito ang ating pagiging bansa at pinag-iisa nito ang
pagkakaiba-iba ng bansang Pilipinas. Sa pamamagitan rin ng pagsasalin, nagkakaisa
ang magkakaibang wika. Dahil sa pagsasalin nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga wika na kabahagi sa partikular na pagsasaling-wika.
Isa pa sa mga kahalagahan at kabuluhan ng pagsasalin sa kontekstong Filipino
ay nakapagpapairal ito ng kapangyarihan sa ugnayang pangkomersyo. Nagiging daan
ito upang makilahok ang mga mamayanng Pilipino sa proseso ng globalisayon.
Maiuugnay ito sa artikulong Pagsasaling-Wika sa Ekonomiks at Kalakalan ni Tereso
Tullao sinasasabi niya rito na ang Wikang Filipino ang magiging tagapamagitang wika
para maintindihan at makilahok ang marami nating mamamayan sa proseso ng
globalisasyon. Dito pumapasok ang pagsasaling-wika ng iba „t ibang disiplina sa
wikang Filipino. Tunay na may kabuluhan ang pagsasalin sa kontekstong Filipino.
Maraming kahalagahan ang gawaing ito sa iba‟t ibang aspekto n gating pamumuhay.
Hindi lamang ito limitado sa iisa bagkus ay malawak ang sakop ng kahalagahang
naidudulot ng pagsasalin sa kontekstong Filipino. Sa mga hindi matatawarang gamit at
halaga ng pagsasalin, nararapat na atin itong pagyabungin at bigyang pansin. Gawin
nating makabuluhan ang mga inilalatag nitong ideya upang mamulat at magmulat pa.
Baguhin natin ang larawan ng gawaing pagsasalin kung paano ito tinaggap noong
unang panahon simula pa sa panahon ng mga Romano. Gawin nating
kapakipakinabang ang pagsasalin higit lalo sa kontekstong Filipino at huwag itong
gamitin sa pamamaraang negatibo. Malaki ang ambag ng pagsasaling wika o
pagsasalin sa kontekstong Filipino sa kung paano natin nauunawaan ang mga bagay at
ideya sa kasalukuyan.
Hindi maitatangging ngayon, mahalaga na ang pagkakaroon ng kasanayan sa
pagsasaling wika. Ang pagpapayabong n gating kaalaman at isipan, ang pagtuklas sa
mahahalagang konsepto ng sambayanan at ang pag iral bilang isang mabuting tao ang
mga layon na maghpapatibay sa kung gaano kahalaga ang pagsasalin sa kontekstong
Filipino. Bilang isang taal na Pinoy, tungkulin nating gamitin ang pamanang ito upang
makatulong sa pagpapaunlad ng mapayapang bansa at daigdig. Sa ganang akin, higit
sa karunungang malaman ang kahalagahan ng pagsasalain sa kontekstong Filipino,
yaman din lamang na kaugnay ng ideyang ito ang wika, naniniwala ako na ang puno ‟t
dulo ng ganitong klase ng gawain ay mauugat paring lagi sa pagmamahal ng isang
mamayan hindi lamang sa kaniyang wika bagkus sa kaniyang bansa, sa inang bayan.

You might also like