You are on page 1of 31

Ang mapanah

Ang pamanahong papel

(konseptong papel)
Ang pamanahong papel ay isang uri ng
papel pampananaliksik na karaniwang
ipinapapagawa sa mga estudyante sa
kolehiyo bilang isa sa mga
pangangailangan sa isang larangang
akademiko. Ito ay kadalasang
nagsisilbing kulminasyon ng mga
pasulat na mga gawain kaugnay ng
pag-aaral ng isang paksa sa isang
kurso o asignatura sa loob ng isang
panahn o term na kadalasa’y saklaw
Ng isang semester o traymister. Ito
ang dahilan kung bakit tinatawag ito
sa ingles na term paper. Isa sa
sukatan ng kabutihan ng
pamanahong papel ay ang
presentasyon at pagkakaayos ng mga
bahagi at nilalaman nito. Kung gayon,
marapat lang na maging pamilyar ang
isang mananaliksik sa mga bahagi at
nilalaman ng isang karaniwang
pamanahong papel.
Pansinin ang mga sumusunod na
bahagi ng pamanahong papel at ang
nilalaman ng bawat isa. Pansinin din
ang pagkakasunod sunod ng bawat
isa sa kasunod na pagtalakay na
nagpapahiwatig na rin ng ayos ng
pagkakasunod-sunod ng bawat
bahagi at nilalaman ng aktuwal na
pamanahong papel.
Mga pahinang
preliminary o front
matters
 Fly leaf 1- ang pinakaunang pahina
ng pamanahong papel. Walang
nakasulat na kahit ano sa pahinang
ito. Sa madaling sabi, blangko ito.
 Pamagating pahina-ang tawag sa
pahinang nagpapakilala sa pamagat
ng pamanahong papel. Nakasaad
din dito kung kanino iniharap o
ipinasa ang papel, kung saang
asignatura ito pangangailangan,
Ng komplesyon. Kung titingnan sa
malayuan, kailangang magmukhang
inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga
impormasyong nasa pahinang ito.
 Dahon ng pagpapatibay-ang tawag sa
pahinag kumukumpirma sa pagkakapasa
ng mananaliksik at pagkakataggap ng
guro ng pamanahong papel.
 Sa pahina ng pasasalamat o pagkilala-
tinutukoy ng mananaliksik ang mga
indibidwal, pangkat, tanggapan o
Institusyong maaaring makakatulong sa
pagsulat ng pamanahong papel at kung
gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin.
 Talaan ng nilalaman- nakaayos ang
pagbabalangkas ng mga bahagi at
nilalaman ng pamanahong papel at
nakatala ang kaukulang bilang ng pahina
kung saan matatagpuan ang bawat isa.
 Talaan ng mga talahanayan at grap-
nakatala ang pamagat ng bawat
talahanayan at grap na nasa loob ng
Pamanahong papel at ang bilang ng
pahina kung saan matatagpuan ang bawat
isa.
 Fly leaf 2- ay isa na namang blangkong
pahina bago ang katawan ng
pamanahong papel.
Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina ang
pahinang preliminary. May mga
pamanahong papel din ang kakikitaan ng
pag-aalay o dedikasyon sa isang opsyonal
na pahina.
Ang suliranin
at kaligiran
nito
 Panimula o introduksyon-ay isang
maikling talaang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay ng paksa
ng pananaliksik.
 Layunin ng pag-aaral- inilalahad ang
pangkalahatang layunin o dahilan
kung bakit isinasagawa ang pag-
aaral. Tinutukoy din dito ang
ispesipik na suliranin na nasa
anyong patanong.
 Kahalagahan ng pag-aaral- inilalahad
 Ang signipikans ng pagsasagawa ng
pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Tinutukoy rito ang maaring maging
kapakinabangan o halaga ng pag-aaral
sa iba’t-ibang indibidwal, pangkat,
tanggapan , institusyon, propesyon,
disiplina, o larangan.
 Saklaw at limitasyon- tinutukoy ang
simula at hangganan ng pananaliksik.
Dito itinatakda ang parameter ng
pananaliksik dahil tinutukoy rito kung
Ano-ano ang baryabol na sakop at hindi
sakop ng pag-aaral.
 Depinisyon ng mga terminolohiya-
itinatala dito ang mga katawagang
makailang iginamit sa pananaliksik at
ang bawat isa’y binibigyan ng
kahulugan ang pagpapakahulugan ay
maaaring konseptwal(ibinibigay ang
istandard na depinisyon na mga
katawagan) o operasyunal (kung
paano iyon ginamit sa pamanahong
Papel.)
may mga pamanahong papel na
kakikitaan ninyo ng conceptual o
theoritical framework, hypothesis at
assumptions sa kabanata 1.
mga kaugnay na
pag-aaral at
literatura
Dito tinutukoy ang mga pag-aaral at mga
babasahin o literaturang kaugnay ng
paksa ng pananaliksik. Kailangan din
matukoy ng mananaliksik kung sinu-sino
ang may mga akda ng naunang pag-aaral
o literatura, disenyo ng pananaliksik na
ginamit, mga layunin at resulta ng pag-
aaral. Mahalaga ito sapagkat
ipinapaalam dito ng mananaliksik ang
kasalukuyang estado ng kaalamang
kaugnay ng paksa.
Hangga’t maari ang mga pag-aaral at
literaturang tutukuyin at tatalakayin dito
ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng
huling 10 taon. Pilitin ding gumamit ng
pag-aaral at literaturang local at dayuhan.
Hangga’t maari din, tiyakin ang mga
materyal na gagamitin ay nagtatalakay ng
mga sumusunod na katangian.
 Obhetibo o walang pagpili
 Nauugnay o relevant sa pag-aaral
 Sapat ang dami o hindi napakakunti
O napakarami.
Disenyo at
paraan ng
pananaliksik
 sa disenyo ng pananaliksik
Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik
ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa iyong
pamanahong papel nararapat na simple
at deskriptib analitik na isang desinyo ng
pangangalap ng mga datos at
impormasyon hinggil sa mga salik o
factors na kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
 Sa bahaging ito tinutukoy ang mga
respondente ng sarbey, kung ilan sila
at bakit sila napili.
 sa instrumento ng pananaliksik –
inilalarawan ang paraang ginamit ng
pananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon. Iniisa isa rito
ang mga hakbang na kanyang ginawa
at kung maaari, kung paano at bakit
niya ginawa ang bawat hakbang. Sa
bahaging ito maaring mabanggit ang
Interview o pakikipanayam, pagkoconduct
ng sarbey at pagpapasagot ng sarbey
kwestyuneyr sa mga respondente bilang
pinakakaraniwan at pinakamadaling
paraang aplikable sa isang deskriptib-
analitik na disenyo.
 Sa tritment ng mga datos- inilalarawan
kung ano ang istatistikal na paraang
ginamit upang ang mga numerikal na
datos ay mailarawan. Dahil ito’y isang
pamanahong papel lamang, hindi
Kailangang gumamit ng mga istatistikal
tritment. Sapat na ang pagkuha ng mga
porsyento o bahagdan upang mai-tally ang
mga kasagutan ng mga kwestyuneyr ng
mga respondente.
Presentasyon at
interpretasyon
ng mga datos
Dito inilalahad ang mga datos na
nakalap ng mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o
grapik na presentasyon. Sa teksto
inilalahad ng mananaliksik ang
kanyang analysis o pagsusuri.
Lagom,
kongklusyon at
rekomendasyon
 sa lagom, binubuod ang mga datos at
impormasyong nakalap ng
mananaliksik na komprehinsibong
itilatalakay tungkol sa desinyo at
paraan ng pananaliksik.
 Ang kongklusyon, ay mga abstraksyon
interpretasyon, pangkalahatang
pahayag at paglalahad batay sa mga
datos at impormasyong nakalap ng
mananaliksik.
 Ang rekomendasyon, ay mga
Mungkahing sulosyon para sa mga
suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.
Mga panghuling
pahina
a.Ang listahan ng sanggunian-ay ang
kompletong tala ng lahat ng mga
hanguan o sources na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong papel.
b.Ang apendiks ay tinatawag ding
dahong dagdag-maaring ilagay o ipaloob
dito ang mga liham, pormularyong
ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,
sampol sarbey ng kwestyuneyr, bio-data
ng mananaliksik, mga larawan,
Kliping at kung anu-ano pa.

You might also like