You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC


(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

DALUMAT NG/SA

FILIPINO (Manwal ng Mag-aaral)

Inihanda ni:

DOMINIQUE M. FELEO
Instructor I
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

MGA
BAHAGI NG MANWAL
Mga Layunin Sa bahaging ito malalaman ang mga
kasanayang pampagkatuto na kailangang
matamo ng mag aaral.

Paghandaan Sa bahaging ito masusukat ang mga natutunan


Natin! mo na sa paksang tatalakayin o paunang
gawain.

Basahin Sa bahaging ito mababasa/malalaman ang mga


impormasyon hinggil sa paksang tatalakayin.

Mga Gawain Sa bahaging ito masusukat ang pag-unawa ng


mga-aaral sa paksang tinalakay.

Pangwakas/ At sa bahaging ito naman ay magbabalik-tanaw


Repleksyon ang mag-aaral sa proseso ng kaniyang
pagkatuto.

Republic of the Philippines


CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Modyul 5 Makrong Kasanayan sa Pagbabasa

MGA LAYUNIN
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:

1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pagbasa;


2. Maunawaan ang mensaheng nais ipahayag ng manunulat sa kanyang mga
mambabasa;
3. Magamit ang tamang proseso ng pagbabasa; at
4. Makapagsusuri ng isang akdang babasahin nang may malalim na pang-unawa at
interpretasyon.

PAGHANDAAN NATIN!
Panuto: Ikaw ay magbalik-tanaw. Nahilig o mahilig ka bang magbasa? Anong uri ng
panitikan ang iyong madalas na basahin? Ano ang iyong paboritong libro? Nais ko na
ibahagi mo sa amin ang iyong paboritong libro o ‘di kaya’y ang librong nakapukaw ng iyong
interes. Isulat sa isang malinis na papel ang pamagat ng libro, sariling pagbubuod mo rito,
ang dahilan kung bakit mo ito nagustuhan, at ang naging epekto nito sa’yo pagkatapos mo
itong basahin.
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

BASAHIN
Ano ang Pagbabasa?
Ang pagbasa ay ang
pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa
mga
sagisag na nakalimbag upang
mabigkas ng
pasalita. Ayon kina Austero, et. al.
(1999), ang
pagbabasa ay paraan din ng
pagkilala,
pagpapakahulugan, at pagtataya sa
mga
simbolong nakalimbag. Ang pagbasa
ay isang
psycholinguistic guessing game.
Ayon kay
Goodman, ang isang mambabasa ay
bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango
sa tekstong kaniyang binasa. Ang pagbasa ay
pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at
kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag
sa pahina.

Kahalagahan ng Pagbasa
a. Nadadagdagan ang kaalaman.
b. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan.
c. Nakararating sa mga pook na hindi pa naririnig.
d. Nakahuhubog ang kaisipan at paninindigan.
e. Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon.
f. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin.
g. Nagbibigay ng insipirasyon at nakikita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng
daigdig.

Republic of the Philippines


CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Proseso ng Pagbabasa

Asimilasyon

Reaksyon

Komprehensyon

Persepsyon

1. Persepsyon – ang pagkilala sa mga nakalimbag na simbolong nabasa.


2. Komprehensyon – ang pagpoproseso at pag-unawa sa binasa.
3. Reaksyon – ang paghatol o pagpapasya ng kawastuhan, kahusayan, at aral sa teksto.
4. Asimilasyon – iniuugnay ang kaalamang nabasa sa dating kaalaman o karanasan.

Layunin ng Pagbasa
1. Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na hindi malinaw sa
kaalaman.
2. Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t ibang larangan.
3. Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian.
4. Magkaroon ng bukas na kaisipan.

Pananaw at Teorya sa Proseso ng Pagbasa


1. Teoryang Bottom-up
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon.

Proseso: Nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa


(up).
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

2. Teoryang Top-down
Ang mambabasa ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak
sa kaniyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency).

Proseso: Nagsisimula sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down).

3. Teoryang Interaktib
Kombinasyon ng Teoryang Bottom-up at Top-down. Ito ay itinuturing na bidirectional
o may dalawang direksyon.

4. Teoryang Iskima
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskima. Bago pa man basahin ng mambabasa ang teksto ay may taglay na siyang
ideya sa nilalaman ng teksto.

Mga Estilo sa Pagbasa


1. Iskiming (Skimming)
∙ Pinakamabilis na pagbasa na kaya ng isang tao.
∙ Pagbasa upang makuha ang pangkalahatang impormasyon na nais makita.

2. Iskaning (Scanning)
∙ Mabilis din ito tulad ng iskiming gayunpaman, higit na itong naka-focus sa
isang tiyak na impormasyon sa isang pahina.
∙ Tumutukoy sa paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang pahina.

Pagpapakahulugan ng Kaisipan
1. Denotasyon – kahulugang hango sa diksyunaryo. Halimbawa:
Malalim na pang-unawa.
Matatalim na mga salita ang kaniyang ginamit.

2. Konotasyon – kahulugang iba sa karaniwang pakahulugan.


Halimbawa: Buhay alamang – mahirap

Puso – pagmamahal
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph
Panukatan sa Pagbasa
Narito ang mga mungkahing makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng pang
unawa ng mga mag-aaral:

1. Unang Dimensyon – ang mambabasa ay nasa antas ng paggamit ng “simple recall”


ukol sa kaniyang binasa (Pag-unawang Literal).
2. Ikalawang Dimensyon – ganap na pagkakaunawa sa mga kaisipan ng may-akda lakip
ang mga karagdagang kahulugan (Interpretasyon).
3. Ikatlong Dimensyon – pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at bisa ng
paglalahad (Mapanuring Pagbasa).
4. Ikaapat na Dimensyon – pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at mga karanasan
upang magbunga ng mga bagong pagkilala sa mga katangian, pag-unawa, at iba pa
(Aplikasyon sa Binasa).
5. Ikalimang Dimensyon – pag-unawa at pagpapakahulugan sa binasa (Pagpapahalaga).

MGA GAWAIN

A. Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa bawat aytem. Tukuyin kung ISKIMING o
ISKANING ang ipinakikita sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

______________1. Pagtingin sa heading at subheading ng dyaryo.


______________2. Pagbabasa ng index card.
______________3. Pagbasa ng talaan ng nilalaman.
______________4. Paghahanap ng susing salita.
______________5. Pagbabasa sa una at huling pangungusap ng talata.
______________6. Pagbabasa sa una at huling talata.
______________7. Pagtingin ng winning number sa lotto.
______________8. Pagtingin sa dyaryo tungkol sa resulta ng isang board examination.
______________9. Paghahanap ng paksa sa talaan ng nilalaman. ______________10.
Pagbabasa para malaman ang mga sangkap ng maikling kwento.

Republic of the Philippines


CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

B. Panuto: Basahin ang maikling kwentong “Langaw sa Isang Basong


Gatas” ni Amado V. Hernandez. Pagnilayan mo ang iyong binasang akda, pagkatapos ay
sumulat ka ng isang repleksyong papel tungkol dito.
Langaw sa Isang Basong Gatas: https://www.scribd.com/doc/73683536/Langaw-Sa
IsangBasong-Gatas

Rubrik sa Pagsulat ng Reaksyong Papel


Mga Pamantayan 5 4 3 2 Sadyang
Napakahusa Mahusay Katamtaman Di Di
y Mahusay Mahusay

Mahusay ang
pagkakasunod sunod ng
ideya sa kabuuan ng
talata.

Mabisa ang panimula at


malakas ang
kongklusyon batay sa
ebidensya.

Malalim at nakikita ang


paguugnay ng dating
kaalaman at karanasan
sa bagong kaalaman.

Mahusay ang paggamit


ng wika, walang mali sa
gramatika, baybay, gamit
ng bantas, at may
mayamang bokabularyo.

Malinis at maayos ang


pagkakasulat ng talata.

Kabuuang Puntos:

PANGWAKAS/REPLEKSYON
Sa modyul na ito:

Natutunan ko na
____________________________________________________________
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Republic of the Philippines


CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Napagtanto ko na ___________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Nahirapan akong matutunan ang tungkol sa ______________________________________


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN

Ang Pagbasa. Nakuha mula sa https://www.slideshare.net/mobile/PaulMitchellChua/ang


pagbasa.

Pagbasa. Nakuha mula sa https://www.slideshare.net/mobile/kristinaevora/21452503-


pagbasa-1.

Pagbasa. Nakuha mula sa https://www.slideshare.net/mobile/shekainalea/pagbasa


78825454.

Langaw sa isang basong gatas. Nakuha mula sa


https://www.scribd.com/doc/73683536/Langaw-Sa-Isang-Basong-Gatas.

You might also like