You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC


(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

DALUMAT NG/SA FILIPINO


(Manwal ng Mag-aaral)

Inihanda ni:

DOMINIQUE M. FELEO
Instructor I
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

MGA BAHAGI NG MANWAL

Sa bahaging ito malalaman ang mga kasanayang


Mga Layunin pampagkatuto na kailangang matamo ng mag-
aaral.

Paghandaan Sa bahaging ito masusukat ang mga natutunan


Natin! mo na sa paksang tatalakayin o paunang gawain.

Sa bahaging ito mababasa/malalaman ang mga


Basahin
impormasyon hinggil sa paksang tatalakayin.

Sa bahaging ito masusukat ang pag-unawa ng


Mga Gawain
mga-aaral sa paksang tinalakay.

Pangwakas/ At sa bahaging ito naman ay magbabalik-tanaw


Repleksyon ang mag-aaral sa proseso ng kaniyang pagkatuto.
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Modyul 6 Makrong Kasanayan sa Pagsusulat

MGA LAYUNIN

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:

1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pagsusulat sa pagpapalaganap ng


tekstong Pilipino;
2. Makapaglahad ng mga kaisipang mahahalaga sa isang paraang maayos at malinaw
sapagkat umaalinsunod sa pamantayan ng maayos na pagsusulat;
3. Magkaroon ng kasiningan ang mga sulatin; at
4. Makabuo ng isang malikhaing pagsulat (prosa o tula).

PAGHANDAAN NATIN!

Panuto: Ang pang-aasar, pang-iinis, panunuya, o pang-aapi (bullying) ay hindi katanggap-


tanggap na ugali o asal mula sa kamag-aral, kasamahan sa unibersidad o sa komunidad. Nais
ko na basahin at unawain mong mabuti ang maikling kwentong isinulat ni Fanny A. Garcia,
ang “Sandaang Damit”. Ang maikling kwento na ito ay walang konkretong wakas, kaya naman
ay inaatasan kita na bumuo ng iyong sariling pagwawakas para rito. Isulat mo ang iyong
sariling pagwawakas sa isang malinis na papel.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia:

https://www.slideshare.net/mobile/CheskaOrtiz25

BASAHIN
Ano ang Pagsusulat?
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo,
at ilustrasyon ng isang tao, o mga tao sa layuning
maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan. Ito
ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa
para sa iba’t ibang layunin. Ito rin ay mental na
aktibidad sapagkat ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na
metodo ng pagbuo at pattern ng organisasyon, at
sa isang istilo ng balarila o grammar na naaayon
sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Pagsulat bilang Multi-dimensyonal na Proseso


Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan. Ito ay isang gawaing personal at
sosyal. Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang
multi-dimensyonal na proseso. Narito ang dalawang dimension sa pagsulat:

1. Oral na Dimensyon
Kapa gang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,
masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga
mambabasa.

2. Biswal na Dimensyon
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng
ginamit ng isang awtor sa kaniyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na
simbolo. Sa dimensyong din na ito ay kailangang maisaalang-alang ang mga kaugnay
na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbolong nakalimbag na siyang
pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat


Ang dayagram na ito ay nagpapakita ng pabalik-balik na movement ng proseso ng
pagsulat.
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Proseso ng Pagsulat
1. Prewriting o Bago Magsulat
Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag-iisip ng
mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat, at pag-oorganisa ng mga materyales
bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.

2. Draft o Pagsulat ng Burador


Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong
preliminary ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende
kung gaano mo kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, imunumungkahing sundin moa ng iyong balangkas
nang bawat seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa
pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas
mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna
alalahanin ang pagpili ng mga salita, istruktura ng pangungusap, ispeling, at
pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang
burador.

3. Revising o Pagrerebisa
Ito ay ang proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para
sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang
manunulat dito ang istruktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon.
Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari
ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya ay kailangan para sa
pagpapabuti ng dokumento.

4. Editing o Pag-i-edit at Pagwawastong-basa


Ito ang pagwawasto ng ga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita,
ispeling, grammar o balarila, gamit, at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling
yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Layunin ng Gawaing Pagsulat


1. Pansariling Pagpapahayag
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa, o naranasan.
Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y
mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng
bahay, mapa, at iba pa.

2. Impormasyonal na Pagsulat
Kung sa unang layunin, ang makikinabang ay ang nagsusulat, dito ang
makikinabang ay ang tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ang mensahe sa
mga kaparaanang nangangatwiran, nagpapayo, nagpapaliwanag, at iba pa. Ilan sa
mga halimbawa nito ay memorandum, rebuy, at riserts.

3. Malikhaing Pagsulat
Ang makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong ng imahinasyon at
kapangyarihan ng reshistradong wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng
lipunan na kaniyang ginagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit
dito upang ipadama sa mambabasa ang panoramikong larawan ng buhay. Ilan sa
halimbawa nito ang alamat, dula, tula, at iba pa.

Mga Uri ng Pagsulat


1. Akademik
 Pagsulat sa paaralan mula sa antas ng primary hanggang dokoradong pag-
aaral.
 Itinuturing na isang intelektwal na pagsulat.
 Halimbawa: Kritikal na sanaysay, term paper, laboratory report,
eksperimento.

2. Teknikal
 Nagsasaad ng impormasyon na maaaring makatugon sa isang
komplikadong suliranin.
 Nakatuon sa isang ispesipik na awdyens.
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

3. Dyornalistik
 Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist.
 Makikita sa columnar ng dyaryo tulad ng editorial, balitang sulatin, lathalain,
at iba pa.

4. Reperensyal
 Sulatin na naglalayon na magrekomenda ng iba pang mga batis o
reference.
 Para sa mas malawak nap ag-intindi sa isang paksa.
 Halimbawa: literatura mula sa awtoridad, bahagi ng thesis na Mga Kaugnay
na Pag-aaral at Literatura (Review of Related Literatures).

5. Propesyonal
 Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon.
 Halimbawa: police report, investigative report, medical report, at iba pa.

6. Malikhain
 Masining.
 Pokus ang imahinasyon ng manunulat.
 Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.
 Piksyunal o di-piksyunal.
 Halimbawa: tula, nobela, maikling kwento, malikhaing sanaysay, at iba pa.

MGA GAWAIN

A. Panuto: Basahin at unaawing mabuti ang mga pahayag, subuking ipaliwanag ito nang
hindi bababa sa tatlong pangungusap. Sikaping maging malinis ang papel at sumulat nang
nababasa.
1. “Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging
tao.” – William Strunk, at E. B. White
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

2. “Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan.” – Helen Keller


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. “Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika, at karanasang natamo ng isang tao mula


sa kaniyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.” – Peck at Buckingham
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

B. Panuto: Sinasabing sa pagsusulat ay hindi tayo makakapagpanggap. Sa pagsulat,


malalaman ng iyong isip kung ano man ang nararamdaman mo, at ito ang mababasa. Walang
maililihim, at walang maitatago. Nais kong malaman ang iyong saloobin at pananaw sa isang
paksa o isyu sa pamamagitan ng pagsulat, kaya naman ay inaatasan kitang bumuo ng isang
malikhaing pagsulat, isang maikling kwento na nagpapakita ng isang isyung panlipunan.
Gamitin ang rubrik bilang iyong gabay.

Rubrik sa Pagsulat ng Maikling Kwento

Katamtamang Nangangailangan
Mga Pamantayan Natatangi
Kagalingan ng Tulong
Makabuluhan, naging Makabuluhan, Naging
parang bago dahil sa bagama’t hindi napakakaraniwan
Paksang Diwa pamamaraan ng nagmistulang ng paksa. (5-0)
pagsasalaysay at orihinal. (10-6)
istilo. (15-11)
Maayos ang May Magulo at
pagkakabalangkas ng pagkakauganay- nakakalito ang
mga pangyayari. ugnay ang mga pagkakasunod-
Banghay (25-17) pangyayari ngunit sunod ng mga
may ilang bahaging pangyayari.
naging masalimuot. (8-0)
(16-9)
Maingat ang Umaangkop ang Hindi umaangkop
paglalarawan ng kilos at pananalita sa kilos at
Tauhan katauhan. sa katauhang pananalita ang mga
Umaangkop ang kilos ginagamapanan tauhan sa
at pananalita sa ngunit may
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

katauhang pagkakataong hindi katauhang


ginagampanan sa nagiging konsistent. ginagampanan.
kwento. (10-6) (5-0)
(15-11)
Napukaw ang Naipakita ang Hindi nabigyang-
kamalayan ng isipan tunggalian sa daan ang mga
at damdamin ng mga kwento. Hindi madudulang tagpo
mambabasa. gaanong nakaantig upang lalong
Tunggalian
(15-11) sa isipan at maging kawili-wilii
damdamin ng mga ang mga
mambabasa. pangyayari. (5-0)
(10-6)
Malinaw at mahusay Malinaw subalit Nagpasalin-salin
na nagamit ang hindi nagamit nang ang pananaw na
pananaw sa kabuuan lubusan ang nagpasalimuot sa
Pananaw
ng kwento. (15-11) pananaw sa kabuuan ng kwento.
kabuuan ng kwento. (5-0)
(10-6)
Naging kaakit-akit Naipahihiwatig ang Naging kawili-wili
ang simula ng kwento suliranin sa simula ang simula upang
at ang wakas ay ng kwento ngunit maakit ang mga
nakapagkalas sa hindi naging kawili- mambabasa ngunit
suliranin ng kwento. wili ang kakalasan hindi naging kawili-
Simula at Wakas (15-11) patungong wakas. wili ang wakas
(10-6) upang maikintal sa
isipan ng mga
mambabasa ang
tema ng salaysay.
(5-0)
Kabuuang Puntos:

PANGWAKAS/REPLEKSYON

Sa modyul na ito:

Natutunan ko na ____________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph

Napagtanto ko na ___________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Nahirapan akong matutunan ang tungkol sa ______________________________________


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN

Sandaang Damit ni Fanny Garcia. Nakuha mula sa


http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/sandaang-damit-ni-fanny-
garcia.html?m=1.

Sandaang Damit ni fanny Garcia. Nakuha mula sa


https://www.slideshare.net/mobile/CheskaOrtiz25/isangdaang-damit-ni-fanny-garcia.

Batayang Kaalaman sa Pagsulat. Nakuha mula sa


https://www.slideshare.net/mobile/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat.

Proseso at Yugto ng Pagsulat. Nakuha mula sa


https://www.slideshare.net/mobile/sjbians/proseso-atyugtongpagsulat.

You might also like