You are on page 1of 5

Escat Gian Carl T.

HE 11-1
PAGBASA/GAWAIN-1

Pamagat ng Pananaliksik: KAKAYAHAN SA PAGSULAT NG SANAYASAY NG MGA MAG-AARAL SA UNIVERSITY


OF PEPETUAL HELP SYSTEM- CAUAYAN CITY, ISABELA

Bahagi ng Pananaliksik Nilalaman ng Bahagi


Rasyonal Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang ng
isang indibidwal. Mahalaga ang pagsulat dahil ito ay tinatawag na lundayan
ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao. Hindi man
kayang ipadama ang nais sabihin sa isang tao ngunit maaari naman itong
gawin sa pagsulat. Ang epektibong pagpapahayag sa sariling pananaw,
opinyon at ideya tungkol sa isang paksa sa pasulat na anyo gamit ang ating
sariling wika ay isang kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral. Ang
kasanayang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa
pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat
kabataan. Ito ang kakayahan ng pagsulat na wala ang ibang makrong
kasanayan. Sa pang-araw-araw na gawain sa paaralan, isa ang pagsulat sa
mabisang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral maliban sa pakikinig,
pagsasalita, pagbabasa at panunuod.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa
kanyang kaisipan. Nagiging daan ang pagsulat upang ipahayag ang saloobin
at damdamin. Nagsisilbing komunikasyon sa kapwa ang pagsulat.
Nagagamit ito para sa lalong pagkatuto. Ginagamit bilang isang paraan ng
pagtataya sa naging pagsulong ng estudyante sa wika. Nakatutulong ito sa
paglinang ng lohikong pag-iisip at paglutas sa suliranin.
Pinatunayan ng maraming pag-aaral na malaki ang naitutulong ng
pagsulat sa paghubog ng isang tao. Sa pamamagitan ng pagsulat ,
naipapahayag ang paniniwala, mithiin, pangarap, nararamdaman, bungang-
isip at nakikilala ng tao ang kanyang kahinaan at kalakasan. Ang pagsulat ay
nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na
pag-iisip at paglutas ng mga suliranin. Napapaunlad ang ibang kasanayang
pangwika tulad ng pagbabasa, pagtatala, pakikipagtalakayan at iba pa.
Ang pagsulat ay may antas ng kasanayan: kasanayang pampag-iisip
at kasanayan sa pagbuo ng talata. Kasanayang pampag-iisip ay tumutukoy
sa analisis, organisasyon ng ideya at imahinasyon. Ang kasanayan sa pagbuo
ng talata ay tumutukoy naman sa palugit at indensyon, pagbabaybay,
pagbabantas at paggamit ng malalaki at maliliit na titik.
Subalit sa panahong ito, isang hamon sa bawat guro at mag-aaral ang
pagsulat. Bawat mag-aaral ay nakararanas ng matinding alalahanin kung
paano nga ba sisimulan ang pagsulat. Marami ring bilang ng mga mag-aaral
ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at
kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya.
Gayundin naman ang isang manunulat, kung wala ang tulad nila,
walang pahayagan na magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng
daigdig. Wala ring libro na magpapalawak sa kaalaman at magbibigay
paliwanag sa tama at mali na gagabay sa tulad ng mga bantas at walang
magasin na madalas paglibangan. Ang pagsulat ay isang epektibong
larangan upang maipakita ang karunungan ng isang tao sa pamamagitan ng
salita. Ang pagsulat ay may iba’t ibang uri: pagsulat ng akademik, teknikal,
journalistic, referential, propesyonal at malikhain. Ang pagsulat ng isang
sulatin ay nakaangkla sa uri ng malikhaing pagsulat. Maihahanay rin sa uring
ito ang pagsulat ng tula, nobela, dula at sanaysay. Ang sulatin ay tinatawag
na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan,
pagbibigay ng interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa
mga nababasang akda o napapanood na pagtatanghal.
Dahil dito, isinagawa ang pag-aaral upang matukoy ang kasanayan
ng mga mag-aaral sa pagsulat. Nakasentro sa pag-aaral na ito ang pagtataya
sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay sa unang
antas ng kolehiyo ng University of Perpetual Help System- Cauayan, City
Isabela.
Balangkas ng Pag-aaral Malahagang layunin ng pananaliksik na ito na matugunan ang mga
sumusunod:
1. Tiyakin ang profayl ng mga mag-aaral batay sa:
1.1. Kasarian
1.2. Pinagtapusang paaralang Sekondarya
1.2. Kurso
1.3. Dalas ng pagbasa
1.4. Dalas ng pagsulat
2. Tukuyin ang karaniwang istratehiya na ginagamit ng mag-aaral sa
pagsulat ng sanaysay?
3. Tukuyin ang antas na kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-
aaral ng unang kolehiyo ng University of Perpetual Help System- Cauayan
City, Isabela batay sa mga sumusunod na baryabol:
1.1 Kasanayang Pampag-iisip:
1.1.1 Analisis
1.1.2 Organisasyon ng Ideya
1.1.3 Imahinasyon
1.1.4. Talasalitaan
1.2 Kasanayan sa Pagbuo ng talata:
1.2.1 Palugit at Indensyon
1.2.2 Pagbabaybay
1.2.3 Pagbabantas
1.2.4 Paggamit ng malalaki at maliliit na titik
4. Alamin ang relasyon ng mga sumusunod:
a. Profaly at istrtehiya
b. Profayl at Antas ng kasanayan
c. Istratehiya at Antas ng kasanayan

5. Tukuiyin ang pagkakaiba ng mga sumusunod:


a. Profaly at istrtehiya
b. Profayl at Antas ng kasanayan
c. Istratehiya at Antas ng kasanayan
6. Alamin ang maimumungkahing gawain upang mapaunlad ang
antas ng kasanayan sa pagsulat
Paglalahad ng Suliranin Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay sukatin ang kasanayan ng
mga mag-aaral ng University of Perpetual Helpt System- Cauayan City,
Isabela sa pagsulat ng sanaysay. Nilalayon din nitong masagot ang mga
sumusunod na tiyak na katanungan.
1. Ano-ano ang profayl ng mga mag-aaral batay sa:
1.1. Kasarian
1.2. Pinagtapusang paaralang Sekondarya
1.3. Unang Wika
1.4. Kurso
1.5. Dalas ng pagbasa
1.6. Dalas ng pagsulat
2. Ano ang karaniwang istratehiya na ginagamit ng mag-aaral sa pagsulat ng
sanaysay?
3. Ano ang antas na kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral
ng unang kolehiyo ng University of Perpetual Help System- Cauayan City,
Isabela batay sa mga sumusunod na baryabol:
1.1 Kasanayang Pampag-iisip:
1.1.1 Analisis
1.1.2 Organisasyon ng Ideya
1.1.3 Imahinasyon
1.1.4. Talasalitaan
1.2 Kasanayan sa Pagbuo ng talata:
1.2.1 Palugit at Indensyon
1.2.2 Pagbabaybay
1.2.3 Pagbabantas
1.2.4 Paggamit ng malalaki at maliliit na titik
4. Ano ang relasyon ng mga sumusunod:
a. Profayl at istratehiya
b. Profayl at Antas ng kasanayan
c. Istratehiya at Antas ng kasanayan
5. Ano ang pagkakaiba ng mga sumusunod:
a. Profayl at istratehiya
b. Profayl at Antas ng kasanayan
c. Istratehiya at Antas ng kasanayan
6. Ano ang maimumungkahing gawain upang mapaunlad ang antas ng
kasanayan sa pagsulat?

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral,


magulang, guro, Punong-Guro at mga gumagawa ng patakaran sa
edukasyon.
Mga mag-aaral. Ito ay magdudulot ng kamulatan sa kahalagahan ng
paglinang ng kasanayan sa pagsulat upang na mabisa at kawili-wili ang
pagsulat.
Sa mga magulang. Ito ay magsisilbing hamon upang higit na gabayan ang
kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng kasanayan sa pagsusulat higit
na lalo sa pagbuo ng tiwala at pagtingin sa sarili. Ang pagsusulat ay isang
paraan ng pagbabahagi sa ating kapwa tao ng ating mga pananaw at
saloobin batay sa ating kaalaman at karanasan.
Sa mga Guro. Magbibigay ito ng lubos na kamalayan at kaalaman upang
kung higit na maging epektibong guro sa Filipino sa pamamagitan ng
paggamit ng estratehiyang ito sa pagtuturo ng pagsulat. Sa ganitong paraan
higit na mas gagaan ang pananagutan sa paglinang ng kasanayan sa
pagsulat at ang kahalagahan ng pagbibigay ng puna sa kalagayan ng bawat
mag-aaral sa paraan ng pagsulat na lubos na makatutulong sa paglinang ng
kasanayang ito.
Sa mga Punong-Guro at tagagawa ng mga Patakaran sa Edukasyon. Ito ay
magsisilbing tagapaggising na lalong gabayan at suportahan ang mga guro
sa paglinang sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat para sa mabisang
pakikipagtalastasan tungo sa higit na mataas na kalidad ng edukasyon at
pang-akademikong pagganap.
Mga Mananaliksik/ Resertyer. Ito ay makatutulong nang malaki sa mga
mananaliksik upang mas lalo pang mapaunlad ang kanilang pananaliksik.
Maaari rin ito na maging kasangkapan o sanligan ng mga kaugnay na pag-
aaral ukol sa pagsulat at/o pagsulat ng sanaysay.
Saklaw at Delimitasyon ng Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa antas ng kasanayan at
Pag-aaral istratehiya ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay batay sa profayl, pag-
alam sa relasyon/ugnayan ng pofayl at estratehiya, profayl at antas ng
kasanayan at istratehiya at antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay at
pag-alam sa pagkakaiba ng pofayl at estratehiya, profayl at antas ng
kasanayan at istratehiya at antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
Ang mga mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo ng University of
Perpetual Help- Cauayan City, Isabela ang ginamit bilang tagatugon sa pag-
aaral na may bilang na limang daan (450) na mag-aaral . Taong Panuruan
2018-2019.
Kahulugan ng mga Termino Ang mga sumusunod na salitang matatagpuan sa papel na ito ay binigyang
kahulugan ayon sa pagkakagamit ng mga salita sa pananaliksik at upang
higit na mapadali ang pagkaunawa sa pag-aaral na isinagawa ng
mananaliksik:

Kasanayan. Ang kasanayan ay ang natutunang kapasidad o kakayahan na


maipatupad ang mga resultang nauna nang natukoy at kadalasang may
mababang paggugol ng panahon, enerhiya o pareho.
Istratehiya. Ang patigayon o estratehiya ay isang salitang
nangangahulugang mahusay na paraan o mahusay na pamamaraan.
Kasanayang Makro. Ang mga kasanayang hinggil sa pakikinig, pagsasalita,
pagbabasa, pagsusulat at panunuod.
Analisis Ang analisis (Ingles: analysis), pagsusuri, o paglilitis ay ang proseso
ng paghihimaymay ng isang masalimuot na paksa o sustansiya upang
maging mas maliliit na mga bahagi, upang makatanggap ng isang mas
mainam na pagkaunawa rito.
Pagbasa. Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng
awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng
pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga simbolong nakalimbag.
Organisasyon. Ito ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at pansuportang
detalye. Maging ang paraan ng pagkakabuo ng paksa mula sa panimula,
katawan at wakas.
Sanaysay. Ito ay malayang paraang naglalahad ng kaisipan, kuro-kuro,
palagay at ng kasiyahan ng sumusulat; upang umaliw, magbigay-kaalaman o
magturo.
Talasalitaan. Tumutukoy ito sa angkop na pagpili at paggamit ng salita,
idiyoma at talinghaga sa isang komposisyon.
Wika. Tumutukoy ito sa ugnayan ng aspekto, bilang, salita, pantukoy,
panghalip at iba pang bahagi ng salita na ginamit sa pagbuo ng isang
makabuluhang komposisyon.
Unang Wika. Ito ang wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro
sa isang tao. Tinatawag din itong wikang sinuso sa ina o inang wika.

Sanggunian:

You might also like