You are on page 1of 7

Filipino

Piling Larang –Akademik


Tara, Sulat Tayo!
Tara, Sulat Tayo!
Panimula:

Magandang araw!

Kumusta ka ngayon?
Ok ka lang ba?

Natutuwa ako na nasa maayos kang kalagayan! Mahilig ka bang


magsulat? Anuman ang sagot mo tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang
araling pag-uusapan natin ngayon. Siguradong „di ka lang matututo mag-i-enjoy ka
pa!
Halika! Umpisahan na natin.
Sa modyul na ito ay makikilala mo ang akademikong pagsulat bilang isa sa
mga uri ng pagsulat batay sa kahulugan at at mga katangian nito.
O, ano handa ka na ba?

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakapagbibigay-kahulugan sa akademikong
pagsulat.
Bago ka magsimula, may mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa
araling ito. Magagamit mo ang mga ito para ganap na maunawaan ang mga
susunod na talakay tungkol sa ating paksa. Simulan mo na!

Basahin natin.
pagsulat -
artikulasyon ng mga ideya,
konsepto, paniniwala at
nararamdaman na
ipinahahayag sa paraang
pasulta, limbag at elektroniko.

akademya –
lipunan o institusyon ng mga
kilalang iskolar, artist, o
siyentista na naglalayong
palaganapin at panatilihin ang
pamantayan sa isang tiyak na
larangan.

iskolar –
mag-aaral sa kolehiyo o unibersidad/
propesyonal na
nagpapakadalubhasa sa isang
larangan, may mataas na antas ng
karunungan.

sulating akademik –
pormal na sulating
isinasagawa sa isang
intelektuwal – akademikong institusyon o
kasanayan sa paggamit ng unibersidada sa isang
mataas na antas ng pag-iisip. partikular na larangang
akademiko.
Basahin mo.

Pagsulat sa Mataas na Antas


Ni: Rosemarie M. Nocedo

Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ang pagsulat.


Totoong ang pagsulat ay isang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat
na panahon upang maging mahusay rito. Hindi ito dapat katakutan dahil ang
pagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto at pag-unlad sa ating
pagkatao. Ang isang taong nagnanais na maging dalubhasa sa larangang ito ay
nangangailangan magkaroon ng malawak na kaalaman lalo na sa mga uri ng pagsulat
na ginagawa sa iba‟t ibang larangan.

Karaniwang ang mga uri ng pagsulat ay nagkakaiba-iba sa paksa, anyo o estruktura,


layunin at maging sa antas ng kaalamang nais ipabatid sa target na mambabasa.
Natatangi sa mga ito ang akademikong pagsulat.

Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na
ginagawa ng mga iskolar para sa mga iskolar. Madalas na ito ay nakalaan sa mga
paksa at tanong na pinag-uusapan at intertesante sa akademikong komunidad at
naglalahad ng mga importanteng argumento. Ito ay isang masinop na at sistematikong
pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami
pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

Ano ang akademikong pagsulat?

Tama! Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga iskolar
para sa mga iskolar. Tandaan na nakalaan ito sa mga paksang interesante sa
akademikong komunidad at naglalahad ng importanteng argument.

Maituturing na natatangi akademikong pagsulat pagkat ito ay intelektuwal na pagsulat


na naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mambabasa. Ilan sa
mga katangian taglay nito ang pormal at piling-piling paggamit ng pananalita, pagiging
obhetibo, may paninidigan, may pananagutan, at may kalinawan.

Ano-ano ang mga katangian ng akademikong pagsulat?

Tama! Ang akademikong pagsulat ay pormal, obhetibo, may paninidigan, may


pananagutan, at may kalinawan.
Ano ang layunin ng akademikong pagsulat?

Tumpak! Layunin ng akademikong pagsulat ang pataasin ang antas ng kaalaman ng


mga target na mambabasa.

Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng


isang indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil
may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag- organisa, ng mga
ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at
may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.( Arrogante et .al 2004)

Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at


isinasalang-alang ang mga mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng wastong bantas
at baybay ng mga salita dahil nakatuon ito sa pagbibigay ng kaalaman.

Kung nais mong maging mahusay na manunulat sa larangang akademiko, ano-


ano ang mga katangiang dapat mong taglayin?

Ang galing! Taglay mo dapat ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat,


kakayahan sa pangangalap ng datos, pag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip,
mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at
kakayahang gumawa ng sintesis.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula, dula at


nobela) ang akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng mas mahigpit na na
tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Layunin nitong magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Layunin din nitong:

- manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan


at ebidensiyang maaari mong paniwalaan;
- mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga
baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli;
- magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kaalaman ng mambabasa.
-
Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na
inihahanay ang mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo ng
mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng nito ay may simula
kung saan nakalahad ang introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas
na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon , at rekomendasyon.
Saang aspekto nagkakaiba ang akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat?

Magaling! Maliban sa paksa at estrtruktuira, nagkakaiba rin ang akademikong pagsulat


at malikhaing pagsulat sa layunin.

Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa akademikong
pagsulat:

1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o


nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o
anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-
aalinlangan.

2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa


pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito.

3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga


magkakaugnay na pangyayari.

4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning


manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga rason at ebidensya.

Paano naiiba ang paraan ng pagpapahayag sa akademikong pagsulat sa iba pang


uri ng pagsulat?

Tumpak! May malaki ngang pagkakaiba.

Bagaman may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa


akademikong pagsulat gaya ng sa iba pang uri ng pagsulat, karaniwan ang
layunin nito ay manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
posibleng sagot o dahilan at ebidensiyang maaari mong paniwalaan, mag-
analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga
baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli ang magbigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kaalaman ng mambabasa.

You might also like