You are on page 1of 21

Pagkatapos ng araling ito, ikaw

mag-aaral ay inaasahang:

•Nabibigyang kahulugan
ang akademikong
pagsulat.
AKADEMIKONG
SULATIN
Ano ang
pagsulat?
PAGSULAT
• Isa sa mga makrong kasanayang dapat
mahubog sa mga mag-aaral

• Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009)


may akda ng Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2009)
• Ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo
ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika.
• Ayon kay Edwin Malibin et al. Sa
aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akadmikong Filipino
(2012).
• Ito ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental dahil sa pamamagitan
nito ay naipapahayag ng tao ang nais
niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglipat ng kaalaman sa papel o
anumang kagamitang maaaring
pagsulatan.
Bakit nga ba ang tao
ay nagsusulat?
• Ayon kay Malibin (2012) –
Ang pagsulat ay isang pagpapahayag
ng kaalamang kailanman ay hindi
naglalaho sa isipan ng mga bumasa
at babasa sapagkat ito ay maaring
magpasalin-salin sa bawat panahon.
Maaring mawala ang alaala ng
sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay mananatiling
kaalaman.
Limang Makrong Kasanayan
• Pakikinig, Pagbabasa, Panonood –
kumukuha o nagdaragdag lamang ng
kaalaman sa kanyang isipan
• Pagsasalita, Pagsusulat – nagbabahagi
ng kanyang kaisipan at nalalaman
tungkol sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng kanyang sinabi at
isinulat.
Ano ang kahalagahan
o benipisyo na
maaring makuha sa
pagsulat?
Kahalagahan at benepisyo
 Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan
at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o
pananaliksik.
Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa
paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap
na impormasyon.
Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan
sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at
mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas
ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman
sa lipunan.
Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang
at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang
pag-aaral at akademikong pagsisikap.
Malilinang ang kasanayan
sa pangangalap ng mga
impormasyong mula sa
iba’tibang batis ng
kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
Akademikong
Pagsulat
Ayon nga kay Mabilin (2012), ang
akademikong pagsulat ay uri ng pagsulat
na higit na mahalaga kaysa sa lahat ng
uri ng pagsulat. Ito ay itinuturing na
pinakamataas na antas ng intelektuwal
na pagsulat dahil lubos na pinatataas
nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
iba’t ibang larangan.
• Samakatuwid, nangangailangan nang
higit na mataas na antas ng kasanayan
at pag-iisip ang ganitong uri ng pagsulat
kaya lubos na malilinang ang iyong
kakayahan sa kritikal na pag-iisip,
pangangalap ng impormasyon, pag-
organisa ng mga ideya at kakayahang
magsuri ng iba’t ibang akademikong
sulatin.
Ang pagsulat ng paglalarawan ay
maaaring maging subhetibo o obhetibo.
• Subhetibo - ang paglalarawan kung ang manunulat ay
maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang
sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa
isang katotohanan sa totoong buhay.

• Obhetibo - ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang


katotohanan.
Akademiko
vs
Di-Akademiko
Akademiko Di-Akademiko
Pananaw Obhetibo ,hindi Subhetibo, sariling
direktang opinion , pamilya,
tumutukoy sa tao at komunidad ang
damdamin kundi sa pagtukoy, tao at
mga bagay ,ideya at damdamin ang
katotohanan , tinutukoy, nasa una
ito’y nasa at pangalawang
pangatlong panauhan ang
panauhan ang pagkakasulat
pagkakasulat
Akademiko Di-Akademiko
Audience Iskolar,mag-aaral, Iba’t ibang
guro, publiko
(akademikong
komunidad
Layunin Magbibigay ng Magbibigay ng
ideya at sariling opinyon
impormasyon
Akademiko Di-Akademiko
Paraan o Batayan Obserbasyon, Sariling karanasan,
ng Datos pananaliksik,at pamilya, at komunidad
pagbabasa

Organisasyon ng Planado at Hindi malinaw ang


Ideya magkakaugnay ang istruktura ,hindi
mga ideya, may kailangang
pagkakasunudsunod magkaugnay ang mga
ang estruktura ng mga ideya
pahayag,
Tandaan
Ang taong nagsasagawa ng akademikong pagsulat ay nagbabahagi ng
kanyang mga kaisipan at kaalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng kanyang isinusulat. Kaya naman mahalaga na
marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan sapagkat
maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng kompetisyon sa
kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.

You might also like