You are on page 1of 24

FILIPINO

SA
PILING
LARANG
ARALIN 1
ANG KAHALAGAHAN
NG PAGSUSULAT AT
ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT
Pagsusulat
Ang Pagsusulat ay
isa sa mg makrong
kasanayang dapat
mahubog sa mga
mag-aaral.
CECILIA AUSTERA et al 2009
May akda ng Komunikasyong ng
Akademikong Filipino, ayon sa kanya
ang pagsusulat ay isang kasanayang
naglulundo ng kaisipan at damdamin
nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe ay ang WIKA
EDWIN MABILIN et al (2012) sa
kanyang aklat na Transpormatibong
Komunikasyonsa Akademikong Filipino
Ang Pagsusulat ay isang pambihirang
gawaing pisikal at mental dahil
pamamagitan nito ay naipahahayag ng
tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang
maaaring pagsulatan.
MGA MAKRONG
KASAYANAN
ANG PAGSUSULAT AT PAGSASALITA ay
madalas ginagawa ng taong nais magbahagi ng
kanyang kaalaman.
PAKIKINIG, PAGBABASA AT PANONOOD
ay madalas ginagawa ng taong gustong
madagdagan ng kaalaman.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
NG PAGSUSULAT

• Ayon kay ROYO (2001) na nasulat sa aklat ni


Dr. Eriberto Astorga, Jr.na “Pagbasa,
Pagsulat at Pananaliksik”,
• malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog
ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan
nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin,
mithiin, pangarap, agam – agam , bungang- isip,
at mga pagdaramdam.

• Ayon naman kay MABILIN (2012), sa kanyang


aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino ang layunin sa
pagsasagawa ng pagsulat ay maaring mahati sa
dalawang bahagi :
• Una,
 PERSONAL O EKSPRESIBO
ang layunin ng pagsulat ay
nakabatay sa sariling pananaw,
opinyon , karanasan ,naiisip o
nadarama ng manunulat.
• Ikalawa,
 PANLIPUNAN O SOSYAL
layuning makipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang
ginagalawan. Ang ibang tawag sa
layuning ito ay Transaksiyonal.
KAHALAGAHAN O ANG MGA
BENEPISYONG MAKUHA SA
PAGSUSULAT
 Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan
 Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin
sa isinagawang imbestigasyon o pananaliksik.
 Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang
isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
 Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit
ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos
na kakailanganinsa pagsulat.
 Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
 Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga
gawa at akda ng kanilang pag-aaral .
 Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula
sa iba’t ibang batis ng kaalaman.
MGA GAMIT SA PAGSULAT
• WIKA - Ito ay mahalagang matiyak na gagamitin
upang madaling iakma sa uri ng taong babasa.
• PAKSA – pangkalahatang iikutan ng ideyang
dapat nakapaloob sa akda.
• LAYUNIN – ang nagsisiilbing giya mo sa paghabi
ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
• PAMAMARAAN NG PAGSULAT
a. Impormatibo- nagbibigay impormasyon
b. Naratibo –nagsasalaysay ng kwento o
pangyayari
c. Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa.
d. Deskiptibo – naglalarawan ng katangian o bagay.
e. Ekspresibo – nagbabahagi ng sariling karanasan
o pananaw.
• KASANAYANG PAMPAG-IISIP- dapat
taglayin ng manunulat ang kakayahang
mag-analisa o magsuri ng mga datos.
Kailangang maging lohikal ang pag-iisip
upang makabuo ng mailnaw at mabisang
pagpapaliwanag.
• KAALAMAN SA WASTONG
PAMAMARAAN NG PAGSULAT –
isaalang –alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa
wika at retorika.
• KASANAYAN SA PAGHABI NG
BUONG SULATIN – tumutukoy ito sa
kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maaayos ,
organisado, obhetibo at masining na
pamamaraan.
URI NG PAGSULAT

1. TEKNIKAL NA PAGSULAT
- isang uri ng tekstong ekspositori na
nagbibigay ng impormasyon para sa
komersyal o teknikal na layunin.
Saklaw nito ang pagsulat ng
FEASIBILITY STUDY at
KORESPONDING
PAMPANGANGALAKAL.
2. REFERENSIYAL NA
PAGSULAT
- isang uri ng pagsulat na
nagpapapliwanang , nagbibigay
impormasyon o nagsusuri.
Layunin nito na maiharap ang
impormasyon batay sa katotohanan,
naglalayong magrekomenda ng iba pang
paksa.
Madalas itong makikita sa mga
TEKSBUK, PAMANAHUNANG PAPEL,
TESIS, O DISERTASYON. Maihahanay
din dito ang paggawa ng
BIBLIOGRAPHY, INDEX at NOTE
CARDS.
3. DYORNALISTIK NA
PAGSULAT

 May kaugnayan sa
pamamahayag.
 May kasanayan sa pangangalap
ng impormasyon, pagiging
obhetibo, at paningin sa mga
makabuluhang isyu.
5. PROPESYUNAL NA PAGSULAT

 ito ay may kinalaman sa mga


sulating may tiyak na larangang
natutunan sa akademya o
paaralan. Binibigyang-pansin ang
paggawa ng sulatin tungkol sa
napiling propesyon o bokasyon.
4. MALIKHAING PAGSULAT

 masiningna uri ng pasulat sa


Layunin nitong maghatid aliw ,
paganahin ang imahinasyon ng
manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
6. AKADEMIKONG PAGSULAT

- Ito’y may layuning maipakita ang resulta ng


pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay
maaring maging KRITIKAL NA SANAYSAY,
LEB REPORT, EKSPERIMENT, KONSEPTONG
PAPEL, TERM PAPER o PAMANAHONG
PAPEL, TESIS o DISERTASYON.
- Itinuturing din itong isang intelektwal na
pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang
antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan
ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT
• AKADEMYA
– institusyon pang-edukasyon.
ito ay binubuo ng mga guro, mag-aaral,
administrator, kurikulum at iba pa.
• AKADEMIKONG FILIPINO
- iba sa karaniwan o sa wikang
nakasanayang gamitin sa araw-araw
MGA KATANGIAN NA
DAPAT TAGLAYIN NG
AKADEMIKONG
PAGSULAT
OBHETIBO
 Kailangang ang mga datos na
isusulat ay batay sa
kinalabasan ng ginawang
pag-aaral at pananaliksik.
 Iwasan ang pagiging
subhetibo o ang pagbibigay
ng personal na opinion o
paniniwala hinggil sa paksang
tinatalakay.
PORMAL
 Iwasan ang paggamit ng
mga salitang kolokyal o
balbal. Sa halip, gumamit
ng mga salitang pormal na
madaling mauunawaan ng
mambabasa. Ang tono o
himig ng paglalahad ng mga
kaisipan o impormasyon ay
dapat na maging pormal
din.
MALIWANAG AT
ORGANISADO
Ang paglalahad ng mga kaisipan at
datos ay nararapat na maging
malinaw at organisado. Ang mga
talata ay kinakailangang kakitaan ng
maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito. Ang
mga talata ay mahalagang magtaglay
ng kaisahan. Hindi ito dapat
masamahan ng mga kaisipang hindi
makatutulong sa pagpapaunlad ng
paksa.
MAY PANININDIGAN
Mahalagang
mapanindigan ng
sumusulat ang
paksang nais niyang
bigyang-pansin o pag-
aralan.
MAY PANANAGUTAN
May mga ginamit na mga sanggunian ng
mga nakalap na datos o impormasyon ay
dapat na bigyan ng nararapat na
pagkilala. Mahalagang maging
mapananagutan ang manunulat sa
awtoridad ng mga ginamit na
sanggunian. Bukod sa ito ay isang
paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
mga taong nakatulong sa iyo bilang
bahagi ng etika ng akademikong
pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin,
ito rin ay makatutulong upang higit na
mapagtibay ang kahusayan at
katumpakan ng iyong ginawa
Ibang Uri ng Akademikong
Sulatin
Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa
kursong ito, narito ang iba’t-ibang uri ng akademikong
sulating isa-isang tatalakayin sa kabuoan ng inyong pag-
aaral. Hindi mo lamang matututuhan ang mga ito, kundi
magkakaroon ka rin ng sapat na kaalaman at kasanayan
kung paano gawin o isulat ang mga ito.
1. abstrak 7. katitikan ng pulong
2. sintesis/buod 8. posisyong papel
3. bionote 9. replektibong sanaysay
4. panukalang proyekto 10. pictorial-essay
5. talumpati 11. lakbay-sanaysay
6. adyenda

You might also like