You are on page 1of 39

FILIPINO SA PILING

LARANGAN
(AKADEMIK)
Batayang Kaalaman
Hinggil sa
Pagsulat
Ayon kay Cecilia Austera, et al.,

- Ang pagsusulat ay isang kasanayang


naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe, ang wika.
Ayon kay Edwin Mabilin, et
al.,
- Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at
mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipahahayag ng tao ang nais niyang
ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang
maaaring pagsulatan.
Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisatitik
ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa paggamit
na salita, ayos ng pangungusap sa mga
talata hanggang sa mabuo ang isang akda
o sulatin.
Ang Pagsusulat
Libangan

Matugunan ang pangangailangan

Bokasyon o Trabaho
Mabilin (2012)

Pagpapahayag ng kaalamang
kailamanman ay hindi maglalaho sa
isipan ng mga bumasa at babasa
sapagkat ito ay maaring magpasalin-
salin sa bawat panahon
Layunin at
Kahalagahan ng
Pagsulat
Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto
Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat, at Pananaliksik (2001)

Malaki ang naitutulong ng


pagsulat sa paghubog sa
damdamin ng isang tao
Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na
Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012)

Personal o Panlipunan o
ekspresibo sosyal
Kahalagahan o mga Benepisyo
na maaring makuha sa pagsulat
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa
ng mga kaisipan at maisusulat ito sa
pamamagitan ng obhetibong paraan
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng
mga datos

3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-


aaral sa mapanuring pagbasa
4.Mahihikayat at mapauunlad ang
kakayahan sa matalinong paggamit ng
aklatan

5. Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas


ng mga bagong kaalaman
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa
paggalang at pagkilala sa mga gawa at mga
akda ng kanilang pag-aaral at akademikong
pagsisikap
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap
ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong
pagsusulat
Mga Gamit o
Pangangalangan
sa Pagsulat
Wika

Magsisilbing behikulo upang


maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan at
impormasyon
Paksa

Magsisilbing pangkalahatang iikutan


ng ideyang dapat mapaloob sa akda.
Layunin

Magsisilbing giya mo sa paghabi ng


mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat.
4. Pamamaraan
Pamamaraang impormatibo

Pamamaraang ekspresibo

Pamamaraang naratibo

Pamamaraang deskriptibo

Pamamaraang argumentatibo
5. Kasanayang pampag-iisip

Dapat taglayin ng manunulat ang


kakayahang mag analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o di mahalaga
6. Kaalaman sa wastong
pamamaraan ng pagsulat
Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika
Paggamit ng malaki at maliliit na titik
Wastong pagbaybay
Paggamit ng wastong bantas

Pagbuo ng makabuluhang pangungusap at talata


7. Kasanayan sa Paghabi ng
Buong Sulatin

Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at


impormasyon sa isang maayos, organisado,
obhetibo at masining na pamamaraan mula sa
panimula ng akda o komposisyon hanggang sa
wakas nito
Mga Uri ng Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat

Layunin nitong maghatid ng aliw,


makapukaw ng dadamin at makaantig
ng imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.
2. Teknikal na Pagsulat

Pag-aralan ang isang proyekto o bumuo


ng isang pag-aaral na kailangan para
lutasin ang isang problema o suliranin
3. Propesyunal na Pagsulat

Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng


mga sulatin o pag-aaral tungkol sa
napiling propesyon o bokasyon ng isang
tao.
4. Dyornalistik na Pagsulat

Maykinalaman sa mga sulating may


kaugnayan sa pamamahayag
5. Reperensyal na Pagsulat

Bigyang pag-kilala ang mga


pinagkunang kaalaman o impormasyon
sa paggawa ng konseptong papel, tesis,
at disertasyon.
7. Akademikong Pagsulat
Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang
gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t
ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo
et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa
pagsisiyasat o ng isang ginawang
pananaliksik.
7. Akademikong Pagsulat
Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang
gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t
ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo
et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa
pagsisiyasat o ng isang ginawang
pananaliksik.
Katangian ng Akademikong
Pagsulat
1. Obhetibo – Kailangan ang mga datos na
isusulat ay batay sa resulta ng pag-aaral at
pananaliksik. Iwasan ang maging subhetibo o
pagbibigay ng personal na pananaw o
opinyon hinggil sa paksang tinalakay. Iwasan
ang paggamit ng mga pahayag na batay sa
aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o
opinyon.
2. Pormal - Dahil ito ay isang akademikong
pagsulat na ginagamit ang akademikong
filpino, iwasan ang paggamit ng mga
kolokyal o balbal na mga salita.
3. Maliwanag at Organisado – Ang paglalahad
ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging
malinaw at organisado na may maayos na
pagkasunod-sunod at pagkauugnay-ugnay ng
mga pangungusap. Bukod sa mga katangiang
maayos at may pagkasunod-sunod ng mga
kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay
dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.
4. May paninindigan – Mahalagang may
paninindigan ang sumusulat sa nais niyang
bigyang-pansin o pag-aralan. Ibig sabihin,
hindi magpabago-bago ng paksa at kailangan
matapos niya ang kanyag isinulat. Dapat
maging matiyaga sa pagsasagawa ng
pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos
para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.
5. May pananagutan – Mahalagang
matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang
pinaghanguan ng mga impormasuyon. Ang
pangongopya o plagiarism ay isang
kasalanang may takdang kaparusahan sa
ilalim ng ating batas kaya kailangan iwasan
ito.
MARAMIN
G
SALAMAT!!
!

You might also like