You are on page 1of 48

Manalangin

tayo
Manalangin
tayo
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
(MELCS):

 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat


 Naipaliliwanag ang kahulugan, kalikasan, at
katangian ng sulating pang-akademiko; at
 Nakabubuo ng makabuluhang konsepto ng
akademikong pagsulat batay sa mga tinalakay
Maglaro ng FACT O BLUFF

Sagutin ng FACT o BLUFF ang sumusunod na


pahayag tungkol sa pagsulat.
FACT
Ang wikang Filipino ay isang
intelektuwalisasyon.
BLUFF
Ang sanaysay, maikling
kuwento,awit, at dula ay hindi
kabilang o maituturing na isang
akademikong pagsulat.
FACT
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas,
ang Filipino ay isang opisyal na
wikang panturo sa mga paaralan.
FACT
Ang pagsulat ng balita,
pananaliksik, at iba pang,
korespondensiya ay bahagi ng
pagsulat ng pakikipag-ugnayanan
sa tao at lipunan.
BLUFF
Ang paggamit ng salitang kolonyal
o balbal ay mahalagang bigyang-
pansin sa PORMAL na pagsulat ng
pananaliksik.
FACT
Mahalagang isaalang-alang ang
wika, paksa, at layunin sa
anumang uri ng pagsulat
BLUFF
Ang mga guro, manunulat, at mag-
aaral lamang ang dapat na matuto
ng propesyunal na pagsulat.
Ang Ang
Kahalagahan Akademikong
ng Pagsulat Pagsulat

Layunin  Katangiang
Dapat isaalang- dapat taglayin
alang sa pagsulat  Uri ng Akad.
Uri ng pagsulat Sulatin
Bakit ang
tao ay
nagsusulat?
DAHILAN
NG
PAGSULAT

Nagsisilbing Pagtugon sa
libangan bokasyon o
trabaho
Matugunan ang
pangangailangan
sa pag-aaral
Ayon kay Mabilin (2012)

Ang PAGSUSULAT ay isang pagpapahayag ng


kaalaman kailanman ay hindi maglalaho sa
isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon.
5 Makrong Kasanayan

1.Pagbasa
Kumukuha o dumaragdag ng kanyang
2.Pakikinig kaalaman o isipan
3.Panonood
4.Pagsasalita
5.Pagsulat Nagbabahagi ng kanyang isipan o
nalalaman
Malaki ang naitulong ng pagsulat sa
ROYO (2001), paghubog sa damdamin at isipan ng
aklat ni Dr. tao.
Eriberto
Astorga, Jr. Naipahayag niya ang kanyang
“Pagbasa, damdamin, mithiin, pangarap, agam-
Pagsulat, at agam, bungang-isip, at mga
pagdaramdam.
Pananaliksik”

Nakilala ng tao ang kanyang sarili.


Ano ang pangunahing
layunin ng pagsulat?
 Mapabatid sa mga tao ang
paniniwala, kaalaman, at mga
karanasan ng taong sumulat.
Ayon naman kay MABILI (2012), sa kanyang
aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino, ang LAYUNIN sa
pagsasagawa ng pagsulat ay nahahati sa
dalawang bahagi.

1.) Personal o ekspresibo


2.) Panlipunan o sosyal
1. Personal o ekspresibo
 Nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip, o nadarama ng
manunulat. (Maaaring magdulot sa
bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan,
pagkatakot, o pagkainis depende sa
layunin ng taong sumusulat.)
 Halimbawa: sanaysay, maikling
kuwento, dula, tula, awit, atbp.
2. Panlipunan o sosyal
 Makipag-ugnayan sa ibang tao o
lipunang ginagalawan sa layuning ito
ay transakyunal.

Halimbawa:
pagsulat ng liham, balita,
korespondensiya, pananaliksik, tesis,
disertasyon, sulating panteknikal)
ANONG BENEPISYONG
MAAARING MAKUKUHA
SA PAGSUSULAT?
Kahalagahan o Benepisyo na Maaaring
Makuha sa Pagsusulat

1. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa, at layunin sa


anumang uri ng pagsulat.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa
isinagawang imbestigasyon o pananaliksik.

3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa


sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa
Kahalagahan o Benepisyo na Maaaring
Makuha sa Pagsusulat

4. Mahihikayat at mapaunlad ang kakayahan sa matalinong


paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng materyales at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga
gawa at akda ng
Ano-ano ang mga bagay
na dapat isaalang-alang
sa pagsulat partikular sa
akademikong pagsulat?
Dapat isaalang-alang sa pagsusulat
partikular ng akademikong pagsusulat
1. WIKA
 Magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais
ilahad ng isang taong nais sumulat.
2. PAKSA
 Magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda.
3. LAYUNIN
 Magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng
Dapat isaalang-alang sa pagsusulat
partikular ng akademikong pagsusulat
4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT
 Maaaring gumamit ng mga sumusunod na paraan:
a. Impormatibo - magbigay ng impormasyon o kabatiran sa
mambabasa
b. Ekspresibo - maglalayong magbahagi ng sariling opinion,
paniniwala, ideya,
obserbasyon, at iba pa.
c. Naratibo – magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari
batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunud-sunod.
Dapat isaalang-alang sa pagsusulat
partikular ng akademikong pagsusulat

d. Deskriptibo - maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng


mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakita, narinig,
natunghayan, naranasan,
at nasaksihan.
e. Argumentatibo – naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa
mga mambabasa
5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP
 Kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos
Dapat isaalang-alang sa pagsusulat
partikular ng akademikong pagsusulat

6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG


PAGSULAT
 Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa
wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbabaybay,
paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo
ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang
makabuo ng isang mahusay na sulatin.
Ano-ano ang mga iba’t
ibang URI NG PAGSULAT?
MALIKHAING PAGSULAT
( Creative Writing)

 Maghatid ng aliw, makapukaw ngdamdamin, at makaantig sa


imahinasyon at isipan ng mga mababasa.
 Karaniwang itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na
maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga o
imahinasyon o kathang-isip lamang.

Halimbawa: maikling kuwento, , malikhaing sanaysay, dula, teleserye,


kalyeserye, musika, pelikula, komiks iskrip
TEKNIKAL NA PAGSULAT
( Technical Writing)

 Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumubuo


ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o
suliranin.

Halimbawa:
Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project
on the Renovation of Royal Theater in Caloocan City, Proyekto sa
Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina
PROPESYUNAL NA PAGSULAT
( Professional Writing)

 Mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa


akdemya o paaralan.
 Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral
tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng tao.

Halimbawa:
Guro – pagsulat ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum,
pagsulat ng mga pagsusulit o assessment
Doktor – paggawa ng medical report, narrative report tungkol sa physical
examination ng isang pasyente.
DYORNALISTIK NA PAGSULAT
( Journalistic Writing)

 Ito ay may kinalaman sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag.


 Ang mga taong sumulat nito ay mga journalist, mamamahayag,
reporter, at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at
makabuluhang balita at isyung nagaganap sa lipunan.
Halimbawa:
Pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo
REPERENSIYAL NA PAGSULAT
( Referencial Writing)

 Layuning bigyang-pagkilala ang mga pinagkukunang kaalaman o


impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon
 Karaniwang makikita sa sulating ito sa huling bahagi ng isinagawang
pananaliksik (research) naglalaman ng Review of Related Literature
(RRL)
AKADEMIKONG PAGSULAT
( Academic Writing)

 Isang intelektuwal na pagsulat.

 Nakatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibiduwal sa


iba’t ibang larangan.
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN
NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. OBHETIBO
 Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumubuo
ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o
suliranin.
2. PORMAL
 Iwasan ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN
NG AKADEMIKONG PAGSULAT

3. MALIWANAG AT ORGANISADO
 Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na
pagkakasunud-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
nito.
 Ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-
diin sa sulatin.
4. MAY PANININDIGAN
5. MAY PANANAGUTAN
Bakit mahalagang
matutuhan ang
akademikong Pagsulat?
Mahalagang matutuhan ang
akademikong pagsulat sapagkat
kung marunong sumulat nang
maayos ang isang tao,
maituturing na nakaaangat siya
sa iba dala na rin nang mahigpit
na kompetisyon sa kasalukuyan
sa larangan ng edukasyon at
trabaho.
EDUKASYON PAGTATRABAHO
May masagot sa pagsusulit na Marunong sumulat ng liham
nangangailangan ng masususing May kakayahang gumawa ng
pagpapaliwanag project proposal
Makabuo ng organisadong ulat Gumawa ng anunsiyo
Makapagtala ng mga resulta ng Umapila sa paglilikom ng pondo
pagsusuri at eksperimentasyon Sumagot sa mga pakiusap at
Makalikha ng mga papel tanong ng mga kliyente
pananaliksik Makapagpasa ng makabuluhang
ulat na pinapagawa ng manager
AKADEMIKONG PAGSULAT
Institusyong Ang mga
pang-edukasyon elementong
na maituturing bumubuo nito ay
na HALIGI sa AKADEMYA ang mga mag-
pagkakamit ng aaral, guro,
mataas na administrador,
kasanayan at gusali, kurikulum,
karunungan. at iba pa.
URI NG AKADEMIKONG
SULATIN
1. )Abstrak
2. ) Sintesis/ buod
3. ) Bionete
4. ) Panukalang proyekto
5. ) Talumpati
6. ) Agenda
7. ) Katitikan ng pulong
8. ) Posisyong papel
9. ) Replektibong sanaysay
10.) Pictorial-essay
11.) Lakbay-sanaysay
PAGPAPALALIM
a.) Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan,
kalikasan, at katangian ng pagsulat partikular ang
pagsulat ng akademikong sulatin?

b.) Paano nakatutulong ang kakayahan at ang mga


katangiang pagiging matiyaga at tiwala sa sarili sa
pagsulat upang magkaroon ng maayos na buhay sa
hinaharap?
PAGPAPALALIM
Totoong hindi madali ang pagsusulat para sa maraming tao
ngunit ito ay maaaring mahubog o malinang kung may
interes at sa tulong na rin ng mga gabay sa pagsulat.
c.) Ang pagsusulat ay tulad din ng paghuhurno ng keyk, o
pagluluto ng ulam. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang
sa pagluluto upang maging maayos ang kinalalabasan nito?

d.)Paano makakatulong sa ating lipunan ang kahusayan ng


isang indibiduwal sa pagsulat tungo sa ikauunlad ng isang
komunidad o bansa?
BUOIN NATIN (Paglilipat)

Panuto: Matapos ang pagkilala sa kakayahan mo sa pagsulat, ilalapat mo ngayon


ang kakayahang ito sa pamamagitan ng pagsagawa sa gawaing hinihingi sa
bahaging ito.

Sitwasyon: Ipagpalagay natin na manunulat ka sa isang magasin. Bahagi ng iyong


trabaho ang pagrerebyu ng pelikula. Inatasan ka ng iyong editor na rebyuhin ang
isang di malilimutang pelikula na napanood mo. Ito ang mga gabay na kaniyang
ibinigay: isulat ang rebyu nang hindi bababa sa 200 salita at suriin kung
napapanahon ba ang kuwento. Tandaan na ang buod ay hindi rebyu. Mahalaga sa
rebyu ang puna, pananaw (insights), at realisasyon.
Pamantayan (Paggawa ng rebyu)
Estilo ng pagsulat - 10 puntos
Tamang gramatika at baybay ng mga salita – 10 puntos
Nilalaman ng sulatin - 10 puntos

Kabuoan - 30 punto

SUMATIBONG PAGSUBOK:
Ang pagsubok ay sasagutan nila sa quipper.

You might also like