You are on page 1of 7

Department of Education

Mabalbalino National High School


Mabalbalino San Carlos City, Pangasinan

FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK


(Worksheet-Module 1)

Pangalan: Petsa:

Grado at Seksyon: Iskor:

Paksa: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat


Kasanayan Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.

Alamin

Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-
aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming
nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang
wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa
pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at
layunin ng tao sa tulong ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa
mabuo ang isang akda o sulatin.
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at kaisipan
sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng pagsusulat , ito ay
nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa nito,at maging sa
lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng
nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na
henerasyon.
Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang
kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.
Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa rin sa
mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito
masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong
kasanayang tulad ng pakikinig, pagbabasa, panonood,madalas ang isang indibidwal na
gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa
pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan
at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat
at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan
ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap,
agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang
kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang
isipan at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay
ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong
sumusulat. Kaya naman, napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin,
kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga
mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga
isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw ,pag-iisip at
damdamin ng makababasa nito.
Ayon naman kay Mabilin sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa
dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng
pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.
Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,
kalungkutan , pagkatakot , o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang
karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kwento,
tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging
panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao
o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal.
Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensya, pananaliksik
,sulating panteknikal ,tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang
isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa
lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin naming magkasabay na maisagawa ang layuning
personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling
pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad
halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng
mensahe at manghikayat sa mga nakikinig .
Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha
sa pagsusulat.
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan
ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang
pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’tibang batis
ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat

Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol


sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit
sa ikatataguyod ng lipunan. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang
akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa
halip na manlibang lamang.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat


ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang
paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap,
talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga
ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang
nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng
resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto
ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-
sanaysay, synopsis, at iba pa.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

1. Pormal. Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o
balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng
isang pag-aaral.
2. Obhetibo. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng
mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito
ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa
(Alejo et al., 2005).
3. May paninindigan. Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat
ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at
dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad
ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng
mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.
4. May pananagutan. Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang
pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang
manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating
batas.
5. May Kalinawan. Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang

Pagsasanay

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang hinahanap ng mga katanungan/pahayag
sa bawat aytem/bilang. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Kabatiran at Akademikong Sosyal Pagpapahayag


pagbabago Pagsulat
Magbigay ng
Libangan Ekspresibo impormasyon Trabaho
Kahinaan at Pagsulat Pladyarismo Makipag-ugnayan
kalakasan
______________1. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na
magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
______________2. Layunin ng akademikong pagsulat ang _____________ sa halip na
manlibang lamang.
______________3. Tawag sa layunin ng pagsulat na nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.
______________4. Tawag sa layunin ng pagsulat na kung saan ay nakikipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan ang isang manunulat.
______________5. Dahil sa pagsulat ay nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang
mga ____________, ang lawak at tayog ng kanyang isipan at ang mga
naaabot ng kanyang kamalayan.
______________6. Masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng
_______________ sa pananaw ,pag-iisip at damdamin ng makababasa
nito.
______________7. Naibabahagi ng isang manunulat sa iba ang kaniyang mga ideya at
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya. Ang akademikong pagsulat
ay _______.
______________8. Ayon kay Mabilin, ang pagsusulat ay isang ______________ ng
kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
______________9. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe, ang wika.
______________10 Ito ay ang pangungupya o pang-aangkin ng ideya o gawa ng ibang tao ng
. walang pahintulot sa may-ari.

Isagawa
Photo Collage

Panuto: Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng gamit ng akademikong sulatin sa buhay ng


isang tao. Pagkatapos ay bigyan ito ng maiksing paglalarawan. Gawing gabay ang rubriks sa
ibaba sa paggawa nito.

Rubriks sa Pagbuo ng Larawan o Collage


Pamantayan 5 3 1
Pagkamalikhain Lubusang nagpamalas ng Naging malikhain sa Hindi naging
pagiging malikahain sa pagbuo ng collage malikhain sa pagbuo
pagbuo ng collage. ng collage.
Presentasyon Lubusang malinaw ang Naging malinaw ang Hindi naging malinaw
intension o detalyeng intension o detalyeng ang intensyon o
ipinahahayag ng collage. ipinahahayag ng detalyeng ipinahayag
collage. ng collage.
Mensahe Malinaw at angkop ang Angkop ang Hindi angkop ang
mensaheng ipinahahatid mensaheng mensaheng
ng collage. ipinahahatid ng ipinahahatid ng
collage. collage.
Kalinisan at Lubusang napakalinis at Naging malinis at Di malinis at maayos
kaayusan maayos ang pagkakaguhit maayos ang ang pagkakabuo ng
ng collage. pagkakabuo ng collage.
collage.

Pagtataya

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang
letra ng mapipili mong sagot sa nakalaang patlang.

__________1. Ano ang tawag sa paraan ng pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng isang


tao sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng
salita.
A. Akademiko C. Pagsulat
B. Pagbasa D. Pakikinig
__________2. Ano ang tawag sa isang intelektwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas
ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang
pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon
base sa manunulat.?
A. Akademikong pagsulat C. Impormal na pagsulat
B. Kritikal na pagsulat D. Pormal na pagsulat
__________3. Bilang isang manunulat kinakailangan na ikaw ay maging responsible sa lahat
ng iyong ginagawa, ugaliing magbigay na sapat na pagkilala sa mga ideya ng
ibang awtor na iyong sinisipi. Ito ay nagpapakita ng ___________.
A. Kalinawan C. Paninindigan
B. Pananagutan D. Pangangatuwiran
__________4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI benepisyo o kahalagahan na makukuha sa
pagsulat.
A. Lalakas ang pangangatawan C. Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri
B. Masasanay at tatalas ang isipan D. Malilinang ang kasanayan sa
pangangalap ng impormasyon
__________5. Ito ay ang katangian ng akademikong sulatin na HINDI ginagamitan ng mga
sailtang balbal.
A. Malinaw C. Obhetibo
B. May pananagutan D. Pormal
__________6. Ilan ang makrong kasanayan na mayroon sa Filipino?
A. dalawa C. apat
B. tatlo D. lima

__________7. Kagaya ng ilang sulatin, ang akademikong sulatin ay mayroon ding estruktura.
Ano karaniwang nilalaman ng katawan o gitna?
A. Buod C. Paliwanag
B. Introduksyon D. Resolusyon
__________8. Kagaya ng ilang sulatin, ang akademikong sulatin ay mayroon ding estruktura.
Ano karaniwang nilalaman ng simula o panimulang bahagi?

A. Akademikong pagsulat C. Impormal na pagsulat


B. Kritikal na pagsulat D. Pormal na pagsulat
__________9. Ang mga mahalagang impormasyon sa akademikong pagsulat ay dapat
idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran. Anong
katangian ng akademikong pagsulat ang masasalamin sa pahayag?
A. May kalinawan C. May paninindigan
B. May pananagutan D. May pangangatuwiran
__________10 Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang uri ng akademikong sulatin.
.
A. Abstrak C. Lakbay Sanaysay
B. Bionote D. Memoir

You might also like