You are on page 1of 19

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Modyul 1 PAGBASA AT PAGSULAT SA AKADEMIYA

Pagbasa at pagsulat ang pangunahing mga gawain na paghahandaan mo sa iyong pag-aaral. Hahasain ka
sa yunit na ito upang ang anomang ideyang iyong nabasa o kaya’y ibig mong ipahayag ay malinaw, maayos, at
lohikal mong nabubuo nang ayon sa mapagkakatiwalaang batayan, katuwiran at etika. Mga gawaing pagsulat at
pang grupo ang gagawin sa yunit na ito.

ARALIN 1 AKADEMIKO, DI-AKADEMIKONG GAWAIN: PAGGAWA NG


MINI-CORNER NG MGA KURSONG PAGPIPIPLIAN SA KOLEHIYO

Ano-Ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
 Malinaw ang kahulugan at katangian ng malikhain at mapanuring pag-iisip.
 Maipaliwanag ang pagkakaiba ng akademiko sa di-akademiko kaugnay ng kahulugan, katangian, at
mga gawain dito;
 Nakabubuo ng isang mini-corner ang bawat grupo na maglalahad at maglalarawan sa katangian ng
ilang piling kurso sa kolehiyo

BASAHIN NATIN
ITO! Mga gawaing pampag-isip sa akademiya

Itinuturing ang Akademya na na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at
siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan.

1
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang
epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-
akademiko.

Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao. Nagtutulungan pa nga at


nagtatalaban (impluwensiya) ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng paniniwala sa buhay at
pagdedesisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa
kapwa at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong ating
ginagalawan.

Sa akademiya, ang mga katangian ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang
maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho at araw-araw na pamumuhay.

Akademiko vs. Di-Akademiko

• Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval
Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
• Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na
nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
(www.oxforddictionaries.com)

• Teoryang pangkomunikasyon ni Cummins (1979)


– Tinawag niyang Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) ang kasanayang di-
akademiko (ordinaryo, pang-araw-araw) at Cognitive Academic Language Proficiency (CALP)
naman ang kasanayang akademiko (pang-eskuwelahan, pangkolehiyo).
– Batay sa mga usapan, praktikal, personal, at impormal na mga gawain ang BICS samantalang
pormal at intelektuwal ang CALP.
• Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang mag- isip nang kritikal
o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at malayang magbago at makapagpabago.

AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
Layunin Layunin
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon

Paraan o batayan ng datos Paraan o batayan ng datos

2
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya, at komunidad

Audience Audience
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong Iba’t ibang publiko
komunidad)

Organisasyon ng ideya Organisasyon ng ideya


 Planado ang ideya  Hindi malinaw ang estruktura
 May pagkakasunod-sunod ang estruktura  Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya
ng mga pahayag
 Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw Pananaw
 Obhetibo  Subhetibo
 Hindi direktang tumutukoy sa tao at  Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy
damdamin kundi sa mga bagay, ideya,  Tao at damdamin ang tinutukoy
facts  Nasa una at pangalawang panauhan ang
 Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat
pagkakasulat
 Hindi direktang tumutukoy sa tao at
damdamin, at hindi gumagamit ng
pangalawang panauhan

Halimbawang gawain Halimbawang gawain

 pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase  panonood ng pelikula o video upang maaliw o


 pakikinig ng lektyur magpalipas-oras
 panonood ng video o dokumentaryo  pakikipag-usap sa sinuman ukol sa paksang di-
 pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob akademiko
 pagsulat sa isang kaibigan
ng klase o isang simposyum pagsulat ng  pakikinig sa radyo,
sulatin o pananaliksik  pagbasa ng komiks, magasin, o diyaryo

3
ARALIN 2
MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA: PAGBUO NG TALA-BASA
O READER-RESPONSE JOURNAL

Ano-Ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 naipaliliwanag ang kahulugan, katangian at proseso ng mapanuring pagbasa sa akademiya


 naisasagawa ang pagsulat ng talata, mga tanong, at mga panggrupo at pang-indibidwal na gawain
kaugnay ng mapanuring pagbasa; at
 nakabubuo ng reader- response journal (tala-basa o tala ukol sa binasa.

BASAHIN NATIN
ITO! Mapanuring Pagbasa, Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Mambabasa

Hindi maiiwasan sa loob ng akademiya ang pagbasa. Bawat asignaturang kinukuha at pinapasukan ng
mag-aaral, may mga libro, manwal, artikulo, report at iba’t-ibang anyo ng sulatin at gawain na kailangang
basahin at gawin upang mapalawak at mapalalim ang kaalaman nila sa mga konsepto, ideya at impormasyon.
Ito rin ay upang mapaunlad ang kakayahan nila sa mapanuring pag-iisip.

Hindi ito nangangahulugang hindi nagbabasa ang mga taong nasa labas ng akademiya. Iba-iba lamanag
ang mga binabasa, layunin sa pagbasa, at paraan ng pag-alam at pag-unawa sa binabasa. Ang mga akademiko
ay yaong mga nasa akademiya man ay nagbababsa rin ng iba’t-ibang tekstong di-akademiko. Samnatala hindi
naman nabigyan ng pagkakataon ang mga nasa labas ng akademiya upang makapagbasa ng mga binabasa sa
loob nito, maliban na lamang kung napagdaanan na nila ito sa pag-aaral sa hayskul at kolehiyo, o kaya’y bahagi
ito ng kanilang trabaho.

Lilinawin dito na ang tekstong binabanggit ay hindi lamang yaong nababasa gaya ng:

1. libro
2. artikulo
3. manwal
4. pamanahong papel
5. mapa
6. report
7. polyeto at iba pa.
Teksto rin napapanuod na

4
1. pangyayari
2. sitwasyon
3. programa sa telebisyon
4. pelikula
5. pintura

Teksto din ang napapakinggang talumpati ng isang:

1. politico
2. debate sa telebisyon at eskuwelahan
3. diskusyon sa loob ng silid aralan

Gayunpaman, higit na binibigyan diin ang pagbasa ng tekstong nakasulat sa aralin ng ilang limitasyon.
Maraming tekstong binanabasa pagdating sa kolehiyo. Ang uri, anyo, estruktura, layunin at pinal na outpot,
gayunman ay nakabatay sa kurso.

Halimbawa:

Panitikan

 Tekstong pampanitikan (tula, dula, nobela, sanaysay, maikling kuwento, telenobela, pelikula at iba
pa.
 Artikulo ng mapanuring pampanitikan

Pamamahayag o Komunikasyon Pang-broadcast

 Artikulo sa diyaryo
 Balita, report sa radio, telebisyon, Internet, tabloid
 Interbyu
 Programa
 Editorial
 Datos sa social media
 Programa sa radio at telebisyon

Pisika

 Resulta ng eksperimento
 Siyentipikong report

Sining

 Akdang pansining
 Rebuy ng akdang pansining

Antropolohiya

 Case study sa isang komunidad


 Artikulo/libro ng pag-aaral sa isang pangkat-etniko
 Interbyu sa isang komunidad
5
Sikolohiya

 Eksperimento sa laboratory
 Case study
 Siyentipikong report

Lingguwistika

 Analisis ng grammar ng isang wika


 Pag-aaral ng Diksiyonaryo at bokabularyo ng isang wika

Estruktura ng Tekstong Akademiko


Pangkalahatang estruktura ng mga tekstong akademiko ang makikita sa mga artikulo at sanaysay na
karaniwang binabasa sa kolehiyo.

Elemento:

A. Deskripsiyon ng Paksa
Kasama rito ang mga depinisyon, paglilinaw at pagpapalinawag

Halimbawa:

“Nahahati ang pagsusuri sa dalawang bahagi. Naglalahad ang unang bahagi ng mga padadalumat sa
pambansang panitikan ng matatagpuan sa ilang mga kalipunan at kasaysayang pampanitikan.”

B. Problema at Solusyon
Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap na pinakatema ng teksto at ang punto at
layunin ng paksa, ang gusting patunayan, ipaggiitan, isangguni, ilahat at paano ito maunawaan. Dito
umiikot ang pagtalakay sa buong teksto at iba pa.

Halimbawa:

“May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na kinababaliwan ng mga mag-aaral at
itinuturing ng mga guro na sagabal sa kanilang pag-aaral.”

C. Pagkasunod-sunod o dekwensiya ng mga Ideya


Maari itong kronolohikal(panahon) o hierarkikal(ideya).

Halimbawa:

“Upang maging malinaw ang pagtalakay sa pag-unlad ng wikang Filipino bilang wikang pambanasa at
wikang opisyal ay susuriin ang mga pinagdaanan nito sa iba’t-ibang yugto ng pag-iral nito.

D. Sanhi at Bunga
Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katuwiran sa teksto.

6
Halimbawa:

“Isa sa mga maaaring tingnan ay ang epekto ng kalamidad sa kabuhayan ng mga tao”

E. Pagkokompara
Kaugnay nito ng pagkakapareho at? O pagkakaiba ng mga datos upang patibayan ang katuwiran.

Halimbawa:

“Ang dipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi nan g buhay-Pilipino.”

F. Aplikasyon
Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.

Halimbawa:

“Maging ang urban lore ay nagpapahiwatig ng kontradiksyong panlipunan. Ang white lady sa
Balete Drive, biktima ng sexual abuse at heinous violence, ay mili’t muling bumabalik sa alaala
at espasyo ng marahas at baliw na syudad.”

Estruktura ng Tekstong akademiko, depende sa Layunin


1. Estruktura ng Tesis

Kaugnay ito ng mga tekstong nangangatwiran o may pinapatunayan.

2. Estrukturang Problema-Solusyon

Tinatalakay nito ang mga problema o isyu at posibleng solusyon

7
3. Estrukturang Factual Report
Walang painapanigang isyu o katuwiran ito. Isa lang itong ulat.

Mapanuring Pagbasa: Mga Estratehiya

Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo at mapamaraang pagbabasa.


Makakatulong ang mga ito upang higit na maunawaan ang binabasang akda.

1. Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya at surrin kung gaano kalohikal ang teksto
at hindi batay sa haka-haka lamang.
2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa ang mambabasa upang
maging malinaw ang ipinahahayag ng teksto.
3. Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling
karansan ng mambabasa
4. Mapamaraan dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto.Ilan sa
mga ito ay pre-viewing o Pre-reading, skimming at brainstorming.

Pre-viewing o Pre-reading (Bago Bumasa) -Busisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo

8
Skimming - Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga pangunahing
bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman tekstong binabasa.

Brainstorming - Ito ang talakayan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat miyembro at
magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto.

Metakognitibong Pagbasa tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa


Tatlong teorya, pananaw o kalakaran an umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto kaugnay ng pagbasa:

 Tradisyonal na pananaw- Matatagpuan sa teksto ang lahat ng ideya, impormasyon at kahulugan para sa
mambabasa.
 Pananaw na kognitibo- may interaksiyon ang mambabasa sa teksto.
 Metakognitibong pananaw- Pangunahing katangian nito ang pag-iisip kung ano ang ginagawa habang
habang nagbabasa.
Proseso ng Metakognitibong Pagbasa

Bago basahin ang teksto:

1. Estratehiya- tiyakin ang layunin o dahilan kug bakit mo binabasa o gustong basahin ang teksto.

2. Hanapin o Tukuyin ang Paksang Pangungusap- ito ang pangungusap sa loob ng teksto

3. Linawin, bigyang-tuon at balik-balikan ang layunin ng may akda habang binabasa ang teksto.

4. Piliin, busisiin at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensiya

5. Surrin ang paraan ng pagkakasulat

6. Alamin ang gamit ng wika

7. Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksiyon kung ano ang susunod na mangyayari

8. Pagsikapan gawan ng buod ang binasang teksto

9. Gumawa ng ebalwasyon o konklusyon batay sa tinutukoy sa teksto, sariling opinyon, karanasan, datos,
impormasyon mula sa labas ng teksto.

Mapanuring Mambabasa

Anomang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang mambabasa pa rin ang gagawa ng pagsusuri at
pagdedesisyon kung ito ba ay mahalaga, makabuluhan, may ibubuga, kapani-paniwala, kasiya-siya, dapat
basahin at balik-balikan, dapat pag-aralan nang malaliman o kabaligtaran nito.

Mga Responsibilidad at Gawain ng Mapanuring Mambabasa

1. Bago gumawa ng obsebaryon at reaksiyon sa teksto, masusi iong binabasa at hindi pahapyaw lamang.

2. bukas ang isip sa mga ideya na ipapahayag ng may-akda o teksto


9
3. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay ito sa sarili niyang ideya.

4. Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa ideya ng iba

5. Maalam, nagsasaliksik at naghahanap ng paraan upang maunawaan ang teksto

6. Gumagamit ng wikang rumerespeto sa anomang palagay sa binasang akda.

7. Nakatutulong ang pagsusuri upang makabhagi sa pag-unlad ng kaalaman.

8. Nakakagawa ng pagbubuod o sintesis ng mahahalagang punto o ideya mula sa teksto.

9. Sinusuri ang teksto mula sa iba’t-ibang lente at hindi mula sa pananaw lamang.

10. Nagbibigay pagpapahalaga at pagtatasa ang mga ideya sa teksto.

ARALIN 3
MAPANURING PAGSULAT SA AKADEMIYA: PAGBUO NG
MAPANURING SANAYSAY

Ano-Ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Naipapaliwanag ang katuturan, kaliasan at kabuluhan ng mapanuring pagsulat sa akademiya


 Natitiyak ang proseso ng mapanuring pagsulat; at
 Nakakasulat ng piktoryal na sanaysay o sanaysay-palarawan

BASAHIN NATIN
ITO!
Mapanuring Pagsulat at Tekstong Akademiko

Napapaloob sa mapanuring pag-iisip ang pagiging:

a. Analitikal
napaghihiwahiwalay at napaggugrupo ang mga ideya sa loob ng teksto upang maunawaan at gawan ng
ebalwasyon.

b. Kritikal
naiuugnay ang mga ideya sa iba’t ibang reyalidad sa labas ng teksto at nagagawan ng pagsusuri ang
nabubuong mga relasyon kaugnay rito.

Ilang Katangian ng Mapanuring Pagsulat

1. Layunin - Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o katuwiran.


2. Tono – Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang. Hindi rin ito emosyonal.
10
3. Batayan ng datos – Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang batayan ng
katuwiran dito.
 Obhetibo ang posisyon – Batay ito sa pananaliksik. Iniiwasan dito ang anumang pagkiling.
Makikitaang pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga detalye.
 Katotohanan o Opinyon - Kailangan ang pruweba o ebidensiyang mapagkakatiwalaan o
talagang nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa lamang at opinyon naman ay batay sa sariling
damdamin, karanasan, at paniniwala.

4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba


 Ito ang piniling ideya o kaisipan na gustong patunayan ng sumulat.
 Binibigyang pagkakataon dito ng sumulat na ipokus ang atensiyon ng mambabasa sa
ispesipikong direksiyon o anggulo hanggang sa umabot sa kongklusyon.
 Ginagamit ng sumulat ang mga datos at konsepto upang paunlarin ang argumento

5. Perspektiba – Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.


6. Target na mambabasa – Kritikal, mapanuri, may kaalaman din sa paksa, kaya naman mga akademiko
o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga kadiskursong komunidad.
Estruktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat
Introduksiyon

 Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa.


 Nalilinaw ang nais patunayan sa pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na pangungusap
 napakikitid ang isang malawak na paksa.

Mahalagang puntos sa pagsulat ng Introduksyon:


A. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral

 Fact o Depinisyon
“Ang global warming ay penomenong pang-Asya.”

 Sanhi at Bunga
“Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa.”
 Halaga
“Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika ng bata.”
 Solusyon at Patakaran
“Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapatpagkaabalahan ng gobyerno.”

B. Paksang Pangungusap

 Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap ang magpapalakas din
ng mga argumento at batayan o datos.
 Maliban sa tesis na pangungusap na naglalahad ng suliranin o problema, mahalaga ring ilahad nito ang
layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at pamamaraan at datos na ginamit bilang overview.

C. Atensiyon sa Simula - Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa, magkaroon din ng estratehiya kung
paano sisimulan ang introduksiyon.
11
 Tanong
“Bakit kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo sa ilalim ng Programang K to 12?”
 Impormasyon Pigura
“Pinatunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa buong bansa ang nakaranas ng kabawasan
ng kahirapan noong 2012 kompara sa 2009. Pinakamataas dito ang CARAGA na
bumaba ng 14.2 porsiyento ang naranasang kahirapan. (Neda.gov.ph)”
 Depinisyon
“Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay ang machismo (mula sa Espanyol, ginagamit
upang bawasan ang pangangailangang ipagyabang ang pagkalalaki), na karaniwang umiiral sa mga
bansang Latino-Amerikano, lalo na sa Mexico. – Salin, Geert Hofstede, Culturés Consequences, 2001,
p. 309”
 Sipi
“Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang lalaki ang unang nilikha kaysa sa babae, at
ang babae ay nilikha mula sa kaniyang tadyang, na naglalahad ng kultural na pagkiling sa
dominansya ng lalaki, sa mito ng subanen, ang babae at lalaki ay galing sa iisang pigurang putik, hinati
sa dalawa, at magkapareho sa simula pa. – Salin, Florentino Hornedo, “Pagmamahal and
Pagmumura,” Essays. 1997

Katawan

a. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado,
maayos, at makinis na daloy ng ideya kung saan:
 Ang unang pangungusap na talata ay kaugnay ng naunang talata.
 Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata
b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis
c. Kaayusan ng talata- maaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagahan ng ideya, hakbang-hakbang
o serye.
d. Pagpapaunlad ng talata-maliban sa malakas na argumentong magpapatunay sa isinasaad ng talata ng
ebidnsiya batay sa pananaliksik.

1. Ebidensiya – May dalawang uri ang ebidensiya: pangunahin at di-pangunahin.


 Pangunahin – interbyu, karanasan, sarbey, anekdota, eksperimento.
 Di-pangunahin – mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website.
 Mahalaga ring ang ebidensiya ay mapagkakatiwalaan, may katotohanan, at wasto.

2. Argumento – Ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong patunayan o tesis.
3. Pagbubuo – Ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyang-diin gaya ng:
 Pagsisimula ng bagong talata
 Mga transisyon sa bawat talata at sa loob ng talata
 Haba ng talata

e. Pagbuo ng Pangungusap
 Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang-tuon ang ideya at hindi maging
kabagot-bagot ang pagbasa sa sinulat na akda.
 Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan, hugnayan, at iba pa).
f. Paggamit ng angkop na salita
12
Ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring teksto ay sumusunod sa ilang
pamantayan at panuntunan gaya ng sumusunod:

 Lebel ng pormalidad
 Pormal kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang mga salita
 Hindi nakasasakit sa o nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa gaya ng lahi, bayan, bansa,
pisikal na kalagayan, kultura, relihiyon, kasarian, trabaho, pinag-aralan, pamilya, at iba
pa.
 Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa, hindi ng isang partikular na
grupo lamang.
 Umiiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang itago ang katotohanan.

Konklusyon

Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga
tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya’y paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.

Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Manunulat

Mula sa mapanuring pag-iisip nabubuo ang isang mapanuring manunulat na nagtatalay ng sumusunod na
katangian:

1. Aktibong nag-iisip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan ng sinulat sa kaniyang buhay, pamilya,


komunidad, kapuwa, lipunan, bansa, at daigdig batay sa dati niyang kaalaman at karanasan.
2. Gumagamit ng datos o batayan na pahayag o katuwiran na mapagkakatiwalaan at hindi ayon sa haka-
haka o pamamalagay lamang.
3. Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-analisa ng mga datos, ebalwasyon nito,
pagbubuod, at pag-uugnay nito sa paksa.
4. Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang maimpluwensiyahan ng iba’t ibang salik at datos.
5. Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba’t ibang lente o perspektiba at hindi lamang sa iisang takbo ng
isip.
6. Sinusuportahan ang iba’t ibang perspektiba ng katuwiran at ebidensiya.
7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado, malinaw, at masusi.
8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa kaugnay ng pisikal, sikolohikal, mental, pangkasarian,
kinabibilangang lahi, uri, grupo at etnisidad nito sa pamamagitan ng maingat na paggamit ng wika.

13
ARALIN 4
ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA: PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ano-Ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Nalilinaw ang kahulugan ng etika at pagpapahalaga sa loob at labas ng akademiya


 Natutukoy ang ilang etikal at di-etikal na mga gawain sa Pilipinas at maging sa ibang bansa
 Natitiyak ang mga katangian ng pagsulat na etikal gamit ang angkop at tamang pagpapahalaga sa
akademiya
 Nakasulat ng isang replektibong sanaysay na naglalahad ng komitment sa integridad at pagpapahalaga
sa katapatan sa pagsulat

BASAHIN NATIN
Etika at Pagpapahalaga sa Akademya
ITO!

Ang etika at pagpapahalaga ay kapuwa gumagabay kung paano natin ihaharap ang ating
sarili sa o pakikiharapan ang ating kapuwa. Gayundin, tumutulong ito upang magkaroon ng kaayusan at
katahimikan sa isang lipunan.

ANO ANG ETIKA?

14
Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “karakter.” Katumbas ito ng
salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa Filipino. Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos, na
nangangahulugang “moral, moral na karakter.” Ginawa itong ethics sa Ingles at etika sa Filipino.
(www.merriamwebsterdictionary.com)
Ang etika para kay Chris Newton (www.ehow.com) ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad,
konsepto ng tama at mali, mabuti at masama, pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di-pagtanggap ng
lipunan na siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito.

Ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon,
karapatan, katuwiran, at halaga.

Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala.

PAGPAPAHALAGA

• Mga istandard o batayan—mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at
negosyo—na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.

• Tumutulong ito upang timbangin at balansehin ang ating mga desisyon.

• Isa itong paniniwala ng isang tao o grupo na may sangkot o pinanggagalingang damdamin o emosyon
ukol sa isang bagay na dinedesisyunan.

Etika vs Pagpapahalaga
ETIKA

Tama/mali
Tao Obligasyon
Lipunan Mabuti/masama Praktis
Grupo Karapatan
Pagpapahalaga/ Kilos
Komunidad Katuwiran
Pagbabalewala Etikal/
Institusyon Halaga
Pagtanggap/ di-etikal
di-pagtanggap

PAGPAPAHALAGA

Praktis Kapuwa/
Istandard
Tao o Grupo Kilos Ibang
Paniniwala
(Manipestasyon) Grupo

15
Mga Pangkalahatang Halimbawang Pagpapahalaga

kompentsi serbisyo kolaborasyon disiplina

pagkatuto pagkakawanggawa teamwork malayang pag-iisip

integridad paggalang dedikasyon pag-asa

impluwensiya seguridad pagkakaibigan kasiyahan

dignidad katapangan pagpapaunlad ambisyon

responsibilidad dibersidad katarungan pagtitiwala

katapatan kagalingan pleksibilidad inobasyo


n

Pagpapahalagang Pilipino

Pagmamahal at katapatan sa pamilya Pagpapahalaga sa edukasyon

Hiya Pakikipagkapuwa

Pagiging mapamaraan Pagkamalikhain

Sikap at tiyaga Utang na loob

Pakikisama Bahala na

Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademya


Copyright

• Sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act No. 8293 ang
mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor,
mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga ito. Mahalagang malinawan ang
mga karapatan at obligasyong ito upang maiwasan ang anumang di- pagkakaintindihan para sa mga
pagsipi at pagbubuod, lalo na sa mga layuning akademiko.

16
• Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at iba pang
impormasyon.

Plagiarism

• Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag” ng ibang
tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya.

• Ayon kay Diana Hacker (www.newworldencyclopedia.com), tatlong paglabag ang maituturing na


plagiarism: 1) hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya; 2) hindi
paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag; at 3) hindi ginamitan ng sariling mga
pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).

• Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “pagkopya sa sarili,” kung saan ang dati nang inilathalang akda ng
mismong manunulat ng sulatin ay kinopya nang hindi binabanggit ang pinaglathalaan na nito. Kaugnay
nito, ang muling pagsusumite ng isang papel sa iba-ibang asignatura ay itinuturing ding plagiarism sa
sarili at di-etikal

Paghuhuwad ng datos

1) Imbensiyon ng datos

Sa mga eksperimento, estadistika, at maging mga pag-aaral ng kaso, maaaring maengkuwentro


ang ganitong problema. Malinaw na sinadyang pandaraya ito at malaki ang kabayaran dito paris
ng pagpapatalsik sa unibersidad o suspensiyon nang ilang semester o taon.

2) Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos

3) Pagbabago o modipikasyon ng datos

Pagbili ng mga papel o pananaliksik

 pagbili sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa
sa guro.

 Hindi lamang ito di-etikal kundi ilegal na gawain.

Pag-subscribe

Upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin bilang sariling papel na isusumite
sa guro.

Pagpapagawa o pagbabayad

Upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report, at iba pa. Malinaw na pandaraya ito. Kaugnay nito, ang
gumagawa at nagpapabayad para gawin ang mga ito ay sangkot din sa pandaraya.

17
Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at Moral sa Akademya

a. Kababaang-loob

– Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi sa iyo ang ideya o datos. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagtukoy kung kanino galing ang ginamit na ideya o datos.

b. Lakas ng loob

– harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at pangatuwiranan ito.

c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba

– Maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga salita upang maiwasan ang
insulto at pananakit ng damdamin. Tinutukoy ng mga salitang ito ang mga may kaugnayan sa
kasarian, kalusugan o pisikal na kaanyuan, laki, bigat, taas, grupong kinabibilangan, kalagayan
ng pag-iisip.

d. Integridad

– Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng


mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.

e. Pagsisikhay

– hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba’t ibang pamamaraan upang
makakuha ng mga datos sa legal at matapat na paraan.

f. Paniniwala sa katuwiran

– Pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa ang


anumang ideyang gustong patunayan.

g. Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin

– may matuwid, at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, ideya, at mga gawain.

h. Kamalayang mapanuri

– Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap (tagapagpagalaw at actor).


Kailangan ang kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kaniyang
ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat.

i. Pag-aatubili

– Hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat upang
maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan.

j. Hiya

18
– Ayon kay Dr. De Castro (1998), ang “hiya ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang
mapagtugma ang kani-kanilang mga kalooban … ang gabay ng indibidwal upang maiangkop
niya ang kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan.”

19

You might also like