You are on page 1of 7

MGA TUNGKULIN NG WIKA

INSTRUMENTAL NA TUNGKULIN NG
WIKA

 kung layunin makipagtalastasan para tumugon sa


pangangailangan ng tagapagsalita.

 sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang


gamit ng wika para sa paglutas ng problema, pangangalap
ng materyales, pagsasadula at panghihikayat

MGA PATALASTAS  kailangang mabisa ang instrumental na gamit ng wika


para sa paglutas ng problema sa pamamagitan ng
paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan, naiisip o
nararamdaman.
HEURISTIKONG TUNGKULIN NG WIKA

 Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o


paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan.

 Sumusulpot ang ganitong tungkulin sa mga


pagkakataong nagtatanong, sumasagot o dumadaloy sa
isang pamumuna bilang pagkilos ng isang bata o
indibidwal.

 Sa aktuwal na sitwasyon, maaring makita ang tungkulin


ng wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon, PANANALIKSIK NG ISANG
pagtatanong at pananaliksik. ESTUDYANTE
REGULATORING TUNGKULIN NG WIKA

 Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa


pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

 May kakayahang makaimpluwensiya sa pag-iisip ng


tao.

 Magagmit ng tagapagsalita ng kapangyarihan ng Isang doctor na nagbibigay ng tagubilin sa


wika upang manghikayat, mag-utos at humiling sa kanyang pasyente sa mgadapat at hindi dapat
na gawin upang hindi lumala ang kanyang kondisyon.
kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid.
INTERAKSYONAL NA TUNGKULIN NG WIKA

 Ang tungkulin ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-


ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.Kapag
nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng
panlipunang ugnayan.

 Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa


pamamgitan ng estratihiyang interaksiyonal gaya ng
paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita
Tatlong magkakaibigang nagbibiruan sa, tulad ng kilos, tuon ng mata at pagwiwika ng
katawan
PERSONAL NA TUNGKULIN NG WIKA

 Tungkulin nito na palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Saklaw ng


tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.

Pagsulat ng diary o journal para


mahibahagi ang iyong saloobin ng walang
nakakaalam kundi ikaw at ang diary lang.
IMAHINATIBONG TUNGKULIN NG WIKA

PICK-UP Lines
 Tungkulin nito na ipahayag ang imahinasyon at haraya ng, maging
mapaglaro sa gamit ng salita, limikha ng bagong kapaligiran o
bagong daigdig.

 Sa pagsulat ng malikhaing komposisyon, gumagamit ng tayutay at


iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang-akit na
komunikasyon.

 Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines halimbawa ay


nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng
isang ipinapahiwatig na kahulugan at damdamin.

You might also like