You are on page 1of 12

MGA GAMIT NG WIKA

Mga Gamit ng Wika

WIKA
 Ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon.

 Ang instrumento sa paghahatiran ng mensahe at palitan ng reaksiyon


ng mga nag-uusap.

 Ginagamit ayon sa intensyon ng nagsasalita..


Ang Wika bilang CONATIVE

 Ito ay gamit ng wika na kung saan ginagamit ang paghimok at pag-


impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.

Halimbawa:

“Vote wisely” (Paalala tuwing halalan)

“Bawal tumawid. May namatay na rito.” (MMDA sign)

“Huwag kang papatay” (Isa sa mga Sampung Utos ng Diyos


Ang Wika bilang CONATIVE

Narito ang larawan ng halimbawa ng conative na gamit ng wika


Ang Wika bilang CONATIVE

ROMAN JACOBSON

"Kabilang sa mga gamit ng wika ang conative, informative at labeling. Sa mga


sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap
at pag-uutos, conative ang gamit natin ng wika. Nakikita rin ang conative na
gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat, may
gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.”
Ang Wika bilang INFORMATIVE

 Ito ay gamit ng wika kung saan ito ay nagbibigay impormasyon, datos o


kaalaman.

 Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao.

Halimbawa:

“Ang Pilipinas ay may 7,107 mga pulo.”

“Si Rodrigo Duterte ay ang ikalabing-anim na Pangulo ng Pilipinas.”

“Ang Daigdig ay hugis oblate spheroid.”


Ang Wika bilang INFORMATIVE

Narito ang larawan ng halimbawa ng conative na gamit ng wika


Ang Wika bilang LABELING

 Ito ay gamit sa wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o


pangalan sa isang tao o bagay. Sinusuri natin ang mga taong
nakakasalamuha natin - ang kanilang ugali, pisikal na anyo,
trabaho, hilig, gawi, at iba pa. Ang pagsusuri natin sa kanila ay
nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o
katawagan.

Halimbawa:

King of Comedy Sisang Baliw


Pnoy Walking Calculator
DU30 Kuyang Guard
Ang Wika bilang PHATIC

 Ang phatic ay ang mga pahayag na nagbubukas o nagsisimula ng usapan. Ang


mga usapang phatic ay karaniwang maiikli.
 Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk.
 Kung minsan din, ang phatic ay hindi na nangangailangan ng sagot.

Halimbawa
Kumusta ka?
Uy, alam mo ba?
Kumusta naman ang tulog mo?
Ang Wika bilang EMOTIVE

 Ang emotive naman ay nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng


lungkot, takot, awa, tuwa, at iba pa.
 Ang mga payahag na madalas makita dito ay personal na pahayag, opinyon at
saloobin.

Halimbawa:

Nakakatuwang isipin na nanalo tayo sa patimpalak!


Kinakabahan ako. Ako na ang susunod na magtatanghal.
Ang Wika bilang EXPRESSIVE

 Ang expressive na gamit ng wika naman ay nagpapakita ng sariling saloobin o


kabatiran, ideya, at opinyon.
 Ito ay nakaktulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng iban tao.
Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa.

Halimbawa:

Para sa akin...
Sa tingin ko...
Mahilig ako sa..
Mga Gamit ng Wika

Malaya natin nagagamit ang wika sa iba’t-ibang


sitwasyon at intensiyon. Gayunman hindi natin dapat
abusihin ang paggamit natin ng wika. Huwag kalimutan
dapat natin gamitin ang wika sa mabuti at maayos na paraan.

You might also like