You are on page 1of 2

Ano ang Wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at
kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga
tao.
Ano ang kahalagahan ng wika?
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng
sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan,
sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa
agham, teknolohiya, at industriya.
Mahalaga ang wika sa tao sapagkat ito ang pangunahing kailangan upang maipahayag natin
ang damdamin, saloobin, kaisipan at iba pa.
Ano ang katangian ng wika?
Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na
ibinigay ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang
mga pangarap at mithiin sa buhay.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng
tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa
tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang
tunog na nilikha natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa
halos lahat ng pagkakataon. Tanging sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang
maituturing na wika. Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging
nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog
(artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig (resonador).
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing
mabuti at isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na
mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi
matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay
nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay
nawawalan ng saysay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang
sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang
paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika.
Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng
"ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring yelo at
niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa
ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago.
Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging
malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.
8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat
ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang
pangungusap kung walang salita.
9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay
na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong
pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang
"Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga
aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang
salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o
nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.
10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming
salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag.

Ano ang pinakaiba ng Filipino at Tagalog?


PILIPINO ang yaong mga taong nakatira sa Pilipinas, TAGALOG ay ang pangunahing
wika ng Republika ng Pilipinas na sinasalita. Ang Tagalog ay isa sa mga dayalekto (dialect) sa
Pilipinas kung saan ang pambansang wika na FIlipino ay i-binase. FILIPINO ito ang asignatura
na tinuturo ng ating paaralan.

You might also like