You are on page 1of 21

Grade 11- Humss A

GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN

Membro:

Ana May Bayes


Ashley Dumalauron
Christian Dave Parohinog
Rysan John Macoco
Brent Lawrence Abing
Annicah Eiya Jolan
Allen John Autiangco
Kylf Ashley Bernardez
Jinnefer Arguillon
Rosa Mia Ybanez
Jetro Aranda

Ipinasa kay: Bb. Annie Calipayan


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Pangkat 2

Gamit ng Wika sa Lipunan

I. Conative na Gamit ng Wika


Tinalakay ni: Ana May O. Bayes

a. Wika:
—Ay ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon.
—Ang instrumento sa paghahatiran ng mensahe at palitan ng
reaksiyon ng mga nag-uusap.
—Ginagamit ayon sa intensiyon ng nagsasalita.
Halimbawa:

*Bawal Tumawid May Namatay na dito*

Ano ang ibig sabihin ng "bawal tumawid"?


Ano ang pinapahiwatig ng pahayag na " may na matay na dito"?

Sa nakita niyong larawan, ang intensiyon ng pahayag na "Bawal


tumawid may namatay na dito" ay nagbigay ng babala sa mga
taong tumatawid sa kalsada sa pamamagitan ng pag-uutos na
"bawal tumawid" at nagbibigay ng impormasyon na " may
namatay na dito"
b. Ayon kay Roman Jacobson, "kabilang sa mga gamit ng wika ang
Conative, Informative, at Labeling. Sa mga sitwasyong
naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng
pakiusap at pag-uutos, Conative ang gamit natin na wika. Nakikita rin
ang Conative na gamit
ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat,
may gusto tayong
mangyari, o gusto nating pakilosin ang isang tao.

c. Ang conative na wika ay isang paraan ng komunikasyon na maaaring


makaimpluwensiya sa
ibang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang nagpapahiwatig
ng hiling, utos, o
kahilingan. Ito ay naglalayong makapagpabago ng pag-uugali, gawi, o
desisyon ng kausap.

Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng conative na wika, maaari kang


makapagpabago ng perspektibo ng isang tao, maimpluwensiyahan ang
kanyang pag-iisip, o mapalabas ang
kanyang kagustuhan.

Halimbawa, kapag sinabi mo sa isang kaibigan mo na "Pakiusap,


tulungan mo ako sa aking proyekto," maaaring maimpluwensiyahan siya
na tumulong sa iyo.

Ang mga salitang ginagamit sa conative na wika ay maaaring magkaroon


ng lakas ng loob, pangingibabaw, o pagmamalabis upang mas mapalakas
ang impluwensiya sa kausap.
II. Informative na Gamit ng Wika
Tinalakay ni: Ashley Dumalauron
a. Ang Informative na gamit ng wika ay ang mga pahayag na nagbibigay
ng kaalaman o nagbabahagi ng impormasyong nabasa, napanood o
narinig.

b. Ang informative na gamit ng wika ay ang paggamit nito upang


magbigay ng mahalagang impormasyon, kaalaman, o datos tungkol sa
isang tiyak na paksa, pangyayari, o isyu. Ito'y naglalayong magpahayag
ng katotohanan, magpapaliwanag, o magbibigay-liwanag sa mga tao
ukol sa mga bagay na kanilang nais malaman.

Ang wika ay nagiging kasangkapan sa pag-aabot ng kaalaman at pang-


unawa sa pamamagitan ng pagsusuri, pag-uulat, at pagpapahayag ng
mga impormasyon na may kahalagahan sa lipunan o sa buhay ng mga
tao.

c. Mga Halimbawa

1. Pag-aanunsyo: Ginagamit ang informative function para magbigay ng


anunsyo o pabatid sa ibang tao.

Halimbawa: "Bukas ay holiday."

2. Paliwanag: Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng detalyadong


paliwanag tungkol sa isang konsepto o ideya.

Halimbawa: "Ang photosynthesis ay proseso ng pagkuha ng enerhiya


mula sa araw."
III. Labeling na Gamit ng Wika
Tinalakay ni: Rosa Mia Ybanez
a. Ito ay gamit sa wika kapag nag bibigay tayo ng bagong pangalan o
tawag ng isang tao o bagay. at sinusuri din natin ang nakakasalamuha
natin ang kanilang ugali, pisikal na anyo , trabaho, hilig, gawi, at iba pa.

Ang pagbibigay ng bagong tawag o label sa pamamagitan ng wika ay


isang mahalagang gamit ng wika na tinatawag na "pangalan o
denominasyon". Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salita o label
sa mga bagay, konsepto, o mga bagong tuklas, nagiging mas madali
para sa atin na maunawaan at maipahayag ang mga ito.

Halimbawa, kapag may bagong teknolohiya na natuklasan, kailangan


nating bigyan ito ng isang pangalan upang maipahayag at maipakilala
ito sa iba. Isipin natin ang salitang "selfie", na naging popular noong
mga huling taon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng salitang "selfie",
naging madali para sa atin na maipahayag ang pagkuha ng litrato ng
sarili gamit ang cellphone o iba pang mga gadgets.

b. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga label o pangalan, nagiging


mas madali para sa atin na maunawaan, maipahayag, at maipakilala ang
mga bagay na bago o hindi pa kilala ng marami. Ito ay isang
mahalagang bahagi ng pag-unlad ng wika at ng ating kultura.

c. Mga halimbawa ng labeling o bansag

Pilosopong Tasyo, King of Comedy, Asia's Song Bird, Pnoy,


Pambansang Kamao, Queen of all media, Fallen 44 atbp.
IV. Phatic na Gamit ng Wika
Tinalakay ni: Allen John Autiangco

a. Ang phatic expression ay isang uri ng komunikasyon na


ginagamit ng wika upang magpakita ng pagpapahalaga sa
ugnayan sa kapwa, maintindihan ang konteksto, at magpakita
ng pagiging kaaya-aya.

Halimbawa ng mga phatic expressions ay mga bati tulad ng


"Kumusta?" at "Magandang araw!", mga pangungumusta sa
kalagayan ng kapwa tulad ng "Okay ka lang ba?" o "Masaya ka
ba ngayon?", at mga pagpapakita ng pakikisimpatya tulad ng
"Naku, ganyan din sa amin minsan!".

b. Sa paggamit ng wika, ang phatic expression ay nagpapakita


ng diwa ng pakikipagkaibigan at kagandahang-loob sa kapwa
tao. Hindi nito kailangang magpakita ng malalim na kahulugan
o mensahe, ngunit nagsisilbing paraan ng pagpapahalaga sa
pagkakaroon ng ugnayan sa iba.

c. Ang mga phatic expressions ay naglalaro ng mahalagang


papel sa pagpapanatili ng ugnayan at pagpapakita ng paggalang
sa ibang tao. Bagamat hindi nila naglalaman ng malalim na
kahulugan, ang kanilang paggamit ay mahalaga upang
mapanatili ang sosyal na aspeto ng pakikipag-usap at
magpatuloy ang komunikasyon.
V. Emotive na Gamit ng Wika
Tinalakay ni: Kylf Ashley Bernardez

a. Ang emotive na gamit ng wika ay ang paggamit ng wika


upang maipahayag ang emosyon o damdamin ng isang tao.
Ito ay nagaganap kapag ginagamit natin ang wika upang
maipahayag ang ating kasiyahan, galit, lungkot, takot, o iba
pang emosyon.

Halimbawa, kapag sinasabi natin, "Nakakalungkot ang


balitang ito," ito ay isang halimbawa ng emotive na gamit ng
wika dahil ipinapahayag nito ang damdamin ng lungkot.

b. Sa pamamagitan ng emotive na gamit ng wika, nagiging


mas epektibo ang komunikasyon sa pagpapahayag ng ating
mga emosyon at pag-unawa sa emosyon ng iba.

c. Sa madaling sabi ang emotive na gamit ng wika ay ang


paggamit ng wika upang magpakita ng damdamin at
emosyon sa isang tao.
VI. Expressive na Gamit ng Wika
Tinalakay ni: Annicah Eiya Jolan

a. Ang expressive na gamit ng wika ay ang paggamit ng wika


upang maipahayag nang masusing ang ating damdamin,
emosyon, at mga personal na opinyon. Ito ay karaniwang
ginagamit kapag nais nating ipahayag ang ating kaligayahan,
galit, lungkot, pagkabahala, o anumang emosyon na
nararamdaman nang malalim at .

Halimbawa, kapag tayo ay nagmamahal, nagagalit, o


nangungulila, maaaring gamitin natin ang expressive na gamit ng
wika upang maipahayag ang mga emosyong ito sa paraang
masining at epektibo.

b. Kadalasang binabanggit upang ipahayag ang ilang bagay


tungkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin,
panuntulan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na katanggap sa
atin at sa iba pa.

Ito ang gamit ng wika kung saan ang pagbanggit ng sariling


opinyon, ideya at iba pa ay nabibigyang pansin.

c. Ginagamit upang magkaunawaan ang nag uusap at


magkaroon ng “common ground”
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Pangkat 2

Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Anomang wika ay may tungkuling tumugon sa pangangailangan


ng tao at lipunang kinabibilangan nito.

Halimbawa, hindi lubos na mauunawaan ang baryasyon ng wika


kung ang pag-aaralan lamang ay ang mga lingguwistikong
estrukturang bumubuo rito, at isasantabi ang mga di-
lingguwistikong pangyayari o pagkakataon na nagbunsod sa
pagsulpot nito bilang panlipunang gamit at produkto ng isang
layunin sa komunikasyon.

Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-sa-gamit


(functional approach) na pag-aaral sa wika na ipinanukala ni
Halliday (1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga
naunang teorya nina Malinowski (1923), Firth (1957), atbp.

Ipinapalagay ni Malowski na ang wika ay repleksiyon ng


panlipunang pangangailangan at konteksto (sa Hasiett 2008).

Ibig sabihin, ang silbi at tungkulin ng wika ay nalilikha alinsunod


sa papel na ginagampanan nito sa isang partikular na kultura.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Pangkat 2

Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Halimbawa, may mga salita sa Filipino na sensitibong ginagamit


bilang konsiderasyon sa kultural na aspekto ng pakikipag-
ugnayan. Gaya na lamang ng pag-uutos, gumagamit tayo ng
“paki” bilang pagpapakita ng paggalang at mabuting pakikitungo.

Ang paggamit ng “po” at “opo” ay mga katagang nakabatay sa


kultural na aspekto ng ating wika at walang kinalaman sa
estruktura. Kultural din ang lohika sa paggamit ng “kayo” at
“sila” na estruktural na tumutukoy sa maramihan ngunit sa ilang
pagkakataon ay ginagamit bilang pananda sa pagpapakita ng
paggalang.

Maihahambing ito sa kultura ng mga Espanyol sa paggamit ng tu


(pamilyar na ikaw) at usted (magalang na pagtukoy sa ikaw).

Makikita naman sa prinsipyo ng sitwasyonal na konteksto ni Firth


(1957) ang paglalara-wan sa kahulugan na nakabatay sa paggamit
ng wika sa tiyak na konteksto. Inilahad niya ang proseso ng
pormal na paglalapat nito:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Pangkat 2

Tungkulin ng Wika sa Lipunan

a. Pagsusuri sa mga kalahok (kabilang ang kanilang mga


makabuluhang berbal at di-berbal na pahayag);

b. Makabuluhang bagay at di-berbal na pangyayari o pagkakataon


sa isang tiyak na konteksto; at
epekto ng mismong mga pahayag.

c. Masusuri sa panukalang proseso sa paglalapat ng teorya ni Firth


ang halaga ng obserbasyon na nakabatay sa mga natural at
karaniwang sitwasyong komunikatibo upang maunawaan ang
makabuluhang gamit ng wika at epektibong proseso sa pag-aaral
nito.

Ganito rin ang naging batayan ni Halliday (1978) sa sariling


eksplorasyon ng dulog-sa-gamit na paraan ng pag-aaral ng wika at
pagpapanukala ng teorya ukol sa panlipunang tungkulin ng wika
na natuklasan niya sa simpleng obserbasyon sa mga yugto ng
pagtatamo ng wika ng isang bata. Sa obserbasyon ni Halliday,
nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika bataysa iba’t ibang
yugto ng pagkakagamit ng isang bata.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Pangkat 2

Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Napansin niya na ang isang bata ay may hakbang-


hakbang na yugto ng kakayahan sa paggamit ng wika
samantalang ang nakatatanda ay may kakayahan nang
ilapat ang maraming tungkulin na ito. Nagsisimula ang
isang bata sa yugto na ginagamit niya ang wika upang
magpahayag ng kaniyang pangangailangan, na tutungo
sa pag-uutos at pagkontrol sa mga tao sa kaniyang
paligid, hanggang sa may sapat siyang kakayahan para
magtanong-tanong upang tumuklas.

Naniniwala si Halliday na may gampanin ang wika sa


pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang
panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa
wika bilang isang sistema. Ibig sabihin, ang wika bilang
potensiyal sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa
pamamagitan ng pagsusuri sa partikular na panlipunang
seting ng komunikasyon.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Pangkat 2

Tungkulin ng Wika sa Lipunan

I. Instrumental na Tungkulin ng Wika


Tinalakay ni: Rysan John Macoco

a. May instrumental na tungkulin ang wika kung layunin nitong


makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita.

Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at


pagpapasiya ng tagapagsalita.

b. Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang amit ng wika


para sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula,
at panghihikayat. Kailangang gamiting mabisa ang instrumental na
gamit ng wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng
pangangailangan, naiisip, o nararamdaman.

Halimbawa, alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw ng mensahe ng


ninanais na pakikipaghiwalay?

Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna.

Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay


c. Sa unang pahayag, hindi mabisang nailapat ang instrumental na
tungkulin ng wika sapagkat hindi ito naglilinaw ng tiyak na kagustuhan
at pangangailangan ng tagapagsalita, hindi gaya ng ikalawa na may tiyak
na paggamit ng pahayag na ”gusto ko…” upang sapat an makatugon sa
hinihingi ng tagapagsalita. Sa kabilang banda, maaari ding ituring na
mabisa ang pahayag kung ginamit ito sa angkop na sitwasyon at layunin
sa pakikipagkapuwa.

II. Regulatoring Tungkulin ng Wika


Tinalakay ni: Jetro Aranda

a. May regulatori na tungkulin ang wika na may kakayahang


makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba. Magagamit ng
tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-
utos, at humiling sa kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid.

b. Madalas, may negatibong konotasyon ang ideya ng pagkontrol,


ngunit maaari namang isagawa ito sa positibong paraan ng angkop na
paggamit ng wika. Kailangang maging malinaw na ang anomang uri ng
komunikasyon ay makapangyarihan; maaaring positibo ngunit maaari
ding maging negatibo ang implikasyon sa kapuwa tagapagsalita at
tagapakinig.

Halimbawa sa ideolohiya ng mga negosyante at kapitalista, ginagamit


nila ang wika sa mga patalastas upang makapanghikayat at
impiuwensiyahan ang mga konsyumer na bilhin ang produkto dahil
nililikha nila sa isip ng kausap ang pangangailangan nila sa produkto
(kailangan mo ito…) at nag-uutos na gayahin o gamitin ang kanilang
produkto (gawin mo ito…) para sa interes ng kapital.
c. Tag line ng patalastas ng produktong inumin

Buksan mo ang Sorpresa!

Pinoy Soda: Mauhaw ka sa Inggit!

III. Heuristikong Tungkulin ng Wika


Tinalakay ni: Christian Dave Parohinog

a. Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo


ng kaa-laman ukol sa kapaligiran, nagiging heuristiko ang tungkulin ng
wika.

b. Sumusulpot ang ganitong heuristikong tungkulin ng wika sa mga


pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna
bilang pagkilos ng isang bata o indibidwal. Maaari din na sumulpot sa
paraan ng pag-alam sa mga bagay-bagay, pagdududa, o palagay. Sa aktuwal
na karanasan, maaaring makita ang tungkulin ng wikang heuristiko sa mga
gawain ng imbestigasyon, pagtatanong, at pananaliksik.

c. Halimbawa ng mga pahayag na nagpapakita ng heuristikong tungkulin ng


wika ang, “Anong nangyari?”

”Para saan?”

“Bakit mo ginawa iyon?”

“Sabihin mo sa akin kung bakit?” at

“Ano ang ginagawa ng mga taong gobyerno?”


Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kung
paano bumuo ng kahulugan. Sa ganitong prinsipyo, mahalaga ang
potensiyal sa pagpapakahulugan batay sa konteksto at gamit. Sa
pananaw ng sistematikong lingguwistika, nasa pundasyon ng wika
ang kultural at panlipunang anyo bunga ng kultural at panlipunang
proseso na lumilikha ng kahulugan sa isang umiiral na kultura.

Ang konsepto ng “potensiyal sa pagpapakahulugan” ni Halliday ay


naniniwalang ang wika ay isang set ng tiyak at magkakaugnay na
sistema ng mga semantikong pagpipilian na mauunawaan sa
pamamagitan ng pananalita o leksikogramatikal na estruktura ng
bokabularyo at sintaks. Kung gayon, hindi maihihiwalay ang kultura
at lipunan sa pagpa-pakahulugan ng mga pahayag.

Maraming pang-araw-araw na gawain ang tao na nagpapakita ng


iba’t ibang sitwasyon at gawain na may limitadong gamit ang wika sa
tiyak na panlipunang konteksto. May tinatawag na transaksiyonal na
kahulugan at funsiyonal (tungkulin) na konteksto. Transaksiyonal
ang pagpapakahulugan ng dalawang taong nag-uusap sa magkabilang
linya ng telepono ngunit ang panlipunang estruktura na nagtatakda
ng wastong pagsisimula at pagtatapos ng isang pag-uusap ay
malinaw na nagkokonsidera sa kontekstwal na tungkulin ng wika.
Sa madaling salita, ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi
isang purong elementong panggramatika. May panlipunang papel na
ginagampanan ang wika upang maglinaw ng kahulugan batay sa mga
aktuwal na sitwasyon at natural na tungkulin nito upang tuniugon sa
mga tiyak na layunin at panlipunang konteksto.
IV. Insteraksyonal na Tungkulin ng Wika
Tinalakay ni: Jinnefer Arguillon

a. Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng


panlipunang ugnayan, ang wika ay may interaksiyonal na
tungkulin. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-
ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid. Ang
“ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga
panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng
interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya ng,
“Mahal Kita,” “Kamusta?” “Nanay,” at “Mabuhay!”

b. Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa


pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit
ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng kilos, tuon
ng mata, at pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng
kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba pang mga kilos).
Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung
paiba-iba ang eskpresyon, tono, at intonasyon na
nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag-usap.

c. Pinalalakas ng interaksiyonal na tungkulin ng wika ang


pagbubuo ng ugnayan sa isang lipunan. Nagsisilbing gampanin
naman ng personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang
personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
V. Personal na Tungkulin ng Wika
Tinalakay ni: Brent Lawrence Abing

a. Ang gamit ng wika bilang personal ay nagbibigay daan


para sa pagpapahayag ng mga emosyon, pagpapamalas ng
personalidad o pagiging indibiduwal, at pagbulalas ng
damdamin. Sa personal na kalikasan ng wika, nagsasanib
puwersa ang cognition, affection, at culture. Ibig sabihin
nito, nasasalamin ng mga personal na pagpapahayag ang
saloobin ng tagapagsalita, ang kaniyang kaalaman sa mundo,
at ang kulturang humubog sa kaniyang pag-iisip.

b. Nabibigyang katuparan ng gamit ng wika bilang personal


ang intensiyon ng tagapagpadala ng mensahe na
makapagpahayag ng personal na damdamin, pananaw, o
opinyon. Ang gamit ng wika bilang personal ay may
dalawang tungkulin: impormal at pormal.

c. Impormal na Tungkulin ng Gamit ng Wika bilang


Personal

Kasama sa impormal na tungkulin ng gamit ng wika bilang


personal ang mga bulalas ng damdamin o interjections. Ito
ang mga salita o pariralang kagyat na naisasawika dahil sa
reaksyong kaakibat nito.
Maiuuri ito sa apat:

•Exclamation «Bunsod ito ng matinding pagkagulat, sakit, at iba pang damdaming may
sidhi.

Halimbawa: pagsigaw ng “Ay! Ipis!” kapag ang isang tagapagsalita na may takot sa ipis
ay nakakita nito pagbulalas ng “Aray ko po!” kapag naaapakan ng iba kagyat na pagsigaw
na may pagtalon kapag naipasok ng paboritong manlalaro ng basketball ang bola na
siyang ikapapanalo ng kaniyang koponan

•Curses «Bunsod din ang mga ito ng matinding emosyon, ngunit may kasamang
pagpapahayag ng negatibong reaksyon

Halimbawa: pagsabi ng “Susmaryosep!” kapag ginugulat ng ibang tao pagsabi ng


“Anak ng…!” bilang inisyal na reaskyon na nagpapakita ng galit

•Hesitation markers «Maaari din itong personal na ekspresyon at manerismo gaya ng


sumusunod:

Halimbawa: Ang salitang “like” sa “Gusto ko na sanang like kumain now na.” Ang
salitang “ano” sa “Paki ano nga ang ano nitong ano”

•Greetings

» Ang pagbati sa ilalim ng personal na tungkulin ng wika ay nakapagpapamalas ng


dyolek ng tagapagsalita. Ibig sabihin, hindi ito ang kumbensiyonal na pagsabi ng
"Magandang umaga!" at "Paalam."

Naipararating ng tagapagsalita ang personal niyang ugnayan sa kausap.

Halimbawa: "Beshie! Kamustasa na?"

"Uy! Halika rito."

"Ba-bye na! Ba-bye na."


c. 1. Pormal na Tungkulin ng Gamit ng Wika bilang Personal

Sa pormal na tungkulin, may organisadong pagpapahayag ng opinyon o


damdamin sa pasulat o pasalita mang pamamaraan.

Halimbawa:
Pagsulat ng reaksyong papel tungkol sa napanood na pelikula.
Pagpapahayag ng opinyon tungkol sa pinag-uusapang isyu sa klase.
Pagsasabi ng damdamin sa loob ng isang debate.

VI. Imahinatibong Tungkulin ng Wika


Tinalakay ni: Ana May O. Bayes

a. Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika


upang ipahayag ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro
sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong kapaligiran o
bagong daigdig.

b. Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng


tayutay at iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng
mapang-akit na komunikasyon.

c. Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines halimbawa ay


nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng
isang ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin. Halimbawa:
“Password ka ba? – ‘Di kasi kita makaiimutan.” “Papupulis
kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.”
VI. Representatibong Tungkulin ng Wika
Tinalakay ni: Ana May O. Bayes

a. 1. Pagbibigay ng Apirmasyon o Pagtatanggi sa Datos

•Paggamit ng salitang tulad ng “may,” “mayroon,” at “totoo;” at


pagtanggi gamit ang mga salitang “wala,” at “hindi.”

Halimbawa:
«“Totoong mayroong buhay sa labas ng planetang Earth.
«“Walang maaaring mabuhay sa labas ng mundo lalo na kung hindi
sapat ang hangin at tubig.”

b. 2. Paglalarawan o Pangangatuwiran sa mga Katunayan

•Ang paglalarawan sa katunayan ay paggamit ng mga salitang


naglalarawan tulad ng pang-uri upang mailahad ang mga katangian ng
isang bagay, tao, lugar, pangyayari, o penomenon. Habang ang
pangangatuwiran sa katunayan naman ay pagbibigay ng mga
ebidensiyang tumutulong sa pagpapatunay sa isang bagay, tao, lugar,
pangyayari, o penomenon.

c. Halimbawa:
«Paglalarawan - Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas.
«Pangangatuwiran - Dahil sa mayabong na industriya ng turismo, na
binubuhay ng mga small-medium scale entrepreneurs, sa malalagong
kakahuyang nagpapabuti sa kalikasan, at naggagandahang anyong tubig;
maraming nagagandahan at napaiibig sa mga tanawin sa Pilipinas.
Pagwawakas.

You might also like