You are on page 1of 9

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

FILIPINO 1
WEEK 7

• INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa
paraang interdisiplinado at interaktibo, inaasahang malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at
kasanayang komunikatibo: sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.

TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?


Unang Bahagi: Introduksyon ng Wika at Komunikasyon

• Aralin 12: Panlahat na Gamit ng Wika

• INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO


Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:

Kognitibo Naipapaunawa ang mga tungkulin at panlahat na gamit ng wika ayon sa mga linggwista.
Apektibo Nagmumungkahi ng mga ideya at kaisipang nakapaloob sa paksang tinatalakay.
Psychomotor Nakalilikha ng sariling konsepto tungkol sa mga halimbawa at kahulugan ng aralin.

• PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Ibahagi ang sariling kaalaman tungkol sa mga tungkulin ng wika sa buhay ng bawat indibidwal.

______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
• MGA ARALIN SA PAGKATUTO
PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA

✓ TUNGKULIN NG WIKA
Ginagamit natin ang wika o tayo ang ang ginagamit ng wika? Sa anumang bagay o gawain, saan mang
lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating
pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag- uugali. Naglahad sina M.A.K. Halliday at
Roman Jakobson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o
napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.

✓ BAKIT KAILANGANG PAG-ARALAN ANG MGA TUNGKULIN NG WIKA?


➢ Upang matukoy ang mahahalagang gampanin ng wika sa ating buhay at kung paano na mabisang
magagamit ito sa iba’t ibang angkop na sitwasyon.
➢ Upang magkaroon ng sapat na kakayahang magamit ang wika.
➢ Upang maipagkaiba ang natatanging papel ng tao na kaiba sa hayop.
Upang magamit para sa iba’t ibang larangan ng pakikipag-ugnayan o mabisang komunikasyon

I. Ayon kay Michael A.K. Halliday


Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera. Pinag-aralan niya ang wika at literaturang
Tsino. Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika na gamitin at
kilala sa daigdig.

1. Instrumental
- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
- Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay.
Pinababayaan ng wikang pagalawin (manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran.
Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng
mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang. (patalastas)
Halimbawa:
▪ Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) – pagpapangalan/ pagbabansag,
pagpapahayag, pagtaya.

2. Regulatory
- Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of
control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao;
itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang
pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at
pag- abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.
- Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.
Halimbawa:
▪ Pagbibigay ng panuto ng guro at ang ilang mga babala
▪ pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa
paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.
3. Interaksyunal (Phatic communion ayon kay Malinowski)
- Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion;
iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng
isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.
- Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang
mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga
katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at
panrehiyon, atbp. Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng gamit ng wika kung nais
nilang makisalamuha nang mahusay sa iba.
- Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good manners),
wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented
way).
- Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa
maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit
pa sa pagkadulas sa pangyayari.
Halimbawa:
▪ pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp.

4. Personal
- Nakakapagpahayag ng sariling damdamin, emosyon o opinyon.
- Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng
kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila.
Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila,
ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.
- Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa
anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na pagpili
ng salita. Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin.
- Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa gamit
na ito, nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan,
ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad.
Halimbawa:
▪ pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin.

5. Heuristic
- Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan.
- Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin
ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong,
konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp.
- Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng
pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na pinananahanan nila at bumuo ng
mga posibleng sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang
pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang
bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo ng
metalanguage – isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan
tulad ng tunog, pantig, kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp.
- Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at sa mga
gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng iba- ibang panananaliksik ang mga
posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika. Isa ring
suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at nililinang ang kaalaman. Mahalaga ang papel ng
wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang disiplina.
Halimbawa:
▪ pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon, paggawa ng hypothesis,
pagbibigay katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri, pagbuo,
pageeksperimento, pagsang-ayon, di- pagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya.

6. Impormatibo
- Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon,
ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita.
Halimbawa:
▪ Pagtuturo
▪ Panayam
▪ Talaan ng Nilalaman
▪ Pagbibigay-ulat

II. Ayon kay Roman Jakobson


Mayroong isang magaling na dalubwikang Amerikano noong ikalawang siglo. Siya ay si Roman Jakobson,
isa siya sa mga nagtatag ng Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog na Functions of Language ang
kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics. Ang semiotics ay ang pag-aaral tungkol sa mga palatandaan at
simbolo at kung paano ito gamitin.

1. Conative (Panghihikayat)
- Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.
Halimbawa:
▪ Dapat na tayo ay sumalampataya sa Diyos dahil nakita niyo naman ang delubyong hatid ng mga
sakunang ating nararanasan ngayon.
▪ Tingnan niyo naman kahit pagod na ang ating Pangulo ay nagtatrabaho parin siya para sa ating
bayan.
▪ Bilisan nyo maligo, paalis na tayo!
▪ Pakiabot nga po ng ulam.
▪ Makikisuyo naman po ng aking bayad.
2. Emotive (Pagpapahayag ng Damdamin)
- Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.
Halimbawa:
▪ Paghanga (Woah!, Napakagaling!)
▪ Pagkagulat (Ayy!, Ganun pala!)
▪ Pag-asa (Nawa!, Sana!, Mangyari sana!)
▪ Inis/Galit (Nakakainis! Hayysst!)
3. Phatic (Pagsisimula sa Pakikipag-ugnayan)
- pakikipagkapwa-tao
- Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.
Halimbawa:
▪ Kamusta ka?
▪ Magandang umaga po.
▪ Saan ka galing?
4. Metalinggwal (Pagbibigay ng Kuro-Kuro)
- Paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan.
- Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa:
▪ Malinaw na sinabi sa batas na bawak ngumuya ng “chewing gum” sa Singapore.
▪ Malinaw na isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino
5. Paggamit bilang sanggunian (Referential)
- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Halimbawa:
▪ "Ayon sa Google at Wikipedia..."
▪ "Ayon sa aklat na sinulat ni Jose Rizal..."
6. Poetic (Patalinhaga)
- Patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.
- Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng sanaysay, prosa at iba pa.
• GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sasagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.
Pagnilayan at Unawain

Gawain. IBAHAGI ANG KAALAMAN.


I. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ilahad ang pagkakaiba ng konsepto ni M.A.K. Halliday at ni Roman Jakobson tungkol sa


mga tungkulin ng wika sa buhay ng bawat indibidwal.

a. M.A.K. Halliday
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

b. Roman Jakobson
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

2. Bilang isang mag-aaral, ano sa palagay mo ang mga dapat isaalang-alang upang maging
mabisa ang pamamaraan ng isang tao sa pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha sa iba?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

3. Para sa iyong sariling pananaw, nabigyan ba ng katuturan ng dalawang linggwista ang


kanilang konsepto hinggil sa tungkulin ng wika? Palawakin ang iyong kasagutan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

II. Panuto: (INSTRUMENTAL) Bumuo ng isang patalastas o pag-eendorso ng isang


bagay/kagamitan na maipagmamalaki sa loob ng tahanan gamit ang wikang filipino. Maaaring
ang mga ito ay isagawa sa paraang pasulat (pagguhit), pasalita sa tulong ng mga kagamitang
panteknolohiya at iba pang pamamaraan upang mapaganda ang gawain.
• PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA

❖ BAKIT KAILANGANG PAG-ARALAN ANG MGA TUNGKULIN NG WIKA?


➢ Upang matukoy ang mahahalagang gampanin ng wika sa ating buhay at kung paano na mabisang
magagamit ito sa iba’t ibang angkop na sitwasyon.
➢ Upang magkaroon ng sapat na kakayahang magamit ang wika.
➢ Upang maipagkaiba ang natatanging papel ng tao na kaiba sa hayop.
Upang magamit para sa iba’t ibang larangan ng pakikipag-ugnayan o mabisang komunikasyon

❖ Ayon kay Michael A.K. Halliday


Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera. Pinag-aralan niya ang wika at literaturang
Tsino. Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika na gamitin at
kilala sa daigdig.

a. Instrumental
b. Regulatory
c. Interaksyunal
d. Personal
e. Heuristic
f. Impormatibo

❖ Ayon kay Roman Jakobson


Mayroong isang magaling na dalubwikang Amerikano noong ikalawang siglo. Siya ay si Roman Jakobson,
isa siya sa mga nagtatag ng Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog na Functions of Language ang
kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics. Ang semiotics ay ang pag-aaral tungkol sa mga palatandaan at
simbolo at kung paano ito gamitin.

a) Conative (Panghihikayat)
b) Emotive (Pagpapahayag ng Damdamin)
c) Phatic (Pagsisimula sa Pakikipag-ugnayan)
d) Metalinggwal (Pagbibigay ng Kuro-Kuro)
e) Paggamit bilang sanggunian (Referential)
f) Poetic (Patalinhaga)
b. Konklusyon at Repleksyon

ISIP, DAMDAMIN at ASAL


Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod:
(15 puntos)

Ano ang Ano ang iyong Ano ang aral na


natutunan? naramdaman? napulot?

• PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang batay sa araling tinalakay.
(15 puntos)

__________________________ 1. Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga
pangyayaring nagaganap.
__________________________ 2. Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
__________________________ 3. Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa.
__________________________ 4. Ito ay ang pag-aaral tungkol sa mga palatandaan at simbolo.
__________________________ 5. Binibigyan ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin
maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa
pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita.
__________________________ 6. Paggamit ng wika para sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
sanaysay, prosa at iba pa.
__________________________ 7. Isa siya sa mga dalubwikang nagtatag ng Linguistic Circle of New York.
__________________________ 8. Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit upang makipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan.
__________________________ 9. May kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita
__________________________ 10. Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay komentaryo sa isang
kodigo o batas.
__________________________ 11. Isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera na pinag-aralan niya
ang wika at literaturang Tsino.
__________________________ 12. Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao.
__________________________ 13. Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at
pakiusap.
__________________________ 14. Isang sikat na modelo ng gramatika na ginagamit at kinilala sa daigdig.
__________________________ 15. Tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.

• TAKDANG-ARALIN / MGA BABASAHIN:


Magsaliksik at Pag-aralan ang tungkol sa Kasanayan sa Pakikinig.

SANGGUNIAN:

❖ Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore

❖ Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.

❖ Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.

❖ https://www.slideshare.net/MartinCelino/panlahat-na-gamit-ng-wika

❖ https://agilathala.wordpress.com/2016/07/28/anim-na-tungkulin-ng-wika-ayon-kay-m-a-k-halliday/

❖ http://wika-sa-lipunan.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan.html

You might also like