You are on page 1of 5

Pamagat: Komunikasyon sa Akademikong Filipino

(Filipino 1)
 Layunin:

Maikintal sa isipan ng bawat estudyante ang kahalagan ng wikang


ipinagkaloob ng Puong Maykapal at gamitin ito sa tama.
Alamin at pag aralan ang konsepto ng wika sa metallinggwistikong
pamamaraan at kung paano ito nabuo.

 Paunang Salita

Ang wika ang susi ng buhay ng tao. Ito ang instrument sa kanyang
kaunlaran. Sa pamamagitn ng wika maipapahayag niya ang kanyang
damdamin at kaisipan. Sa wika nakakapagtuklas ng bagong kaalaman,
bagong impormasyon at nakakapagunlad ng kaisipan upang malinang ang
kanyang katauhan, kultura at napapalawak ang lipunang ginagawalan.

Mabilis na nagbabago ang panahon. Ang wikang Filipino ay kaalinsabay ng


panahon tungo sa intelekwalisasyon. Bilang wikang dinamiko, mabilis ang
pagtanggap ng mga bagong salita lalo na sa larangan ng agham at
teknolohiya upang makaagapay sa mabilis na pagbabago ng kapaligiran at
lipunan na kanyang kinaroroonan. Bungan ng mabilis na panahon
nagkakaroon din ng pagbabago na kailangan ng progresibong kaisipan at
matalinong pagpaplano upang ang wikang filipno ay hindi mapag iwanan,
hindi lang ng panahon kundi pati ang makabagong kaisipan at kaalaman.

Pinamagatang Komunikasyon sa Akademikong Filipino dahil ang layunin


nito ay itaas ang wikang Filipino sa lipunan ng akademya.

 Nilalaman

Unang araw/Day1

Metaligwistik na Pagtatalakay ng Wikang Filipino

Mahalagang Kosepto ng Wika


Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang
makaagapapay sa pangangailangan at makatugon sa kaunlaran. Higit na
mabisa ang wika kung ito’y patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong ng
kaunalaran ng bayan, edukasyon, lipunan, pulitika, pamahalaan, relihiyon,
kultura, komukikasyon at iba pang larangan.
Nababakas sa wika ang panahon na pinagdaanan ng bansa at sa wika rin
nakikita ang kaunalran at katalinuhan ng isang bayan.

Ang wika ay isang instrumento na ginagamit upang maipahayag ang mga


kaisipan sa larangan ng pamamahayag, ekonomiya,pulitika, syensya,
edukasyon, kultura , lipunan o anu mang aspeto ng buhay.

Ang wika ay isang behikulo sa paghahatid ng kaisipan, ideya, damdamin sa


kinakaukulan. Sa wika napapaloob ang kayamanan ng diwa, kultura at
sining. Ito ang maglalarawan kung anong uri ang kailangan ng bayan. Wka
ang kaugnayang ng makasaysayang karanasan ng baying pinagmulan.

Ang wika ayon kay Emmert at Donogby ay isang sistema ng mga


sagisag na bubuo ng mga tunog o kaya’y pasulat na bumubuo ng mga
tiktik na mag uugnay sa mga kahuluganng nais ibahagi sa tao.

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang tunog ay
hinuhugisan /binibigyan ng makabuluhang simbolo (titik) sa
pinagsamasama upang makabuo ng mga kaisispan.

Halimbawa:

 Pagiging Sistematiko-lahat ng wika ay may sarling balangkas,


balangkas ng mga tunog at balangkas ng mga kahulugan. Tinutokoy
dito na ang wika ay may sarliling paraan ng pagbuo at paglikha ng
tunog upang makabuo ng yunit o salita, parirala at pangungusap.
 Halimbawa ng makabuluhang tunog s Filipino:/a/b/l/p pag pinagsama:
alab, bala, laba, pala, lapa

Ang wika ay arbitraryo-may kanya kanyang paraan o sistema kung


paano gamitin, bigkasin o basahin, bawat indibidual ay may kanya
kanayang paraan kung paano ito gamitin. Nakakabuo tayo ng sariling
pagkakakilanlan na ikinaiba sa ibang wika. Bigyan pansin ang paraan
ng pagsasalita ng mga kilalang tao gaya ni Gloria Macapagal Arroyo,
Mike Enriquez at Fidel Ramos.
 Ang Wika ay Dinamiko-Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago
Kasabay ng pagbabago ang panahon upang makasunod sa pag unlad
ng daigdig. Yumayaman, umuunlad, lumalawak ayon sa kanyang
pangangailangan. Sa larangan ng agham,teknolohiya, medisina,
industriya at kalakalan, nadadagdagan ang bokabularyo ng wika. Ang
mga tao upang makpagpahayag ng mga ideya, kaisipan sa anu mang
larangan ay maaring lumikha, bumuo, humiram ng mga bagong salita,
maaring katutubo o dayuhang wika.

 Malikhain-Ang taong marunong sa wika ay nakakapagpahayag at


nakabuo ng anumang pangunusap. Habang ginagamit ang wika ang
tao ay patuloy na nakakabuo ng iba’t ibang pahayag at nakaunawa ng
anumang marinig o nabasa.

Lahat ng wika na patuloy na ginagamit ay patuloy din nakakabuo ng


bagong pahayag ayon sa pangangailangan ng nagsasalita.

 Kalikasan ng Wika

1. Ang Wika ay may tunog-lahat ng wika ay may sariling tunog. Bawat


titik o simbolo ay may sariling tunog at kung pag samasamahin nang
maayos ay lumilikha ng mga salita na simbolo ng kaisipan o ideya ng
gustong ipahayag.
2. Ang wika ay may sistema-lahat ng wika ay may sariling isruktura o
balangkas na sinusunod. May sariling ponolohiya, morplohiya, sintaksis,
pagbuo ng salita, parirala o pangungusap.

3. Ang wika ay arbitrayo-Ang baway wika ay may kanya kayang sariling


paraan o sistema kung paano gamitin. Nakakalikha ng sariling tatak na
pagkakakilanlan sa ibang wika. Halimbawa kung paano ito bigkasin ang
sistema g pagbabaybay o panghihiram.

4. Ang wika ay ginagamit-gamitin ang wika upang mapaunlad, pasalita o


pasulat man upang makasunod sa panahon ng kanyang kinalalagyan.
Kapag ito ay hindi ginagamit maaring mawala o mamatay.

5. Pinipili at Sinasaayos-kilalanin kung sino an gating mga kausap


otagapakinig upang maiangkop at mapili ang wika o salita ginagamit
upang maunawaan. Piliin ang mga salit na nararapat ayon sa antas ng
pagkaunawa at damdamin ng kausap, maging maingat sa salitang
gagamitin.

6. Ang wika ay kaugnay sa kultura-nababakas ang panahon, kaunlaran at


kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika na ginagamit ng mamayan.
Kasabay ng tao sa pag unlad ang wika. Ito ang sagisag ng kanyang isip,
gawa at aral sa panahon ng kanyang kinaklagyan na tatak ng kanyang
kultura. Ang wika at kultura ay hindi maaring paghiwalayin dahil iti ang
tatak ng bawat isa.

7. Ang lahat ng wika ay naghihiram-walang dalisay o purong wika sa


daigdig, ang lahat ng wika ay nanghihirram upang madebelop ang
talasalitaan at makasababay sa pag-unlad ng bansa, siyensysa at
teknolohiya. Ang wikang Filipino ay dumamraan sa proseso ng paglinang
sa pamamgitan
ng panghihiram ng mga katutubong wika ng Pilipinas at sa mga dayuhang
wika.
 Katangian ng Wika

1. Ang wika ay dinamiko at nagbabago-lahat ng wikang buhay


ay patuloy na nagbabago, umuunlad at nadadagdagan ayon sa
panahon. Habang ang wika ay ginagamit, lalo pa itong
umuunlad at lumalawak lalo na asa larangan ng siyensa at
teknolohiya dahil sa mabilis na pagbabago at pagtuklas tungo sa
pag unlad

2. Ang wika ay may antas o lebel-may antas gaya ng balbal,


lalawiganin, kolokyal, pampamitikan, lingua franca, pormal at di
pormal.

3. Ang wika ay makapangyarihan-nagtatakda ng kilos ng tao,


panahon o paraan. Kung anu ang narinig at nabasa ay
nagkakaroon ng impluwensya sa kanyang kilos at pagpapasya.
Nalalamam ang nakaraan, nakikita ang kasalukuyan at maaring
mag-iisip para sa darating na panahon.

4. Ang bawat wika ay may sariling kangkinan-may sarling kilos,


galaw at alituntunin. Lahat ng wika ay pantay-pantay at walang
mas mataas o mas mababa. May mga wika na maaring
magkahawig ngunit wlang wika na magkatulad

Halimbawa: Sa mamimili at nagtitinda. Bigyan mo nga ako ng


halagang singkwenta. Nagkakainitindihan na sila kung ano ang
sinabi: Humingi ng halagang singkwenta sa kanyang painda.

Usapan sa sasakyan:
T. Magkano ang City Hall
S.Sampung piso lang
T. Ilan ang dalawampung piso?
Ilan angmagbabayad o mamasahe sa dalawampung piso?
S. Dalawa lang

5. Ang Wika ay komunikasyon- Wika ang pinakamabisang gamit


sa komunikasyon dahil naipapahahag ang ideya at kaisipan.
Kaalaman at damdamin sa pinakatiyak at simpleng pararaan.
Bawat bagay, ay may tiyak na katumbas na salita kaya malinaw
ang anumang gustong ihayag.

Mga Aktibidad:

Bawat isa, ipaliwanag, mag sanaysay kong kelan mo naranasan na ang wika ay
nagging makapangyrihan sa buhay ?

Maikling Panalangin and Repleksyon

You might also like