You are on page 1of 4

Ano ang Wika?

“Ang Wika ay sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura” —Henry Gleason

WIKANG FILIPINO

Binubuo ng mahigit 5,000 banyagang salita mula sa Kastila

3,200 galing sa Malay

1,500 mula sa Chino

1,500 hiram na salita mula sa Ingles at ilang daan mula sa iba pang wika gaya ng Griyego, Sanskrit, Russian,
atbp.

Panlahat na Katangian ng Wika

1. Ang wika ay arbitraryo.


2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
3. Walang wikang dalisay o puro.
4. Ang wika ay dinamiko o buhay.
5. Ang wika ay may sariling kakanyahan o natatangi.
6. Ang wika ay nakabuhol sa kultura.
7. Ang wika ay binubuo ng dalawang masistemang balangkas.
8. Ang wika ay patuloy na nagbabago.
9. Ang wika ay pantao.
10. Ang wika ay komunikasyon.
11. Ang wika ay malikhain o natatangi.

Link: https://thamesshs.neolms.com/files/8384259/Modyul_1_-_Wika_at_Mga_Katangian_Nito(4).pdf?
lmsauth=9f44a3694d31c oj4a565ca3dc7501ae1b76a383f81

KONSEPTONG PANGWIKA

 Wikang Pambansa - isang wikang daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran sa isang bansa.
 Wikang Opisyal - Wikang naisabatas o itinadhana ng batas na maging opisyal na Wika ng
Komunikasyon, Transaksyon o pakikipagugnayan ng pamahalaan sa samabayanan.
 Wikang Panturo - nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral. Ginagamit ng mga
paaralan bilang medium sa pagtuturoiu

Mga Karagdagang Konseptong Pangwika

 Bilinggwalismo - Ang bilinggwalismo ay ipinakikitang kakayahan sa pakikipag-usap sa


pamamagitan ng dalawang uri ng lengwahe o wika.
 Multilinggwalismo - Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang
lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. “Maraming salita o wika” ay sa kabuuan ang
multilinggwalismo.

 Homogeneous - Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng


pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

 Heterogeneous - Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa


araw-araw. Bawat rehiyon o lugar ay may partikular na dayalektong
ginagamit.

 Linggwistikong komunidad - barayti at baryasyon ng wikang Pilipino. Linggwistikong komunidad


ang tawag sa sa mga wikang ito.

 Unang Wika - Ang unang wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika (kilala rin bilang inang
wika o arteryal na wika) ay ang wika na natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak.

 Pangalawang Wika - Ayon sa dalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang
tao o indibidwal matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang
kanyang unang wika.

Mga Antas ng Wika

1. Balbal - Maituturing na pinakamababang antas ng wika.


2. Kolokyal - Ito ang mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
3. Idyolek - Naiibang paraan ng pagpapahayag ng isang tao o indibiduwal.
4. Dayalekto - Ito ay ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook o probinsya.
5. Pampanitikan - Ito ang pinakamataas na antas ng wika.
6. Pambansa / Lengua Franca - Mga salitang kilala o higit na ginagamit sa pook sa sentro ng
sibilisasyon.
7. Wikang Teknikal - Ito ang wika ng makabagong teknolohiya. Wika ito na ginagamit sa agham at
matematika.

KAHALAGAHAN NG WIKA

- Ang wika ay pangunahing instrumento upang ipahayag ang ideya at saloobin ng tao.
- Ang wika ay daan sa pagkakaisa at pag-unlad.
- Ang wika ay susi sa pagpapalaganap ng iba’t ibang kaalaman.
Gamit ng wika sa lipunan
- Instrumental
- Regulatoryo
- Interaksyonal
- Personal
- Heuristik
- Imaginativ
- Imformativ

Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan Pakikiusap


Hal. Pag-uutos Liham- Pangangalakal
Regulatoryo – kumukontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba
Hal. Pagbibigay ng Direksyon, Paalala o Babala Panuto
Interaksyunal – nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyong sosyal
Hal. Formularyong Panlipunan, Pangungumusta, Pagpapalitan ng Biro Liham –
Pangkaibigan
Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
Hal. Formal / Di-formal na Talakayan Liham sa Patnugot
Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos
Hal. Pagtatanong, Pakikipagpanayam Sarvey, Pananaliksik
Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
Hal. Pagsasalaysay, Paglalarawan Akdang Pampanitikan
Informativ - nagbibigay ng mga informasyon/datos
Hal.Pag-uulat, Pagtuturo Ulat, Pamanahong Papel

You might also like