Professional Documents
Culture Documents
REVIWER
2. TEORYANG DING-DONG
- tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid na likha ng tao
- kahawig ng teoryang bow wow
3. TEORYANG POOH-POOH
- masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba
pa
4. TEORYANG YO-HE-HO
- Pwersang pisikal
5. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
- tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal
6. TEORYANG TA-TA
- kumpas o galaw ng kamay ng tao
7. TEORYANG ANTROPOLOGO
- taglay na talino ng tao
8. TEORYA NG BIBLIYA
- Parusa ng diyos ang pagkakaroon ng tao ng iba’t ibang wika
9. TEORYA NI PSAMMITICHUS
- Kayang makalikha/makabuo ng wika ang isang tao kahit walang nagtuturo sa kaniya
3 URI NG BILINGGWALISMO
1. COMPOUND BILINGUALISM (ADDITIVE)
- taong natuto ng dalawang wika sa parehas na kapaligiran at konteksto na parehas na
malayang nagagamit
3. SUB-COORDINATE BILINGUALISM
- Isang wika ang nangingibabaw
MULTILINGGWALISMO
- Patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at
katutubong wika bilang pangunahing medyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo,
bagamat hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang
panlahat
SPEECH COMMUNITY o KOMUNIDAD NG TAGAPAGSALITA
- pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan
kundi nababatid din nila ang patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at
nauunawaan ang mga gawaing pangwika. -DELL HYMES
- nagkakaroon daw ng isang speech community kung may isang pangkat ng mga taong
nagkakaunawaan sa layunin at istilo (salita, tunog, ekspresyon) ng kanilang
pakikipagtalastasan sa paraang sila lamang ang nakakaalam at hindi nauunawaan ng
mga taong hindi kabilang sa kanilang pangkat. – LABOV
_____________________________________________________________________________
IV. MGA BARAYTI NG WIKA
1. Diyalekto
- Ginagamit sa particular na pangkat ng mga tao mula sa isang particular na lugar tulad
ng rehiyon, lalawigan o pook, Malaki man o maliit
- Wikain
- Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng iba pang lugar subalit
naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang
gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap
na siyang nagpapaiba sa diyalek ng lugar sa iba pang lugar.
2. Idyolek
- Nakabatay sa partikular na paggamit ng isang tao ng kaniyang wika na may kaugnayan
sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita.
- Ito ay inihahantulad sa fingerprints ng isang tao na tanging kanya lamang
3. Sosyolek
- Tinatawag din itong SOSYAL NA BARAYTI
- Grupo ng iba’t ibang uri o klasipikasyon ng mga mamamayan batay sa lipunan.
- Wika ng mga dukha
- Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan
- Napatunayan ng mga sosyolingguwista na malaki ang nagagawa ng katayuang
panlipunan (social status)
- Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang
ginagalawan– mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian;
edad atbp. salik o factor
4. Register
- Anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan, sa mga
tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor
- (jargon)
5. Etnolek
- barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo.
- nagmula sa pinagsamang etniko at diyalek.
- Taglay nito ang salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.
6. Pidgin
- Tinatawag na Ingles na ‘nobody’s native language’ o katutubong wikang di pagmamay-
ari ninuman.
- Nabubuo dahil sa paghahalo-halo ng higit sa 2 wika.
- barayti ng wikang ginagamit ng mga taong may magkakaibang pinagmulang wika.
7. Creole
- unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika.
- Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito
bilang kanilang unang wika
- Pinakamahusay na halimbawa nito ay ang Chavacano na hindi masasabing purong
Kastila dahil sa impluwensiya ng ating katutubong wika sa estruktura.
2 DIMENSIYONG BARAYTI NG WIKA
1. Dimensiyong Heograpiko
- Diyalekto / wikain
2. Dimensiyong Sosyal
- Sosyolek
______________________________________________________________________________
V. TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA
INTERAKSYUNAL (ikaw at ako)
- Nakakapagpanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal
INSTRUMENTAL (gusto ko)
- Tumutugon sa pangangailangan
REGULATORI (gawin mo kung ano ang sinasabi ko)
- Kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba
PERSONAL (ganito ako)
- Nakakapagpahayag ng sariling damdamin o opinion
IMAHINATIBO (kunwari ganito)
- Nakakapagpahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan
IMPORMATIBO (may sasabihin ako sa iyo)
- Nagbibigay ng impormasyon o mga datos
HEURISTIKO (sabihin mo sa akin kung bakit)
- Naghahanap o paghihingi ng mga impormasyon o datos
______________________________________________________________________________
VI. KASAYSAYAN NG WIKA
SWP
- pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang
buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. At tinatawag na ngayong Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF).
1987
- Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports
ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng
antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong
bilinggwal.
GLORIA MACAPAGAL ARROYO
- Naglabas ng Executive Order No. 210 (May, 2003), na nag-aatas ng pagbabalik sa
isang monolingguwal na wikang panturo – ang Ingles, sa halip na ang Filipino
Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7
- “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles… ”
Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan:
A) Bilang hiwalay na asignatura
B) Bilang wikang panturo
Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED.
Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga
kolehiyo