You are on page 1of 13

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Aralin 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Wika
- mula sa pinagsama - samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo
ang mga salitang nakakapagpahayag ng kahulugan o kaisipan.
- mula sa latin na Lingua na nangangahulugan " dila"at "wika" o "Lengguwahe".

Kahulugan ng Wika:
1. Henry Gleason - Ang Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili
at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura. (tunog -> salita -> pangungusap -> pag-unawa sa pangungusap)
2. Charles Darwin - Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe - bake
ng cake o pagsusulat.
3. Cambridge Dictionary - Ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga
tunog, salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa
isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain.
4. Paz, Hernandez at Peneyra - Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
5. Bernales at al.- Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di - berbal.
6. Pamela C. Constantino & Galileo Zafra - Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at
ang pamamaraan ng pagsasama - sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag -
usap ang isang grupo ng mga tao.

Kahalagahan ng Wika:
1. Kakabit na ito ng pakikipag - ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa - tao at ng bawat bansa
sa daigdig.
2. Pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
3. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangunguhulugang ito ay
malaya at may soberanya.
4. Ang nagsisilbing tagapag -ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at
kaalaman.

Katangian ng Wika:
1. Ang Wika ay tunog - binubuo ng tunog, makabuluhan dahil ito ay may kahulugan.
2. Ang wika ay arbitrayo. Pinagkasunduan ng isang grupo ng mga tao o ng mga tao sa
isang lipunan ang wikang kanilang gagamitin sa pakikipag - usap sa isa't isa
3. Ang wika ay Dinamiko. Buhay at nagbabago upang makasabay sa pagbabago ang wika
at malaya itong tumatanggap ng mga pagbabago upang mapagyaman at payabong.
4. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura. Magkaugnay
ang wika at kultura at hindi maaring paghiwalayin.
5. Unique o natatangi ang wika.
6. Sinasalita ang wika. Kasangkapan sa komunikasyon mahalaga sa wika. Ito ay sinasalita
upang mapanatili ang pagiging dinamiko nito at hindi mamatay.
7. Ang wika ay masistemang balangkas.

Antas ng Wika:
Di-Pormal:
1. Balbal - pinaikli o pinahabang salitang panlansangan. Slang sa Ingles at
pinakamababang antas. (hal. Jejemon, conyo, beki words, g words(binaliktad))
hal. omsim, lodi, chariz, kUma1n
2. Kolokyal - pinaikli at mga salitang ginagamit araw-araw.
hal. lika, san, bat
3. Lalawiganin - mga salitang karaniwang salitain o gaya ng dayalekto ng mga katutubo sa
lalawigan.
hal. guyam - langgam

Pormal:
1. Pambansa - wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa
gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal.
2. Pampanitikan - ginagamit ng mga malikhaing manunulat; ang mga salita ay karaniwang
malalim, makulay at masinig.

“Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa.”


Aralin 2: Ang Pag-unlad ng Wika

Monolingguwalismo - isang wika ang alam na salitain

Bilingguwalismo
- tumutukoy sa dalawang salita/wika.
- isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nakakapagsalita siya
ng dalawang wika ng panty na kahusayan.
- bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugang ito ng
paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba't-ibang magkahiwalay na
asignatura.

a. Geographical Proximity - nalalaman natin ang wika ng malalapit na lugar; dahil


malapit, nagkakaroon ng pagkakaunawaan at nagkakaroon ng kaparehas ng
pananalita.

b. Relihiyon - may mga sari-sariling wika ang mga ginagamit ang bawat relihiyon.
(hal. Muslim - Islam/Arabic, Iglesia - purong Tagalog, Born Again Christian -
Taglish)

c. Historical Factors - dahil sa pananakop ng ibang bansa naibabahagi nila ang


kanilang sariling wika at kultura.
(hal. Spain (Espanyol at Relihiyon), USA (Ingles at Edukasyon), Japan (ang
Gintong Panahon, Nihongo at Pakikipagkalakalan/Negosyo) - sa Pilipinas)

d. Migration - ang paglilipat-lipat ng lugar at bansa ng isang tao, napapag-aralan at


nalalaman ang kanilang sariling wika. (hal. OFW, turista)

e. Public and International Relations - sa pakikipagtalastasan sa mga taong iba ang


wika, natutunan natin ang kanilang wika.

Multilingguwalismo
- tumutukoy ito sa pantay na kahusayan sa paggamit ng maraming wika ng isang tao o ng
grupo ng mga tao.
- bunsod ito ng pagiging multikultural ng mga Pilipino, ngayon, hindi na bilingguwalismo
kundi multilingguwalismo ang pinaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon.
- hal. MTB-MLE - ginagamit sa mababang antas (mababang antas).

Unang Wika
- tinawatawag ding "wikang sinuso sa ina" o "inang wika" ang unang wika dahil ito ang
unang wikang natutuhan ng isang bata.
- tinatawag na "taal" na tagapagsalita ng isang partikular na wika ang isang tao na ang
unang wika ay ang wikang pinag-uusapan.
- kilala rin bilang katutubong wika.
Sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, sa ilalim ng programang K to 12, nakasaad sa
Kautusang Blg. 74, Serye 2009 ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), mayroong 19 na aprobado ng MTB-MLE.

Pangalawang Wika
- tinuturing na pangalawang wika ang wikang hindi "taal" o hindi katutubo sa isang tao.
- ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutunan
ang kanyang unang wika.
- may mga pagkakataong pangalawang wika ang karaniwang ginagamit ng isang tao
upang makipag-usap sa ibang taong nasa labas o hindi kabilang sa kanyang
etnolinggwistikong grupo.

Homogeneous na Wika
- ang mga taong gumagamit nito ay may iisang bigkas sa mga salita, pare-pareho ng tono
at intonasyon sa pagsasalita at iisa ang pagpapakahulugan sa mga salitang kanilang
ginagamit.
- pareho ng salita ngunit magkaiba ng kahulugan.

Heterogenous na Wika
- tinatawag na "lingguwistikong barayti ng wika".
- nagaganap ito dahil sa multikultural at multingguwal ang Pilipinas.
- salik din nito ang heograpiya, estado sa lipunan, grupong kinabibilangan, at iba pa. Iba-
ibaang pagbigkas ng mga salita, tono at katawagan sa mga bagay-bagay sa mga
lalawigan.
- Magkaiba ng salita ngunit iisa ang kahulugan.
hal . Mang Inasal ay hita ng manok gayong ang nakasulat sa menu ay "paa." Ang paa ay
tumutukoy sa hita. Sa isang heterogenous na kaligirang pangwika, malaki ang tendesiya na
hindi kaagad magkaunawaan ang mga nag-uusap.

Monolingguwalismo - isang wika lang ang kayang salitain


Aralin 3: Kasaysayan ng Wika

Ang kahalagahan ng wika ang naging patnubay sa pagtalunton sa masalimuot na landas ng


kasaysayan at pagkakabuo ang ating wikang pambansa.

Panahon ng Kastila:
- Maraming pagbabagong naganap sa Pilipinas tulad ng romanisasyon ng Babayin (inakalang
illuminati/ritwal); Abecedario - kung paano sinasalita ang wika ganun din ang pagsulat.
- Nagkaroon ng mga batas na nag-uutos na turuan ang mga Pilipino ng wikang Kastila.
- Ang mga ilustrado lamang ang natuto at nakakapagsalita ng wikang Kastila. Prayle ang
nagtuturo ng wikang Kastila gamit ang libro ng Doctrina Christiana.
- Nailimbag ang kauna-unahang aklat na Doctrina Christiana. (1593)

Panahon ng Rebolusyong Pilipino:


- Pinahintulutan ng Espanya ang Pilipinas na magkaroon ng kalakalang pandaigdig, nakapasok
ang diwang malaya o liberal mula sa Europa.
- Nagising ang diwa ng nasyonalismo at nagningas ang sidhi ng paghihimagsik sa isip at
damdamin ng mga Pilipino.
- Mas nakararaming rebolusyong Pilipino ang nagkaisa sa paglaban sa kastila maging sa
paggamit ng Tagalog sa pakikipag-usap sa isa't isa sa kanilang mga sulatin.

Panahon ng Amerikano:
- Sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol.
- Dumami ang natutong magbasa at magsulat ng wikang Ingles dahil ipinagbawal ang paggamit
ng Espanyol.
- Wikang Schurman-Marso 4, 1899
- Ingles ang wikang panturo; mga sundalo at Thomasites ang nagsilbing guro ng wikang Ingles.
- "Batas ng Watawat" - nagbabawal sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas.
- "Batas ng Sedisyon" - nagbabawal sa pagsulat ng anumang akdang makabayan at
nagpapahiwatig ng paglaban sa pamahalaang Amerikano.

Panahon ng Hapon:
- Dahil sa layunin ng mga hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang Amerikano
at mawala ang mga impluwensya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod na wika.
- Itinuro ang Nihonggo at Tagalog ang naging opisyal na wika.
- "Gintong Panahon ng Panitikan" - naging masigla at maunlad ang paggamit ng wikang tagalog
sa komunikasyon at panitikan.
- Nagbuo rin ng isang komisyon na naghanda ng Saligang Batas na nagtadhana sa Tagalog
bilang wikang pambansa

Panahon ng Pagsasarili:
- Sa paglulunsad ng komonwelt isa sa mga unang isinasagawa ni Manuel L. Quezon ang
nagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika.
- Nobyembre 13, 1936 - pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag ng
Surian ng Wikang Pambansa.
- Disyembre 30, 1937 - lumalabas ang kautusang Tagapagpaganap Blg, 134 na nagpapatibay
sa Tagalog bilang pambansang wika ng Pilipinas.
- Huunyo 4, 1946 - ganap ng ipinatupad ang Batas Komonwelt na nagtatakda ng wikang opisyal
na ang pambansang wika.
- 1959 - inilabas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakda ng "kailanma't tutukuyin
ang wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino".
- 1974 - sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal sa bansa o nagpapagamit
ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at hiwalay na asignatura
sa kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo.
- Marso 12, 1987 - sa Kautusan Pangkagawaran Blg. 22 s.1987, sinasabing gagamitin ang
Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. (Pres. Corazon Aquino)
- Konstitusyon ng 1987 - nagsasabi na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

Tagalog - Isang dayalekto


Pilipino - Ito ay ang mga tao na naninirahan sa Pilipinas
Filipino - Wikang pambansa

Sa Kasalukuyang Panahon:
- Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ang wikang pambansa
ng Pilipinas; dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa
iba pang wika; dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon.
Itinuring ang Filipino bilang pambansang lingua franca o tulay ng komunikasyon at unawaan ng
mga Pilipinong may kani-kanilang sosyo-etnolinggwistiko ng Filipino.
Aralin 4: Heograpikal, Morpolohikal at Ponolohikal na Varayti ng Wika

Heograpikal na Varayti ng Wika


- Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng
wika, ito ang dahilan kung bakit sa magkakahiwalay at magkaibang lugar, ang isang
konsepto ay nagkakaroon ng magkaibigang katawagan. (HAL. Ibon - tagalog - langgam
sinugbuanong bisaya) (mangutang - tanong ng direksyon)
- Nangyayari rin na nagkakaroon ng ibang kahulugan sa magkahiwalay na lugar na may
magkaibang kultura ang salita. (HAL. Salvage - Filipino - pagpatay nang hindi nililitis -
Ingles - iligtas o isalba)
- Common na wika - wikang kayang unawain ng lahat

Morpolohikal na Varayti ng Wika


- Ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa iba’t ibang kultura
ay nagiging salik din sa varayti ng wika.
- Iba’t ibang paggamit ng wika.
- HAL. Napatak ang mga dahon - nasuray ang dyipni - mapurol ang ulo
- Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar, nakakaiba rin ang paraan ng
pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito. Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo
ng salita dahil sa paglalapi ang tinatawag na morpolohikan na varayti ng wika.

Ponolohikal na Varayti ng Wika


- Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiiwasang makalikha rin ang magkaibang
lugar at bigkas sa mga salita. Nagkakaroon ng kani-kaniyang dialect accent ang bawat
lugar.

Barayti ng Wika:
1.) Idyolek - bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pagpapahayag at pananalita na naiiba
sa bawat isa. (hal. Hindi ka namin tatantanan - Mike Enriquez) Paraan ng pagsasalita na
tumatatak sa mga tao.
2.) Dayalek - Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon or bayan.
3.) Sosyolek - minsan ay tinatawag na “sosyalek”. Ito ay pansamantalang barayti lamang.
Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay
may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit
ng mga naturang wika.
4.) Etnolek - ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga
salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang etniko.
Hal. Vakkul - takip sa ulo, Bulanon - full moon, Kalipay - tuwa/ligaya, Palangga - mahal
5.) Ekolek - barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.
6.) Pidgin - ito ay barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binabansagang
“nobody’s native language” ng mga dayuhan.
7.) Creole - mga barayti ng wika na nadedebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay nagiging pangunahing wika sa
partikular na lugar. (Hal. Tagalog & Espanyol - Chavacano, American & Espanyol -
Palenquero, Portuguese and Espanyol - Annobonese)
8.) Register - ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain.
Ito ay may tatlong uri:
> Larangan - Propesyon, Modo - paraan ng komunikasyon, Tenor - relasyon sa kausap
Aralin 5: Gamit ng Wika

Ang pinakadiwa ng wika ay panlipinan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ay ang
kuwento ni Tarzan. Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang matutong
magsalita dahil wala naman siyang kausap.

Ayon sa Australyanong linggwistika na si Michael Alexsander Kirkwood Halliday (April 13, 1925
- September 15, 2018) o kilala rin sa tawag na mayroong pitong komunikatibong gamit ng wika
sa lipunan.

Gamit ng Wika:
1. Instrumental - ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
2. Regulatoryo - ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng
ibang tao.
3. Interaksyonal - ang tungkuling ito ay nakikita ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao
sa kanyang kapwa.
4. Personal - saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro kuro
sa paksang pinag-uusapan.
5. Heuristiko - naipapakita sa pamamagitan ng pagtatanong upang mangalap ng
impormasyon na nangangailangan ng masusing pag-aaral o di kaya’y matibay na
basehan. (hal. Pakikipanayam at Pagsasagawa ng sarbey)
6. Impormatibo o Representatibo - ito ay kabaligtaran ng Heuristiko. Ito naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. (hal.
Pagbibigay ulat, Pamanahong Papel at Tesis)
7. Imahinatibo - ginagamit sa pagtuklas, paglikha at pag-aliw. Naipapaabot sa imahinasyon
ng mambabasa na bagamat piksyon ang nababasa. (hal. Pabula, Parabula, Maikling
Kwento, Nobela)

Ayon kay Jacobson:


- Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon. Ito ang instrumento sa
paghahatian ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap. May mga gamit
ang wika ayon sa layunin at intensiyon ng nagsasalita.
- Ayon kay Roman Jakobson (1960; sipi kay Herbert 2011), kabilang sa mga gamit ng
wika ang conotive, informative, at labeling.

1.) Emotive - saklaw ito ang pagpapahayag ng mga saloobin damdamin at emosyon.
Hal.
Paghanga: Woah!! Napakagaling
Pagkagulat: Ay!! Ganun pala!
Takot: Hwah!!
Pag-asa: Sana!
Inis: Hayst
2.) Conotive - Sa mga sitwasyong naimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan
ng pakiusap at pag-uutos, conative ang gamit nating wika. Pag impluwensya sa iba sa
pamamagitan ng mga pag-utos.manghimok manghikayat may gustong mangyari o gusto
nating pakilusin ang mga tao.
Hal.
Huwag mahihiyang magtanong
Mag-unli text na
Sana po ako ay iboto nyo sa lahat ng kandidato
3.) Phatic - ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.
Hal.
Kumusta ka?
Saan ka galing?
4.) Referencial - ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang
sangguniang pinagmulan ng mga impormasyon
Hal.
Citations
Libro
5.) Labeling - Ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa
isang tao o bagay.
Hal.
Teacher Kompan
Ate-Cashier
6.) Metalingual - ginagamitang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa
isang batas.
Hal.
Malinaw na sinasabi sa batas bawal ngumuya ng ‘chewing gum’
7.) Poetic - ginagamitang wika sa masining paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay at iba pa.
Hal.
Metaphor, Analogy, Onomatopoeia, etc.
Aralin 6: Mga Sitwasyong Pang-wika sa Pilpinas

Sa pagpasok ng ika-21 siglo, naging maingay na usapin ang bagong anyo ng globalisasyon at
epekto nito sa mga institusyong pambansa at lokal. Kaugnay nito, higit pang tumingkad ang
wikang Ingles bilang pandaigdigan lingua franca. Sa ganitong kaispan dumadaloy ang mga
pagtatakdang mapigilan ang pag-unlad ng wikang Filipino sa pamamagitan ng anti-Filipinong
patakaran gaya ng:

Atas Tagapagpaganap Blg. 2010, s. 2013


- itinatag ni D.P Gloria Macapagal-Arroyo
- napalaganap ang Ingles na wika sa ibang asignatura.

CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013


- intintag ni D.P Benigno Aquino III "Pinoy"
- pinatanggal ang asignaturang Filipino sa mga pili o pribadong Kolehiyo.

Ang Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino


- Mahalaga ang papel ng wikang Filipino, hindi lamang bilang kasangkapan sa
pakikipagtalastasan kundi lalo't higit bilang instrumento sa pagsasaktuparan ng mga tunguhin
sa isang malaya at demokratikong lipunan.
- Naipalaganap din ang wikang Filipino sa popular na paggamit sa medya gaya ng telebisyon,
radyo, pahayagan at pelikula.

Telebisyon
- pangunahing midyum ang pambansang wika sa mga lokal na estasyong pantelebisyon.
- madalas ang paggamit nito sa mga balita, teleserye, reality show, variety show at iba pa.
- laganap din ang pagsasalin sa Filipino ng mga seryeng nagmumula sa ibang bansa sa Asya at
Latin Amerika.

Radyo at Pahayagan
- Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo, AM man o FM.
- Sa mga pahayagan, nanatiling Inles ang wikang ginagamit sa broadsheet samantalang Filipino
naman ang Tabloid.
- Tabloid ang mas binibili ng masa dahil mas mura at nakasulat sa wikang higit na
naiinitindihan.

Dalawang uri ng Pahayagan:


1. Tabloid - wikang Filipino ang ginagamit.
2. Broadsheet - wikang Ingles ang ginagamit dahil ito ay naglalaman ng mga balita sa ibang
bansa.

Pelikula
- sa pag-usbong at paglaganap ng produksiyon ng mga pelikulang Indie, lumilitaw ang paggamit
ng wikang FIlipino at maging iba pang wika sa Pilipinas sa pag-uugat na danas ng mga
mamamayan na wikang sarili ang gamit sa pakikipag-ugnayan.

Makabagong Teknolohiya
- naging espasyo sa paggamit ng Filipino ang text/cell phone, Internet at social media.
- naitampok ang wikang Filipino sa paglikha ng sariling lingo o paggamit ng wikang nakabatay
sa kalakarang taglay ng ginagamit na teknolohiya gaya ng online games.
- naging lunsaran din ang social media ng popularidad ng mga pick-up line at hugot line na
karaniwang nasa Filipino at Taglish, na nagbibigay-kulay sa ugnayan ng kalakhan ng kabataang
Pilipino.
> Pick-up Line - itinuturing na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas na kaugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng bahay.
> Hugot Line - tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cheesy o minsan
ay nakakainis; tinatawag ding love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika ay
malikhain.

Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa iba't ibang Disiplina


- Malawak ang paggamit sa wikang Filipino sa iba't ibang aspekto ng lipunan, partikular sa
kulturang popular, hindi maitatangi ang patuloy na hamong kinakaharap sa pang-itaas na uri ng
gamit o high functions tulad ng edukasyon, batasan, hukuman at komersyo.
- Nagsilbing matibay na sandigan ang wikang pambansa at mga wika sa Pilipinas sa
panawagan ng "Pilipinasyon sa Agham Panlipunan" noong dekada 70.

Nanguna sa Paggamit ng Wikang Filipino:


1. Virgilio G. Enriquez - isang sokolihiyang Filipino
2. Zeus A. Salazar - antropologo at sa wikang kasaysayan
3. Prospero Covar - Pilipino-lohiya

Bukod sa agham panlipunan, marami pang mga larangan at disiplina ang nagsisimula at
nagpapatukoy sa paggamit at paglilinang ng wikang Filipino.

Naging masigasig din ang UP Sentra ng Wikang Filipino (8WF) sa pagbubuo ng pananaliksik sa
Wikang Filipino sa iba't ibang disiplina gaya ng agham pampolitika, biyolohiya, patolohiya,
botanika, agham pangkompyuter, mataas na matematika.

Ang Wikang Filipino sa Global at Internasyonal na Edukasyon


- Ayon kay Nelmida-Flores (2016), may pagkakaiba subalit magkapanabay ang global
education at internationalization of higher education sa konteksto ng edukasyon.
> Global ng Edukasyon - mas ekonomiko at higit na nakatuon sa marketing ng mga
programmang internasyonal, komersyalisasyon at korporasyon at bentahe sa negosyo.
> Internasyonal na Edukasyon - nagbibigay-pansin sa estadong internasyonal ng mga
kolehiyo at unibersidad na may kinalaman sa kaalaman at paglinang ng kurikulum.
Nagbunsod ang pagtuturo at pagpapalaganp ng wikang Filipino sa ibayong-dagat sa mga
publikasyon sa wika.
> Manuel Cruz at Sergey Ignashey - binuo ang Tagalog-Russian Dictionary (1959) at Russian-
Tagalog (1965).
> Cenes Camporenda at Anchalee Wisudthiluck - isinulat ang librong Sanuk Kap, Phasa
Tagalog (2013) na nagtuturo ng wikang Tagalog gamit ang sulat Thai.

Patuloy rin ang pagdedebelop ng android app na Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino
(2016) nina Jovy M. Peregrino, Kim Dong Yeob, Althea Enriquez, at Ronel Laranja. Sa panahon
natin ngayon, ang Busan University of Foreign Studies (BUFS) pa lamang ang ekslusibong
gumagamit ng app.

Ginawaran ni Pangulong Arroyo ng Presidential Medal of Merit noong 2009 si Dr. Igor
Podberedsky na siyang nagtatag ng Russian Rizaliana at nagsalin sa Ruso ng mga nobela nina
Jose Rizal, Nick Joaquin, F. Sionil Jose, at N.V.M. Gonzales.

Mula sa wikang Pangasinense, na isalin ang librong Murtami ni Santiago B. Villafania sa wikang
Hindi. Isinalin ito ni Prakashak Sahitya Bhandar noong 2013 at pinamagatang Premarjalik.

Si Bienvenido Lumbera ay nagsalin sa Filipino ng mga klasikong dula.

Naisalin din ang mga klasikong akda ng daigdig sa pamamagitan ng proyektong Aklat ng Bayan
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

You might also like