You are on page 1of 5

KATUTURAN, KATANGIAN AT KALIKASAN NG WIKA

Ayon kay Henry Gleason:


“Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang gamitin ng tao na nabibilang sa isang kultura.”

MGA KATANGIAN NG WIKA

1. Ang Wika ay sinasalitang tunog


- unang natututuhan ang wika sa pamamagitan ng mga tunog na naririnig, hindi sa mga titik.
2. Ang Wika ay masistemang balangkas
- kung pagsasama-samahin ang mga tunog ay makakabuo ng makabuluhang yunit ng salita, ng
parirala, ng sugnay, pangungusap at ng talata. May mga tuntunin sa pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat.
3. Ang Wika ay pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
- pinagkasunduan ang kaayusan ng mga napiling tunog para sa isang wika. Pinagkasunduan din
ang bilang ng tunog.
4. Ang Wika ay kabuhol ng kultura
- sinasalamin ng wika ng isang tao ang uri ng pamumuhay na kanyang kinabibilangan. Hindi
maaring paghiwalayin ang kultura at wika.
5. Ang Wika ay nagbabago
- patuloy na umuunlad ang wika. May mga salitang nawawala sa bokabularyo at may mga
nadaragdag din.
6. Ang Wika ay dinamiko at malikhain
- nakalilikha ang wika ng mga bagong salita.
7. Ang Wika ay gamit sa lahat ng disiplina
- bawat disiplina o propesyon ay may partikular na wikang ginagamit. Gamit ang wika sa pagbuo
ng mga awtput, gaya ng mga akdang-pampanitikan, batas o alituntunin, balita, at iba pa.
8. Ang Wika ay natatangi
- ang wika ay may katangiang pansarili na kaiba sa ibang wika. Walang dalawang wika na
magkatulad.
9. May Antas o Lebel ang Wika

DALAWANG ANTAS O LEBEL NG WIKA

1. PORMAL - ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
 Pambansa - ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila
sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.
 Pampanitikan o Panretorika - ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim,
makulay at masining.

Halimbawa ng Pampanitikan
1. Mabulaklak ang dila
2. Di-maliparang uwak
3. Kaututang dila
4. Balat sibuyas
5. Taingang kawali
6. Nagbukas ng dibdib

2. IMPORMAL - ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
 Lalawiganin - ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga partikular
na pook o lalawigan lamang.
 Kolokyal - Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay
mauuri rin sa antas nito.

Halimbawa:
nasa’n (nasaan),
pa’no (paano),
sa’kin (sa akin),
sa’yo (sa iyo),
kelan (kailan),
meron (mayroon)

 Balbal - ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga
ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes.

Halimbawa:

Parak (pulis)
Eskapo (takas ng bilangguan)
Istokwa (naglayas)
Juding (bakla)
Tiboli (tomboy)

TEORYA NG WIKA

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

1. Teoryang Bow-wow
- ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan.
2. Teoryang Ding-Dong
- kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid na likha ng tao.
3. Teoryang Pooh-Pooh
- unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa.
4. Teoryang Yo-He-Ho
- pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal.
5. Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay
- ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
6. Teoryang Ta-Ta
- ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay
ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita.
- ang teoryang ta-ta ay nangangahulugang paalam o goodbye.

Teorya ng/sa Bibliya


- Parusa ng Diyos ang pagkakaroon ng tao ng iba’t ibang wika
 Tore ng Babel (Tower of Confusion)
 Lungsod ng Babel (City of Confusion)

1. Teoryang Antropologo - sinasabing sa taglay na talino ng tao kaya nakabuo o nakalikha siya ng
wika.
2. Teorya ni Psammitichus - kayang makalikha/makabuo ng wika ang isang tao kahit walang
nagtuturo sa kanya.
3. Teoryang Behaviorist - ipinanganak ang bata na may kakayahan sa pagkatuto maaaring hubugin
sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran.
4. Teoryang Innative - batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may “likas na salik”
sa pagkakatuto ng wika. Dito ipinaliwanag ni Chomsky (1965) na ang kakayahan sa wika ay
kasama na pagkaanak (Inborn) at likas itong nililinang habang ang mga bata ay nakikipag-
interaksyon sa kanyang kapaligiran.
5. Teoryang Kognitib - ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-
aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap
na impormasyon.
6. Teoryang Makatao - nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at
emosyunal.

KALIKASAN NG WIKA

1. Pinagsama-samang tunog (Combination of Sounds)


- dahil sa binigyan ng simbolo (letra) ang mga tunog, ang pagsasama-samang ito ay lumikha ng
mga salita.
2. May dalang kahulugan (Words have meanings)
- bawat salita ay may dalang kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa
pangungusap.
3. May Ispeling
- bawat salita ay may sariling ispeling o baybay.
4. May gramatikal na estruktura (grammatical structure)

 Ponolohiya - pagsasama ng tunog upang bumuo ng salita)


 Morpolohiya - pag-aaral ng mga salita
 Sintaks - (pagsasama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap)
 Semantiks - (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap)

5. Sistemang Oral-Awral (Oral-Awral System)


- sistemang sensora sa pisikal ng tao, pasalita (oral), pakikinig (awral)
- dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na nagbibigay hugis sa mga tunog na
napakinggan

6. Pagkawala ng Wika (Language Loss)


- maaaring mawala kapag di nagagamit

7. Iba-iba
- dahil sa iba’t iba ang kultura ng pinagmulang lahi, ang wika ay iba- iba sa lahat ng panig ng
mundo
- may etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang
mga lahi o lipi

BARAYTI NG WIKA AT HOMOGENEOUS AT HETEROGENOUS NA WIKA

Kahulugan ng Barayti
- pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-
sitwasyunal.
- pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo ng
salita atbp.

Halimbawa:
Kung guro sa Filipino ang kausap:
Binibini, di ko po maunawaan/maintindihan.
Kung kaklase ang kausap:
Ano ba ‘yan? Di ko gets!

- porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang wika


Halimbawa:
Karaniwang Filipino:
Maghugas ka ng plato.
Tagalog-Bulacan:
Mag-urong ka ng pinggan.

2 Dimensiyong ng barayti ng Wika


1. Dimensiyong heograpiko – kasama rito ang dayalekto o wikain
2. Dimensiyong sosyal – kasama naman dito ang sosyolek

Barayti ng wika
1. DAYALEKTO
- panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon
(vocabulary)
- ito ang yaong wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan, komunidad at lalawigan.

One Person House Dog Coconut Day New


Pangasinan Sakay Too Abong Aso Niyog Agew Balo
Ilokano Matsa Tao Balay Aso Niog Aldaw baro
2. IDYOLEK
- nakabatay sa partikular na paggamit ng isang tao ng kanyang wika na may kaugnayan sa
personal na kakanyahan ng tagapagsalita.
- ito ay inihahantulad sa fingerprints ng isang tao na tanging kanya lamang.

3. SOSYOLEK
- batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan–
mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o
factor
- grupo ng ibat-ibang uri o klasificasyon ng mga mamamayan batay sa lipunan.
*Wika ng mga dukha
*Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan
- mapatunayan ng mga sosyolingguwista na malaki ang nagagawa ng katayuang panlipunan
(social status)
- ayon kay Rubrico (2009)- ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng
isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.

Katangian ng Sosyolek
 Churchill - sosyal
 Indiana Jones- nang-indyan/hindi sumipot
 Givenchy - pahingi

Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika ng mga coño na tinatawag ding coñotic / conyospeak
isang baryant ng Taglish.
Taglish- ay may salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching na
nangyayari.

 Jejemon - isang barayti ng sosyolek para sa mga kabataang jologs.


 Jargon- ito ay eklusibong salita o leksikon ng iba’t ibang pangkat ng mga propesyonal.

4. ETNOLEK
- ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo.
- ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
5. REGISTER /REHISTRO - anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-
uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o
factor.

6. PIDGIN
- nabubuo dahil sa paghahalo-halo ng higit sa 2 wika.
- ito ang varayti ng wikang ginagamit ng mga taong may magkakaibang pinagmulang wika.

7. CREOLE
- varayti ng wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
- nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang
kanilang unang wika.

Homogenous
- ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti ng wika. Sinasabing walang buhay na wika
ang ganito sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahat
ng gumagamit ng isang wika.
Heterogenous
- katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring maging puro sapagkat ang bawat wika
ay binubuo ng iba’t ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa
pagkakaiba-iba ng mga ito.

TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA

1. INTERAKSYUNAL - nakakapagpanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal .


Pasalita - Pormulasyong Panlipunan, Pangungumusta Pagpapalitan Ng Biro
Pasulat - Liham Pangkaibigan

2. INSTRUMENTAL - tumutugon sa pangangailangan.


Pasalita - Pag-uutos, Pakikiusap
Pasulat - Liham Pangangalakal

3. REGULATORI - kumokontrol gumagabay sa kilos at asal ng iba


Pasalita - Pagbibigay Ng Panuto, Direksyon, Paalala
Pasulat - Recipe

4. PERSONAL - nakakapagpahayag ng sariling damdamin o opinyon


Pasalita - Pormal O Di-Pormal Na Talakayan
Pasulat - Editoryal, Liham Patnugot, Talaarawan/Dyornal

5. IMAHINATIBO - nakakapagpahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan


Pasalita - Pagsasalaysay, Paglalarawan
Pasulat - Akdang Pampanitikan

6. HEURISTIKO - naghahanap ng mga impormasyon o datos


Pasalita - Pagtatanong, Pananaliksik, Pakikipanayam O Interbyu
Pasulat - Sarbey

7. IMPORMATIBO - nagbibigay ng impormasyon o mga datos


Pasalita - Pag-Uulat, Pagtuturo
Pasulat - Pamanahong Papel, Tesis

You might also like