komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang simbolo Sapiro
■ Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog Archibald A. Hill
■ Ang wika ang pangunahing anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Henry Gleason
Ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Kahalagahan ng Wika 1. Nagbubuklod at kumakatawan sa isang lahi o bansa 2. Nagsisilbing instrumento ng komunikasyon 3. Nagpapalaganap ng kaalaman at iba’t ibang impormasyon sa bawat panahon 4. Nagkakaroon ng magandang ugnayan ang bawat isa 5. Naglilinang ng malikhain at mapanuring pag-iisip TEORYA NG WIKA 1. Teoryang Pooh – Pooh - ito ay ang hindi sinasadyang pagbulalas ng masidhing damdamin ng tao tulad ng saya, galit, gulat, pagkamangha, sakit, sarap at iba pa na binigyan ng kahulugan. 2. Teoryang Yum – Yum - Nagsasaad na taglay ng tao ang mekanismo upang makagawa ng mga tunog na ginagamit sa wika. Tumutugon ang tao sa pamamagitan ng pagkumpas ng alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon. 3. Teoryang Dingdong – Ito ay tunog na likha ng mga bagay-bagay sa paligid at ginawang batayan sa paglikha ng tunog at paglikha ng mga salita. 4. Teoryang Bow-wow – Ito ay nagmula sa mga tunog na likha ng mga hayop at kalikasan na binigyang kahulugan. 5. Teoryang Yo-he-ho – sinasabing ang tao ay natutong magsalita bunga ng kanyang pwersang pisikal. Tayo’y nakakalikha ng tunog kapag pwersahang ginagawa ang isang bagay o nagdadagdag sa anumang lakas sa isang partikular na gawain. 6. Teoryang Tata – ito ay batay sa paniniwalang ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa iba’t ibang okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng mga tao upang lumikha ng mga tunog. 7. Teoryang Tararaboom-de-ay – ito ay mga nilikhang tunog mula sa mga ritwal ng mga sinaunang tao tulad ng mga pangingisda, pagtatanim, panggagamot, pag-aani, pagpapakasal atbp. Tungkulin ng Wika Tungkulin Kahulugan Halimbawa Halimbawa (Pasalita) (Pasulat) Interaksyunal Nakapagpapanatili Pormularyong Liham at nagpapatatag ng panlipunan, pangkaibigan relasyong sosyal kamustahan, palitan ng biro
Instrumental Tumutugon sa mga Pakikiusap, Liham
pangangailangan pag-uutos pangangalakal Tungkulin ng Wika Tungkulin Kahulugan Halimbawa Halimbawa (Pasalita) (Pasulat) Regulatori Kumokontrol at Pagbibigay panuto gumagabay sa kilos direksyon, / asal ng iba paalala o babala
Personal Nakapagpapahayag Pormal at di- Liham
ng sariling pormal na patnugot damdamin at talakayan opinyon Tungkulin ng Wika Imahinatibo Nakapagpapahayag Pagsasalaysay, Akdang ng imahinasyon sa paglalarawan, pampanitika malikhaing paraan Masining na n pagpapahayag Heuristik Naghahanap ng Pagtatanong, Sarbey, mga datos / pakikipanayam pananaliksik impormasyon Impormatib Nagbibigay ng mga Pag-uulat, Ulat, datos / pagtuturo pamanahong impormasyon papel Unibersal na Katangian ng Wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas - Ang wika ay may 2 masistemang balangkas A. Balangkas ng mga tunog – ponema ang tawag sa makabuluhang tunog ng isang wika samantalang ponolohiya naman ang tawag sa maka-agham na pag-aaral ng mga ito. B. Balangkas ng mga kahulugan – kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari tayong makabuo ng mga pangungusap (sintaksis), at kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang 2 o higit pang tao ito ay tinatawag na diskurso. 2. Ang wika ay sinasalitang tunog – hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos – sa lahat ng pagkakataon ay pinipili natin ang wikang ating gagamitin. 4. Ang wika ay arbitraryo – ito ay nangangahulugan na ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal, at gramatikal na istruktura na ikinaiba niya sa ibang wika. 5. Ang wika ay ginagamit – ito ay kasangkapan sa komunikasyon. Ito ay behikulo ng talastasan o komunikasyon ng 2 o higit pang taong nag-uusap. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura – Paano nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig? - May mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. 7. Ang wika ay nagbabago
8. Ang wika ay pantao
9. Ang wika ay buhay at dinamiko
Antas ng Wika Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Mahahati ang antas ng wika kategoryang Pormal at Impormal. Sa bawat kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika. A. Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
1. Pambansa – ito ang mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga aklat pangwika at pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. 2. Pampanitikan o panretorika – ito naman ang salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. B. Impormal – ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag- usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
1. Lalawiganin – ito ang mga bokabularyong dayalektal.
Ginagamit ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. 2. Kolokyal – ito ay mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Nasa antas din na ito ang pagpapaikli sa mga 3. Balbal – ito ang tawag sa ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Varayti ng Wika 1. Dayalekto – ang varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Halimbawa: Tagalog Maynila: Aba, ang ganda! Batangas: Aba, ang ganda eh! Bataan: Ka ganda ah! 2. Sosyolek – ito naman ang tawag sa varayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Halimbawa: Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! Kosa, pupuga tayo mamaya Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag- malling muna tayo ngayon. 3. Idyolek – ito kakaibang paggamit ng isang indibidwal sa wika. May kakaibang estilo o pamamaraang personal, kasama rito ang kalidad ng boses, pisikal na katangian at estilo ng pagsasalita. Halimbawa: Boses nina Mike Enriquez, Marc Logan, Noli de Castro, Kris Aquino atbp.