You are on page 1of 27

WIKA

Kahulugan,Kahalagaaan,Antas ,Barayti,Katangian at
Tungkulin
• Iba’t-ibang Kahulugan ng ilan sa tagapagtaguyod ng
wika

 Ayon kay Archibald A. Hill ,ang wika ay ang pangunahin at


pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.Ang
mga simbolikong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng
aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na
lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istraktura .Ang
mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at
kontrolado ng lipunan.
 Sa natatanging pagpapakahulugan ni Gleason
(1961) , Ang wika ay isang masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
 Ang Wika ay masasabing sistematiko ,set ng
simbolong arbitraryo,pasalita nagaganap sa isang
kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.(Brown
1980)
Kahalagaan
 Kahalagaan sa Sarili:
 Daluyan ito ng iniisip ng indibidwal at ng nais niyang
ipabatid sa kausap.Nagagawa rin ng tao na mapaunlad
ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng
mga kaalaman sa kanyang paligid tungo sa pampersonal
na kaligayahan.
 Kahalagaan sa Kapwa:
 Napapatatag ang relasyong-sosyal sa pamamagitan ng
pakikihalubilo sa ating kapwa gamit ang wika.Ayon nga
sa isang awitin walang sinuman ang nabubuhay para sa
sarili lamang.
 Kahalagaan sa Lipunan:
 Sa pamamagitan ng wika ay maaaring
maimpluwensiyahan,mabago ang pagiisip o kilos ng
mga tao.Nagiging mahalaga rin ang isang lipunan ang
wika sa pamamagitan ng mga kolektibong karanasan
ng mga tao na siyang dahilan ng pagkakaroon nila ng
isang tiyak na lipunan na tunay na pekulyar at natatangi
kaysa sa iba.
ANTAS NG WIKA

 Balbal:
 Slang sa ingles,salitang lansangan na hindi lamang sa
pagsasalita ginagamit kung hindi pati sa
pagsulat.Pinakamababang antas ng wika mga salitang
nabuo o nalikha sa impormal na paraan.Itoay mga
salitang gawa-gawa ng kabataan o grupo ng mga bakla
na nagsisilbing koda nila sa pakikipag-usap .Karaniwang
nabuo sa mga pinagsama-samang mga salitang
maaaring mahaba o maikli lamang.
 HALIMBAWA:
Crayola – Umiyak Carmi Martin - Karma Baboo - paalam

Thunder cats- matanda Kyota - Bata Jowa - Asawa

Jonta - Punta Jubis - Obese parak – pulis

Istokwa – naglayas Tiboli – Tomboy Lowbat -lupaypay


 Lalawiganin
 Wikang ginagamit sa bawat lalawigan.Antas ng wika na madali
nating dahil sa punto at bigkas ay panglalawigan.Kung minsan ,hindi
lamang ang bigkas ang nagiging kapansin-pansin ,Kundi pati himig
na pagsasalita.Ito ang pamantayang pangalawa sa pinakamababa at
hindi tinatanggap sa masining na pagsasalita.

HAL: SUS GINUO INDAY MANONG DAKU


NAKAKAIN KA BA NG ISDA.

(Tagalog-aalis ; Ilokano-Pumanaw) (Tagalog- kaibigan;Bikolano-Amiga)

(Tagalog - Sinulid ; Cebuano-Hilo) (Tagalog-kain;Zamboangeno-kome)


 Kolokyal
 Pang araw araw na gamit ng salitang hinalaw sa pormal
na mga salita.Mga salitang pinaikli mula sa orihinal at
hindi pormal.
 HALIMBAWA:
LIKA(HALIKA) NARON(NAROON) MERON(MAYROON) ANTAY(HINTAY)
DON(DOON) IKA(WINIKA)

 PAMBANSA
 Wikang nauunawaan sa buong bansa .Ito ang
pinakagamitin na antas na wika.Ito yaong nasasaad sa
mga aklat at babasahing pampa-aralan at sa kasalukuyan
ay itinuturo sa iba’t ibang paaralan at nagsisipag-aral.
 PAMPANITIKAN
 Ito ang pinakamataas at pinakamayamang uri na antas ng
wika.Ginagamit ang salita sa ibang kahulugan at
mayaman ito sa idyoma at tayutay.
 HALIMBAWA:
 Mabulaklak ang dila (bolero) , kaututang dila (kadaldalan) , balat
sibuyas(sensitibo)
 Ahas na tulog , Alog na ang baba, Bagong-ahon, Hasang hasa, Bulanggugo

 Barayti ng Wika
 Idyolek- Barayti ng wikang kaugnay sa personal na kakayahan ng
tagapagsalita.Ito ang indibidwal na gamit ng wika taglay ang pansariling
katangian. Ang barayti ng wikang ginagamit na partikular na bokabularyo
nang napakadalas
 HALIMBAWA:
SO, OK, ACTUALLY, GRABE ! TANGNA,HE,HE,HE ; ANO,ANO at iba pa
 Dayalek
 Barayti batay sa lugar ,panahon at katayuan sa buhay.Ito ay wikang
relihiyonal at kadalasang sinasalita sa mga lalawigan.
HALIMBAWA:
TAGALOG - CAVITE, TAGALOG – BATANGAS, TAGALOG – BULACAN ,
TAGALOG – MAYNILA

 Sosyolek
 Pansamantalang barayti ng wika na nadedebelop sa pamamagitan
ng sosyalisasyon at nanatili lamang sa tiyak na panahon .Makauri ito
o makapangkat na gumagamit ng wika.
HALIMBAWA:
WIKANG CYBERNATICS (WIKA SA TEKNOLOHIYA), JEJEMON,GAY LINGGO
 Etnolek
 Mga wikang nadedebelop mula sa mga
etnolinggwistikong grupo.
HALIMBAWA:
Wika ng mga badjao, Wuka ng mga mangyan, Wika ng T’Boli atbp.
 Ekolek
 Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng
bahay.Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit,
nauunawaan ng mga gumagamit nito.
 HALIMBAWA:
Mamita , Lolagets, Papsy, Atetska
 Pidgin
 Ito ang mga wikang walang pormal na estruktura at nabubuo lamang
dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita.
 HALIMBAWA:
Mga salitang ginagamit ng mga intsik sa Binondo: Suki, Mura Tinda,
Dito bili.

 Creole
 Produkto ito ng Pidgin kung saan nagkakaroon ng pormal na
estruktura ang wika.

 HALIMBAWA:

Chavacano ( Zamboanga at Cavite )


 Rehistro
 Mga espesyalisadong wika na ginagamit sa isang
partikular na larangan.
 HALIMBAWA:
1. Ang salitang cut ay madalas ginagamit ng mga
direktor upang ihinto ang isang eksena.
2. Ang eksibit ay isang karaniwang salita sa loob ng
korte na kasingkahulugan ng ebidensya
Mga Katangian Ng Wika
 Ang wika ay tunog. Hindi lahat ng tunog ay
wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan . Bawat wika ay may kanya-kanyang
set ng makabuluhang tunog o ponema.
Makahulugan ang isang tunog sa isang wika
kung ito’y nagtataglay ng kahulugan o may
kakayahang makapagpabago ng kahulugan sa
isang morpema o salita.
 Arbitraryo ang wika.
 Ang isang taong walang ugnayan sa komunidad ay hindi
matututong magsalita kung papaanong ang mga
naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat
ang esensya ng wika ay panlipunan.
 Ang wika ay masistema.
 Alin man wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa
balangkas nito . Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog
(ponema) na kapag pinagsama ay makakabuo ng maliliit na
yunit ng salita (morpema), na kapag pinagsama ay
makabuo ng pangungusap (sintaks), na kapag nagkaaroon
ng makahulugan palitan sa pagitan ng dalawa o mahigit
pang tao ay bubuo ng diskors.
 Sinasalita ang wika
 Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at
kailangang patuloy itong ginagamit. Kapag ang wika
ay hindi ginagamit, ito’y unti-unting mawawala at
tuluyang mamatay.
 Ang wika ay Nagbabago
 Dinamiko ang wiko. Dahil sa patuloy na pag unlad ng
wika patuloy din itong nagbabago .Bahagi ng
pagbabagong ito ang pagkawala sa sirkulasyon ng
ibang salita na itinuturing na luma o hindi gamitin at
paglikha ng mga bagong salita.
 Pinipili at isinasaayos ang wika.
 Pinipili nating ang wikang ating gagamitin upang tayo
ay maunawaan ng ating kausap . Upang maging
epektibo naman ang komunikasyon, kailangang isaayos
ang paggamit ng wika.

 Ang wika ay nakabatay sa kultura


 May kaisipan na isang wika ang walang katumbas sa
ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang
kaisipang iyon ng isang wika.
Tungkulin/Gamit ng Wika
 Interaksyonal
 Nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyong
sosyal
 HALIMBAWA:
Pasalita - Pormulasyong panlipunan, pangungumusta at
pagpapalitan ng biro
Pasulat – Liham Pangkaibigan
 Imahinatibo
 Nagagawa ng wika na mapalawak ang imahinasyon ng tao o
nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan sa
pamamagitan ng wika.
 HALIMBAWA:
Pasalita – Pagsasalaysay, Paglalarawan
Pasulat – Akdang Pampanitikan
 Personal
 Nagagamit ang wika sa pagpapahayag sa sariling damdamin o
opinyon.Kadalasan itong isinasagawa tuwing natutuwa , nagagalit
gayundin sa paghingi ng paumanhin.
 HALIMBAWA:
Pasalita – Pormal o Di Pormal na talakayan
Pasulat – Editoryal, Liham sa Patnugot
 Representasyonal O Impormatibo
 Gamit ang wika upang makapagbigay ng impormasyon
o sa mga datos , makapagbahagi ng mga pangyayari,
makapagpahayag ng detalye, gayundin ang
makapagdala ng mensahe.
 HALIMBAWA:
Pasalita – Pag-uulat, pagbibigay paliwanag, pagtuturo
Pasulat – Pamanahong Papel
 Instrumental
 Nagiging instrumento ang wika sa pagtugon sa
mga pangangailangan.
 HALIMBAWA:
1. Pasalita – Pakikitungo, paglalahad ng
mungkahi, panghihikayat, pag-uutos, at
pagpapangalan
2. Pasulat – Linam Pangangalakal
 Regulatori
 Nagagaw ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa
kapaligiran o masasabing kumokontrol / gumagabay sa kilos o
asal ng iba.
 HALIMBAWA:
1. Pasalita – Pagbibigay ng panuto/ direksyon, paalala
2. Pasulat – Recipe, Sign board
 Heuristik
 Tumutulong ang wika upang makapagtamo ang tao ng iba’t-
ibang kaalaman sa mundo o nakatutulong sa paghahanap ng
mga impormasyon o datos
 HALIMBAWA:
1. Pasalita – Pagtatanong, pananaliksik, pakikipanayam
2. Pasulat – Sarbey, Sulating pananaliksik
AKTIBITI 1
Panuto: Gawin ang mga sumusunod ayon sa hinihingi sa bawat
bilang (Komprehensibo itong sagutan at gawing patalata ang inyong
mga kasagutan)
1. Sa tatlong kahulugan ng wika na inilahad nina Hill,
Gleason, at Brown, pumili ka ng isa at gawin itong
makatotohanan sa pamamagitan ng mga aktuwal na
halimbawa na iyong ginagawa sa inyong
pakikipagkomunikasyon kaninuman.

2. Batay naman sa iyong mga karanasan mula pagkabata


hanggang sa kasalukuyan , maglahad ka ng mga aktuwal
na halimbawa ng tatlong (3) kahalagaan ng wika ng wika
sa inyong buhay.
 HALIMBAWA:
 KAHALAGAHAN SA AKING SARILI: Minsan noong ako’y may
galit sa aking pinsan na hindi mabuting ginagawa nya, siya
ay aking kinompronta at ibinulalas kong lahat ang aking
galit sa kanya. Dahil sa pagbulalas kong ito ay lumuwag
ang aking pakiramdam at isipan,dahil sa kung hindi ko ito
naibulalas o mailabas ay maaring isipin at isipin ko palagi
ito na posibleng maging sanhi ng pagkakaroon ko ng
karamdaman.Gayon din kapag mayroon akong hindi alam
sa mga bagay-bagay , hindi ako nangingiming magtanong
at dahil dito, may natutunan ako na magagamit ko sa
pagunlad ng aking buhay.

 KAHALAGAHAN SA KAPWA:

 KAHALAGAAN SA LIPUNAN:

You might also like