You are on page 1of 4

POINTERS IN KOMFIL

MGA KATANGIAN NG WIKA


 Tunog
 Arbitraryo
 Masistema
 Kabuhol ng kultura
 Nagbabago
 Malikhain
 Makapangyarihan
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura.

-Henry Gleason
Sanaysay
WIKA
Pag-ukit ang unang tangkang pagsulat ng ating mga ninuno hanggang sa
nagkaroon tayo ng unang sistema ng pagsulat na kung tawagin ay Alibata na naglao’y
tinawag ng Baybayin. Sanskrito naman ang katawagan sa sistema ng pagsulat sa
Maguindanao. Maraming pinagdaanan ang ating wika bago tayo nagkaroon ng iisang
wikang pambansang pinakasentro ng komunikasyon dito sa bansa.
Mayroon tayong itinuturing na 9 na pangunahing wika. Iba’t iba ang
pamamaraan kung paano bigkasin ang mga ito. Naging malinaw ang baryasyon ng mga
pangunahing wika dahil sa mga elemento ng wika. Ponolohiya ang pag-aaral ng
makabuluhang yunit ng tunog, mula rito’y makikita natin ang kaibahan sa paglalpat ng
tunog, intonasyon at bigat ng pagbigkas sa iba’t ibang dayalekto. Ponetika naman ang
syang tumatalakay kung paano magsalita ang tao, lulan nito mas madaling naintindihan
kung papaano binibigkas sa magkakaibang paraan ang mga pangunahing wika sa
bawat rehiyon.
Ayon kay M.A.K Halliday nagaganyak ang tao na matutuhan ang wika sa
dahilang may tungkulin o gampanin ito sa kanilang buhay. Samakatuwid kailangang
gamitin ang wika dahil kailangan. Malaki ang nagagawa ng wika sa buhay ng tao.
Nakatutulong ito sa napakaraming aspeto ng buhay, kinakailangan lamang na maging
responsable sa paggamit ng mga ito.
Si Lope K. Santos na “Ama ng Balarilang Tagalog” ay may malaki ring papel na
ginampaman sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng wika sa paraang gumawa siya ng
alpabeto na isa sa naging batayan sa paghubog ng pinagyaman nating wika at
alpabeto.

MGA TERMINOLOHIYA
Pondohan- tindahan na mayroong upuan na pwedeng pagtambayan
Kwentong Barbero- mga kwentong hindi totoo na nagaganap s aloob ng pagupitan
Balitang Kutsero- pagsasabi ng impormasyon na walang matibay na ebidensya,
nagaganap sa kalesa
Tsismisan- pagbabahagihan ng mga impomasyong ang katotohanan ay di tiyak,
kalimitang isinasagawa ng mga kababaihan
Tagayan- pag-uumpukan ng mga kalalakihan, karaniwang nagkukwentuhan ng may
kasamang pag-inom ng alak at pagkain ng pulutan
Groupchat- modernong paraan ng pakikipag-usap na kinabibilangan ng tatlo o higit
pang kalahok sa pamamagitan ng internet

PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA


A. Ayon kay M.A.K Halliday

 Instrumental- ginagamit upang ipahayag ang pangangailangan


Hal. Gusto ko ng maiinom

 Regulatori- ginagamit ang wika upang sabihin sa iba kung ano ang
marapat gawin
Hal. Umalis ka sa harap ko!

 Interaksyunal- ginagamit ang wika upang sabihin sa iba kung ano ang
bumubuo ng pagkakaugnayan
Hal. Mahal kita Daddy, Kamusta kana?

 Personal- ginagamit upang ipahayag ang nararamdaman, opinion at ang


indibiwal na pagkakakilanlan
Hal. Mabait akong kaibigan
Ayaw ko n’yan
 Heuristic- ginagamit upang makapagtamo ng karunungan sa kapaligiran
Hal. Paano ba ito gamitin?

 Imahinatibo- ginagamit ang wika upang lumikha ng kwento at


magpatawa
Hal. Nagsulat si Bob Ong ng kwentong patama sa mga batang pasaway

 Representasyunal- gamit ng wika sa pagbibigay ng impormasyon


Hal. Doon makikita ang pook pasyalan

B. Ayon kay Roman Jakobson

 Kognitibo- pagpaparating ng mensahe at impormasyon

 Conative- paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga


pag-uutos at pakiusap

 Emotive- pandamdamin, pagpapahayag ng saloobin, damdamin at


emosyon

 Phatic- pakikipagkapwa-tao

 Metalinggwal- paglilinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin


(intensyon) ng mga salita at kahulugan

 Poetic- patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan

PAGKAKAUGNAY NG WIKA AT LIPUNAN


MGA TERMINOLOHIYA
Heograpikong Dayalekto- barayti ng wika na sinasalita sa mas maliit na grupo
Sosyolek- baryasyon ng wikang ginagamit ng mga speech communities ayon sa uri,
edukasyon, trabaho, edad at iba pa
Register- barayting may kaugnayan ng higit na malawak na panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Idyolek- ito ang dayalekto na personal sa bawat ispiker
Istandard na wika- pamantayan ng istatus ng nagsasalita sa komunidad
Speech Community- ayon kay Dell Hymes, ito ay ang pangkat ng mga taong hindi
lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan, kundi nababatid din nila ang
mga patakaran at pamantayan kung paano gamitin ang wika.
Etnolek- barayti ng wika na ginagamit ng mga pangkat etniko
Pag-alalay sa sarili- pakikipag-usap sa sarili

ANTAS NG WIKA
Pormal-antas ng wika na gnagamitan ng mga basehan o batayan ang mga pahayag
Impormal- mga salitang palasak o karaniwang ginagamit sa pangaraw-araw na
pakikipag-usap
1. Pagbabago sa mga salitang katutubo- hal. Uragon-Bikol Matapang-Tagalog
2. Panghihiram ng wikang banyaga- Indian-English, sa Filipino Indian- di dumating
sa usapan
3. Pagbibigay ng bagong kahulugan sa wikang Tagalog- kamote- walang alam
4. Pagpapaikli- Kumpare-pare
5. Paggamit ng Akronim- Pda- Public display of affection
6. Pagpapalit ng Pantig- Buntis-jontis
7. Paghahalo ng wika- di ko carry
8. Paggamit ng bilang- 70- kalbo
9. Pagdaragdag- Dead- dead ma

PAALALA: May ilang batas, taon o kautusang bilang kayo na makikita sa pagsusulit.
Ito ay nasa parte ng Tama o Mali, maging pamilyar lang ulit sa mga dating pinag-aralan
ukol sa mga ito upang muling manariwa sa inyong kaisipan ang mga bagay na ito.

GANITO KASI YAN aralin nyo lang ito at papasa kayo GANUN YUN!
-G. Julius Bragais

You might also like