You are on page 1of 1

1. 4.

Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili
ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/ walang
kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel)
ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.  Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang
gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga
teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon),
mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at panrehiyon, atbp.  Dapat matutuhan
ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang
mahusay sa iba.
2. 7.  Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good
manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa
kinagawian (presented way).  Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging
malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon.
Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.  Halimbawa:
pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap,
atbp.
3. 8.  5.Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat
isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa
nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o
magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang
sasabihin.  Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng
damdamin maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa
pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa
sarili o pagbubulas ng damdamin.  Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura,
pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin
4. 9.  Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo.
Sa gamit na ito, nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang
wika, ang isipan, ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad.
5. 10.  6. Heuristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-
unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga
ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na
pagsubok sa hypothesis, atbp.  Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang
disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng
daigdig na pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para
ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang
isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito. Kaya
isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo ng metalanguage – isang wikang
ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig,
kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp.

You might also like