You are on page 1of 21

Komunikasyon at

Pananaliksik
sa Wika at Kulturang
Pilipino
(Modyul 5)
PANALANGIN
KAMUSTA KA?
MODYUL 5
(Komunikatibong Gamit ng Wika
sa Lipunan)
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs):
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (F11PT-Ic-
86); at

2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa


lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula. (F11PD-Id-87)
Alam mo bang…
Wika ang midyum na ginagamit natin sa
komunikasyon?

Wika ang instrumento sa paghahatid ng mensahe


at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap.
ARALIN 5
GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN
A. Conative
➢ Ito ang gamit ng wika sa paghimok at pag-
impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-
utos at pakiusap.
➢ Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng utos, o
babala sa kausap o grupo ng mga tao.
➢ Sa pamamagitan ng conative na gamit ng
wika ay gusto nating humimok o
manghikayat, may gusto tayong mangyari o
gusto nating pakilusin ang isang tao.
A. Conative
Halimbawa:
“Huwag kang papatay”.

“Bawal tumawid. May namatay na rito”.

“Ano pang hahanapin mo? Dito ka na! Bili na!”

“Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko


sa inyong balota!”
B. Informative
➢ Ito ang gamit ng wika sa mga
sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa
tao. Nagbibigay tayo ng mga datos at
kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig natin.
Halimbawa:
Narrative Report, Balita, Ulat –Panahon, Kaalaman, Sarbey, Interbyu

Bigyang pansin ang usapan ng guro at kaniyang mga mag-


aaral.

Guro: Alam ba ninyo ang mga propesyon ni Dr. Jose


Rizal? Magbigay ng mga halimbawa.
Pedro: Doktor po!
Jose: Manunulat po!

Batay sa halimbawang sitwasyon na iyong binasa, nagbigay ng mga


datos at kaalaman ang mga mag-aaral sa tanong ng guro.
C. Labeling
➢ Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng
bagong tawag o pangalan sa isang tao, lugar o
bagay.
➢ Madalas, nagbibigay tayo ng bagong pangalan,
tawag, o bansag sa mga tao, lugar o bagay batay sa
pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila.
➢ Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha
natin. Ang kanilang ugali, pisikal na anyo, trabaho,
hilig, gawi, at iba pa.
C. Labeling
Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumamit ng
bansag o label sa kanilang mga tauhan. Marahil ay naaalala
mo pa si “Impeng Negro” (Rogelio R. Sikat), si “Pilosopo
Tasyo” (Jose Rizal), si “Sisang Baliw” (Jose Rizal), at marami
pang iba.
Halimbawa:
Ina ng Demokrasya Unkabogable Star Kapuso
Surfing Capital of the North bagong bayani
fashionista
D. Phatic
➢ Nagtatanong o nagbubukas ng usapan
ang isang pahayag. Karaniwang maikli ang
usapang phatic.
➢ Tinatawag itong Social Talk o Small Talk.
Ginagamit natin ang ito bilang panimula ng
usapan.
➢ Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang
ng pagbubukas ng usapan ang phatic.
Halimbawa:
“Magandang umaga”.
“Magaling na ba siya?”
“Kumusta ka na?”
“May problema ka ba?”
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
E. Emotive
➢ Ito ang gamit ng wika na nagpapahayag
ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot,
awa, tuwa, takot, at iba pa sa pang-araw-
araw nating pakikipag-ugnayan.
➢ Ito rin ay nagpapahayag ng damdamin o
pagpapalutang ng karakter ng nagsasalita.
➢ May mga pagkakataong naibabahagi
natin ang ating nararamdaman o emosyon sa
ating kausap.
Halimbawa:
“Nakatutuwang isipin na sa panahon ng
pandemya ay lalong nagbabayanihan ang
mga tao”.

“Kinakabahan ako. Ako na ang susunod na


magtatanghal”.

“Natatakot ako na baka lumala pa ang


madapuhan ng COVID sa ating bansa”.
F. Expressive
➢ Ang expressive na gamit ng wika naman
ay nagpapakita ng sariling saloobin o
kabatiran, idea, at opinyon.

➢ Nakatutulong ito sa atin upang mas


makilala at maunawaan tayo ng ibang tao.
Gayondin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang
relasyon sa ating kapuwa.
Halimbawa:

“Ayaw ko sa foreign artist”.

“Para sa akin, magagaling ang grupo ng


BTS”

“Sa tingin ko matatalino na ang mga


botante ngayon”.
Binabati kita sa matiyaga mong
pagsama sa pagtalakay sa mga
aralin. Alam kong nakapapagod
maglakbay ngunit sulit naman
dahil matagumpay mong
natutuhan ang mga dapat mong
malaman sa gamit ng wika sa
lipunan.
Binabati kita sa matiyaga mong
pagsama sa pagtalakay sa mga aralin.
Alam kong nakapapagod maglakbay
ngunit sulit naman dahil matagumpay
mong natutuhan ang mga dapat mong
malaman sa gamit ng wika sa lipunan.

You might also like