You are on page 1of 17

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City

KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG FILIPINO
Taong Pampanuruan 2020-2021

Asignatura: SINING SA PAKIKIPAGTALASTASAN

MODYUL 1- Panggitnang Markahan

A. Paksa ng Modyul: Kasaysayan ng Wikang Pambansa

B. Mga Pangangailangang Teknikal: internet, speakers/ headset,

Fb messenger, Google Classroom, Google meet, Zoom meeting at at iba pa

C. Nilalaman ng Modyul:

1. Ang Wika

2. Kasaysayan ng Wika

3.Pinagmulan ng Wika

4. Iba’t ibang Teorya at Paniniwala Tungkol sa Wika

5. Klasipikasyon ng mag Angkan ng Wika ayon kay Gleason

6. Mga Katangian ng Wika

7. Kasaysayan ng Wikang Pambansa

8. Mga Batas Pangwika

9. Iba pang mga Batas Pangwika

10. Mga bagong Kaganapan Tungkol sa Wika

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


I. Panimula:
May dalawang araling pinagtutuunan ang modyul na ito. Una, ay ang
tungkol sa simula at kasaysayan ng wika sa daigdig, kahulugan at katangian
nito. Ang pangalawang aralin ay ang kasaysayan ng pagkakaroon ng Wikang
Pambansa ng Pilipinasmahalagng maunawan ng bawat mag-aaral ang lahat ng
tala at impormasyon tungkol sa wika at Wikang Pambansa, hindi lamang
upang mapag-ibayo ang kaalaman kundi mapayabong din ang damdamin ng
pagmamalaki sa pagkakakilanlan natin bilang Pilipino.

II. Mga Layunin:


Pagkatapos ng araling ito, dapat na magawa mo ang mga sumusunod:

1. Maisalaysay ang simu-simula ng wika sa daigdig.

2. Matukoy ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa at mga hakbang na


nagtatguyod sa pagkakaroon ng isang Wikang Pambansa ang Pilipinas.

3. Maipaliwanag ang kahulugan ng katangian ng wika.

4. Maisa-isa ang mga batas pangwika at mga probisyon nito n may kaugnayan
sa wika.

5. Pangalanan ang iba’t ibnag tao na nakapg-ambag sa kilusan para sa


pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng Pilpinas

6. Maipaliwanag ang pagsisikap ng pamahalaan at nakararaming Pilipino na


magkaroon ng Wikang Pambansa.

7. Makilala ang maipagmalaki na ang Wikang Pambansa ay tatak ng ating


magiting at malayang lahi.

III. Panimulang Gawain

a. Panimulang Ebalwasyon
Marahil ay mayroon na kayong konsepto kung paanong natutong
magsalita ang ato at ang kahalagahan ng wika sa mga tao at sa bansa.

Bashin ang mag sumusunod na pangungusap. Kapag sang-ayon ka sa


sinasabi nito ay ay lagyan ng tsek (/) ang bilang at kung hindi ka sang-ayon
ay bilugan mo ang bilang.
1. Maraming wika ang ginagamit sa daigdig

2. Pagsilang ng tao, nagsasalita na siya.

3. Tagalog ang ating Pambansang wika.

4. Hindi magandang katangiana ng isang bansa ang kawalan nito ng sariling


wika.

5. Maraming paniniwal tungkol sa simu-simula ng wika.

6. Hindi mapauunlad ang isang wika na minana pa sa mga ninuno.

7. Likas na nakapagsasalita ang tao.

8. Si Manuel Roxas ang Ama ng Wikang Pambansa.

9. Ang wika ay pagkakakilanlan ng isang bansa.

10. May relasyon ang wika natin sa wika ng ibang bansa sa Asya.

IV. Aralin:
Wika

isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na


lugar.

isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga


kadugtong na batas para

maiulat ang nais sabihin ng kaisipan.

pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat

Mga Uri ng Wika:

1. Balbal – Ang pinakamababang antas at bumubuo nito ng mga salitang kanto.

2. Lingua franca o Panlalawigan – tumutukoy sa salitang ginagamit ng partukular na


lalawigan

3. Pambansa – Ito ay ginagamit ng buong bansa

4. Pampanitikan – Ginagamit ito sa panitikan katulad ng tayutay, idioma, at iba pa.


Mga Katangian ng Wika:

Ang wika ay masistemang balangkas

Ang wika ay sinasalitang tunog

Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog

Ang wika ay komunikasyon

Ang wika ay pantao

Ang wika ay kaugnay ng kultura

Ang wika ay ginagamit

Ang wika ay natatangi

Ang wika ay dinamiko

Ang wika ay malikhain

Mga Tungkulin ng Wika:

Instrumental - ang wika ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang


kanyang mga kinakailangan katulad lamang ng materyal o serbisyo.

 Pagtukoy sa nais bilhin na selpon sa isang mall


 Pag-order ng pagkain sa isang restawran

Interaksiyonal - Sa isang komunidad, may iba’t-ibang tao tayo na makikila o


makakahalubilo. Kaya

dapat matuto tayong makiisa o makipagkapwa sa kanila.

 Pagbati ng magandang umaga sa mga kapitbahay.


 Pagkwentuhan sa mga taong bagong mo lamang na kilala sa paaralan.

Personal - Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang


kinabibilangan.

 Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong.


 Pagiging bukas sa mga problema sa sarili.

Regulatori - Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala


ng ibang tao.

Ginagamit rin ito sa pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla


 Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki.
 Pag-sasalita sa isang debate.

Heuristic - Ito ang gamit ng wika na kadalasang makikita sa mga paaralan. Ito ang
instrumenting ginagamit upang maragdagan ang kaalaman ng isang tao.

 Pagtanong sa isang guro tungkol sa paksang hindi mo intindihan.


 Pagdalo sa isang seminar.

Imahinatibo - Dito, ang tungkulin ng wika ay ang pag likha ng mga kwneto, tula, at
iba pang mga mga malikhaing ideya.

 Pagsulat ng nobela.
 Paggawa ng bagong kanta.

Ibat- ibang Teorya at Paniniwala tungkol sa Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.


Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang
mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o
kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral
ng wika ay tinatawag na lingguwistika.

Hindi lang basta basta ang salitangsalitang wika dahil pahanggang ngayon ay ang
mga naturang iskolar ay hindi pa den nagkakasundo sa kung ano ba talaga ang
kahulugan ng wika ngunit sa papel na ito ay makikita at matututunan naten ang ibat
ibang pananaw ng mga tao sa “wika”

Teoryang Bow-Wow

Isa itong teorya na kung saan ang mga tao ay nakagagawa ng hindi inaasahang
paggamit ng mga tunog na nagmula sa mga bagay-bagay. Ayon sa teoryang ito,
ginagawa ng tao ang mga tunog na likha ng kalikasan. Ikinakabit nila ang mga tunog
na ito upang sabihin ang pinagmulan o tukuyin ang pinanggalingan.

Halimbawa:

1. Langitngit ng puno ng kawayan - kapag malakas ang hangin ang mga puno at
sanga nito ay lumilikha ng tunog na parang naiipit.

2. Hampas ng alon sa malaking bato - kapag sumasalpok ang malaking alon sa


malalaking bato sa

pampang.
3. Tahol ng aso- aw aw

4. Tunog ng tuko- tinwag na tuko ang malalaking butiki na ito dahil sa kanyang
tunog.

5. Ihip ng hangin- shhhhshhh

Teoryang Ding-dong

Ito ang pagbibigay-kahulugan sa mga mahahalagang simbolo na nagsasabi na ang


bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog o aksyon.

Halimbawa:

1. Hugis puso- nagsisimbolo ng pagibig

2. Imahe ng isang ekis- nagsisimbolo ng mali

3. Imahe ng tsek- nagsisimbolo ng tama

4. Tandang pananong- nagsisimbolo na mayroong tanong o may kailagan sagutin

5. Tuldok- nagsisimbolo na tapos na ang isang pangungusap

6. Tunog ng tren

7. Tunog ng kampana

8. School Bell

Teoryang Pooh-Pooh

Lengguwahe na tao ang lumilikha ng mga tunog at nagpakahulugan sa mga ito. Ito rin
ang pabulas na pagsasalita bunga ng masidhing damdamin, tulad ng
takot,sakit,tuwa, at sarap.

Halimbawa:

1. Ang pagtakbo ng mabilis ay makapagdudulot ng sobrang pagod at hingal; sa


pamamagitan ng malakas na hingal ay makabubuo ito ng salita na maaring
pinagmulan salita pagod.

2. Ang pagkulo ng tiyan sa sobrang gutom ay maaring makabigkas ng salita na


pumapatungkol sa pagkagutom.

3. Palakpak

4. Tsk-tsk
5. Pagngangalit ng ngipin

Teoryang Yum-yum

Ito ay ang mga salitang unti-unting nalikha ng tao at nagsasaad na ang tao ay
tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas o aksyon kasabay ng salita sa alinmang
bagay na nangagailangan nito o sa pagkakataon na kailangan ito.

Halimbawa:

1. Hoy

2. Pst

3. Yosi

4. Ermat

5. Erpat

6. Ang pagkumpas o pagkaway, pagwagayway ng kamay ng tao tuwing ito ay


magpapaalam.

7. Ang pag senyas ng pag sang ayon ng isng tao na ipinapakita sa pagbibigay nito ng
isang senyas o thumbs up.

8. Ang pagkumpas ng kamay sa pag ayaw sa mga bagay na nakalatag sa kanya.

Teorya ni Primmituchus (hari ng Ehipto)

Ayon sa hari na ito, ang mga tao daw ay natututo ng isang wika na walang
pinapakinggan na kahit ano sa kanyang paligid. Pinatunayan ito ng hari sa
pamamagitan ng pagkuha sa dalawaang sanggol na kung saan ay pinaalagaan ang
mga ito sa isang pook na walang naririnig na usapan ng kung sinuman.

Teoryang galing sa Bibliya

Sinasabing iisa lang ang wika noon at nasasaad din dito ang kaganapan kung saan
nagkaiba –iba ang

iisang wika ng mga tao nang dahil sa kapangyarihan ng Panginoon.

Teoryang Yo-He-Ho

Ang teoryang ito ay ang pagbuo ng salita bunga ng puwersang pisikal o mga bagay na
nag-ieksert ng effort. Isang magandang halimbawa ditto ay ang mga makikita naten sa
mga komiks.
Halimbawa:

1. Pagbuhat ng mabigat- o-o-p-s , ug-ug

2. Pagsuntok- hu-hu-hu, bug-bug

3. Pagkarate- ya-ya-ya

4. Pag-ire- hu-hu-e-e-e

5. Pagkahulog sa lapag- boogsh

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang
nililikha sa mga ritwal na ito na kalaunay nagpapabago- bago at nilapatan ng ibat-
ibang kahuluhan. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal at marami pang iba.

Halimbawa:

1. Ritwal habang nagsasayaw upang magkaanak

2. Pagdarasal para sa magandang ani.

3. Ginagamit kapag nanggagamot ang albularyo

Teoryang Ta-ta Pinapalagay sa teoryang ito, na ang pagsasalita ay buhat sa paggalaw


ng kamay ng isang indibidwal.

Batay sa paniniwala, ang naturang teorya ay may relasyon sa pagsasalita at


pagkumpas. Sapagkat parte ng isip ang nagdidikta o nagsasabi sa pagkilos at
pagsasalita na laging magkaugnay.

3. Klasipikasyon ng mga angkan ng wika ayon kay Gleason (1961)

Sino nga ba si Henry Gleason?

- Si Henry Allan Gleason ay isang Amerikanong linggwistiko na nagsabing ang wika ay


isang arbitraryo o paiba-ibang sistema ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

- Dagdag pa ni Gleason, ang wika ay maaaring maging verbal at vocal o maging isang
uri ng pagsulat na ginagamit ng isang sosyo-kultural na grupo. Aplikable ang
depinisyon na ito ni Gleason lalo na sa paggabay sa mga taong may diperensya sa
pagbasa o pagkomunika.
Ang klasipikasyon ng mga angkan ng wika na sinasabi ni Gleason noong 1961 ay
ang mga sumusunod:

1. Indo- European

Germanic

Celtic

Romance

Slavic ng Silangang Europa

Baltic

Indic

Alabanian

Armenian

Griyego ng Greece

Iranian

2. Finno-Ugrian

Finish ng Finland

Estonian ng Estonia

Hungarian ng Hungary

Lappish,Mordvin, Cheremiss- mga

wikang kaangkan na kumalat sa

gawing timog ng Europa at Asya.

3. Altaic

Turkic (Turkish,Azerbaijani- timog kanluran ng Iran at Caucassus; Kirghiz, Uzbeg,


Kazak- kalagitnaang Asya)

Mongol ng Mongolia

Manchu- Tungus ng Silangang Mongolia

4. Caucasian sa rehiyon ng Silangang Mongolia


5. Afro-Asiatic - timog ng Africa sa hilagang kanluran ng Asya.

Semitic (Ebreo ng Israel, Arabiko ng Arabia, Maltese ng Malta, Assyrian ng Asyria,


Aramaic, Phoenician)

Hamitic (Egyptian, Berber ng Timog Africa at ng Sahara, Cushitic ng Silangang


Africa, Chad ng Nigeria )

Mande ng Kanlurang Africa

Kwa ng Gitnang Africa

Sudanic ng Sudan

Bantu ng Niger-Congo

6. Korean

7. Japanese (Niponggo, Ryuku)

8. Sino- Tibetan ng Silangang Asya

Tibeto Burman (Tibetan, Burmese, Garo, Bodo, Naga, Kuki-Chin, Karen)

Chinese (Mandarin, Fukien,Wu, Cantonese)

Kadai (Thai, Siamese, Laotian,Lao,Shan)

9. Malayo- Polinesian (sumusunod nang laki sa Indo- European); kumalat sa mga


kapuluan ng Pasipiko at sa kanluran ng Madagascar)

Indonesian ng East Indies; Tagalog, Bisayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte,


Bicol, atbp. ; Chamerro ng Guam

Malay ng Sumatra, Malaya, Borneo, Batak ng Sumatra; Balinese ng Bali; Dayak ng


Borneo, Makassar ng Celebes

Micronesian

Polynesian (Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maori)

Melanesian (Fijian ng Fuji)

10. Papuan (New Guinea at mga kalapit- pulo)

11. Dravidian (Hilagang India)

Telugu
Tamil

Kannarese ng Kanara

Malayalam ng hilagang- kanlurang India

12. Australian

13. Austo-Asiatic (Hilagang Silangang Asya)

Munda (kalagitnaangIndia); Santoh,Kkasi,Nicolabarese,Palauag, Wa, Mon)

4. Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Maraming panahon ang lumipas bago nakamit ng Pilipino ang kalayaan. Ang mga
taong naninirahan sa Pilipinas ay iba't ibang wika ang ginagamit kaya ang mga
mamamayan noon ay hindi gaanong nagkakaunawaan. Malimit noon ang magkaroon
ng alitan, inggitan, samaan ng loob at iba pang kaguluhan bunga ng di
pagkakaunawaan.

Nagdatingan ang mga dayuhan, iba't ibang lahi tulad ng mga Malayo, Indones,
Intsik, tag-Indiya at Arabia sa ating bansa upang makipagkalakalan.

Dumating at umalis ang mga dayuhan, itinuro ang kani-kanilang gawi at wika
ngunit hindi pa rin nalutas ang mga suliraning dati na sa bansa. Sa malas ay lalo
pang lumubha at lumawak ang di pagkakaunawaan ng mga mamamayang Pilipino.

Ernesto J. Frei (The Historical Development of the Philippine National Language).


Nang mapasailalim ng kapangyarihan ng mga Amerikano ang Pilipinas, napansin ng
mga Pilipino ang malaking kaibahan ng pagbibigay ng edukasyon sa ilalim ng Kastila
at ng mga Amerikano. Sa panahon ng Kastila, nanatiling mangmang ang mga Pilipino
sapagkat ipinagkait sa mamamayan ng Pilipinas ang wikang Kastila.

Dahil sa malaking pagpapahalaga sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng


Pangulong Manuel Luis Quezon, nang magbigay siya ng mensahe sa unang pulong ng
Asembleya ng Pilipinas noong Oktobre 27, 1936. Inirekomenda ang pagtatatag ng
isang Surian ng Wikang Pambansa na siyang mag-aaral ng mga diyalekto sa Pilipinas
upang luminang at bumuo ng isang Wikang Pambansang batay sa isa sa mga ito.

Dahil sa kahilingan ng Pangulong Quezon, ang Asembleya ng Pilipinas ay lumikha


ng isang batas na nakilala sa tawag na Batas Komonwelt Blg. 184, Serye 1936. Ito'y
isang batas na lumilikha ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng
kapangyarihan nito pati na ng mga tungkulin sa isang ispesyalna sesyon, noong
Nobiyembre 13, 1936.
Mga Bumuo sa Surian ng Wikang Pambansa

Patnugot: Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) - tagapagtatag ng Wikang Pambansa


(Agosto 13-19,

1955)

Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)

Mga Kagawad:

o Santiago Fonacier (Ilokano)

o Filemon Sotto (Cebuano) - nagdimite

o Casimiro Perfecto (Bicol)

o Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon)

o Hadji Butu (Tausug)

May walong (8) wikang pinagbabatayan ang ginagawang pagsusuri sa mga piling
diyalekto ng Pilipinas:

1. Tagalog

2. Waray

3. Kapampangan

4. Hiligaynon

5. Pangasinense

6. Bicolano

7. Cebuano

8. Ilokano

Mga Batas Pangwika

1. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)

"...ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang


wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika..."
2. Batas Komonwelt bilang 184 (1936)

Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito
ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.

3. Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937)

Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng


Pilipinas.

4. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940)

Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng


wikang pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga
paaralan,pambayan man o pribado.

5. Proklama blg. 12 (1954)

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng


Linggo ng Wika sa Marso 29

hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.

6. Kautusang blg. 52 (1987)

Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987

7. Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987)

Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng


1987.

8. Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987)

Ang Alpabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino.

V. Pagsasanay
Hanapin sa kahon ang mga sagot sa katanungan sa ibaba.

Wika Teoryang Bow-wow Tore ni David


panitikan Teoryang Pooh- Pooh Tore ni Lunso
kasulatan Saligang batas Australian
Pangulong Fedil Ramos Memorandum Kagandahan
Pangulong Disdado Macapagal kautusan Dignidad
Teoryang Yum- Yum Tore ng Babel Pagkakakilanlan
Afro- Asiatic Malayo- Polinesian B
Ginagamit ng nakararami Maganda ang tunog Linangan ng Wika
Maraming tulang nasusulat dito Komisyon sa Pagsusuri ng Wika
Komisyon sa Wikang Filipino V
K

1. Ito ay kagamitang nakailangan sa pagpapahayag ng damdamin.

2. Siya ang pangulo ng Pilpinas na nagmalasakit para sa pagkakaroon ng Wikang


Pambansa.

3. Teorya na nagsasabi ng panggagaya ng tao sa narinig na tunog.

4. Anong dokumento noong 1935 ang matibay na katibayan na tayo ay papunta na sa


pagkakaroon ng Wikang Pambansa?

5. Ito ay teorya ang wika na hango sa Bibliya.

6. Sa maraming wika sa daigdig saang klasipikasyon nagmula ang ating wika?

7. Ano ang sinisimbolo ng wika sa isang bansa?

8. Bakit napili ang Tagalog para maging batayan ng Wikang Pambansa?

9. Alin sa maga titiuk ang nagdagdag sa lumang alpabeto?

10. Ano ang tawag ngayon sa Surian ng Wikang Pambansa?

VI. Pangwakas na Ebalwasyon


A. Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano- anong ahensya ng bansa ang nagkatulong-tulong para sa pagkakaroon ng


Wikang Pambansa?

2. Sa mga Wikang umiiral sa bansa, alin sa palagay mo ang dapat pahalagahan sa


pagpilili ng dayalektong gagawing Wikang Pambansa?
3. Ano- ano ang ginamit na “criteria” sa pagpili ng Tagalog bilang Pambansang Wika?

4. Paano naiwasan ang “regionalism” sa pagpili ng dayalektong gagawing batayan


ng Wikang Pambansa?

5. Sino -sino ang mga kilalang tao na nakatulong sa pagkakaroon ng Wikang


Pambansa?

B. Magbigay ng ilang pangungusap na nauugnay sa mga sumusunod:

1. Hadji Butu

2. 28 titik

3. Batas Komonwelt Blg. 570

4. Intelektwalisasyon ng wika
5. Jayme C. De Veyra

6. Ferdinand Marcos

7. Lope K. Santos

8. Tagalog

9. Bicol

10. Manuel L. Quezon

D. Magbigay ng iyong repleksyon mula sa araling napag- aralan mo sa mga


aralin sa Modyul na ito.
VII. Sanggunian:
Aklat

Tiamson, Ligaya G. et al, 1987, Retorika, Rex Book Store

Baltazar, Natalia A. 1997, Ang Pagtuturo ng Filipino sa mga Di- Tagalog, Rex
Book Store

Lachica, venronda S., 2001 Komunikasyon at Linggwistika, gmk Wika ng


Retorika ISBI 1999

Komisyon sa Wikang Filipino, 2001, Rebisyon ng Alfabeto at Patnubay at


Ispeling ng Wikang Filipino

Matic, Avelina J. et al. 1998, Sining sa Pakikipagtalastasan


Website

https://philnews.ph/2019/07/23/kahulugan-ng-wika-buod-katangian-
uri- teorya/

https://phlconnect.ched.gov.ph/admin/uploads/eae27d77ca20db309e056e3d2
dcd7d69/Batayang-

Kaalaman-sa-Wika-at-Lingguwistika-LOPEZ-MARIA-ELIZA-

S.pdf?fbclid=IwAR0KndSsD56qtulDz RU7gEMXJKXyDtCrLiL7wBonkVFFZoAw-
7ra4sQ7Y

https://brainly.ph/question/568828

https://www.slideshare.net/KentJohnDelaCruz/mga-teoryang-pinagmulan-
ng- wika

https://isabelgonzales1104.wordpress.com/2015/11/20/wika-mga-teorya-
at- paniniwala-sa-pagkatuto/

https://angelicatagle.wordpress.com/2016/10/31/mga-teorya-sa-
pinagmulan- ng-wika/

https://www.affordablecebu.com/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-filipino

You might also like