You are on page 1of 10

PAGSUSULIT 2

Pangalan:___ABEGAIL MARIE A. LIBRES_____ Marka:______________

Kurso/Taon at Pangkat : ____BSCE 2-C________ Petsa: __SETYEMBRE 01, 2020__

Panuto: Sa kalahating papel na pahaba isulat ang titik ng wastong salita sa loob
ng panaklong upang mabuo ang sumusunod na pangungusap.

___B___1. Batay sa patakarang pangwika ng Pambansang Samahan sa


Sikolohiyang Pilipino, ang wikang (a. Tagalog, b. Filipino, c. Ingles) ay wikang
pagdudukalan ng pagkakakilanlang pambansa.

___A____2. Simula nang ituro ang wikang pambansa sa sistema ng edukasyon


noong 1940 hanggang sa maging midyum ng pagtuturo alinsunod sa Patakarang
Bilinggwal noong dekada 70, umunlad na ito bilang ganap na disiplina at pananaw
sa pakikipag ugnayang (a. pandaigdig, b. pambansa, c. panrelihiyon)

___C___3. Bilang (a. mamamayan, b. wika, c. asignatura) , sakop ng Filipino ang


iba’t ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Pilipino na magpapatibay sa
pagkaugat ng mga estudyanteng sa sariling identidad.

___C___4. Layunin dapat ng (a. pamilya, b. relihiyon, c. edukasyon ) ang


humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong – bayan na pakikinabangan ng
bayan.

___A___5. Hindi mapapasubalian na ang Filipino ay ‘di lamang midyum ng


komunikasyon gaya ng mga iniisip ng ilang iskolar na Pilipino na tumututol dili
kaya ay tumatangging tanggapin ang katotohanang ang Filipino ay (a. disiplina, b.
wika, c. asignatura).

___A___6. Patuloy ang (a. KWF, b. NCCA c. UAAP) sa pagsasagawa ng mga


panayam at kumperensya, pagsusulat at pagsasalin ng mga sanggunian at
paglalathala ng pananaliksik sa mga larangang teknikal gamit ang wikang Filipino
sa tulong na rin ng mga iskolar na naniniwala sa kakayahan ng wikang ito na
magamit sa nabanggit na mga larangan.

___A___7. Isa si Dr. Fortunato Sevilla ng Kolehiyong ng Agham ng (a. UST, b. UP-
Diliman, c. Ateneo) sa nagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo
ng Kemistri, Pisika at iba pang kaugnay na larangan.

___A___8. Matibay ang paniniwala ni Atty. James Domingo ng Kolehiyo ng


Akawntansi ng (a. UST, b. UP-Diliman, c. DLSU- Manila) sa kakayahan ng wikang
Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa kursong akawntansi.

___B___9. Magmula sa simpleng pagbibilang hanggang sa pagkokompyut ng


income tax return at ng mga bayarin sa kuryente at tubig, makikita ang tungkuling
ginagampanan ng (a. Syensya, b.Matematika, c. Inhenyeriya).

___A____10. Napatunayang na malaki ang papel na ginagampanan ng wikang (a.


Filipino, b. Kastila, c. Taglish) bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng
Matematika sa mga Pilipinong mag-aaral.

___C___11. Sa larangan ng Inhenyeriya, isang pundasyon at malaking patunay


ang ginawang eksperimentasyon ni Carlito M. Salazar ng (a. Ateneo, b. PUP, c.
DLSU-Manila) sa kakanyahan ng Filipino bilang wika ng karunungang nang gamitin
niya ito bilang midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa Inhenyeriya.
___A___12. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino sa larangan
ng (a. Medisina, b. Inhenyeriya , c. Agrikultura) dahil ito ang nagsisilbing
pangunahing instrumento ng mga doctor sa kanilang panggamot sa mga
mamamayang Pilipino na nasa marhinalisadong sitwasyon o maging mga nasa
gitnang uri man.

___A___13. Samantala, isa si Dr. Luis P. Gatmaitan sa nagtataguyod ng wikang


Filipino sa larangan ng Medisina sa pamamagitan ng kanyang mga kwentong (a.
pambata, b. pangkabataan, c. pangmatanda) na nasusulat sa wikang Filipino.

___A___14. Ayon kay Timbreza, walang nakikitang problema sa paggamit ng


wikang Filipino sa mga disiplina tulad ng syensya, teknolohiya at humanidades
sapagkat ang wikang ito ay (a. mapag-ampon, b. mapagkalinga , c. mapagmahal)

___B___15. Pinatunayan na ng mga saliksik na ang Filipino ay may kakayahang


maging (a. eksklusibong, b. inklusibong, c. komunikatibong) wika sa edukasyon sa
bansa sa darating na panahon.
Gabay sa Pagtalakay:

Panuto: Kupyahin ang tanong at sagutin sa isang buong papel.

1. Paano at bakit ang Filipino ay naging isang disiplina? Ano ang istatus ng
Filipino bilang isang disiplina? Ano-ano ang mga patunay nito?

SAGOT: Ang wikang Filipino ay wikang pagdudukalan ng pagkakakilanlang


pambansa. Ang kabihasnan at kultura ng Pilipino ay nakalakip sa wikang ito.
Samakatwid, lulan ito ng natatanging kakayahan ng komunidad. Lumikha ito ng
sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Pilipino ng anumang
usapin sa loob at labas ng akademya. Ito ay bahagi ng ano mang edukasyong
propesyonal. Gayon din, kakabit ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at
paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Nagpapatunay na ang Filipino ay
higit pa sa pagiging midyum ng komunikasyon. Una, ang wikang Filipino ay
itinuturing na kasaysayan ng bansa. Pangalawa, ang wikang Filipino ang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ito ang nagbibihis sa pagiging Pilipino ng
bawat isa. Pangatlo at panghuli, ang wikang Filipino ay susi sa kaalamang bayan
dahil nasa wika ang kaalaamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.

2. Gaano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Syensya, Matematika,

Inhenyeriya, at iba pang kaugnay na larangan? Ano-ano ang mga patunay nito?

SAGOT: Sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sy mas mabilis na


nauunawaan ng mga mag-aaral ang lalim at lawak ng mga konseptong
pang-agham. Bunga nito, mas nagiging buhay ang talakayan sa klase
dahil ganap na nakikiisa ang mga mag-aaral. Ang ganitong pangyayari
ay nagbubukas sa mas mataas na paghahangad ng mga mag-aaral na
matututo ng Syensya na magagamit nila sa pang- araw-raw na buhay.
Halos parehas lang ang porsyento ng nakuhang marka ng mga mag-
aaral niya na sumasailalim sa pag-aaral ng Algebra sa wikang Ingles at
sa wikang Filipino sa panayam na ibinigay ni Dr. Maxima Acelajado.
Mas naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong ukol sa
asignaturang gamit ang wikang Filipino dahil komportable na sila sa
paggamit ng wikang ito. Wala ring hadlang sa pagsasalita lalo na sa
talakayan. Sa larangan naman ng Inhenyeriya, maraming mga mag-
aaral ang pumapabor sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng
mga nasabing asignatura bunga ng mga sumusunod na dahilan. Mas
madaling natutuhan ang mga teorya at konseptong pang-Inhenyeriya
gamit ang Filipino. Kung susuriin ang obserbasyon at resulta ng pag-
aaral ni Salazar (1995), nagpapatunay lamang na ano mang wika sa
mundo ay may kakayahan na maging wikang teknikal. malaki rin ang
ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino sa larangan ng Medisina
o Panggagamot. Sa katunayan, ito ay nagsisilbing pangunahing
instrumento ng mga doctor sa kanilang paggagamot sa mga
mamamayang Pilipino na nasa marhinalisadong sitwasyon o maging
mga nasa gitnang uri man. Dahil sa wikang ito mas napapabilis ang
ugnayan ng pasyente at doctor. Mas nararamdaman ang pagkalinga ng
mga doctor sa kani-kanilang pasyente dahil sa kakaibang katangian ng
wikang Filipino- mapagkalinga, mapag-aruga. Mahalagang tumimo sa
isip ng bawat Pilipino na ang wikang Filipino ay patuloy na uunlad sa
iba’t ibang larangan. Lalo’t higit , pinatunayan na ng mga saliksik na
ito ay may kakayahang maging inklusibong wika sa edukasyon sa
bansa sa darating na panahon.

3. Gaano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Humanidades, Agham

Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan? Ano-ano ang mga patunay nito?

SAGOT: Gaya ng Agham, kailangan ang Humanidades upang makita ng tao


ang kanyang katauhan at maunawaan niya ito sa pamamagitan ng
kanyang wika, kulay, disenyo, tono , linya at iba pang elementong kaugnay
ng mga nabanggit. Kaugnay nito, hindi maikakailang mas madaling
maunawaan ng mga Pilipinong mag-aaral ang kanyang pagkatao at tunay
na diwa ng didiplinang ito gamit ang wikang Filipino particular kung ang
tuon nito ay pag-araln ang kultura at sining ng Pilipinas tungo sa pag-
unawa sa kanyang sarili at pagka-Pilipino. Bukod pa, marami nang pag-
aaral ang nagsasabing mas natututo ang mga mag-aaral at mas nagsasalita
sa klase kung ang ginagamit na wikang panturo ay wika ng kanyang
lipunan (Teodoro, 2018). Sa larangan naman ng agham-panlipunan,
nagsimula ito bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining at Agham na
kinabilangan ng Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya at Kasaysayan.
Bunga ng ganitong eksperimentasyon, napatunayan na higit na
nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilang mga pinag-aralan, ito man ay
madali o malalim na konsepto. Samakatwid. lumabas sa nasabing
eksperimento na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham- Panlipunan
gamit ang wikang Filipino sapagkat higit na nagkakaunawaan ang mga
guro at mag-aaral (Tiamson -Rubin, 1993). Sa larangan ng pamahayagan,
noong unang panahon mas tumagos ito sa masang Pilipino dahil sa
nasusulat ito sa wikang Tagalog. Ito ay bunga ng paniniwala ng Andres
Bonifacio na ang kailangan ng bayan sa panahong yaon ay ang pahayagang
nasa wika katutubo upang ganap na maunawaan ng mga Pilipino ang lalim
at lawak ng mga isyung panlipunan na inilathala dito.Kaya’t maraming
iskolar at propesor mula sa iba’t ibang unibesidad ang gumamit ng wikang
ito bilang midyum sa pagtuturo at wika ng kanilang pananaliksik kabilang
na ang UP, DLSU-Manila, UST, PUP at Ateneo.

4. Paano pa mapapalaganap at mapauunlad ang paggamit ng wikang Filipino sa


iba’t ibang larangan.

SAGOT: Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wikang FIlipino. Ang


Pagpapalagananap ng kaalaman tungkol sa wikang Filipino ay makakatulong sa
maraming paraan. Kailangan natin itong ipalaganap upang maraming tao ang
makakaalam at para maraming magpapahalaga ng wikang Filipino sa ating
bansa. Isa rin ang pagamit ng wikang Filipino sa paaralan at sa komunidad.
Kailangan rin na magsagawa ng isang batas upang pagtibayin ang paggamit ng
wikang Filipino sa isang larangan. Dahil kung walang mataas na posisyong
magpapanukala ng batas ay hindi uunlad at mapapalaganap ang wikang ito. At
higit sa lahat wag kalimutan na ipagmalaki, pahalagahan at gamitin natin ang
wikang Filipino sa ating buhay.

Gawain:

Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan ng mga gamiting terminolohiya


ukol sa bawat sumusunod na larangan o disiplina (Depende kung anong kurso ng
magaaral) . Itala rin ang kaukulang kahulugan, salin sa Filipino, at gamiting sa
pangungusap ng salin sa Filipino ng terminolohiya. Gagamitin ang sa isang buong
papel sa pagsagot ng gawain.

Sining at Agham (Sikolohiya, Industriya at Teknolohiya, Enhenyeriya)

Terminolohiya Kahulugan Mula sa Salin sa Filipino Gamit sa


Aklat/
Pangungusap
Diksyunaryo
1. Construction Sa mga larangan ng Konstruksyon Ang breadboard ay
arkitektura at isang pundasyon ng
inhinyeriyang sibil, konstruksyon para
ang konstruksiyon o sa paglikha ng
paggawa ng gusali prototype ng
ay isang prosesong elektronika.
binubuo ng
paggawa,
pagtatayo, o
pagbubuo ng
imprastruktura.

2. Formula Ang pormula ay Pormula Maraming mga


isang bagay na simpleng pormula
binubuo ng mga sa pisika ang may
simbolo at natural na tuloy
patakaran sa tuloy na analogo sa
pagbuo ng isang mga termino ng
binigay na lohikal na mga linyang
wika. integral.
3. Physics Isang natural na Pisika Napakahirap ng
agham na pagsusulit namin
sumasangkot sa kanina sa
pag-aaral ng asignaturang pisika.
materya at mosyon
nito sa espasyo-
panahon kasama ng
mga kaugnay na
konseptong gaya ng
enerhiya at pwersa.

4. Equation Sa matematika, ang Ekwasyon Mali ata yung


tumbasan o ekwasyong ginamit
ekwasyon (Ingles: ko kanina sa
equation) ay ang pagsagot ng aking
pangungusap na takdang aralin.
pangmatematika na
naghahayag ng
ekwalidad (pagiging
magkatumbas o
magkapantay) ng
dalawang
ekspresyon.

5. Building Ang gusali o Gusali Ang tukudlangit ay


edipisyo ay nakatindig nang
istraktura na mas mataas ng
ginagawang opisina, ibang gusali sa
kondominyum, paligid.
paaralan at marami
pang iba. Maaari rin
tawaging gusaling
tukodlangit kung
ang pag babasihan
ang taas
(kinakailangang
higit pa sa 150 m o
492 ft ang taas).
Importante ang
gusali sa isang
umuunlad na
lungsod.

You might also like