You are on page 1of 2

Ang Magkapatid

Minsan may magkapatid na naninirahan sa isang


bayan. Ang isa ay mayaman. At ang isa naman ay
mahirap na walang ibang pinagkakabuhayan kundi ang
pagtatanim ng kalabasa.
Isang araw, namunga ng isang kakaibang kalabasa ang
kanyang pananim. Isang kalabasang may pambihirang
laki!
Hindi alam ng lalaki ang kanyang gagawin sa
dambuhalang kalabasa.
Naisin man niyang kainin ito, ngunit napakalaki at tiyak
na maraming masasayang. Kung mag-iimbita siya ng mga
bisita para kumain sa kalabasa ay manghihinawa lang ang
mga iyon. Kung dadalhin naman niya sa palengke upang
ibenta ay hindi rin maaari. Walang sasakyang maaaring
magdala sa ganito kalaking kalabasa. At hindi rin
magiging sapat ang kita para makabawi sa gagamiting
transportasyon patungo sa palengke.
Naisip ng taong ito na iregalo na lamang sa hari ang
dambuhalang kalabasa.
At ganoon nga ang kanyang ginawa. Laking tuwa ng
hari. Dahil noon lamang ito nakakita ng ganoong kalaking
kalabasa.
Isa itong kamangha-manghang bagay. Tiyak na magiging
pangunahing pang-akit ito sa ating kaharian!
At dahil sa kasiyahan ng hari, binigyan nito ng ginto at
mamahaling bato ang taong nagbigay ng regalo. Tuwang-
tuwa siya at kaagad nagtungo sa kanyang kapatid upang
isalaysay ang nangyari.
Hindi makapaniwala ang kanyang mayaman na kapatid.
Gayunpaman, naisip ng mayamang kapatid na kung ang
hari ay natuwa sa walang kuwentang kalabasa, tiyak na
mas ikagagalak nito kung reregaluhan niya ng mas
mahalagang bagay tulad ng mamahaling kasuotan at
magagandang alahas.
Kayat ganoon nga ang ginawa ng mayamang
kapatid. Niregaluhan niya ang hari ng mga magagandang
kasuotan at magagandang alahas.
Lubos namang natuwa ang hari. Ang sabi niya, Ang mga
ganitong pambihirang regalo ay dapat lang suklian ng
pambihirang regalo.
Natuwa ang mayamang kapatid. Batid na niyang saku-
sakong ginto ang ireregalo sa kanya.
Ngunit sa kanyang kabiglaanan, ang ipinagkaloob sa kanya
ng hari ay ang pinakamahalagang bagay sa palasyo noong
mga sandaling oyon.
At iyon ay walang iba kundi ang dambuhalang kalabasang
nagmula sa kanyang kapatid.
Mensahe: Magbigay tayo nang hindi naghahangad ng
kapalit. Huwag umasa ng kapalit sa bawat bagay na
ibinibigay natin nang hindi tayo mapahiya.

Sanggunian: Custodio, R.M. Pabula at Parabula. Valenzuela


City: S.G.E. Publishing, Inc., pp. 95-96.

You might also like